Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

recital-the-word-appears-in-the-flesh-3
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

recital-latest-expression
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Unang bahagi

Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay nanirahan sa mundo sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon, datapwa’t ginampanan Niya ang Kanyang ministeryo sa loob lamang ng tatlo at kalahati sa mga taong iyon. Kapwa sa panahon ng Kanyang paggawa, at bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain, Siya ay nagtaglay ng karaniwang katauhan. Nanahan Siya sa Kanyang karaniwang katauhan sa loob ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Sa buong huling tatlo at kalahating taon ibinunyag Niya ang Kanyang sarili bilang ang nagkatawang-taong Diyos. Bago Niya sinimulang gampanan ang Kanyang ministeryo, Nagpakita Siya sa payak, at normal na pagkatao, hindi nagpapakita ng tanda ng Kanyang pagka-Diyos, at ito’y pagkatapos lamang nang sinimulan Niyang pormal na gampanan ang Kanyang ministeryo na ang Kanyang pagka-Diyos ay nahayag. Ang Kanyang buhay at gawain noong panahon ng mga unang dalawampu’t siyam na taon ay nagpakita lahat na Siya ay isang tunay na tao, isang anak ng tao, isang katawang-tao; sapagka’t ang Kanyang ministeryo ay nagsimula lamang umalab matapos ang edad na dalawampu’t-siyam. Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao. Ang Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita, noong unang yugto Siya ay namumuhay bilang di-banal, ganap na karaniwang katauhan, sumasangkap sa lahat ng mga karaniwang gawain ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi nagpapakita ng panlabas na palatandaan nang higit-sa-karaniwan. Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Sa kadahilanang, sa panahon ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na karaniwang pagkatao at ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang Kanyang pagiging tao ay gumulang, magkaroon ng kakayahang pasanin ang Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang nagkatawang-taong Diyos ay nagsimula ng Kanyang ministeryo nang maalab, gumaganap ng higit-sa-karaniwan na mga tanda at mga himala, kung gayon Siya ay hindi magkakaroon ng mala-pisikal na kakanyahan. Samakatuwid, ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang mala-pisikal na kakanyahan; hindi magkakaroon ng laman kung walang katauhan, at ang isang persona na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Ang pagsasabi na “kapag ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga tao,” ay isang kalapastanganan, dahil ito ay isang imposibleng paninindigan na mapangangatawanan, isa na lumalabag sa alituntunin ng pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito ay dahil nang panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin ng pagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa’t ito ay isang pagka-Diyos na nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni’t ang tagaganap ng gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagka’t ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni’t mayroon ding diwa ng Diyos. Sapagka’t Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos, Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao na kayang gampanan ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, tanging Siya lamang ang nagkatawang-taong Diyos Mismo -- lahat ng iba ay nilikhang mga tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang laman hindi lamang pagkatao ang mayroon Siya ngunit higit na mas mahalaga ay mayroong pagkadiyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, nguni’t ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan, at hindi bilang higit-sa-karaniwan na naguguni-guni ng tao tungkol dito, ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. Kahit ngayon ito ay lubos na mahirap para sa mga tao na arukin ang totoong kakanyahan ng nagkatawang-taong Diyos. Sa katunayan, kahit pagkatapos Kong magsalita tungkol dito nang ganoong kahaba, Inaasahan Ko na ito ay isa pa ring misteryo sa karamihan sa inyo. Ang isyung ito ay napaka-simple: Yamang ang Diyos ay naging laman, ang Kanyang kakanyahan ay isang kumbinasyon ng pagkatao at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.

Ang buhay na isinabuhay ni Jesus sa lupa ay isang karaniwang buhay ng katawang-tao. Siya ay namuhay sa karaniwang pagkatao ng Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad—na gawin ang gawain ng Diyos at sambitin ang salita ng Diyos, o pagalingin ang maysakit at magpalayas ng mga demonyo, para gawin ang ganoong hindi-pangkaraniwang mga bagay—ay hindi nakita, sa pinakamalaking bahagi, hanggang sa Siya ay nagsimula ng Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago ang edad na dalawampu’t siyam, bago Niya ginampanan ang Kanyang ministeryo, ay sapat na patunay na Siya ay isa lamang karaniwang tao. Dahil dito, at dahil hindi pa Siya nakapagsisimula ng Kanyang ministeryo, ang mga tao ay walang nakitang banal sa Kanya, walang nakitang higit sa isang normal na tao, isang karaniwang tao—gaya noong pinaniniwalaan Siya ng ilang mga tao bilang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng ordinaryong tao, walang ibang paraan para maihayag na Siya ang katawang-taong Diyos; kahit na noong, sa pagdaan nang pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay gumawa ng maraming milagro, karamihan sa mga tao ay nagsabi pa rin na anak Siya ni Jose, sapagka’t Siya ay ang Cristo na may panlabas na anyo ng normal na pagkatao. Ang Kanyang karaniwang pagkatao at Kanyang gawain ay parehong umiral upang tuparin ang kahalagahan ng unang pagkakatawang-tao, na nagpapatunay na ang Diyos ay ganap na naging laman, naging isang lubos na ordinaryong tao. Na Siya ay nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain ay patunay na Siya ay isang ordinaryong laman; at ang Kanyang paggawa pagkatapos nito ay pagpapatunay na Siya ay isang payak na laman, sapagka’t Siya ay gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo sa katawan ng karaniwang tao. Ang dahilan na kaya Niyang gumawa ng mga milagro ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay mayroong awtoridad ng Diyos, na ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ng Diyos ay binihisan. Siya ay nagtataglay nitong awtoridad dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ibig sabihin nito na Siya ay hindi isang katawang-tao. Ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain na kailangan Niyang gampanan sa Kanyang ministeryo, isang pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at kahit anong mga palatandaan ang Kanyang ipinakita o paano Niya pinatunayan ang Kanyang awtoridad, Siya pa rin ay namuhay sa karaniwang pagkatao at isa pa ring normal na katawang-tao. Hanggang dumating sa puntong Siya ay muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus, Siya ay nanahan sa isang normal na katawang-tao. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay bahaging lahat ng Kanyang ministeryo, lahat ay gawaing ginampanan Niya sa Kanyang karaniwang katawang-tao. Bago Siya pumunta sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa Kanyang karaniwang katawang-tao, anuman ang Kanyang ginagawa. Siya ay ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, datapwa’t dahil Siya ay nagkatawang-taong Diyos, kumain Siya ng pagkain at nagsuot ng damit, nagkaroon ng karaniwang pangangailangan ng tao, nagkaroon ng karaniwang katuwiran ng tao at karaniwang pag-iisip ng tao. Ang lahat ng ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, kung saan pinatunayan na ang katawang-tao ng Diyos ay isang laman na may karaniwang pagkatao, hindi isang higit-sa-karaniwan. Ang Kanyang tungkulin ay upang kumpletuhin ang gawa ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos, upang tuparin ang ministeryo ng unang pagkakatawang-tao. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang payak, at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; iyon ay, na ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang pagka-Diyos na gawain sa pagkatao at sa gayong paraan ay tinatalo si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang laman, iyon ay, ang Diyos ay nagiging laman; ang gawain na ginagawa Niya sa laman ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa laman, ipinahayag sa pamamagitan ng laman. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, katawang-tao ng Diyos lamang, itong karaniwang katauhan—at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng banal na gawain. Kung, noong panahon ng Kanyang unang pagdating, ang Diyos ay hindi nagkaroon ng karaniwang pagkatao bago ang edad na dalawampu’t siyam—kung sa sandali na Siya ay ipinanganak ay nakagagawa na Siya ng mga himala, kung sa sandali na Siya ay natutong magsalita Siya ay nakapagsalita ng wika ng langit, kung sa sandali ng unang pagtapak Niya sa lupa ay naintindihan agad Niya ang lahat ng makamundong mga bagay, nababatid ang bawa’t pag-iisip at mga intensyon ng bawa’t tao—sa gayon ay hindi Siya matatawag na isang normal na tao, at ang Kanyang laman ay hindi matatawag na laman ng tao. Kung ito ang naging katayuan kay Cristo, samakatwid ang kahulugan at kakanyahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay mawawala. Na Siya ay nagtataglay ng karaniwang pagkatao ay nagpapatunay na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katunayan na Siya ay sumailalim sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay higit pang nagpapakita na Siya ay isang normal na laman; at bukod doon, ang Kanyang gawa ay sapat na patunay na Siya ay salita ng Diyos, Espiritu ng Diyos, na nagiging laman. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan ng gawain; sa madaling salita, itong yugto ng gawain ay kailangang matupad sa laman, matupad sa karaniwang pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa “ang Salita ay nagiging laman,” para sa “ang Salitang nagpapakita sa laman,” at ito ay ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Maaaring maniwala ang mga tao na ang buong buhay ni Jesus ay may kasamang mga himala, na mula sa simula hanggang sa katapusan ng Kanyang gawain sa lupa hindi Siya nagpakita ng karaniwang pagkatao, na hindi Siya nagkaroon ng normal na pangangailangan ng tao o mga kahinaan o mga emosyon ng tao, hindi nangailangan ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay o maglibang sa karaniwang pag-iisip ng tao. Payak nilang iniisip na mayroon Siyang higit-sa-karaniwang pag-iisip, isang nangingibabaw na katauhan. Naniniwala sila na dahil Siya ay Diyos, hindi Siya dapat mag-isip at mamuhay tulad ng ginagawa ng karaniwang tao, na isang normal na tao lamang, isang tunay na nilalang, ang kayang mag-isip ng pangkaraniwang mga kaisipan ng tao at mamuhay ng isang normal na pantaong buhay. Ang lahat ng mga ito ay mga ideya ng tao, at mga paniwala ng tao, na salungat sa orihinal na mga hangarin ng gawain ng Diyos. Ang normal na pag-iisip ng tao ay sumusuporta sa normal na pantaong katuwiran at normal na pagkatao; ang normal na pagkatao ay sumusuporta sa normal na tungkulin ng katawang-tao; at ang normal na tungkulin ng katawang-tao ay nagpapagana sa normal na buhay ng katawang-tao sa kabuuan nito. Tanging sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganoong katawang-tao maaaring matupad ng Diyos ang layunin ng Kanyang pagkakatawang-tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos ay nagtaglay lamang ng panlabas na balat ng laman, nguni’t hindi nag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao, kung gayon ang lamang ito ay hindi magtataglay ng katuwiran ng tao, lalo pa ang tunay na pagkatao. Paanong ang isang laman na tulad nito, na walang pagkatao, ay tutupad sa ministeryo na dapat gampanan ng nagkatawang-taong Diyos? Ang normal na isipan ay nagpapanatili ng lahat ng aspeto ng buhay ng tao; kung walang normal na isipan, ang isa ay hindi magiging tao. Sa madaling salita, ang taong hindi nag-iisip ng normal na mga kaisipan ay may sakit sa pag-iisip. At ang Cristo na walang pagkatao kundi tanging pagka-Diyos lamang ay hindi masasabing laman ng nagkatawang-taong Diyos. Kaya, paanong ang laman ng nagkatawang-taong Diyos ay mawawalan ng normal na pagkatao? Hindi ba kalapastanganan ang sabihing si Cristo ay walang pagkatao? Lahat ng gawain na sinasangkapan ng normal na mga tao ay umaasa sa pagtakbo ng isang normal na isipan ng tao. Kung wala ito, ang mga tao ay kikilos nang hindi karaniwan; hindi man lamang nila masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng itim at puti, mabuti at masama; at hindi sila magkakaroon ng mga mabuting asal na pantao at mabuting mga panuntunan. Katulad nito, kung ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi nag-isip gaya ng normal na tao, kung gayon ay hindi Siya magiging tunay na katawang-tao, isang normal na katawang-tao. Ang ganitong di-nag-iisip na laman ay hindi makakayang gumanap ng banal na gawain. Hindi Niya makakayang sumangkap sa mga karaniwang gawain ng katawang-tao, lalo pa ang mamuhay kasama ang mga tao sa lupa. At kaya ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang tunay na diwa ng pag-aanyo ng Diyos sa katawang-tao, ay mawawala. Ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ay umiiral para manatili ang normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pantaong pag-iisip ay sumusuporta sa Kanyang karaniwang pagkatao at sa lahat ng Kanyang normal na mala-pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng isa na ang Kanyang normal na pag-iisip bilang tao ay umiiral upang ipagpatuloy ang lahat ng mga gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung itong katawang-tao ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, ang Diyos ay hindi makakagawa sa katawang-tao, at ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao ay hindi kailanman magaganap. Kahit ang katawang-taong Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng normal na pag-iísíp ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi binuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala dito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawa ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos, nguni’t hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao ang may kaya. Kaya ang nagkatawang-taong Diyos ay dapat nagtataglay ng isang karaniwang isipan ng tao, dapat nagtataglay ng karaniwang pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na may normal na isipan. Ito ay ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap