Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi)

Una ay nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at lumikha rin Siya ng ahas. Sa lahat ng bagay, ang ahas na ito ang pinaka-makamandag; ang katawan nito ay may lason, na ginamit ni Satanas upang samantalahin ito. Ang ahas ang nanukso kay Eba na magkasala. Nagkasala si Adan pagkatapos ni Eba, at pagkatapos ay nagawa nilang dalawa na makatukoy sa pagitan ng mabuti at masama. Kung alam ni Jehova na tutuksuhin ng ahas si Eba at na tutuksuhin ni Eba si Adan, bakit Niya sila inilagay lahat sa loob ng isang halamanan? Kung nagawa Niyang hulaan ang mga bagay na ito, bakit Niya nilikha ang ahas at inilagay ito sa loob ng Halamanan ng Eden? Bakit nasa Halamanan ng Eden ang bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama? Gusto ba Niyang kainin nila ang bunga? Nang dumating si Jehova, hindi nangahas si Adan ni si Eba na harapin Siya, at noon lamang nalaman ni Jehova na kinain na nila ang bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama at nabiktima sila ng panlilinlang ng ahas. Sa huli, isinumpa Niya ang ahas, at isinumpa rin Niya sina Adan at Eba. Nang kainin nilang dalawa ang bunga ng puno, ni hindi man lang alam ni Jehova na ginagawa nila iyon noon. Naging tiwali ang sangkatauhan hanggang sa maging masama sila at malaswa, hanggang sa lahat ng kinimkim nila sa kanilang puso ay masama at hindi matuwid; lahat ng iyon ay marumi. Sa gayon ay pinagsisihan ni Jehova ang paglikha sa sangkatauhan. Pagkatapos niyon, isinagawa Niya ang Kanyang gawaing wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha, na naligtasan ni Noe at ng kanyang mga anak. Ang ilang bagay ay hindi talaga kasing-unlad at higit-sa-karaniwan na tulad ng maaaring isipin ng mga tao. Nagtatanong ang ilan: “Yamang alam ng Diyos na ipagkakanulo Siya ng arkanghel, bakit Niya ito nilikha?” Narito ang mga tunay na nangyari: Bago umiral ang mundo, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan sa lahat ng anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay rito ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Kalaunan, matapos likhain ng Diyos ang sangkatauhan, sa lupa naman ay nagsagawa ng mas malaki pang pagtataksil ang arkanghel laban sa Diyos. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at lampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba na magkasala, at ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at patalikurin ang sangkatauhan sa Diyos at sa halip ay sundin nila ang arkanghel. Nakita ng arkanghel na maaari itong sundin ng napakaraming bagay—magagawa iyon ng mga anghel, gayundin ng mga tao sa ibabaw ng lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, kagubatan, kabundukan, mga ilog, ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa ay nasa pangangalaga ng mga tao—ibig sabihin, nina Adan at Eba—samantalang sinunod nina Adan at Eba ang arkanghel. Sa gayon ay hinangad ng arkanghel na lampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Pagkatapos niyon, pinamunuan nito ang maraming anghel na maghimagsik laban sa Diyos, na kalaunan ay naging iba’t ibang uri ng maruruming espiritu. Hindi ba sanhi ng katiwalian ng arkanghel ang pag-unlad ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil pinagtaksilan ng arkanghel ang Diyos at ginawang tiwali ang sangkatauhan. Ang paisa-isang hakbang na gawaing ito ay hindi mahirap unawain at simple na katulad ng maaaring isipin ng tao. Isinagawa ni Satanas ang pagtataksil nito sa isang dahilan, subalit hindi naintindihan ng mga tao ang gayon kasimpleng bagay. Bakit ang Diyos, na lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, ay nilikha rin si Satanas? Yamang labis na kinamumuhian ng Diyos si Satanas, at si Satanas ay Kanyang kaaway, bakit Niya nilikha si Satanas? Sa paglikha kay Satanas, hindi ba Siya lumikha ng isang kaaway? Hindi talaga lumikha ng isang kaaway ang Diyos; sa halip, lumikha Siya ng isang anghel, at kalaunan ay ipinagkanulo Siya ng anghel na iyon. Naging napakataas ng katayuan nito kaya ninais nitong ipagkanulo ang Diyos. Masasabi na nagkataon lamang ito, ngunit hindi rin ito maiiwasan. Kapareho ito ng paraan kung paanong hindi maiiwasang mamatay ang isang tao pagdating sa takdang gulang; sumasapit lamang talaga ang yugtong ito. Sinasabi pa ng ilang nakatatawang hangal, “Yamang kaaway Mo si Satanas, bakit Mo ito nilikha? Hindi Mo ba alam na ipagkakanulo Ka ng arkanghel? Hindi Mo ba masusulyapan ang kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan? Hindi Mo ba alam ang likas na pagkatao ng arkanghel? Yamang malinaw Mong alam na ipagkakanulo Ka nito, bakit Mo ito ginawang arkanghel? Hindi Ka lamang nito ipinagkanulo, isinama rin nito ang napakaraming iba pang anghel at bumaba sa mundo ng mga mortal upang gawing tiwali ang sangkatauhan, subalit hanggang sa araw na ito, hindi Mo pa rin natatapos ang Iyong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala.” Tama ba ang mga salitang iyon? Kapag ganito ang iniisip mo, hindi mo ba mas inilalagay sa panganib ang iyong sarili kaysa kinakailangan? May iba pang nagsasabing, “Kung hindi ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan hanggang sa araw na ito, hindi sana nailigtas ng Diyos ang sangkatauhan nang ganito. Sa gayon, hindi sana nakita ang karunungan at ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos; saan naipakita ang Kanyang karunungan? Kaya lumikha ang Diyos ng isang sangkatauhan para kay Satanas upang maipakita kalaunan ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat—kung hindi, paano matutuklasan ng tao ang karunungan ng Diyos? Kung hindi nilabanan ng tao ang Diyos o sinuway Siya, hindi na sana kinailangang ipakita ang Kanyang mga gawa. Kung sasambahin Siya at susundin ng lahat ng nilikha at magpapasakop sa Kanya, wala sana Siyang gawaing gagawin.” Mas malayo pa ito sa realidad, sapagkat walang marumi tungkol sa Diyos, kaya hindi Siya maaaring lumikha ng dumi. Ipinapakita Niya ang Kanyang mga gawa ngayon para lamang matalo ang Kanyang kaaway, iligtas ang mga taong Kanyang nilikha, at talunin ang mga demonyo at si Satanas, na kinamumuhian, ipinagkakanulo, at nilalabanan ang Diyos, at nasa ilalim ng Kanyang kapamahalaan at pag-aari Niya sa simula pa lamang. Nais ng Diyos na talunin ang mga demonyong ito at, sa paggawa nito, ipakita ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang sangkatauhan at lahat ng nasa lupa ay nasa ilalim ngayon ng sakop ni Satanas at nasa ilalim ng sakop ng masama. Nais ng Diyos na ipakita ang Kanyang mga kilos sa lahat ng bagay upang makilala Siya ng mga tao, at sa gayon ay matalo si Satanas at lubos na malipol ang Kanyang mga kaaway. Ang kabuuan ng gawaing ito ay natutupad sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang mga kilos. Lahat ng Kanyang nilikha ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, kaya nais ng Diyos na ipakita sa kanila ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat, sa gayon ay matalo si Satanas. Kung walang Satanas, hindi Niya kakailanganing ipakita ang Kanyang mga gawa. Kung hindi sa panliligalig ni Satanas, nilikha sana ng Diyos ang sangkatauhan at inakay silang manirahan sa Halamanan ng Eden. Bakit, bago ang pagkakanulo ni Satanas, hindi ipinakita ng Diyos ang Kanyang mga gawa sa mga anghel o sa arkanghel? Kung, sa simula, nakilala ng mga anghel at arkanghel ang Diyos at nagpasakop sa Kanya, hindi sana isinagawa ng Diyos ang mga walang-kabuluhang kilos na iyon ng gawain. Dahil sa pag-iral ni Satanas at ng mga demonyo, nilabanan na rin ng mga tao ang Diyos, at punung-puno ng suwail na disposisyon. Sa gayon ay nais ng Diyos na ipakita ang Kanyang mga kilos. Dahil nais Niyang makidigma kay Satanas, kailangan Niyang gamitin ang Kanyang sariling awtoridad at lahat ng Kanyang kilos upang talunin ito; sa ganitong paraan, ang gawain ng pagliligtas na Kanyang isinasagawa sa mga tao ay tutulutan silang makita ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ngayon ay makabuluhan, at sa anumang paraan ay hindi katulad ng tinutukoy ng ilang tao kapag sinasabi nilang, “Hindi ba salungat ang gawaing ginagawa Mo? Hindi ba ang sunud-sunod na gawaing ito ay pagsasanay lamang sa pagpapahirap sa Iyong Sarili? Nilikha Mo si Satanas, at pagkatapos ay hinayaan Mo itong ipagkanulo at labanan Ka. Nilikha Mo ang mga tao, at ipinasa sila kay Satanas, at tinulutan Mong matukso sina Adan at Eba. Yamang sinadya Mong gawin ang lahat ng ito, bakit Mo kinasusuklaman ang sangkatauhan? Bakit Mo kinamumuhian si Satanas? Hindi ba Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito? Ano pa ang kamumuhian Mo?” Medyo may ilang kakatwang taong nagsasabi ng gayong mga bagay. Nais nilang mahalin ang Diyos, ngunit sa kanilang puso ay nagrereklamo sila tungkol sa Diyos. Napakalaking pagsalungat! Hindi mo nauunawaan ang katotohanan, napakarami mong ideyang higit-sa-karaniwan, at sinasabi mo pa na nagkamali ang Diyos—kakatwa ka talaga! Ikaw ang nakikipaglaro sa katotohanan; hindi nagkamali ang Diyos! Paulit-ulit na inirereklamo ng ilang tao, “Ikaw ang lumikha kay Satanas, at inihagis Mo si Satanas sa mga tao at ipinasa rito ang sangkatauhan. Nang minsang magtaglay ang sangkatauhan ng napakasamang disposisyon, hindi Mo sila pinatawad; bagkus, medyo kinamuhian Mo sila. Sa simula ay medyo minahal Mo sila, ngunit ngayon ay kinasusuklaman Mo na sila. Ikaw ang namuhi sa sangkatauhan, subalit Ikaw rin ang nagmahal sa sangkatauhan. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Hindi ba magkasalungat ito?” Paano man ninyo ito tingnan, ito ang nangyari sa langit; ito ang paraan na ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at ginawang tiwali ang sangkatauhan, at ganito nagpapatuloy ang mga tao hanggang sa araw na ito. Paano man ninyo ito sabihin, iyan ang buong salaysay. Gayunman, kailangan ninyong maunawaan na ang buong layunin sa likod ng gawaing ito na ginagawa ng Diyos ngayon ay upang iligtas kayo at talunin si Satanas.

Dahil ang mga anghel ay partikular na marupok at walang mga kakayahang masasabi, naging mayabang sila nang bigyan sila ng awtoridad. Lalo nang totoo ito sa arkanghel, na ang katayuan ay mas mataas kumpara sa iba pang anghel. Isang hari sa mga anghel, inakay nito ang milyun-milyon sa kanila, at sa ilalim ni Jehova, ang awtoridad nito ay nilampasan ang awtoridad ng sinumang iba pang mga anghel. Ninais nitong gawin ang iba’t ibang bagay, at akayin ang mga anghel pababa sa mga tao upang kontrolin ang mundo. Sinabi ng Diyos na Siya Yaong namamahala sa sansinukob; ngunit sinabi ng arkanghel na ito ang namamahala sa sansinukob—mula noon, ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos. Lumikha na ng isa pang mundo sa langit ang Diyos, at ninais ng arkanghel na kontrolin ang mundong ito at bumaba rin sa mortal na dako. Maaari ba itong payagan ng Diyos na gawin iyon? Sa gayon, hinampas Niya ang arkanghel at inihagis ito sa ere. Mula nang gawin nitong tiwali ang mga tao, nakidigma na ang Diyos sa arkanghel upang iligtas sila; nagamit Niya ang anim na libong taon na ito para talunin ito. Ang pagkaintindi ninyo sa Diyos na makapangyarihan sa lahat ay hindi nakaayon sa gawaing kasalukuyang ginagawa ng Diyos; talagang hindi ito praktikal, at malaking kamalian! Ang totoo, ipinahayag lamang ng Diyos na kaaway Niya ang arkanghel matapos itong magkanulo. Dahil lamang sa pagkakanulo nito kaya tinapakan ng arkanghel ang sangkatauhan matapos dumating sa mortal na dako, at dahil dito kaya umunlad na ang sangkatauhan sa puntong ito. Matapos mangyari iyan, sumumpa ang Diyos kay Satanas: “Tatalunin kita at ililigtas Ko ang lahat ng taong Aking nilikha.” Hindi nakumbinsi noong una, sumagot si Satanas, “Ano ba talaga ang kaya Mong gawin sa akin? Talaga bang kaya Mo akong ihagis sa ere? Talaga bang kaya Mo akong talunin?” Matapos itong ihagis ng Diyos sa ere, hindi na Niya ito pinansin, at kalaunan ay sinimulang iligtas ang sangkatauhan at isagawa ang Kanyang sariling gawain sa kabila ng patuloy na mga panliligalig ni Satanas. Nagawa ni Satanas ang iba’t ibang bagay, ngunit dahil iyon lahat sa mga kapangyarihang dati nang ibinigay rito ng Diyos; dinala nito ang mga iyon sa ere, at naitago ang mga iyon hanggang sa araw na ito. Nang ihagis Niya ang arkanghel sa ere, hindi binawi ng Diyos ang awtoridad nito, kaya nga patuloy na ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Sa kabilang dako, nagsimula ang Diyos na iligtas ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas matapos silang likhain. Hindi ipinakita ng Diyos ang Kanyang mga kilos habang nasa langit; gayunman, bago nilikha ang mundo, pinayagan Niya ang mga tao sa mundong Kanyang nilikha sa langit na makita ang Kanyang mga gawa, sa gayon ay ginabayan ang mga taong iyon sa itaas ng langit. Binigyan Niya sila ng karunungan at katalinuhan, at inakay ang mga taong iyon na manirahan sa mundong iyon. Natural, walang isa man sa inyo ang nakarinig noon tungkol dito. Kalaunan, matapos likhain ng Diyos ang mga tao, sinimulan ng arkanghel na gawin silang tiwali; sa lupa, buong sangkatauhan ay nagkagulo. Noon lamang sinimulan ng Diyos ang Kanyang pakikidigma laban kay Satanas, at sa panahong ito lamang nagsimulang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa. Sa simula, ang gayong mga kilos ay naitago sa sangkatauhan. Matapos ihagis si Satanas sa ere, ginawa nito ang sarili nitong mga bagay at patuloy na ginawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, patuloy na nakidigma laban kay Satanas, hanggang sa mga huling araw. Ngayon ang panahon kung kailan dapat lipulin si Satanas. Sa simula, binigyan ito ng Diyos ng awtoridad, at kalaunan ay inihagis Niya ito sa ere, subalit nanatili itong suwail. Pagkatapos niyon, ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan sa lupa, ngunit naroon ang Diyos at namamahala sa sangkatauhan. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang pamamahala sa mga tao upang talunin si Satanas. Sa pagtitiwali sa mga tao, tinatapos ni Satanas ang kanilang kapalaran at ginagambala ang gawain ng Diyos. Sa kabilang dako, ang gawain ng Diyos ay ang pagliligtas sa sangkatauhan. Aling hakbang ng gawain ng Diyos ang hindi para iligtas ang sangkatauhan? Aling hakbang ang hindi para linisin ang mga tao, at pakilusin sila nang matuwid at mamuhay sa larawan ng mga taong maaaring mahalin? Gayunman, hindi ito ginagawa ni Satanas. Ginagawa nitong tiwali ang sangkatauhan; patuloy nitong isinasagawa ang gawain nitong gawing tiwali ang sangkatauhan sa buong sansinukob. Siyempre pa, ginagawa rin ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at hindi pinapansin si Satanas. Gaano man kalaki ang awtoridad ni Satanas, ang awtoridad na iyon ay bigay pa rin dito ng Diyos; hindi talaga basta ibinigay ng Diyos ang Kanyang buong awtoridad, kaya nga anuman ang gawin ni Satanas, hindi nito kayang lampasan ang Diyos at palagi itong magiging nasa mga kamay ng Diyos. Hindi ipinakita ng Diyos ang anuman sa Kanyang mga kilos habang nasa langit. Binigyan lamang Niya si Satanas ng maliit na bahagi ng awtoridad at tinulutan itong magkaroon ng kontrol sa iba pang mga anghel. Samakatuwid, anuman ang gawin ni Satanas, hindi nito kayang lampasan ang awtoridad ng Diyos, dahil ang awtoridad na orihinal na ipinagkaloob dito ng Diyos ay limitado. Habang gumagawa ang Diyos, nanggagambala si Satanas. Sa mga huling araw, ang mga paggambala nito ay matatapos; matatapos din ang gawain ng Diyos, at ang uri ng mga taong nais gawing ganap ng Diyos ay makukumpleto. Pinapatnubayan ng Diyos ang mga tao nang positibo; ang Kanyang buhay ay tubig na buhay, hindi masusukat at walang hangganan. Nagawang tiwali ni Satanas ang tao kahit paano; sa huli, ang buhay na tubig ng buhay ay gagawing ganap ang tao, at magiging imposibleng makialam at magsagawa si Satanas ng gawain nito. Sa gayon, lubos na maaangkin ng Diyos ang mga taong ito. Kahit ngayon, ayaw pa rin itong tanggapin ni Satanas; patuloy nitong inilalaban ang sarili sa Diyos, ngunit hindi Niya ito pinapansin. Sabi ng Diyos, “Magiging matagumpay Ako laban sa lahat ng puwersa ng kadiliman ni Satanas at laban sa lahat ng impluwensya ng kadiliman.” Ito ang gawaing dapat isagawa sa katawang-tao, at ito rin ang dahilan kaya makabuluhan ang maging tao: ibig sabihin, upang tapusin ang yugto ng gawaing talunin si Satanas sa mga huling araw, at lipulin ang lahat ng bagay na pag-aari ni Satanas. Hindi maiiwasan ang tagumpay ng Diyos laban kay Satanas! Ang totoo, matagal nang nabigo si Satanas. Nang magsimulang lumaganap ang ebanghelyo sa buong lupain ng malaking pulang dragon—ibig sabihin, nang simulan ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain at pagalawin ang gawaing ito—lubos na natalo si Satanas, sapagkat ang pinaka-layunin ng pagkakatawang-tao ay upang lupigin si Satanas. Nang makita ni Satanas na minsan pang naging tao ang Diyos at nagsimulang magsagawa ng Kanyang gawain, na hindi mapigil ng anumang puwersa, sa gayon ay natulala ito nang makita ang gawaing ito, at hindi nangahas na gumawa ng anumang iba pang kalokohan. Noong una, akala ni Satanas ay pinagkalooban din ito ng maraming karunungan, at ginambala at niligalig nito ang gawain ng Diyos; gayunman, hindi nito inasahan na minsan pang magiging tao ang Diyos, o na sa Kanyang gawain, gagamitin ng Diyos ang pagkasuwail ni Satanas upang magsilbing isang paghahayag at paghatol sa sangkatauhan, nang sa gayon ay malupig ang mga tao at matalo si Satanas. Mas matalino ang Diyos kaysa kay Satanas, at ang Kanyang gawain ay higit pa kaysa rito. Kaya nga, isinaad Ko na dati, “Ang gawaing Aking ginagawa ay isinasagawa bilang tugon sa mga pandaraya ni Satanas; sa huli, ipapakita Ko ang Aking pagiging makapangyarihan sa lahat at ang kawalan ng kapangyarihan ni Satanas.” Gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa unahan, samantalang bubuntot naman si Satanas sa likuran, hanggang ito, sa huli, ay tuluyang mawasak—ni hindi nito malalaman kung ano ang tumama rito! Matatanto lamang nito ang katotohanan kapag nadurog at nadikdik na ito, at sa oras na iyon, nasunog na ito sa lawa ng apoy. Hindi ba lubos na itong makukumbinsi sa oras na iyon? Sapagkat wala nang magagamit na mga pakana si Satanas sa oras na iyon!

Ang paisa-isang hakbang na ito, ang makatotohanang gawaing ito ang madalas makabigat sa puso ng Diyos sa pagdadalamhati para sa sangkatauhan, kaya ang Kanyang pakikidigma kay Satanas ay tumagal nang anim na libong taon, at sinabi na ng Diyos: “Hindi na Ako muling lilikha ng sangkatauhan kailanman, ni muling magkakaloob ng awtoridad sa mga anghel.” Mula noon, nang bumaba ang mga anghel para gumawa sa lupa, sinunod lamang nila ang Diyos sa pagsasagawa ng ilang gawain. Hindi na Niya sila muling binigyan ng awtoridad kailanman. Paano isinagawa ng mga anghel na nakita ng mga Israelita ang kanilang gawain? Ipinakita nila ang kanilang sarili sa mga panaginip at ipinarating ang mga salita ni Jehova. Nang mabuhay na mag-uli si Jesus tatlong araw matapos ipako sa krus, ang mga anghel ang nagtulak sa malaking bato sa tabi; hindi ginawa ng Espiritu ng Diyos nang personal ang gawaing ito. Ganitong gawain lamang ang ginawa ng mga anghel; gumanap sila sa mga suportang papel, ngunit wala silang awtoridad, sapagkat hindi na muling magkakaloob ang Diyos ng anumang awtoridad sa kanila. Matapos gumawa nang ilang panahon, ang mga taong ginamit ng Diyos sa lupa ang umangkin sa katayuan ng Diyos at nagsabing, “Nais kong malampasan ang sansinukob! Nais kong tumayo sa ikatlong langit! Nais naming maghawak ng pinakamataas na kapangyarihan!” Nagiging mayabang sila pagkaraan ng ilang araw ng paggawa; ninais nilang magtaglay ng pinakamataas na awtoridad sa lupa, magtatag ng isa pang bansa, ilagay ang lahat ng bagay sa kanilang paanan, at tumayo sa ikatlong langit. Hindi mo ba alam na isang tao ka lamang na ginagamit ng Diyos? Paano ka makakaakyat sa ikatlong langit? Bumababa ang Diyos sa lupa upang gumawa, nang tahimik at walang angal, at pagkatapos ay umaalis matapos na patagong tapusin ang Kanyang gawain. Hindi Siya umaangal na tulad ng mga tao, kundi sa halip ay praktikal sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Ni hindi Siya pumapasok sa isang iglesia at bumubulalas ng, “Lilipulin Ko kayong lahat! Susumpain Ko kayo at kakastiguhin!” Patuloy lamang Niyang ginagawa ang Kanyang sariling gawain, at umaalis kapag tapos na Siya. Sagad hanggang buto ang kayabangan ng lahat ng relihiyosong pastor na nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo, nagsesermon sa iba mula sa pulpito, nagbibigay ng mahahaba at bonggang mga talumpati, at nagtatalakay ng mga bagay na hindi makatotohanan! Mga inapo lamang sila ng arkanghel!

Matapos maisagawa ang Kanyang anim-na-libong-taon ng gawain hanggang sa araw na ito, naipakita na ng Diyos ang marami sa Kanyang mga kilos, na ang layunin una sa lahat ay ang matalo si Satanas at maghatid ng kaligtasan sa buong sangkatauhan. Ginagamit Niya ang pagkakataong ito upang tulutan ang lahat sa langit, lahat sa lupa, lahat ng sakop ng karagatan, at lahat ng huling bagay na nilikha ng Diyos sa lupa na makita ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat at masaksihan ang lahat ng Kanyang kilos. Sinusunggaban Niya ang pagkakataong ibinibigay ng pagtalo Niya kay Satanas upang ipakita ang lahat ng Kanyang gawa sa mga tao, at magawa nilang purihin Siya at dakilain ang Kanyang karunungan sa pagtalo kay Satanas. Lahat sa lupa, sa langit, at sa ilalim ng karagatan ay naghahatid ng kaluwalhatian sa Diyos, pinupuri ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat, pinupuri ang bawat isa sa Kanyang mga gawa, at ipinagsisigawan ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng Kanyang pagtalo kay Satanas; patunay ito ng Kanyang paglupig kay Satanas. Ang mas mahalaga, patunay ito ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang buong paglikha ng Diyos ay naghahatid sa Kanya ng kaluwalhatian, pinupuri Siya sa pagtalo sa Kanyang kaaway at pagbalik na matagumpay, at itinatanyag Siya bilang dakila at matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang para talunin si Satanas, kaya ang Kanyang gawain ay nagpatuloy nang anim na libong taon. Ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ipakita ang lahat ng Kanyang kilos at Kanyang buong kaluwalhatian. Siya ay magtatamo ng kaluwalhatian, at lahat ng pulutong ng mga anghel ay makikita ang Kanyang kaluwalhatian. Ang mga sugo sa langit, mga tao sa lupa, at lahat ng bagay na nilikha sa lupa ay makikita ang kaluwalhatian ng Lumikha. Ito ang gawaing Kanyang ginagawa. Ang Kanyang nilikha sa langit at sa lupa ay masasaksihang lahat ang Kanyang kaluwalhatian, at babalik Siya nang matagumpay matapos Niyang lubos na talunin si Satanas, at tutulutan ang sangkatauhan na purihin Siya, sa gayon ay magkakamit ng dobleng tagumpay sa Kanyang gawain. Sa huli, buong sangkatauhan ay lulupigin Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o susuway; sa madaling salita, lilipulin Niya ang lahat ng nabibilang kay Satanas. Kasalukuyan mong nasasaksihan ang napakaraming kilos ng Diyos, subalit lumalaban ka pa rin, sumusuway ka, at hindi nagpapasakop; nagkikimkim ka ng maraming bagay sa iyong kalooban, at ginagawa mo kung ano ang gusto mo. Sinusunod mo ang sarili mong mga pagnanasa at kagustuhan; lahat ng ito ay pagkasuwail at paglaban. Anumang paniniwala sa Diyos alang-alang sa laman at mga pagnanasa ng isang tao, gayundin alang-alang sa sariling mga kagustuhan ng isang tao, ng mundo, at ni Satanas, ay marumi; ito ay likas na paglaban at pagsuway. Sa mga panahong ito, nariyan ang lahat ng iba’t ibang uri ng paniniwala: ngayon: Ang ilan ay naghahanap ng silungan mula sa kalamidad, at ang iba naman ay naghahangad na magtamo ng mga pagpapala; ang ilan ay nais maunawaan ang mga hiwaga, samantalang ang ilan naman ay naghahanap ng pera. Lahat ng ito ay mga anyo ng paglaban at lahat ay kalapastanganan! Ang sabihing lumalaban o sumusuway ang isang tao—hindi ba ito tumutukoy sa gayong mga pag-uugali? Maraming tao sa mga panahong ito ang umaangal, nagrereklamo, o nanghuhusga. Lahat ng iyon ay ginagawa ng masasama; mga halimbawa iyon ng paglaban at pagkasuwail ng tao. Ang gayong mga tao ay sinasapian at sakop ni Satanas. Yaong mga natatamo ng Diyos ay yaong mga nagpapasakop sa Kanya nang lubusan; sila ay mga taong nagawang tiwali ni Satanas ngunit nailigtas at nalupig ng kasalukuyang gawain ng Diyos, na nagtiis ng mga pagdurusa, at, sa huli, lubusang nakamtan ng Diyos, na hindi na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at nakalaya na sa pagiging masama, at handang mamuhay nang banal—sila ang pinakabanal sa lahat ng tao; talagang sila ang mga banal. Kung ang kasalukuyan mong mga kilos ay hindi nakaayon sa kahit isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ikaw ay aalisin. Hindi ito matututulan. Lahat ay depende sa nangyayari ngayon; kahit ikaw ay nakatakda at nahirang, ang mga kilos mo pa rin ngayon ang magpapasya sa iyong kahihinatnan. Kung hindi ka makakasunod ngayon, aalisin ka. Kung hindi ka makakasunod ngayon, paano ka pa makakasunod kalaunan? Mayroon nang isang napakalaking himalang lumitaw sa iyong harapan, subalit hindi ka pa rin naniniwala. Kung gayon, paano ka pa maniniwala sa Diyos kalaunan, samantalang tapos na Niya ang Kanyang gawain at hindi na gagawa ng gayong gawain? Sa oras na iyon, magiging mas imposible pa para sa iyo ang sundin Siya! Kalaunan, aasa ang Diyos sa iyong pag-uugali, sa iyong kaalaman patungkol sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa iyong karanasan upang malaman kung ikaw ay makasalanan o matuwid, o malaman kung ikaw ay ginawang perpekto o inalis. Kailangan mong makita ito nang malinaw ngayon. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa ganitong paraan: Tinutukoy Niya ang iyong kahihinatnan ayon sa iyong pag-uugali ngayon. Sino ang sumasambit ng mga salita ngayon? Sino ang gumagawa ng gawain ngayon? Sino ang nagpapasya kung aalisin ka ngayon? Sino ang nagpapasya kung gagawin kang perpekto? Hindi ba Ako Mismo ang gumagawa nito? Ako ang Siyang sumasambit sa mga salitang ito; Ako ang Siyang nagsasagawa ng gawaing ito. Ang pagsumpa, pagkastigo, at paghatol sa mga tao ay bahaging lahat ng Aking gawain. Sa huli, Ako rin ang magpapasya kung aalisin ka. Lahat ng bagay na ito ay gawain Ko! Gawain Kong gawin kang perpekto, at gawain Ko ring tulutan kang magtamasa ng mga pagpapala. Ito ang buong gawaing ginagawa Ko. Ang iyong kahihinatnan ay hindi itinalaga ni Jehova; ito ay pinagpapasyahan ng Diyos ng ngayon. Pinagpapasyahan ito ngayon mismo; hindi ito pinagpasyahan noon pang bago likhain ang mundo. Sinasabi ng ilang kakatwang tao, “Marahil ay may mali sa Iyong paningin, at hindi Mo ako nakikita sa paraang nararapat. Sa huli, makikita Mo kung ano talaga ang ipinapakita ng Espiritu!” Orihinal na hinirang ni Jesus si Judas bilang Kanyang disipulo. Nagtatanong ang mga tao: “Paano Niya kaya nagawang piliin ang isang disipulong magkakanulo sa Kanya?” Noong una, walang layunin si Judas na ipagkanulo si Jesus; nangyari lamang ito kalaunan. Sa oras na iyon, maganda ang pagtingin ni Jesus kay Judas; nagawa Niyang sumunod sa Kanya ang taong ito, at nabigyan siya ng responsibilidad sa kanilang pananalapi. Kung alam lamang ni Jesus na lulustayin ni Judas ang pera, hindi sana Niya ito pinamahala sa gayong mga bagay. Masasabi na hindi alam ni Jesus dati na ang taong ito ay buktot at mapanlinlang, o na lolokohin niya ang kanyang mga kapatid. Kalaunan, matapos masundan ni Judas si Jesus nang ilang panahon, nakita siya ni Jesus na inuuto ang kanyang mga kapatid at inuuto ang Diyos. Natuklasan din ng mga tao na si Judas ay may ugaling kumuha ng pera mula sa lukbutan ng salapi, at sa gayon ay sinabi nila iyon kay Jesus. Noon lamang nabatid ni Jesus ang lahat ng nangyayari. Dahil kailangang isagawa ni Jesus ang gawaing ipako sa krus at kinailangan ng isang taong magkakanulo sa Kanya, at dahil nagkataon lamang na si Judas ang tamang klase ng taong magsasagawa ng tungkuling ito, sinabi ni Jesus, “May isa sa atin na magkakanulo sa Akin. Gagamitin ng Anak ng tao ang pagkakanulong ito upang maipako sa krus, at pagkaraan ng tatlong araw ay mabubuhay Siyang mag-uli.” Sa oras na iyon, hindi pa talaga napili ni Jesus si Judas para ipagkanulo Siya; bagkus, inasam Niya na magiging tapat na disipulo si Judas. Hindi inaasahan, naging sakim na masamang tao si Judas na nagkanulo sa Panginoon, kaya ginamit ni Jesus ang sitwasyong ito upang piliin si Judas para sa gawaing ito. Kung naging tapat sana ang lahat ng labindalawang disipulo ni Jesus at wala silang nakasamang katulad ni Judas, hindi sana isa sa mga disipulo ang taong nagkanulo kay Jesus. Gayunman, sa oras na iyon, nagkataon lamang na may isang kasama sa mga disipulo na nasiyahang tumanggap ng mga suhol: si Judas. Sa gayon ay ginamit ni Jesus ang taong ito upang tapusin ang Kanyang gawain. Napakasimple nito! Hindi ito itinalaga ni Jesus sa simula ng Kanyang gawain; ginawa lamang Niya ang desisyong ito nang medyo sumulong na ang mga bagay-bagay. Ito ay desisyon ni Jesus, na ibig sabihin ay desisyon iyon ng Espiritu ng Diyos Mismo. Dati-rati, si Jesus ang nakapili kay Judas; nang ipagkanulo ni Judas si Jesus kalaunan, ito ay isang bagay na ginawa ng Banal na Espiritu upang makamit ang Kanyang sariling mga layunin. Iyon ang gawaing isinagawa ng Banal ng Espiritu noon. Nang mapili ni Jesus si Judas, wala Siyang anumang ideya na ipagkakanulo Siya ni Judas. Ang tanging alam Niya ay si Judas Iscariote ang taong iyon. Ang inyo ring mga kahihinatnan ay pagpapasyahan ayon sa inyong antas ng pagpapasakop ngayon at ayon sa antas ng paglago ng inyong buhay, hindi ayon sa anumang kuru-kuro ng tao na ang iyong mga kahihinatnan ay itinalaga na bago pa nilikha ang mundo. Kailangan mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito. Wala ni isa sa gawaing ito ang ginagawa ayon sa iniisip mo.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger