Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 9 (Unang Bahagi)
Noong huling pagtitipon natin, nagbahaginan tayo sa ikalawang bahagi ng kung ano ang mga kailangang bitiwan sa konteksto ng “paano sikaping matamo ang katotohanan”—ito ay ang pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao. Tungkol sa paksang ito, inilista natin ang apat na bagay: una, ang mga hilig at libangan; pangalawa, ang pag-aasawa; pangatlo, ang pamilya; at pang-apat, ang propesyon. Noong huli, nagbahaginan tayo tungkol sa mga hilig at libangan. Isa sa mga elemento ng pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao ay ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo dahil sa mga hilig at libangan. Pagkatapos makinig sa Aking pagbabahagi, may tamang saloobin at perspektiba na ba ang lahat tungkol sa mga hilig at libangan? (Oo.) Ang layunin natin sa pagbabahaginan ay ang bumitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo dahil sa mga hilig at libangan, ngunit upang mabitiwan ang mga ito, kailangan mo munang maunawaan kung ano ang mga hilig at libangan, at pagkatapos ay maunawaan kung paano mo dapat ituring ang mga ito, at paano mo dapat bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo dahil sa mga hilig at libangan. Hindi mahalaga kung nagbabahaginan tayo tungkol sa positibo o negatibo. Sa madaling salita, ang layon ay ang ipaunawa sa mga tao kung ano ang mga hilig at libangan, at pagkatapos ay ituring at gamitin ang mga ito nang wasto, bigyan ang mga ito ng tamang espasyo o halaga sa pag-iral, at kasabay nito, bigyang-kakayahan ang mga tao na bitiwan ang mga paghahangad, hangarin, at mithiing hindi tama, hindi nararapat, na hindi nila dapat taglayin, na nakakaimpluwensiya sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sa paggampan ng kanilang tungkulin. Masasabing ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo mula sa iyong mga hilig at libangan ay makakaimpluwensiya sa iyong buhay, pananatiling buhay, at sa iyong pananaw sa pananatiling buhay; siyempre, magkakaroon ang mga ito ng mas malaking impluwensiya sa landas na iyong tatahakin, at sa iyong tungkulin at misyon sa buhay na ito. Kaya, mula sa isang pasibong perspektiba, ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na idinudulot ng mga hilig at libangan sa mga tao ay hindi ang mga layon na hinahangad nila, o ang direksyon na kanilang hinahangad—lalong hindi ang mga ito ang pananaw sa buhay at mga prinsipyong dapat nilang itatag sa buhay na ito. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kung ano ang mga hilig at libangan, sinasabi Ko sa mga tao kung paano wastong kilalanin at tratuhin ang mga ito, at pagkatapos ay ipinapaalam Ko sa kanila kung ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin ay tama o hindi mula sa perspektiba ng impluwensiya ng mga hilig at libangan. Ibig sabihin, ginagamit Ko ang kapwa positibo at negatibong panig upang tulutan ang mga tao na malinaw na maunawaan kung paano wastong tratuhin ang mga hilig at libangan. Sa isang banda, kung ang isang tao ay may tamang kaalaman at tumpak na pag-unawa sa mga hilig at libangan, at nagagawa nilang ituring ang mga ito nang tumpak, kung gayon, talagang binibitiwan din nila ang mga mithiin at hangarin na nabubuo mula sa mga hilig at libangan. Kapag mayroon ka nang tamang pagkaunawa sa mga hilig at libangan, ang mga paraan at gawi ng pagtrato mo sa mga ito ay magiging tama at relatibong naaayon sa mga prinsipyo at sa mga hinihingi ng Diyos sa tao. Sa ganitong paraan, magagawa mong bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo mula sa mga hilig at libangan sa isang positibong paraan. Dagdag pa, tinutulutan ka rin ng pagbabahaginang ito na makita nang malinaw ang iba’t ibang masamang impluwensiya na dala ng mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo mula sa mga hilig at libangan, o ang salungat, negatibong impluwensiyang idinudulot ng mga ito, na siya namang nagtutulot sa iyo na aktibong bitiwan itong mga hindi nararapat na mga paghahangad, mithiin, at hangarin. Pagkatapos ng ating pagbabahaginan sa lahat ng ito, hindi ba’t may ilan na magsasabing: “Ang iba’t ibang klase ng tao sa mundong ito ay may iba’t ibang hilig at libangan, at ang kanilang indibidwal na mga hilig at libangan ay nagdudulot ng iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin. Ipagpalagay nang sumunod tayo sa kasalukuyang paraan ng ating pagsasalita, at hindi pinagsumikapan ng mga tao ang kanilang mga mithiin at hangarin—umunlad kaya ang mundong ito? Paano kaya nagkaroon ng pag-unlad ang mga larangan tulad ng teknolohiya, kultura, at edukasyon ng sangkatauhan, na may kinalaman sa pananatiling buhay at sa buhay ng sangkatauhan? Matatamasa pa kaya ng sangkatauhan ang kanilang kasalukuyang pamumuhay? Mararating kaya ng mundo ang ganitong kasalukuyang kalagayan? Hindi ba’t magiging parang isang primitibong lipunan ang mundo? Magkakaroon kaya tayo ng modernong pamumuhay ng kasalukuyang panahon?” Ito ba ay isang isyu? Posible na anumang paksa ang ating pagbahaginan, tatanggapin ninyong lahat ito mula sa perspektiba ng “Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, dapat nating tanggapin ang mga ito at magpasakop sa mga ito,” kaya kadalasan, wala kayong naiibang opinyon na magagamit upang pabulaanan ang mga salitang ibinabahagi Ko sa inyo. Ngunit hindi ibig sabihin nito na walang sinuman—o walang ikatlong partido—na magsasabi ng gayong mga pag-aalinlangan, hindi ba? Kung talagang mayroong taong magbabanggit ng gayong katanungan, paano kayo sasagot? (Sa tingin ko ay mali ang perspektibang ipinapahayag sa katanungang ito, dahil hindi kontrolado ng mga hilig at libangan ng mga tao ang pag-unlad ng teknolohiya, o ang pag-usad ng mga kapanahunan. Ang pag-unlad ng teknolohiya at ang pag-usad ng mga kapanahunan ay lahat nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi mo masasabi na ang isang taong may hilig o libangan ay makakapag-ambag sa pag-unlad ng mundo, na mababago niya ang mundo.) Nagsasalita ka mula sa isang malawakang perspektiba. May iba’t ibang paraan ba ng pagsusuri dito? Depende ito sa kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan o hindi. Sa tingin ba ninyo, pagkatapos marinig ang mga salitang ito ng pagbabahaginan, babanggitin ng mga walang pananampalataya ang gayong katanungan? (Malamang.) Kaya, kung babanggitin nila ang katanungang ito, paano ka makakasagot nang ayon sa mga obhetibong katunayan, nang may katotohanan? Kung hindi ka makasagot, sasabihin nilang nalihis ka. Dahil hindi ka makasagot, pinapatunayan nito ang isang katunayan kahit papaano, na hindi mo nauunawaan ang aspektong ito ng katotohanan. Hindi ba’t hindi kayo makasagot? (Hindi kami makasagot.) Kung gayon ay pag-usapan natin ang bagay na ito.
May mga taong nagsasabi: “Kung hindi pinagsumikapan ng sangkatauhan ang kanilang mga mithiin, narating kaya ng mundo ang kasalukuyan nitong antas ng kaunlaran?” Ang sagot ay “oo.” Hindi ba’t simple lang iyon? (Oo.) Ano ang pinakasimple, pinakadiretsahang paliwanag sa “oo” na ito? Iyon ay na kahit pinagsusumikapan ng sangkatauhan ang kanilang mga paghahangad o hindi, wala itong epekto sa mundo, dahil ang pag-unlad ng mundo hanggang sa kasalukuyan ay hindi itinaguyod at ginabayan ng mga mithiin ng sangkatauhan; sa halip, ginagabayan ng Lumikha ang sangkatauhan patungo sa kasalukuyan, sa ngayon. Kahit na wala ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin, mararating pa rin ng sangkatauhan ang kasalukuyan, ngunit kung wala ang pamumuno at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, hindi nila mararating ito. Angkop ba ang gayong paliwanag? (Oo.) Ano ang angkop tungkol dito? Nasasagot ba nito ang katanungan? Naipapaliwanag ba nito ang diwa ng katanungan? Hindi nito naipapaliwanag ang diwa ng katanungan; nasasagot lamang nito ang katanungan sa teoretikal na paraan, ayon sa matatawag na isang pangitain. Ngunit may isang mas detalyado at mahalagang paliwanag na hindi pa nababanggit. Ano ang detalyadong paliwanag na iyon? Umpisahan muna natin sa simpleng usapan. Sa buong sangkatauhan, ang mga tao ay sumusunod sa kanilang sariling uri, bawat uri ng tao ay may kanya-kanyang misyon. Ang misyon ng mga nananampalataya sa Diyos ay ang magpatotoo sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, magpatotoo sa Kanyang mga gawa, tapusin ang ipinagkatiwala Niya sa kanila, gawin nang maayos ang kanilang tungkulin, at sa huli ay mailigtas. Ito ang kanilang misyon. Sa mas detalyadong salita, ito ay ang ipalaganap ang salita at gawain ng Diyos, at pagkatapos, sa pamamagitan ng pagtanggap sa pamumuno ng Diyos at pagdanas sa Kanyang gawain, ang iwaksi ang kanilang tiwaling disposisyon at maligtas. Ang ganitong uri ng tao ay hinirang ng Diyos. Siya ang uri ng tao na nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos sa Kanyang pamamahala. Ang misyon ng ganitong uri ng tao ay ang gawin nang maayos ang kanyang tungkulin at tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanya. Masasabing ang gayong mga tao ay isang natatanging grupo sa lahat ng sangkatauhan. Ang natatanging grupong ito ng mga tao ay may natatanging misyon sa gawain ng pamamahala ng Diyos, sa Kanyang anim-na-libong taon na plano ng pamamahala; sila ay may natatanging tungkulin at natatanging responsabilidad. Kaya, kapag sinasabi Ko na bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nabubuo mula sa mga hilig at libangan, hinihingi Ko sa mga taong ito—ibig sabihin, sa inyong lahat—na bitiwan ang mga personal na paghahangad, mithiin, at hangarin, dahil ang inyong misyon, tungkulin, at responsabilidad ay nasa sambahayan ng Diyos at sa iglesia, hindi sa mundong ito. Ibig sabihin, lahat kayo ay walang kinalaman sa pag-unlad at pagsulong ng mundong ito o sa anumang kalakaran nito. Masasabi rin na hindi nagkaloob sa inyo ang Diyos ng anumang misyon tungkol sa pag-unlad at pagsulong ng mundong ito. Ito ay Kanyang inorden. Ano ang misyon na ipinagkaloob ng Diyos sa mga hinirang Niya, sa mga ililigtas Niya? Ito ay ang gawin nang maayos ang kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, at ang maligtas. Isa sa mga bagay na hinihingi Niya sa mga tao upang maligtas sila ay ang hangarin ang katotohanan, at isa sa mga paraang hinihingi Niya sa mga tao para mahangad ang katotohanan ay ang bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao. Kaya, ang mga salita at mga hinihinging ito ay hindi nakatuon sa lahat ng sangkatauhan; sa halip, nakatuon ang mga ito sa inyo, sa bawat isa sa mga hinirang ng Diyos, at sa lahat ng nagnanais na maligtas—at siyempre, nakatuon ang mga ito sa lahat ng may kakayahang gampanan ang kanilang tungkulin sa gawain ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Ano ang papel na nagagampanan ninyo sa gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos? Kayo ang mga ililigtas ng Diyos. Kaya, pagdating sa mga ililigtas ng Diyos, ano ang nakapaloob sa “pagliligtas” na ito? Nakapaloob dito ang pagtanggap sa mga salita ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol, ang Kanyang ordinasyon, ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, pagpapasakop sa lahat ng Kanyang salita, pagsunod sa Kanyang daan, at sa huli, pagsamba sa Kanya at pag-iwas sa kasamaan; sa paggawa niyon, ikaw ay maliligtas, at papasok ka sa susunod na kapanahunan. Ito ang papel na ginagampanan ninyo sa lahat ng sangkatauhan, at ito ang natatanging misyong ipinagkaloob ng Diyos sa inyo sa gitna ng lahat ng tao. Siyempre, mula sa inyong perspektiba, ito ay isang espesyal na uri ng responsabilidad at tungkulin na mayroon kayo sa lahat ng sangkatauhan. Ito ay pagsusuri sa isyung ito mula sa perspektiba ng mga hinirang na tao ng Diyos na Kanyang pinili. Pangalawa, sa lahat ng sangkatauhan, binigyan ng Diyos ng natatanging misyon ang natatanging grupong ito ng mga tao. Hindi Niya kinakailangan na magkaroon ang mga taong ito ng anumang obligasyon o responsabilidad sa pag-unlad at pagsulong ng mundo, o sa anumang may kinalaman sa mundo. Maliban sa natatanging grupong ito ng mga tao, nagkaloob ang Diyos ng iba’t ibang misyon sa natitirang iba’t ibang uri ng tao na hindi Niya hinirang, anuman ang kanilang kalikasang diwa. Sa iba’t ibang panahon ng sangkatauhan, iba’t ibang kapaligirang panlipunan, at sa iba’t ibang lahi, gumagampan sila ng iba’t ibang papel dahil sa kanilang iba’t ibang misyon, pinupunan ang lahat ng larangan ng buhay. Dahil sa iba’t ibang papel na inorden ng Diyos na gampanan nila, bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang mga hilig at libangan. Sa ilalim ng mga pangunahing kondisyon ng mga hilig at libangang iyon, nagkakaroon sila ng iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin. Dahil mayroon silang iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang kapaligiran sa lipunan, lumilikha ang mundo ng iba’t ibang bagong bagay at bagong industriya—halimbawa, teknolohiya, medisina, negosyo, ekonomiya, at edukasyon, o magagaang industriya tulad ng tela at mga gawang-kamay, pati na rin ng industriya ng aviation at maritime, at iba pa. Sa gayon, ang mga nangungunang personalidad, mahuhusay na indibidwal, at mga natatanging tagahanga na lumilitaw sa bawat larangan dahil sa kanilang iba’t ibang paghahangad, mithiin, at hangarin, ay may sarili nilang mga misyon sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang kapaligiran sa lipunan. Kasabay nito, sa kanilang partikular na kapaligiran sa lipunan, patuloy rin nilang tinutupad ang kanilang misyon. Sa ganitong paraan, sa iba’t ibang panahon at kapaligiran sa lipunan ng sangkatauhan, patuloy na umuunlad at sumusulong ang lipunan dahil sa pagsasakatuparan ng mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga natatanging indibidwal na ito. At siyempre, patuloy itong nagbibigay sa sangkatauhan ng iba’t ibang kalidad ng materyal na pamumuhay. Halimbawa, sa ilang daang taon na nakararaan, wala pang kuryente, kaya gumagamit ang mga tao ng mga lamparang de-langis. Sa mga natatanging sitwasyong ito, isang natatanging tao ang dumating at inimbento niya ang kuryente, at nagsimula nang gumamit ng kuryente ang sangkatauhan para magkailaw. Sa isa pang halimbawa, sa isang partikular na kapaligiran sa lipunan, may isa pang natatanging tao na lumitaw. Nakita niya na malaking abala ang magsulat sa kawayan, at umaasa siyang darating ang araw na maaari nang magsulat sa isang manipis at patag na bagay ang isang tao, na magiging komportable at madaling basahin. Pagkatapos ay nagsimula siyang magsaliksik ng mga teknik ng paggawa ng papel, at sa pamamagitan ng kanyang tuluy-tuloy na pagsasaliksik, pagsusuri, at pag-eeksperimento, sa wakas ay naimbento niya ang papel. Pagkatapos ay naimbento rin ang makinang de-singaw. Sa isang natatanging yugto ng panahon, isang natatanging tao ang dumating, na nakaisip na ang pagtatrabaho gamit ang mga kamay ay sobrang nakakapagod, sobrang aksaya sa enerhiya ng tao, at masyadong hindi epektibo. Kung mayroong makina o ibang paraan na maaaring pumalit sa pisikal na pagtatrabaho ng tao, makatitipid ng maraming oras ang mga tao at magagawa nila ang ibang bagay. Kaya, sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagsusuri, naimbento ang makinang de-singaw, at pagkatapos ay sunud-sunod na naimbento ang mga mekanikal na bagay na gumagamit ng mga pangunahing prinsipyo ng makinang de-singaw. Hindi ba’t tama iyon? (Oo.) Kaya, sa iba’t ibang panahon, ang tuloy-tuloy na pagsasakatuparan at pagpapatunay sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng isang natatanging tao o ng isang grupo ng mga natatanging tao ay unti-unti at patuloy na nagsusulong at nagpapaunlad ng kapwa magaan at mabigat na industriya, na patuloy na nagpapabuti sa kalidad ng buhay at sa mga kalagayan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Ang magagaang industriya, tulad ng tela at gawang-kamay, ay umuunlad na ngayon patungo sa mas mataas na antas ng kalidad, kahusayan, at katumpakan, at mas lalong natatamasa ng mga tao ang mga ito. Ang mabibigat na industriya, tulad ng iba’t ibang uri ng transportasyon, gaya ng mga sasakyan, tren, steamship, at eroplano, ay nagbibigay ng malaking ginhawa sa buhay ng mga tao, ginagawang madali at komportable ang paglalakbay ng mga tao. Ito ang tunay na proseso at detalyadong pagpapamalas ng pag-unlad ng sangkatauhan. Sa madaling salita, magaan o mabigat na industriya man, anuman ang aspekto, ang lahat ay sinisimulan at nililikha ng mga hilig at libangan ng isang natatanging tao o ng isang grupo ng mga natatanging tao. Dahil sa kanilang natatanging mga hilig at libangan, mayroon silang kanilang sariling mga paghahangad, mithiin, at hangarin. Kasabay nito, dahil sa kanilang natatanging mga paghahangad, mithiin, at hangarin, sa iba’t ibang yugto ng panahon ng sangkatauhan at sa mga kapaligiran sa lipunan na kanilang ginagalawan, ang iba’t ibang larangan sa kanilang paligid ay nagbibigay-daan sa mas maunlad na iba’t ibang uri ng bagay, mas komportableng gamitin na mga bagay, mga bagay na mas makakatulong sa pagtaas ng kalidad ng buhay ng buong sangkatauhan. Ito ay nagdudulot ng ginhawa sa sangkatauhan at nagpapataas sa kalidad ng kanilang buhay. Hindi na natin pag-uusapan ang lahat ng ito. Sa halip, susuriin natin ang pinagmulan ng mga natatanging indibidwal na ito. Saan nanggagaling ang mga natatanging indibidwal na ito sa iba’t ibang panahon? Hindi ba’t sila ay inorden ng Diyos? (Oo.) Ang puntong ito ay hindi mapapabulaanan, at hindi ito matatatwa ninuman. Dahil sila ay inorden ng Diyos, ang kanilang mga misyon ay may kaugnayan din sa inorden ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng “may kaugnayan sa inorden ng Diyos”? Ito ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagkaloob ng mga natatanging misyon sa mga natatanging indibidwal na ito, kaya sila lumilitaw sa mga partikular na panahon, para gawin ang gusto nila sa mga partikular na panahon, at pagkatapos ay binibigyang-inspirasyon ang sangkatauhan sa iba’t ibang panahon sa pamamagitan ng mga natatanging bagay na ginagawa ng mga indibidwal na iyon. Dahil sa mga natatanging indibidwal na ito, patuloy na sumasailalim ang mundo sa maliliit na pagbabago at muling napapanibago. Ganito umuunlad ang sangkatauhan.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong may mga natatanging hilig at libangan at ng mga hinirang na tao ng Diyos? Ang pagkakaiba ay na bagamat inorden ng Diyos ang isang natatanging misyon para sa mga taong ito, hindi sila ang mga inorden ng Diyos para iligtas, kaya, ang Kanyang mga hinihingi lamang sa kanila ay na dapat silang gumawa ng isang natatanging bagay sa kanilang natatanging edad, sa kanilang natatanging panahon. Tinatapos nila ang kanilang misyon, at sa kanilang natatanging panahon, sila ay umaalis. Habang sila ay nabubuhay sa lupa, hindi gumagawa ang Diyos ng gawain ng pagliligtas sa kanila. Mayroon lamang silang misyon para sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan at sangkatauhang ito, o upang baguhin ang mga kalagayan ng pamumuhay ng sangkatauhan sa iba’t ibang yugto. Ganap na wala silang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa plano ng pamamahala ng Diyos, kaya’t anuman ang misyon na kanilang natatapos, gaano man kalaki ang kanilang mga kontribusyon sa sangkatauhan, o gaano man kalalim ang kanilang impluwensiya sa sangkatauhan, wala silang kinalaman sa gawain ng Diyos para sa pagliligtas ng sangkatauhan. Sila ay nabibilang sa mundo, sa mga kalakaran nito, sa pag-unlad nito, at sa bawat larangan at industriya nito; wala silang kinalaman sa gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kaya wala silang kinalaman sa bawat salitang binibigkas Niya, sa bawat salitang ibinibigay Niya sa sangkatauhan, sa katotohanan at buhay na ipinapahayag Niya, o sa iba’t ibang hinihingi Niya sa sangkatauhan. Ano ang ibig sabihin nito? Ito ay nangangahulugan na ang mga pahayag ng Diyos sa buong sangkatauhan, sa buong sansinukob, hanggang sa mga partikular na mga hinihingi at prinsipyo na Kanyang tinatalakay, ay hindi nakatuon sa lahat ng tao; siyempre, ang mga ito ay mas lalong hindi nakatuon sa mga natatanging tao na may mahalagang papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng lipunan ng tao. Ang mga salita ng Diyos—ang katotohanan, ang daan, at ang buhay—ay nakatuon lamang sa mga hinirang Niyang tao. Ang isyung ito ay madaling naipapaliwanag: ang mga salita ng Diyos ay nakatuon sa sinumang Kanyang hinihirang, sa sinumang nais Niyang iligtas. Kung ang isang tao ay hindi hinirang ng Diyos, at kung hindi Niya planong iligtas ito, kung gayon, ang mga salitang ito ng buhay ay hindi binibigkas sa taong ito—wala siyang parte rito. Naiintindihan mo ba? (Oo.) Ang mga natatanging indibidwal na ito ay may natatanging mga hilig at libangan, kaya mayroon silang naiiba, mas mataas na mga paghahangad, mithiin, at hangarin kumpara sa mga ordinaryong tao. Dahil mayroon sila nitong mga natatanging paghahangad, mithiin, at hangarin, at dahil mayroon silang naiiba o natatanging mga hilig at libangan, ginagampanan nila ang isang mahalagang papel sa pag-unlad ng lipunan ng tao, at siyempre, sa iba’t ibang panahon, tinatapos nila ang kanilang mahahalagang misyon. Sa huli, natatapos man nila o hindi ang kanilang mga misyon nang pasok sa pamantayan, sila ang tanging may kinalaman sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin na lumilitaw dahil sa mga hilig at libangan na ito. Dahil mayroong mga natatanging misyon ang mga taong ito, dapat nilang isakatuparan ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin sa mga partikular na panahon at sa mga partikular na sitwasyon ng lipunan. Ito ang misyon na ipinagkakaloob ng Diyos sa kanila, ang misyong idinadagdag Niya sa kanila; ito ang kanilang responsabilidad, at ganito sila dapat kumilos. Gaano man kapagod ang kanilang laman, puso, o kaisipan, o gaano man kalaki ang halagang binabayaran nila, upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin at hangarin, tatapusin nilang lahat—o dapat nilang tapusin ang misyon na kailangan nilang gawin, sapagkat ito ang inorden ng Diyos. Walang makakatakas sa inorden ng Diyos, o makakatakas sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Kaya, wala silang anumang kinalaman sa pinag-uusapan natin tungkol sa pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao. Ano ang ibig sabihin na wala silang kinalaman sa isa’t isa? Ito ay nangangahulugan na ang mga salitang ito tungkol sa pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao ay hindi nakatuon sa kanila. Sa kahit anong panahon, sa anumang sitwasyon ng lipunan, at sa anumang punto ng pag-unlad ng sangkatauhan, ang mga salitang ito mula sa Diyos ay walang kinalaman sa kanila. Ang mga salitang ito ay hindi nakatuon sa kanila, kaya wala sa mga salitang ito ang hinihingi sa kanila. Kailangan nilang tapusin ang misyon na dapat nilang gawin sa ilalim ng ordinasyon, kataas-taasang kapangyarihan, at mga pagsasaayos ng Diyos. Kailangan nilang gawin ang nararapat nilang gawin sa iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang sitwasyon ng lipunan ng masama at tiwaling sangkatauhan, kailangan nilang tuparin ang kanilang mga obligasyon, at tapusin ang misyon na dapat nilang gawin. Kaya, ginagampanan ba nila ang papel ng isang taga-serbisyo o ng isang mapaghahambingan? Paano mo man ito sabihin ay ayos lang. Sa madaling salita, hindi sila ang mga hinirang ng Diyos, o ang mga nais Niyang iligtas—iyon lang. Kaya, kahit pa bitiwan ng mga mananampalataya ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin, hindi nito mapapabagal ang pag-unlad ng mundo o ng sangkatauhan; at siyempre, hindi rin nito mapapabagal ang pag-unlad ng iba’t ibang larangan at industriya sa iba’t ibang panahon at iba’t ibang sitwasyon ng lipunan ng mundo. Hindi ba’t ganito ang nangyayari? (Oo.) Ano ang dahilan? Ito ay dahil ang pag-unlad ng sangkatauhan at ng mga industriya sa lipunan ay walang kinalaman sa mga mananampalataya, o sa mga taong hinirang ng Diyos, kaya hindi mo kailangang mag-alala: “Kung susundin namin ang sinasabi Mo at bibitiwan namin ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin, patuloy bang uunlad ang lipunan at sangkatauhang ito?” Bakit ka mababalisa? Hindi mo kailangang mabalisa. May mga plano at pagsasaayos ang Diyos—nauunawaan mo iyon, hindi ba? (Oo.) Ang iyong pagkabalisa ay hindi kinakailangan, ito ay dahil hindi mo nakikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, at dahil hindi mo nauunawaan ang katotohanan.
Ano ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na dapat taglayin ng isang mananampalataya sa Diyos? Kailangan mong gawin nang maayos ang iyong tungkulin, nang pasok sa pamantayan, tapusin ang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, hangarin at isagawa ang katotohanan sa proseso ng paggampan sa iyong tungkulin, kamtin ang pagpasok sa katotohanang realidad, tumitingin sa mga tao at bagay, at umaasal at kumikilos nang ganap na naaayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan. Ito ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na dapat mong taglayin. Ang mga makamundong paghahangad, mithiin, at hangarin na nagmumula sa mga hilig at libangan ay ang mga bagay na dapat mong bitiwan. Bakit mo kailangang bitiwan ang mga ito? Iba ka sa mga tao sa labas ng iglesia; hinirang ka ng Diyos, pinili mong hangarin ang katotohanan, at nagdesisyon kang sundin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, kaya ang mga layon at direksiyon ng iyong buhay ay dapat magkaroon ng pagbabago, at dapat mong lubos at ganap na bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nagmumula sa mga hilig at libangan. Bakit mo kailangang bitiwan ang mga ito? Sapagkat iyan ay hindi ang daan na dapat mong tahakin. Iyan ang daan ng mga walang pananampalataya, ng mga hindi nananampalataya sa Diyos. Kung hahangarin mo ang pagtahak sa daang iyon, kung gayon, hindi ka isa sa mga hinirang ng Diyos. Kung hahangarin mo ang mga mithiin at hangarin na gaya ng sa mga walang pananampalataya, hindi mo mahahangad ang katotohanan, at hindi mo matatamo ang kaligtasan. Sa mas partikular na salita, kung hindi mo kayang bitiwan ang iyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin, at higit pa rito ay nais mong isakatuparan ang mga ito, kung gayon, hindi mo magagawang magpasakop sa gawain ng Diyos o matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, at hinding-hindi ka maliligtas. Ano ang ibig sabihin nito? Ang hindi magawang bitiwan ang iyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin, at higit pa rito ay ang hangarin na maisakatuparan ang mga ito, ay katumbas ng pagtalikod sa iyong paghahangad sa katotohanan, pagtalikod sa kaligtasan, at pagtangging magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi ba’t ito ang totoo? (Oo.) Kaya sa huli, tulad lang ito ng sinabi Ko: Kung nais mong hangarin ang katotohanan, dapat mo munang bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na nagmumula sa mga hilig at libangan. Dapat mong bitiwan ang mga ito, dahil ang paghahangad sa mga makamundong mithiin at hangarin ay walang kinalaman sa mga taong naghahangad sa katotohanan at kaligtasan; iyan ay hindi ang landas na dapat mong tahakin, o ang layon at direksiyon na dapat mong itatag at taglayin sa iyong buhay. Kung madalas mo itong pinaplano at kinakalkula sa iyong puso, pinipiga ang utak mo para pagnilayan at isaalang-alang ito, dapat mo itong bitiwan sa lalong madaling panahon. Hindi mo maaaring tahakin ang dalawang magkaibang landas, ninanais na hangarin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan, habang ninanais ding hangarin ang mundo, at isakatuparan ang iyong sariling mga mithiin at hangarin. Sa ganitong paraan, bukod sa hindi mo makakamit o maisasakatuparan ang alinman sa mga ito, dagdag pa rito—at ang pinakamahalaga—maaapektuhan nito ang iyong kaligtasan. Sa huli, mapapalampas mo ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa tao, mawawalan ng pinakamagandang pagkakataon sa pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at mawawalan ka ng pagkakataong maligtas. Sa huli, masasadlak ka sa sakuna, hahampasin mo ang iyong dibdib at magdadabog ang iyong mga paa, at huli na para magsisi—ito ang magiging malungkot mong kapalaran. Kung matalino ka, at nakapagdesisyon ka nang hangarin ang katotohanan, dapat mong bitiwan ang mga mithiin at hangarin na dating mayroon ka o na patuloy mo pa ring hinahangad. Ang mga taong mangmang, hangal, hindi matalino, at naguguluhan—ang mga taong ito ay nais na hangarin ang katotohanan at maligtas, ngunit ayaw nilang bitiwan ang kanilang mga makamundong paghahangad, mithiin, at hangarin. Gusto nilang matamo ang parehong bagay na ito. Iniisip nila na ang pagkilos nang ganito ay kapakinabangan, na ito ay matalino, ngunit ang totoo, ito ang pinakahangal na paraan ng pagkilos sa lahat. Ang matatalinong tao ay lubusang tatalikuran ang kanilang mga makamundong paghahangad, mithiin, at hangarin, at pipiliin nilang hangarin ang katotohanan at maligtas. Gaano man umunlad ang mundo, at anuman ang kalagayan o pag-unlad ng iba’t ibang larangan at industriya, walang kinalaman ang mga ito sa iyo. Hayaan mo ang mga nabibilang sa mundo, ang mga diyablo na namumuhay sa lupa, na gawin ang anumang dapat nilang gawin. Ang gagawin natin ay, una, tapusin ang tungkuling dapat nating gawin, at pangalawa, ay tamasahin ang bunga ng kanilang pagtatrabaho. Napakaganda nito! Halimbawa, ang mga computer at ang software na iniimbento nila ay napakalaking tulong sa paggawa mo ng iyong tungkulin at sa iyong pagtatrabaho. Kinukuha at ginagamit mo ito, ginagamit ito para mapaglingkuran ka; ginagamit mo ito upang tulungan ka habang tinutupad mo ang iyong tungkulin, tulungan kang mas mahusay na tapusin ang iyong gawain, na nagpapabuti sa pagiging epektibo ng paggawa mo sa iyong tungkulin, at nagpapaganda sa mga resulta, habang mas nakakatipid ka rin sa oras. Napakaganda nito! Hindi mo na kailangang pigain ang iyong utak sa pagsasaliksik: “Paano naimbento ang software na ito? Kanino nanggaling ito? Paano ako dapat magsikap sa paggamit ng software na ito, sa teknikal na larangang ito?” Walang silbi na pigain ang iyong utak nang ganito. Ang iyong mga kaisipan at enerhiya ay hindi para dito. Hindi mo kailangang igugol ang iyong enerhiya o mga brain cell para sa usaping ito. Hayaan mong mag-ambag ang mga makamundong tao na siyang dapat gumawa nito; pagkatapos ng kanilang mga kontribusyon, kunin at gamitin natin ito. Napakaganda! Lahat ay handa nang gamitin. Pauna nang isinaayos ng Diyos ang lahat ng bagay, kaya hindi mo na ito kailangang hangarin, at sa mga usaping ito, hindi mo kailangang mabalisa o magsumikap. Sa mga usaping ito, hindi mo na kailangang umako ng kahit ano, o mag-alala o mabahala sa anumang bagay. Ang kailangan mo lang gawin ay gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, hangarin ang katotohanan, kamtin ang pagkaunawa sa katotohanan, at pasukin ang katotohanang realidad. Hindi ba’t ito ang pinakatamang landas sa buhay? (Ito nga.)
Nauunawaan na ba ninyo ngayon ang isyu ng paghahangad sa mga mithiin at hangarin? Sinasabi ng ilang tao: “Kung hindi hinangad ng mga tao ang kanilang mga mithiin, magkakaroon pa rin ba ng progresibong pag-unlad ang mundo?” Ang sinasabi Ko ay oo, susulong pa rin ito. Naiintindihan ba ninyo ang sagot na ito? Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Kung gayon, malinaw rin ba ninyong nakikita ang diwa ng isyung tinatalakay natin? Hindi ba’t ganito talaga ito? (Oo.) Pagdating sa huling salita—ang pag-unlad, pag-usad, at mga usapin ng mundo—hayaan na ang mga diyablong nabibilang sa mundo, o ang mga diumano’y “tao” na nabibilang sa mundo, ang mangasiwa rito. Wala itong kinalaman sa mga nananampalataya sa Diyos. Ano ang misyon at responsabilidad ng mga nananampalataya sa Diyos? (Gawin nang maayos ang kanilang tungkulin, hangarin ang katotohanan, at kamtin ang kaligtasan.) Tama. Ito ay napakapartikular at napakapraktikal. Hindi ba’t simple lang ito? (Oo.) Ang mga nananampalataya sa Diyos ay kailangan lang na hangarin ang katotohanan at sundin ang Kanyang daan, at sila ay maliligtas sa huli. Ito ang iyong misyon, at ito ang pinakamalaking ekspektasyon at inaasam ng Diyos sa inyo. Isinasaayos ng Diyos ang mga natitirang bagay, kaya hindi mo na kailangang mabalisa o mag-alala. Kapag dumating na ang oras, iyong matatamasa, makakain, at magagamit ang lahat ng nararapat sa iyo. Lahat ng bagay ay hihigit sa iyong imahinasyon at mga ekspektasyon, at magiging sagana. Hindi hahayaan ng Diyos na wala kang mapapala, o na maging dukha ka. May isang linya sa Bibliya na nagsasabing magaan ang pasanin ng Panginoon. Ano ang sinasabi sa orihinal? (“Sapagkat malambot ang Aking pamatok, at magaan ang Aking pasan” (Mateo 11:30).) Hindi ba’t iyon ang kahulugan? (Iyon nga.) Ang paghingi sa iyo na bitiwan ang iyong sariling mga paghahangad, mithiin, at hangarin ay hindi upang gawin kayong pangkaraniwan, tamad, walang paghahangad, isang naglalakad na bangkay, o isang taong walang kaluluwa; sa halip, ito ay upang baguhin ang maling direksiyon at layon ng inyong mga paghahangad. Dapat mong bitiwan ang mga paghahangad, mithiin, at hangarin na hindi mo dapat taglayin, at itatag ang mga tamang paghahangad, mithiin, at hangarin. Sa ganitong paraan ka lamang makakatahak sa tamang landas ng buhay. Kung gayon, nalutas na ba ang problemang ito? Kung hindi hinangad ng mga tao ang kanilang mga mithiin, patuloy kayang uunlad ang mundo? Ang sagot ay “oo.” Bakit? (Dahil may inorden na misyon ang Diyos para sa mga nabibilang sa mundong ito; sila ang gagawa ng gawaing ito.) Tama, dahil may mga inorden at isinaayos ang Diyos, kaya hindi mo kailangang mabalisa. Ang mundo ay uunlad, at ang mga mananampalataya sa Diyos ay hindi kailangang pasanin ang misyong ito, upang tuparin ang responsabilidad at obligasyong ito. Isinaayos na ng Diyos ang mga bagay-bagay. Hindi mo kailangang mag-alala kung sino ang isinasaayos ng Diyos. Sapat na ang hangarin mo ang katotohanan, sundin ang daan ng Diyos, at kamtin ang kaligtasan. Kailangan mo pa bang mag-alala sa iba pang bagay? (Hindi.) Hindi. Kaya, ang pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao ay isang landas na dapat mong isagawa. Hindi mo kailangang mag-alala kung ano ang mangyayari sa mundo o sa sangkatauhan pagkatapos mong bitiwan ang iyong mga mithiin at hangarin. Hindi iyon isang bagay na kailangan mong ipag-alala. Wala itong kinalaman sa iyo. Isinaayos na ng Diyos ang lahat ng bagay. Ganoon lang ito kasimple. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Sa pamamagitan ng pagbabahaginan sa ganitong paraan, hindi ba’t nalutas Ko na ang ugat ng problema? (Oo.) Kung may magtatanong muli sa inyo, paano ninyo titingnan at ipapaliwanag ang problemang ito? Kung may isang taong hindi nananampalataya sa Diyos na magtatanong: “Palagi ninyong sinasabi ang tungkol sa hindi paghangad sa mga mithiin, ang pagbitiw sa mga mithiin at hangarin. Kung lahat ay magsasagawa ayon sa inyong sinasabi, iiral pa ba ang mundo? Patuloy pa bang uunlad ang sangkatauhan?” maaari kang sumagot nang ganito: “May kanya-kanyang adhikain ang bawat tao; hindi mo sila maaaring pilitin.” Ito ay isang popular na kasabihan sa mundo. Dapat mong sabihin: “Hinihingi ng Diyos sa mga tao na bitiwan ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin; iyon ang katotohanan. Kung handa kang tanggapin ito, kaya mong bitiwan ang mga bagay na ito. Kung hindi ka handang tanggapin ito, maaari din na hindi mo bitiwan ang mga ito. Hindi pipilitin ng Diyos ang sinuman. Ang pagbitiw sa iyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin ay kusang-loob, at ito ay iyong karapatan. Ang hindi pagbitiw sa mga ito ay kusang-loob din, at karapatan mo rin ito. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang partikular na misyon. Sa lahat ng sangkatauhan, ang bawat tao ay may kanya-kanyang sariling misyon, sariling papel na dapat niyang gampanan. Magkakaiba ang mga pinipili ng mga tao, kaya magkakaiba rin ang landas na kanilang tinatahak. Pinili mong hangarin ang mundo, isakatuparan ang iyong mga mithiin at hangarin sa mundo, at katawanin ang iyong mga prinsipyo, samantalang pinipili kong bitiwan ang aking mga paghahangad, mithiin, at hangarin upang sundin ang Diyos, pakinggan ang Kanyang mga salita, sundin ang Kanyang daan, at palugurin Siya. Sa huli, makakamtan ko ang kaligtasan. Hindi mo hinahangad ang landas na ito, malaya kang gawin ito. Walang makakapilit sa iyo.” Ano ang tingin mo sa sagot na ito? (Mabuti ito.) Kung kaya mong tanggapin ang ideya ng “pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ng mga tao,” kung gayon, ang mga salitang ito ay nakatuon sa iyo. Kung hindi mo ito kayang tanggapin, kung gayon, walang indikasyon na kailangan mong pakinggan at tanggapin ang mga salitang ito. Maaari mong piliing hindi makinig; maaari mong piliing talikuran ang gawain ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at talikuran ang iyong pagkakataon na maligtas. Karapatan mo ito. Maaari din na hindi mo bitiwan ang iyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin, at harapin mo ang mundo nang may kumpiyansa, may tapang na isakatuparan ang mga ito. Walang pipilit sa iyo, at walang kokondena sa iyo. Karapatan mo ito. Ang iyong pagpili ay siya ring iyong misyon, at ang iyong misyon ay ang papel na inorden sa iyo ng Diyos na gampanan sa gitna ng mga tao. Iyon lang. Ito ang tunay na kalagayan ng mga bagay. Anuman ang iyong pipiliin, iyon ang uri ng landas na iyong tatahakin; anumang uri ng landas ang iyong tatahakin, iyon ang papel na gagampanan mo sa gitna ng mga tao. Ganoon lang ito kasimple. Ito ang tunay na kalagayan ng mga bagay. Kaya, ito pa rin ang mga salitang binanggit kanina: “May kanya-kanyang adhikain ang bawat tao; hindi mo sila maaaring pilitin.” Ngunit saan nanggagaling ang adhikaing iyon? Sa pinagmulan nito, ito ay inorden ng Diyos. Kung pipiliin mong hindi tanggapin ang katotohanan at gawin nang maayos ang iyong tungkulin, ibig sabihin nito ay hindi ka pinili ng Diyos, at wala kang pagkakataong maligtas. Sa madaling salita, wala ka ng pagpapalang ito; hindi ito inorden ng Diyos. Kung hindi ka interesado sa pananampalataya sa Diyos o paghahangad sa katotohanan—kung hindi mo hahangarin ang aspektong ito—wala ka ng pagpapalang ito. Ang mga taong inorden na pumasok sa sambahayan ng Diyos ay handang gawin ang kanilang tungkulin doon. Anuman ang sabihin ng Diyos, makikinig sila; kung nais Niya na bitiwan nila ang kanilang mga paghahangad, mithiin, at hangarin, gagawin nila ito. Kung hindi nila kayang bitiwan ang mga ito, pinipiga nila ang kanilang utak kung paano ito gagawin. Ang ganitong tao ay handang hangarin ang kaligtasan. Ito ang pinakamalalim na pangangailangan at hinihingi ng kanilang kaluluwa, na inorden ng Diyos, kaya mayroon sila ng pagpapalang ito, na siyang magandang kapalaran nila. Ang papel na inorden ng Diyos para sa iyo ay ang dapat mong gampanan. Iyon ang pinagmulan. Ang mga hindi pinagpala ay naghahangad sa mundo, samantalang ang mga pinagpala ay naghahangad sa katotohanan—hindi ba’t iyon ay katunayan? (Oo.) Kaya, kung may muling magtatanong sa inyo, makasasagot ba kayo? (Oo.) Ano ang pinakasimpleng sagot? (May kanya-kanyang adhikain ang bawat tao; hindi mo sila maaaring pilitin.) May kanya-kanyang adhikain ang bawat tao; hindi mo sila maaaring pilitin. Ang paghingi sa iyo na bitiwan ang iyong mga paghahangad, mithiin, at hangarin ay naglalayon lang na bigyan ka ng isang landas ng pagsasagawa. Maaari mong piliing bitiwan ang mga ito, at maaari mong piliing hindi bitiwan ang mga ito. May kanya-kanyang adhikain ang bawat tao; hindi mo sila maaaring pilitin. Kung tatanggapin mo, ang mga salitang ito ay nakatuon sa iyo. Kung hindi mo tatanggapin, ang mga salitang ito ay hindi nakatuon sa iyo, at ang pagbitiw sa mga paghahangad, mithiin, at hangarin ay walang kinalaman sa iyo; malaya ka. Nalutas na ba ang isyung ito? (Oo.) Nalutas na ito, kaya wala nang magbabanggit sa usaping ito, hindi ba? (Tama.)
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.