Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 7 (Ikalawang Bahagi)

Katatapos lang natin talakayin kung paanong nahahati ang mga mithiin ng mga tao sa mga mithiin ng mga idealista at mga mithiin ng mga realista, sa dalawang kategoryang ito. Simulan nating talakayin ang tungkol sa mga mithiin ng mga idealista. Ang mga mithiin ng mga realista ay siguradong madaling tukuyin. Sa isang banda, ang mga mithiin ng mga idealista ay hindi gaanong kongkreto at medyo malayo sa totoong buhay. Malayo rin ang mga ito sa mga praktikal na bagay na may kinalaman sa pananatiling buhay ng tao, gaya ng pang-araw-araw na pangangailangan. Ang mga mithiing ito ay may mga kongkretong konsepto pero walang tiyak na patutunguhan. Maaari mong sabihin na ang mga mithiin at hangaring ito ay mga pantasya, medyo walang kabuluhan at hindi konektado sa kalikasan ng tao. Ang ilan ay maituturing na haka-haka, at ang ilan ay mga mithiin at hangarin na nagmumula sa isang hindi matatag na personalidad. Ano ang mga mithiin ng mga idealista? Ang idealismo ay madaling unawain. Isa itong pangangarap nang gising, isang pantasya, na walang kaugnayan sa mga praktikal na bagay ng pang-araw-araw na pangangailangan sa totoong buhay. Halimbawa, ang pagiging makata, isang imortal na makata, naglalakbay sa daigdig; o kaya’y pagiging isang eskrimador, isang naglalakbay na kabalyero, na naglalakbay rin sa daigdig, nananatiling walang asawa at walang anak, malaya sa gusot ng mga walang kabuluhang bagay sa buhay, malaya sa alalahanin ng pang-araw-araw na pangangailangan, namumuhay nang maginhawa at maalwan, nagpapatangay kahit saan, laging inaasam na maging imortal at matakasan ang totoong buhay. Ito ba ang mithiin ng isang idealista? (Oo.) Mayroon ba sa inyo ang may mga gayong kaisipan? (Wala.) Paano naman ang mga sikat na makata sa nakaraan ng Tsina, na naglalasing at sumusulat ng tula? Sila ba ay mga idealista o mga realista? (Mga idealista.) Ang mga ideyang isinusulong nila ay ang mga pantasya at pangangarap nang gising ng mga idealista. Palagi silang nagpapatangay kahit saan, at nagsasalita ng mga malabo at hindi tiyak na termino, iniisip kung gaano kaganda ang mundo, kung gaano kapayapa ang sangkatauhan, kung paanong pwedeng umiral ang mga tao nang magkakasama at nagkakaisa. Inilalayo nila ang kanilang sarili sa konsiyensiya, katwiran, at mga pangangailangan sa buhay ng normal na pagkatao. Hinihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa mga isyung ito ng totoong buhay at nag-iisip ng isang perpektong lugar o kathang-isip na kaharian na ganap na hiwalay sa realidad. Nakikinita nila ang kanilang sarili bilang mga nilalang sa loob ng kahariang iyon, naninirahan sa lugar na iyon. Hindi ba’t ito ang mithiin ng isang idealista? May isang tula mula sa nakaraan, at ang isa sa mga linya ay nagsasabing “Gusto kong sumuong sa hangin at lumipad pauwi.” Ano ang pamagat ng tulang iyon? (“Himig ng Tubig.”) Basahin ang mga linya ng tulang iyon. (“Gusto kong sumuong sa hangin at lumipad pauwi. Natatakot ako na sobrang malamig sa himpapawid, na sobrang mataas ang palasyong yari sa jade. Sumasayaw sa aking anino, hindi ko na nararamdaman ang pakikibaka.”) Ano ang ibig niyang sabihin sa, “Sumasayaw sa aking anino, hindi ko na nararamdaman ang pakikibaka”? Ipinababatid ba ng dalawang linyang ito ang mga napipigilan at naghinanakit na emosyon ng isang idealista na may mga mithiing hindi makamit o maisakatuparan? Ipinahayag ba ang mga bagay na ito dahil sa napipigilang emosyong ito? Ano ang pokus nito? Aling pangungusap ang nagpapahiwatig ng kapaligiran at sirkumstansiyang kinalalagyan niya noong panahong iyon? Ito ba ang “Natatakot ako na sobrang malamig sa himpapawid”? (Oo.) Inilalantad niya ang kadiliman at kasamaan ng pagiging opisyal, na isa itong tiwaling lugar na kabibilangan. Nais niyang maging katulad ng isang imortal, upang makatakas sa gayong kapaligiran at sitwasyon. Hindi ba’t sapat na kung magbibitiw na lang siya sa pagiging opisyal? Hindi kaya’t gusto niyang baguhin ang kapaligirang ito? Hindi siya nasisiyahan sa gayong kapaligiran, nararamdamang hindi ito tumutugma sa kapaligiran ng perpektong buhay na naisip niya, at nararamdaman niya sa kaloob-looban niya na napipigilan siya. Ito ay isang uri ng mithiin na mayroon ang isang idealista. Ang mga mithiin ng mga idealista ay kadalasang pawang mga pantasya, hindi makatotohanan at haka-haka lang ang mga ito, hindi konektado sa totoong buhay. Para bang nakatira sila sa ibang mundo na labas sa materyal na mundo, sa isang nagsasarili at indibidwal na espasyo, nagpapakasasa sa mga pantasya at hiwalay sa realidad. Tulad lamang ng ilang taong namumuhay sa modernong lipunan, gusto nila palaging magsuot ng sinaunang damit, mag-istilo ng buhok sa mga sinaunang pamamaraan, at magsalita sa sinaunang wika. Iniisip nila, “Ah, napakaganda ng ganoong uri ng buhay! Katulad lamang ng isang imortal, nagpapatangay sa agos at naglalakbay, malaya sa mga problema ng pisikal na katawan, malaya sa iba’t ibang hirap ng totoong buhay. Sa ganoong uri ng kapaligiran ng pamumuhay, walang pang-aapi, walang pananamantala, walang mga pag-aalala. Ang mga tao ay pantay-pantay, nagtutulungan at namumuhay nang nagkakaisa. Napakaganda at kanais-nais ng mga gayong perpektong kondisyon ng pamumuhay!” Sa mga hindi mananampalataya, may ilang naghahangad ng mga bagay na ito. Ang ilang tao ay umaawit ng mga parehong kanta o nagsusulat ng mga parehong tula o may mga parehong pagganap. Dahil dito, mas lalong nananabik ang mga tao sa ibang mundong iyon na pinapangarap ng mga idealista. At kapag kinakanta ng mga tao ang mga awit na ito o ipinapalabas ang mga pagganap na ito, habang mas kumakanta sila, mas nagiging mapanglaw ang lagay ng loob nila, mas lalo silang nananabik at kumakapit sa perpektong mundong iyon. Ano ang mangyayari sa huli? Ang ilang tao, pagkatapos kumanta nang matagal, ay nararamdaman na hindi nila matatakasan ang kanilang mga alalahanin. Gaano man sila kumanta, hindi pa rin nila maramdaman ang sigla ng mundo ng mga tao. Gaano man sila kumanta, nararamdaman pa rin nila na mas maganda ang kathang-isip na mundo ng kanilang idealismo. Nagiging dismayado sila sa mundo, ayaw na nilang manirahan sa mundong ito ng tao, at sa huli ay matatag silang nagpapasya na pumunta sa perpektong mundong iyon sa sarili nilang paraan. Ang ilan ay lumulunok ng lason, ang ilan ay tumatalon sa mga gusali, ang ilan ay sinasakal ang kanilang sarili gamit ang kanilang leggings, at ang ilan ay nagiging monghe at naghahangad ng espirituwal na pagsasagawa. Sinasabi nilang naarok na nila ang ilusyon ng mga makamundong pagkagiliw. Sa katunayan, hindi na kailangang gumamit ng gayong matitinding hakbang at pamamaraan para lutasin ang kanilang pagkadismaya sa mundo. Maraming paraan upang matugunan ang mga naturang problema at paghihirap, ngunit dahil bigo silang mabatid ang diwa sa likod ng mga isyung ito, sa huli ay pinipili nila ang mga labis-labis na pamamaraan para tugunan ang mga paghihirap na ito at makatakas mula sa mga ito, upang makamit ang layon ng pagsasakatuparan ng kanilang mga mithiin. Kumakatawan ito sa mga idealistang naninirahan kasama ang mga hindi mananampalataya at ang kanilang mga problema.

Sa sambahayan ng Diyos, sa iglesia, mayroon bang mga taong may mga parehong mithiin? Tiyak na mayroon, hindi pa lang ninyo sila natutuklasan, kaya’t sasabihin Ko sa iyo ang tungkol sa kanila. May mga indibidwal na habang nasa sekular na mundo ay nananabik sa isang ideyal na lipunan ng kapayapaan, pagkakaisa, katahimikan, at pagkakapantay-pantay para sa lahat, gaya ng mga idealista na kasama ang mga hindi mananampalataya. Ang ideyal na lipunang ito ay katulad ng mga paraiso na inilalarawan ng ilang makata o may-akda, bagamat siyempre, mas madalas na katulad ito ng ilang espasyo, paraan ng pamumuhay, o mga kapaligiran sa pamumuhay na umiiral sa loob ng ideyal na mundo ng mga tao. Hindi namamalayan ng mga taong ito, na inuudyukan ng gayong mga pangangailangan at mithiin, na naghahanap sila ng kanilang sariling pananampalataya upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin. Habang naghahanap, natutuklasan nila na ang pananalig sa Diyos ay isang mabuting landas at isang magandang desisyon sa pananampalataya. Dala-dala ang kanilang mga mithiin, pumapasok sila sa sambahayan ng Diyos, umaasang maranasan ang pagmamalasakit, pangangalaga, at ang pagpapahalaga at pag-aaruga ng mga tao, at siyempre, mas umaasa silang madama ang dakilang pagmamahal at proteksiyon ng Diyos. Pumapasok sila sa sambahayan ng Diyos dala ang kanilang mga mithiin, at tinutupad man nila ang kanilang mga tungkulin o hindi, anumang mangyari, hindi nagbabago ang kanilang mga mithiin—palagi nilang dinadala at pinanghahawakan ang mga mithiin nila. Mula sa simula hanggang sa wakas, maaaring ilarawan ang kanilang mga mithiin sa pamamagitan ng mga sumusunod: Sa pagpasok sa sambahayan ng Diyos, umaasa sila na isa itong lugar kung saan makararamdam sila ng pagmamalasakit, kung saan maaari silang magtamasa ng malasakit, kaligayahan, at maayos na kalagayan. Umaasa sila na isa itong lugar na walang anumang alitan, paghihinala, o diskriminasyon sa pagitan ng mga tao, isang lugar kung saan walang pang-aapi, panlilinlang, pamiminsala, o pagbubukod na nangyayari sa mga tao. Ito ang mga karaniwang mithiin na makikita sa isipan ng mga gayong idealista. Ibig sabihin, nakikinita nila ang isang lugar kung saan tinatrato ng mga tao ang isa’t isa na parang mga makina, walang kabuhay-buhay at anumang iniisip, nakangiti, tumatango, at yumuyuko nang wala sa loob kapag nagkakasalubong sila para ipakita ang pagiging palakaibigan, para ipakita na walang alitan. Sa ideyal na lugar na ito, may dakilang pagmamahalan sa pagitan ng mga tao, at kaya nilang alalahanin, pahalagahan, alagaan, tulungan, unawain, at suportahan ang isa’t isa, at ipagtanggol at pagtakpan pa nga ang isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ilan sa mga bagay na hinahangad at pinapangarap ng mga idealista. Halimbawa, kapag pumasok ang mga idealista sa sambahayan ng Diyos, inaasam nila at umaasa sila na ang matatandang tao ay marerespeto, mapahahalagahan, maaalagaan, at mabibigyan ng masusing atensiyon at pangangalaga ng mga nakababata. Bukod sa respeto, umaasa rin silang tatawagin ng mga tao ang isa’t isa ng may paggalang, tatawagin ang mga brother bilang “Matandang Tiyo,” “si Tiyo ganito,” o “si Tiyo ganyan,” at ang kanilang mga sister bilang “si Lola ganito,” “si Tiya ganyan,” o “si Sister ganito”—sa pangkalahatan, ang bawat isa ay may kanya-kanyang katawagan. Inaasahan nilang magiging mas magiliw, na mas magkakasundo, at magiging magalang sa isa’t isa ang mga tao sa panlabas, at na walang sinuman ang magkakaroon ng anumang masamang hangarin o anumang masamang bagay sa panlabas o sa kaibuturan ng kanyang puso. Umaasa sila na kung magkamali o makatagpo ng mga paghihirap ang sinuman, lahat ay kayang mag-abot ng tulong para sa taong ito, at higit pa rito, tustusan din ito ng puspusang pangangalaga at pagpaparaya. Lalo na pagdating sa mahihina, at sa mga taong medyo inosente na madaling naaapi o napagmamalupitan ng iba sa mundo—mas lalo silang umaasa na kapag ang mga ganitong tao ay pumasok sa iglesia, sa sambahayan ng Diyos, makakatanggap ang mga ito ng masusing pangangalaga, atensiyon, at espesyal na pagtrato. Gaya ng sinasabi ng mga idealistang ito, nang dumating sila sa sambahayan ng Diyos, hinangad nila na maging masaya at maayos ang lahat, at umasa sila na sapagkat nananampalataya silang lahat sa Diyos, sama-sama silang magiging isang malaking pamilya at sila ay magiging magkakapatid. Iniisip nila na dapat walang pang-aapi, walang pagpaparusa, walang pinsalang ginagawa. Naniniwala sila na kung magkakaroon ng problema, hindi dapat magkaroon ng mga pagtatalo o galit sa mga tao, at sa halip, dapat tratuhin ng lahat ang isa’t isa nang mahinahon, at nang may mahabang pasensya at may pagkamatulungin, na dapat nilang palaging gawing komportable ang iba, at na dapat lamang ipakita ng bawat tao ang kanilang pinakamaganda at pinakamabait na katangian sa iba, habang itinatago ang kanilang masasamang katangian. Naniniwala sila na dapat tratuhin ng mga tao ang isa’t isa tulad ng mga makina, na hindi sila dapat magkaroon ng anumang negatibong pananaw o opinyon sa ibang tao, at lalong hindi sila dapat gumawa ng anumang negatibo sa isa’t isa; iniisip nila na dapat mayroong mabubuting layunin sa iba ang mga tao, at naging malinaw ito sa kasabihang, “Payapa ang buhay ng mabubuti.” Iniisip nila na ito lamang ang tunay na sambahayan ng Diyos at ang tunay na iglesia. Gayunpaman, ang mga mithiin ng mga idealistang ito ay hindi pa naisasakatuparan. Sa kanilang lugar, nakatuon ang sambahayan ng Diyos sa mga prinsipyo, na nagbibigay-diin sa pagtutulungan at pagsuporta ng mga tao sa isa’t isa, at hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa lahat na tratuhin ang lahat ng uri ng tao batay sa mga katotohanang prinsipyo at sa mga salita ng Diyos. Isinulong pa nga ng sambahayan ng Diyos ang ilang hinihingi na “walang konsiderasyon” sa mga tao, tulad ng pagtutukoy sa iba’t ibang uri ng tao, at pagtrato sa kanila sa iba’t ibang paraan. Hinihingi rin ng sambahayan ng Diyos na manindigan ang mga tao upang ilantad at iwasto ang sinumang nakikita nilang pumipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, lumalabag sa mga pagsasaayos ng gawain, o sumasalungat sa mga prinsipyo, nang sa gayon ay mapangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na ipagtanggol o pagtakpan ang sinuman batay sa mga damdamin. Siyempre, nagtatag din ang sambahayan ng Diyos ng iba’t ibang antas ng pamumuno. Sa isang aspeto, hinihingi ng sambahayan ng Diyos na pangasiwaan ng mga lider sa lahat ng antas ang pang-araw-araw na gawain ng iglesia. Sa isa pang aspeto, hinihingi nito sa kanila na mahigpit na pangasiwaan, pamahalaan, at subaybayan ang iba’t ibang gawain, habang nananatiling may kaalaman, pagkaunawa, at pagbibigay-pansin sa mga kalagayan at buhay-iglesia ng iba’t ibang uri ng indibidwal sa lahat ng oras, inoobserbahan ang mga saloobin at kaugalian nila habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at gumagawa ng mga makatwiran at mga naaangkop na pag-aayos kapag kinakailangan. Siyempre, hinihingi rin ng sambahayan ng Diyos sa mga lider at manggagawa na mahigpit na iwasto at tabasan ang sinumang indibidwal na natutuklasan nilang sumasalungat sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos o lumalabag sa mga prinsipyo at nakagagambala at nakagugulo sa gawain ng iglesia, naglalabas ng mga babala para sa maliliit na paglabag, at angkop na pinangangasiwaan ang mas malulubhang kaso. Sa kontekstong ito, ang ilang tao ay inalis na, itiniwalag, at tinanggal na sila sa listahan. Mangyari pa, kapag pumasok sa sambahayan ng Diyos ang mga tao upang tuparin ang iba’t ibang tungkulin at makilahok sa iba’t ibang gawain, marami sa kanila ang nakakarinig, nakakakita, o nakakaranas ng pagkastigo at paghatol na nagmumula sa mga salita ng Diyos; bukod pa rito, nararanasan nila ang maiwasto at matabasan ng mga lider mula sa iba’t ibang ranggo. Ang iba’t ibang kapaligiran at usaping ito na nakakaharap ng mga tao sa sambahayan ng Diyos ay ganap na naiiba sa ideyal na sambahayan ng Diyos at iglesiang nakikinita ng mga idealista, hanggang sa puntong sobra-sobrang wala ito sa kanilang mga inaasahan, at dahil dito, nakakaramdam sila ng pressure sa kailaliman ng puso nila. Sa isang aspeto, para sa kanila ay hindi kapani-paniwala ang iba’t ibang pangyayaring lumilitaw sa iglesia, o ang mga pamamaraan at prinsipyo ng iglesia sa pangangasiwa ng mga problema. Sa isa pang aspeto, umuusbong sa kaibuturan ng kanilang puso ang mga emosyon na napipigilan sila dahil sa kanilang mga mithiin at maling akala tungkol sa mga positibong bagay, sa iglesia, at sa sambahayan ng Diyos. Matapos umusbong ang mga emosyon na napipigilan sila, dahil nabibigo silang maitama kaagad ang kanilang mga maling kaisipan at pananaw, o maunawaan at malinaw na makilala ang mga problema sa kanilang mga mithiin, maraming kuru-kuro ang nagsisimulang umusbong sa loob nila. Dagdag pa rito, dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan o nagagamit ang katotohanan para malutas ang mga kuru-kurong ito, nagsisimulang mag-ugat ang mga ito sa kailaliman ng kanilang isipan o sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, na nagiging sanhi na patuloy na lumakas at lumala ang kanilang mga emosyon na napipigilan sila. Sa katunayan, ang Diyos, ang sambahayan ng Diyos, ang iglesia, ang mga mananampalataya, at ang mga Kristiyano ay lahat hindi tugma sa napakagandang paraiso, langit, o perpektong lugar na kinatha sa isip ng mga idealistang ito bilang kanilang mga mithiin. Bilang resulta, ang pagpipigil na nasa kaibuturan ng kanilang puso ay patuloy na naiipon, at hindi sila makalaya mula rito. May mga tao bang ganito sa iglesia? (Mayroon.)

Sinasabi ng ilang tao, “O, bakit palaging tinatalakay ng sambahayan ng Diyos ang tungkol sa pagtanggap ng paghatol at pagkastigo? Paanong nahaharap pa rin ang mga mananampalataya sa Diyos sa pagwawasto at pagtatabas? O, bakit nagtitiwalag ng mga tao ang sambahayan ng Diyos? Talagang walang pagmamahal dito! Bakit nangyayari ang mga gayong bagay sa ‘langit sa lupa’? Paanong may mga anticristo sa iglesia? Paanong nagkakaroon ng mga pangyayari kung saan sinusupil at pinarurusahan ng mga anticristo ang iba? Sa iglesia, sa sambahayan ng Diyos, bakit inilalantad at sinusuri ng mga tao ang isa’t isa? Bakit nagkakaroon ng mga pagtatalo? Bakit nagkakaroon ng inggitan at labanan? Ano ang nangyayari? Sapagkat pumasok tayo sa sambahayan ng Diyos, dapat mayroong pagmamahal sa pagitan natin, at dapat magawa nating tumulong sa isa’t isa. Bakit nangyayari pa rin ang mga bagay na ito?” Maraming tao ba ang may mga ganitong ideya? Tinitingnan ng maraming tao ang sambahayan ng Diyos mula sa lente ng kanilang mga imahinasyon. Ngayon, sabihin mo sa Akin, obhektibo ba ang mga imahinasyon at interpretasyong ito? (Hindi, hindi obhektibo ang mga ito.) Bakit hindi obhektibo ang mga ito? (Lubos na tiwali ang sangkatauhan, at ang lahat ng inililigtas ng Diyos ay may mga tiwaling disposisyon, kaya’t hindi maiiwasang magpapakita sila ng katiwalian sa kanilang mga pakikipag-ugnayan sa iba. Magkakaroon ng inggitan at tunggalian, at magkakaroon ng mga insidente ng pang-aapi at panunupil. Mangyayari at mangyayari ang mga bagay na ito. Ang ganitong mga bagay na inaakala ng mga idealista ay hindi umiiral. Higit pa rito, upang mapangalagaan ang buhay-iglesia at ang gawain, iwawasto at tatabasan ng iglesia ang mga tao batay sa mga katotohanang prinsipyo, o isasaayos at papalitan ang mga tao, o aalisin at ititiwalag ang masasamang tao at ang mga walang pananampalataya—ito ay alinsunod sa mga prinsipyo. Iyon ay dahil kapag ang mga tao ay kumikilos ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon, ginagambala at ginugulo nila ang gawain ng iglesia. Magiging hindi makatotohanan kung hindi gagawa ang iglesia ng mga hakbang tulad ng pagwawasto at pagtatabas, o pagpapalit at pag-aalis ng mga gayong tao.) Hindi ito makatotohanan, kung kaya’t ang mga ideya ng mga taong ito ay ang mga mithiin ng mga idealista. Walang makatotohanan sa mga ito, ang mga ito ay pawang walang kabuluhan at imahinasyon lang, tama ba? Kahit ngayon, hindi pa rin nauunawaan ng mga gayong tao kung bakit dapat silang manampalataya sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Mabuti ang manampalataya sa Diyos. Ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng paggawa ng mabubuting bagay at pagiging isang mabuting tao.” Tama ba ang pahayag na ito? (Hindi ito tama.) “Ang mga mananampalataya sa Diyos ay dapat magkaroon ng mabubuting layunin sa puso nila.” Tama ba ang pahayag na ito? (Hindi ito tama.) Ang pagkakaroon ng mabubuting layunin sa puso ng isang tao—anong uri ng pahayag ito? Maaari ka bang magkaroon ng mabubuting layunin dahil lang sa gusto mo ito? Mayroon ka bang mabubuting layunin? Ang pagkakaroon ba ng mabubuting layunin sa puso ng isang tao ay isang prinsipyo ng pag-asal ng tao? Isa lamang itong sawikain, isang doktrina. Ito ay walang kabuluhan. Kapag hindi sangkot ang iyong sariling mga interes, nasasabi mo ito nang maayos, iniisip na, “Mayroon akong mabubuting layunin sa puso ko, hindi ako nang-aapi, nananakit, nanloloko, o nananamantala ng iba.” Ngunit kapag nasasangkot ang sarili mong mga interes, katayuan, at pagpapahalaga sa sarili, mapipigilan ka ba ng pahayag na “pagkakaroon ng mabubuting layunin sa puso ng isang tao”? Malulutas ba nito ang iyong tiwaling disposisyon? (Hindi.) Samakatuwid, ang pahayag na ito ay walang kabuluhan; hindi ito ang katotohanan. Nagagawang ilantad ng katotohanan ang diwa ng iyong tiwaling disposisyon, nailalantad at nasusuri nito ang diwa at tunay na kalikasan ng uri ng mga bagay na ginagawa mo, at tinutukoy at kinokondena ng katotohanan ang diwa nitong mga bagay na ginagawa mo at ang disposisyong ipinapakita mo. Pagkatapos ay binibigyan ka nito ng naaangkop na landas at mga prinsipyo upang baguhin ang iyong paraan ng pamumuhay at ang paraan ng iyong pag-asal at pagkilos. Sa ganitong paraan, kung kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan at baguhin ang kanilang paraan ng pamumuhay, kung gayon, malulutas ang kanilang mga tiwaling disposisyon; hindi ang paghimok sa mga tao na magkaroon ng magagandang layunin sa puso nila ang makakagawa nito, tanging ang katotohanan ang makakagawa nito. Nilulutas ng katotohanan ang mga tiwaling disposisyon ng isang tao hindi sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sawikain, doktrina, o regulasyon at tuntunin, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mga prinsipyo, pamantayan, at direksiyon kung paano umasal. Ginagamit nito ang mga prinsipyo, pamantayan, at direksiyong ito para halinhinan at palitan ang tiwaling disposisyon ng mga tao. Kapag nagbago at naitama ang mga prinsipyo, pamantayan, at direksyon ng mga tao sa kung paano sila umasal, natural din na magbabago ang lahat ng iba’t ibang maling ideya at kaisipan nila. Kapag nauunawaan at nakakamit ng isang tao ang katotohanan, nagbabago din ang kanyang mga kaisipan. Hindi ito isang usapin ng pagkakaroon ng mabubuting layunin sa puso ng isang tao, kundi ng pagbabago sa pinagmumulan ng kanyang mga kaisipan, sa kanyang disposisyon, at sa kanyang diwa. Nagiging positibo ang ipinapakita at isinasabuhay ng gayong tao. Ang direksyon, pamamaraan, at pinagmumulan ng kung paano siya umasal ay lahat sumasailalim sa pagbabago. Ang kanyang pananalita at mga kilos ay may mga salita ng Diyos bilang kanyang batayan at pamantayan, at kaya niyang isabuhay ang normal na pagkatao. Kaya, kinakailangan pa rin bang sabihin sa kanya na “magkaroon ng mabubuting layunin sa kanyang puso”? Kapaki-pakinabang ba ito? Walang kabuluhan ang pahayag na iyon; hindi nito malulutas ang anumang problema. Matapos pumasok ng mga idealista sa sambahayan ng Diyos, sa iglesia, hindi pa rin naisasakatuparan ang kanilang mga mithiin, at dama nila sa puso nila na napipigilan sila dahil dito. Katulad ito ng kung paanong pumapasok ang ilang idealista sa kaloob-looban ng gobyerno o lipunan, at pagkatapos ay malalaman nila na hindi maisasakatuparan o matutupad ang kanilang mga mithiin. Bilang resulta, madalas silang nasisiraan ng loob. Matapos maging opisyal o emperador ang ilang mga tao, lubos silang nasisiyahan sa kanilang sarili at nagiging masyadong mayabang, tulad ng linya sa isang tula na nagsasabing, “Umihip ang malakas na hangin, nagkalat ang mga ulap.” Ano ang sunod na linya? (“Ngayong naghahari ang aking kapangyarihan sa lahat ng karagatan, babalik ako sa aking lupang tinubuan.”) Kita mo, kakaiba pakinggan ang kanilang mga salita. Nagtataglay ang mga ito ng isang uri ng emosyon na mahirap maintindihan ng mga taong may normal na pagkatao at katwiran. Palaging mapagmataas ang tono ng mga idealistang ito kapag nagsasalita. Ano ang ibig sabihin ng magsalita sa mapagmataas na tono? Nangangahulugan ito na hindi nila kailanman nahaharap ang realidad o nalulutas ang mga totoong problema sa anumang ginagawa nila. Hindi nila nauunawaan kung ano ang realidad, palagi silang naiimpluwensyahan ng mga emosyon. Kapag pumapasok ang mga taong ito sa sambahayan ng Diyos, gaano man karami ang katotohanang narinig nila, hindi nila nauunawaan ang ibig sabihin ng manampalataya sa Diyos o ang kabuluhan ng pananampalataya sa Diyos. Hindi nila nauunawaan ang halaga ng katotohanan, lalo na ang halaga ng paghahangad dito. Ang lagi nilang hinahangad ay ang mga mithiin ng mga idealista. Pangarap nila na ang sambahayan ng Diyos ay maging katulad ng kanilang inilalarawan sa kanilang isipan balang araw, kung saan tinatrato ng mga tao ang isa’t isa nang may respeto, magkasamang namumuhay nang matiwasay, nagkakasundo-sundo, at pinahahalagahan, inaalagaan, itinatangi, tinutulungan, at pinasasalamatan ang isa’t isa. Kung saan ang mga tao ay nagsasabi ng magagandang bagay at mga salita ng pagpapala sa isa’t isa, nang walang anumang hindi kasiya-siya o masasakit na salita, o mga salita na naglalantad sa tiwaling diwa ng mga tao, o anumang mga pagtatalo, o mga taong naglalantad at nagwawasto sa isa’t isa. Gaano man karaming katotohanan ang naririnig nila, hindi pa rin nauunawaan ng mga taong ito ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, o kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, at kung anong uri ng tao ang nais ng Diyos. Bukod sa hindi nila nauunawaan ang mga bagay na ito, higit pa silang umaasa na balang araw ay matatamasa nila ang idealistikong pagtrato na ninanais nila sa sambahayan ng Diyos. Kung hindi sila makatatanggap ng gayong pagtrato, pakiramdam nila ay walang lugar sa sambahayan ng Diyos kung saan maaaring maisakatuparan ang kanilang mga mithiin, o anumang pagkakataon na maisakatuparan ang mga ito. Samakatuwid, madalas naiisip ng ilang tao na sumuko habang nakararamdam ng pagpipigil, sinasabing, “Ang pananampalataya sa Diyos ay nakababagot at walang kabuluhan. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay hindi tumutulong, nagpapahalaga, at gumagalang sa isa’t isa, hindi tulad ng mga nananampalataya sa Budismo. At ang mga mananampalataya sa Diyos ay palaging nagtatalakay tungkol sa katotohanan at sa mga prinsipyo, madalas nilang pinag-uusapan ang tungkol sa pagkilatis sa mga interpersonal na ugnayan, nariyan ang paminsan-minsang paglalantad at pagpuna, at madalas pa nga silang nahaharap sa pagwawasto at pagtatabas. Hindi ito ang uri ng buhay na gusto ko.” Kung wala sa kanila ang kanilang mga mithiin at ang katiting na pag-asa na makakapasok sila sa langit, kayang iwan ng mga idealistang tulad nito ang iglesia sa anumang oras at maghanap ng ibang landas. Kaya, sabihin mo sa Akin, ang mga taong ito ba ay sa sambahayan ng Diyos? Angkop ba silang manatili sa sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Sa tingin ninyo, saan sila dapat pumunta? (Naaangkop silang makibahagi sa monastikong pamumuhay.) Maaari silang pumunta sa mga templo ng Budismo o Taoismo, alinman sa mga ito ay ayos lang. Hindi sila nakakaramdam ng pagpipigil sa sekular na mundo subalit nakakaramdam sila ng partikular na pagpipigil sa sambahayan ng Diyos, pakiramdam nila ay wala silang pagkakataong maisakatuparan ang kanilang mga mithiin o wala silang puwang para magamit ang mga ito. Samakatuwid, ang mga taong ito ay angkop na angkop sa mga lugar na nababalutan ng usok at may patuloy na pagsusunog ng insenso. Ang mga lugar na iyon ay tahimik, at hindi itinuturo ng mga ito sa iyo kung paano dapat umasal. Hindi inilalantad ng mga ito ang iyong iba’t ibang maling kaisipan at pananaw, at hindi inilalantad o iwinawasto ng mga ito ang iyong tiwaling disposisyon. May distansya at respeto sa pagitan ng mga tao roon. Ang mga tao ay hindi gaanong nag-uusap, at walang anumang pagtatalo roon. Walang sinumang nangangasiwa o kumokontrol sa iyo. Makapamumuhay ka roon nang nagsasarili, halos hindi ka makatatagpo ng mga estranghero sa buong taon. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa mga pang-araw-araw na usapin. Kung may kailangan ka para sa iyong pampisikal na panustos, maaari kang kumuha ng maliit na mangkok o isang panlimos na mangkok at humingi ng limos mula sa pangkalahatang populasyon, at makakuha ng makakain, nang hindi na nangangailangang kumita ng pera. Sa mga lugar na iyon, lahat ng makamundong problema ay nawawala. Napakabait ng pagtrato ng mga tao sa isa’t isa, at walang nakikipagtalo sa iba. Kung mayroong anumang hindi pagkakasundo, nananatili ang mga ito sa puso ng mga tao. Ang mga araw ay ginugugol nang mapayapa at maginhawa. Ito ang kilala bilang lupain ng sukdulang kaligayahan, ito ang lugar ng mga mithiin ng idealista, at ang lugar kung saan naisasakatuparan ng mga idealista ang kanilang mga mithiin. Ang mga taong ito ay dapat manirahan sa lugar ng kanilang imahinasyon, hindi sa iglesia. Para sa mga taong katulad nila, napakaraming bagay na dapat gawin sa iglesia. Araw-araw silang dapat magbasa ng mga salita ng Diyos, dumalo sa mga pagtitipon, matuto ng bawat prinsipyo, at magbahagi tungkol sa katotohanan at sa pagkaunawa sa sarili nilang mga tiwaling disposisyon sa lahat ng oras; ang ilang tao, na kumikilos batay sa kanilang mga tiwaling disposisyon at lumalabag sa mga prinsipyo, ay nahaharap sa pagwawasto at pagtatabas, at ilang tao pa nga ang madalas na nahaharap sa mga bagay na ito. Ang mga taong ito ay nakakaramdam na talagang napipigilan sila at hindi sila masaya rito. Ang iglesia ay hindi ang kanilang minimithi na kapaligiran. Naniniwala sila na sa halip na ubusin ang kanilang oras o sayangin ang kanilang kabataan sa lugar na ito, mas mabuti pang manirahan agad sa isang lugar na gusto nila. Iniisip nila na hindi na kailangang ubusin ang kanilang oras dito, palaging nararamdamang napipigilan sila at namumuhay nang hindi komportable, walang kagalakan, at malungkot. Ito ang tanging tipikal na pagpapamalas ng mga mithiin ng mga idealista na ating tatalakayin. Walang gaanong masasabi tungkol sa mga taong ito. Gaano man karaming katotohanan ang ibahagi mo sa kanila, hindi nila ito pakikinggan. Buong araw silang nagpapalayaw sa mga pantasya, at ang mga bagay na iniisip nila ay pawang hindi makatotohanan at malabo, at talagang napakalayo sa normal na pagkatao. Buong araw nilang iniisip ang mga bagay na ito at hindi nila kayang makipag-usap sa mga normal na tao. Hindi rin maintindihan ng mga normal na tao ang mga bagay na bumubuo ng kanilang mundo. Samakatuwid, anumang uri ng kaisipan at pananaw ang pinanghahawakan ng mga taong ito, ang kanilang mga mithiin ay hungkag. Dahil hungkag ang kanilang mga mithiin, natural na hungkag din ang kanilang mga kaisipan at pananaw. Hindi karapat-dapat na lubusang suriin at tuklasin ang mga ito. Dahil hungkag ang mga ito, hayaan na lang na magpatuloy na hungkag ang mga ito. Ang mga taong ito ay maaaring magpunta saanman nila gusto, at hindi makikialam ang sambahayan ng Diyos. Kung handa silang manatili sa sambahayan ng Diyos at tuparin ang kaunti sa kanilang mga tungkulin o maglingkod, hangga’t hindi sila nanggugulo o gumagawa ng kasamaan, tutugunan natin ang kanilang mga pangangailangan at bibigyan natin sila ng pagkakataong magsisi. Sa madaling sabi, hangga’t nananatili silang mabait sa mga kapatid, sa sambahayan ng Diyos, at sa iglesia, hindi na natin kailangang pangasiwaan ang ganitong uri ng tao, maliban kung sila mismo ang nagpahayag ng pagnanais na umalis. Kung ganoon nga ang mangyayari, tanggapin na lang natin ito nang bukal sa ating kalooban, ayos ba iyon? (Sige.) Kung gayon, naayos na natin ang usapin.

Ang mga mithiin ng mga idealista ay may tendensiyang maging hungkag, habang ang sa mga realista ay mas praktikal at mahigpit na nakaayon sa buhay ng mga tao at sa mga aktuwal na kapaligiran. Siyempre, mas kongkretong nauugnay din ang mga ito sa mga katanungan tungkol sa buhay at pag-iral ng tao, kabilang ang mga katanungan ng paninirahan at pagsisimula ng buhay ng isang tao. Ang paninirahan at pagsisimula ng buhay ng isang tao ay kinabibilangan ng mga kasanayan, abilidad, at talentong nakukuha ng mga tao, ang iba’t ibang uri ng edukasyon na kanilang natatanggap, at ang kanilang mga kaloob, kakayahan, at kadalubhasaan. Ang mga mithiin ng mga realista ay sumasaklaw sa mga aspetong ito. Sa mundo ng mga mithiin ng mga realista, ang layon man ay mapabuti ang kanilang mga kalagayan sa pamumuhay o matugunan ang kanilang sariling espirituwal na mundo, ang mga mithiing ito ay kongkretong naipapamalas sa totoong buhay ng mga tao. Halimbawa, ang ilang tao ay nagtataglay ng mga abilidad sa pamumuno at nasisiyahan sa pagiging sentro ng atensiyon. Maaaring mahusay sila sa pampublikong pagsasalita o verbal na pakikipag-usap, o maaaring mayroon silang matalas na pag-unawa sa mga tao at kahusayan sa paggamit ng mga tao, na mas angkop na ilarawan bilang pag-uutos sa mga tao. Bunga nito, ang ganitong mga tao ay talagang mahilig humawak ng katungkulan, umako ng mga tungkulin sa pamumuno, o magtrabaho sa human resources. Sa sandaling malaman nila ang kanilang kakayahan sa mga aspetong ito, inaasam nilang maging lider o organizer sa mga tao, nangangasiwa sa mga gampanin at tauhan o namumuno pa nga sa isang partikular na gampanin. Ang pangunahin nilang mithiin ay ang maging lider. Siyempre, ganito sila kumilos sa lipunan. Kapag pumasok sila sa sambahayan ng Diyos, nakikita nila ito bilang isang relihiyosong organisasyon, isang katangi-tanging organisasyon. Matapos sumapi sa iglesia, hindi pa rin nagbabago ang kanilang mga mithiin. Ang kanilang mga mithiin ay hindi naaapektuhan ng mga pagbabago sa kapaligiran o sa sirkumstansiya ng kanilang buhay. Dala nila sa sambahayan ng Diyos ang parehong mithiin ng pamumuno. Ang kanilang hangarin ay ang humawak ng mga posisyon sa pamumuno sa sambahayan ng Diyos, tulad ng pamumuno sa isang iglesia, pagiging responsable sa isang partikular na antas, o pamumuno sa isang grupo. Ito ang kanilang mithiin. Gayunpaman, dahil ang mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo at regulasyon sa pagpili ng mga lider o manggagawa, at hindi natutugunan ng mga taong ito ang mga kuwalipikasyong kinakailangan, kahit na paminsan-minsan silang lumahok sa proseso ng pagpili ng pinuno para sa isang partikular na antas, sa huli ay hindi nila nakakamit ang kanilang mithiin at hindi sila nagiging lider na gaya ng inaasam nila. Habang mas hindi nila natatamo ang pagiging pinuno o nagagawa ang kanilang inaasam na trabaho, mas lalong napupukaw ang mga mithiin sa loob nila, na nagpapatindi sa kanilang pananabik na mamuno. Dahil dito, nagsusumikap sila nang husto sa iba’t ibang layon, kasama man ang kanilang mga kapatid o sa harap ng mga mas nakatataas na lider, upang magpakitang-gilas, magmukha silang namumukod-tangi at pambihira, at tiyaking nakikilala ang kanilang mga talento. Maaari pa nga nilang ikompromiso ang kanilang sariling konsiyensiya upang matugunan ang mga kagustuhan ng kanilang mga kapatid, gumagawa at nagsasabi ng ilang bagay at sadyang nagpapamalas ng mga partikular na pag-uugali upang umayon sa mga hinihingi sa pamumuno na itinakda ng mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang pagpupursige, hindi pa rin nila nakakamit ang kanilang mga mithiin na maging lider. May mga pinanghihinaan ng loob, hindi alam kung ano ang gagawin, at nawawala sa sarili. Ang naranasan nila noon na mga negatibong emosyon ng pagpipigil ay tumitindi kapag nananampalataya sila sa Diyos ngunit hindi nila matanggap ang katotohanan o mahanap ang mga solusyon sa kanilang mga problema. Noon pa man ay nais na nilang manungkulan at maging lider, at umusbong na sa puso nila ang mga mithiing ito bago pa man sila sumampalataya sa Diyos. Dahil hindi nila maisakatuparan ang kanilang mga mithiin, palaging may hindi nakikitang pagpipigil sa kaibuturan nila. Kahit pa nakapasok na sila sa sambahayan ng Diyos, kung saan hindi pa rin maisakatuparan ang kanilang mga mithiin, lalo lang tumitindi at bumibigat ang nararamdamang pagpipigil sa loob nila. Nagiging mapaghinanakit ang mga taong ito dahil hindi nagagamit ang kanilang mga abilidad sa pamumuno, at pakiramdam nila na sila ay malas, bigo, at napipigilan dahil hindi maisakatuparan ang kanilang mga mithiin. Dahil nananatiling hindi natutupad ang kanilang mga mithiin, nakakaramdam sila ng kawalan ng katarungan. Dahil wala silang paraan para maipakita ang kanilang mga kakayahan, nasisiraan sila ng loob tungkol sa buhay at sa landas sa hinaharap. Dahil dito, sa kanilang pang-araw-araw na buhay, madalas silang napipigilan habang gumagawa ng iba’t ibang gampanin. Ang ilang tao, pagkatapos man ng maraming pagsisikap at pagtatangka, ay hindi pa rin nagiging lider o nagtatamo ng kanilang mithiin. Sa mga gayong sitwasyon, nagsisimula silang gumamit ng iba’t ibang paraan upang mailabas ang kanilang mga emosyon at palayain o ipabatid ang kanilang pagpipigil. Siyempre, natatamo ng ilang mananampalataya sa Diyos, habang pinanghahawakan pa rin ang kanilang mga mithiin, ang hangarin ng kanilang puso at nagiging lider sila sa iglesia. Gayunpaman, hindi nila magampanan ang kanilang mga tungkulin bilang lider ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Kasabay nito, nag-aatubili silang tuparin ang mga tungkuling ito sa pamumuno sa ilalim ng mga hinihingi at superbisyon ng sambahayan ng Diyos at ng kanilang mga kapatid. Bagamat natamo na nila ang kanilang mga mithiin at ginagawa nila ang mga bagay na inasam nilang gawin, napipigilan pa rin sila. Ito ay dahil namumuno sila batay sa pundasyon ng pagsasakatuparan ng kanilang mga personal na mithiin, at bagamat sa panlabas ay mukhang natutupad nila ang mga gampanin ng sambahayan ng Diyos, lagpas pa sa mga responsabilidad na ito ang kanilang mga mithiin. Ang kanilang mga ambisyon, mithiin, hangarin, at pananaw ay lampas pa sa saklaw ng kanilang kasalukuyang mga tungkulin. Dahil sa mga pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos at sa mga hinihingi ng Diyos, ang kanilang mga kilos at iniisip, pati na rin ang kanilang mga plano at layunin, ay may hangganan at paghihigpit. Samakatuwid, kahit na matapos umako ng mga posisyon sa pamumuno, napipigilan pa rin sila. Ano ang sanhi ng mga problemang ito? Ito ay dahil, sa kabila ng pagiging lider, patuloy nilang hinahangad ang pagsasakatuparan ng kanilang sariling mga mithiin at ang mga ipinangako nila sa sarili nilang mga mithiin. Gayunpaman, hindi natutupad ang kanilang mga mithiin at mga hangarin sa paglilingkod bilang lider sa sambahayan ng Diyos o sa iglesia, at halo-halo at magkakasalungat ang kanilang nararamdaman. Dahil sa mga suliraning ito at dahil sa hindi nila kayang bitiwan ang kanilang sariling mga mithiin at hangarin, madalas silang napipigilan sa kaloob-looban nila at hindi sila makalaya. Ito ang isang uri ng tao. Sa sambahayan ng Diyos, sa mga idealistang ito, may mga taong ipinaglalaban ang kanilang mga mithiin ngunit hindi pa rin matamo ang mga ito, at mayroon ding mga ipinaglalaban at kalaunan ay naisasakatuparan ang kanilang mga mithiin, subalit napipigilan pa rin. Anuman ang sitwasyon nila, ito ang mga taong hindi pa rin sumusuko sa kanilang mga mithiin at patuloy pa rin nilang hinahangad ang mga ito habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin at namumuhay sa sambahayan ng Diyos.

Mayroon ding iba na may talento sa pagsusulat, verbal na pakikipag-usap, at panitikan. Umaasa silang maipahayag ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga kasanayan sa panitikan at, kasabay nito, maipakitang-gilas nila ang mga kasanayang ito, at mapansin ng mga tao ang kanilang abilidad, halaga, at kontribusyon sa sambahayan ng Diyos. Ang mithiin nila ay ang hangarin na maging isang namumukod-tangi at kuwalipikadong manunulat at intelektuwal. Kapag pumasok sila sa sambahayan ng Diyos at nagsimulang gampanan ang mga tekstuwal na tungkulin, pakiramdam nila ay nakahanap sila ng lugar kung saan magagamit nila ang kanilang mga abilidad. Masigasig nilang ipinapakita ang kanilang mga kalakasan at talento upang maisakatuparan ang kanilang mithiin na maging manunulat at intelektuwal. Bagamat patuloy nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, hindi sila sumusuko sa kanilang mga mithiin. Sa kanilang pagtupad sa mga tungkulin, masasabing 80 hanggang 90 porsyento nito ay nakabatay sa kanilang mga mithiin, sa madaling salita, ang motibasyon sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin ay nagmumula sa kanilang paghahangad at pag-asam sa mga mithiing ito. Dahil dito, ang pagtupad ng mga tungkulin para sa mga taong tulad nito ay lubos na nadungisan, kaya’t nagiging mahirap para sa kanila na tugunan ang mga pamantayan ng pagtupad sa mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo at sa mga hinihinging pamantayan ng Diyos. Hindi sila pumapasok sa sambahayan ng Diyos para lamang gampanan ang kanilang mga tungkulin, sa halip, umaasa silang samantalahin ang pagkakataong gampanan ang kanilang mga tungkulin para maipakita ang kanilang sariling mga talento, nananabik na makamit ang kanilang mga mithiin at ipakita ang kanilang halaga sa pamamagitan ng pagtatanghal ng kanilang mga talento. Samakatuwid, ang pinakamalaki nilang balakid sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin ayon sa pamantayan ay ang kanilang mga mithiin, ibig sabihin, ang kanilang proseso ng pagtupad sa mga tungkulin ay nahaluan ng mga pansariling kagustuhan at ng kanilang mga saloobin at perspektiba sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay. Ang ilang tao ay may pag-unawa sa ilang propesyonal na kasanayan o may partikular na talento, halimbawa, naiintindihan ng ilan ang teknolohiya ng computer at ikinalulugod nilang magtrabaho bilang mga computer engineer. Nakasuot sila ng salamin, propesyonal silang manamit, at ang pinakakapansin-pansin, may dala silang laptop na kakaiba o bihirang makita ng iba. Saan man sila pumunta, umuupo sila roon kasama ang kanilang laptop at binubuksan ito para tingnan ang impormasyon sa iba’t ibang webpage at pangasiwaan ang iba’t ibang problema gamit ang computer, ginagawa ang mga ito nang may propesyonal na istilo. Sa madaling salita, isang propesyonal na perspektiba, tindig, pananalita, at asal ang hinihingi nila sa kanilang sarili at ipinagmamalaki sa iba, nagsusumikap na maging propesyonal sa industriya ng computer engineering. Matapos makapasok sa sambahayan ng Diyos, sa wakas ay napagtatanto ng mga taong ito ang kanilang mithiin at nagsasagawa ng mga gampaning may kaugnayan sa computer technology. Palagi silang nag-aaral ng teknolohiya at nag-a-update ng kanilang mga kasanayan, masigasig na tinutukoy at nilulutas ang iba’t ibang problema, na may layong makasabay sa mga kalakaran sa industriya at sa pagsulong at paglalathala ng mga bagong impormasyon sa kanilang larangan. Ang ganitong mga tao ay may partikular na interes at pag-unawa sa isang partikular na propesyonal na kasanayan, kaya sila ay nagiging mga propesyonal at eksperto. Dahil dito, ang mithiin nila ay ang maging propesyonal, at umaasa sila na ilalagay sila ng sambahayan ng Diyos sa isang mahalagang posisyon, pahahalagahan sila, at aasahan sila. Siyempre, sa sambahayan ng Diyos at sa kasalukuyang panahon, karamihan sa ganitong mga tao ay talagang nagamit ang kanilang mga kalakasan at nakamit ang kanilang mga mithiin. Gayunpaman, habang isinasakatuparan ang kanilang mga mithiin, napag-isipan ba ng mga taong ito kung tinutupad ba nila ang kanilang mga tungkulin o hinahangad ang sarili nilang mga mithiin sa paggawa ng kanilang gawain? Hindi ito ganap na malinaw, hindi ba? Ang gawaing kinasasangkutan nila ay pangdalubhasa, komplikado, at mabusisi. Gayunpaman, kulang na kulang ang kanilang mga kasanayang taglay sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos para sa gawaing ito. Kaya, habang hinahangad ang sarili nilang mga mithiin at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, pakiramdam nila ay medyo pinaghihigpitan at kinokontrol sila. Ang mga taong ito, dahil sa mga mithiing mayroon sila sa kanilang puso, ay maaaring makaramdam ng kaunting pagpipigil kapag nahaharap sa iba’t ibang katotohanan ng pananampalataya sa Diyos at sa mga prinsipyo ng pagtupad sa mga tungkulin. Ang ilang tao ay ganito.

May isa pang grupo ng mga tao na kabilang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Inaasam nila na maging lider sa ebanghelismo, na manguna, at mamuno at maging mahusay sa alinmang iglesiang kinabibilangan nila, na hindi kailanman maging kontento na mapag-iwanan. Bagamat ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at isinasakatuparan ang kanilang gawain, ang paghahangad nila ay sa kanilang sariling mga mithiin at sa mga layon na kanilang pinaplano at inilalarawan sa isip, na walang kinalaman sa pananalig sa Diyos o sa katotohanan. Kapag nalalantad at namamarkahan ang mga layon at mithiing ito, o nahaharap sila sa ilang balakid, at napagtatanto ng mga taong ito na hindi maisasakatuparan ang kanilang mga mithiin o maipapakita ang kanilang halaga, lalo silang napipigilan at hindi nasisiyahan. Marami sa kanila ang nagnanais na makatanggap ng pagsang-ayon at pagkilala habang hinahangad ang kanilang mga mithiin. Kapag hindi nila natatanggap ang mga bagay na ito, o kapag hindi agad nasusuklian ang halaga ng kanilang mga pagsusumikap, pakiramdam nila ay hindi ito sulit, na hindi ito makatarungan, at kaya nakakaramdam sila ng pagpipigil. Hindi ba’t nagpapakita sila ng mga gayong pag-uugali? (Oo, ganoon ang ipinapakita nila.) Sa mga kabilang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, may ilan na noon pa man ay nagnanais nang maging kuwalipikado at huwarang mangangaral o ebanghelista. Kapag narinig nila ang kung sino-sino, ang isang tanyag na ebanghelista at mangangaral, labis silang naiinggit at umaasa na balang araw ay magiging ganito rin sila, ginugunita at pinupuri ng mga susunod na henerasyon, at ginugunita ng Diyos. Lagi nilang nais na mangaral sa kanilang sariling ideyal na paraan, gamit ang kanilang mithiin bilang kanilang layon at motibasyon na maging isang mangangaral at magkamit ng kasikatan o maalala ng mga susunod na henerasyon sa sambahayan ng Diyos. Ito ang kanilang mithiin. Gayunpaman, sa sambahayan ng Diyos ay mayroong mahigpit na mga hinihingi para sa anumang gampanin, at mga prinsipyo na sinabi ng Diyos na sundin ng mga tao sa paggawa ng gampaning ito. Bilang resulta, napipigilan ang mga indibidwal na ito dahil hindi nila magawang maging ang uri ng ebanghelista na inaasam nila, madalas silang nasa ilalim ng superbisyon at regulasyon, at mayroong pagsusubaybay at pagtatanong mula sa mga lider at manggagawa tungkol sa kanilang gawain. Mayroon ding mga tao, na dahil nagtataglay sila ng mga espesyal na kasanayan o talento, ang patuloy na naghahangad sa kanilang mga mithiin pagkatapos makapasok sa sambahayan ng Diyos. Halimbawa, sa mga artista, ang ilan ay may kasanayan sa pagtatanghal at may batayang pagkaunawa sa mga diskarte ng pag-arte. Inaasam nilang maging isang ideyal na aktor, umaasa na balang araw ay matulad sila sa mga sikat na aktor na kilalang-kilala sa mga hindi mananampalataya: mga bigatin, mga artista, tulad ng mga hari at reyna. Gayunpaman, sa sambahayan ng Diyos, ang disposisyon at pagpapamalas ng katiwalian sa aspetong ito ay palaging nakalantad, at may mga partikular na hinihingi at prinsipyo para sa mga aktor. Kahit matapos magkamit ng kabantugan bilang artista, hindi pa rin sila nagiging isang tanyag na tao na sinasamba at sinusundan ng mga tao, at dahil dito, napipigilan sila. Sinasabi nila, “Magulo ang sambahayan ng Diyos. Palagi nilang pinaghihigpitan ang mga tao sa lahat ng bagay. Ano ang mali sa pagsunod sa halimbawa ng mga tanyag na tao? Ano ang mali sa pananamit nang hindi pangkaraniwan, nang may kaunting personalidad at mga hinihingi?” Dahil sa mga hinihingi para sa mga kasuotan ng mga aktor at sa mga partikular na pagtatanghal sa sambahayan ng Diyos, sa tingin nila, palaging may salungatan at hindi pagkakatugma sa pagitan ng mga hinihinging ito at sa kanilang mithiin na maging tanyag at bigating tao. Dahil dito, dama nila ang sobrang sama ng loob sa puso nila, iniisip na, “Bakit napakahirap isakatuparan ng mga mithiin ko? Bakit ako nahaharap sa mga balakid sa bawat pagkilos ko sa sambahayan ng Diyos?” Kapag nararanasan nila ang mga gayong kaisipan o kapag hindi natutugunan ang mga ekspektasyong ito, napipigilan sila. Sa likod ng damdaming ito ng pagpipigil ay ang kanilang paniniwala na lehitimo at may halaga ang mga mithiin nila. Naniniwala rin sila na walang masama sa paghahangad sa kanilang mga mithiin, na karapatan nilang gawin ito, at dahil dito, nagsisimulang umusbong sa loob nila ang mga nakapipigil na emosyon. Halimbawa, nararamdaman ng ilang direktor na pagkatapos magdirek ng ilang pelikula, nakapagkamit na sila ng kaunting karanasan. Naniniwala sila na karapat-dapat ipalabas ang kanilang mga pelikula, at na napagbuti nila ang mga ito pagdating sa cinematography, pag-eedit, pagtatanghal ng aktor, at lahat ng uri ng parehong pamamahala, kung ikukumpara sa dati. Matapos makatanggap ng patnubay mula sa Itaas, sa wakas, natutugunan na ng kanilang mga pelikula ang mga naaangkop na pamantayan at naipapalabas na ang mga ito sa tamang panahon. Tila pinatutunayan nito na ang kanilang paghahangad na maging isang kuwalipikadong direktor ay isang naaangkop, lehitimo, at mahalagang hangarin. Gayunpaman, habang hinahangad ang layon nila na maging isang kuwalipikadong direktor, ang ilan sa kanilang mga ideya, pananaw, at kilos na walang prinsipyo ay kadalasang tinatanggihan, pinapawalang-bisa, o hindi kinikilala. Maaari pa nga na madalas silang nahaharap sa pagtatabas at pagwawasto. Dahil dito, nararamdaman nila sa kaibuturan ng kanilang puso na napipigilan sila, at sinasabi nila na, “Bakit napakahirap na maging isang direktor sa sambahayan ng Diyos? Tingnan mo iyong mga direktor sa mundo ng mga hindi mananampalataya, napaka-glamoroso nila. May mga tao silang ipinagtitimpla sila ng tsaa, ipinagsasalin sila ng inumin, at naghuhugas pa nga ng kanilang mga paa. Sa sambahayan ng Diyos, ang pagiging isang direktor ay walang katayuan at gilas, at walang gumagalang o humahanga sa amin. Bakit palagi kaming tinatabasan at iwinawasto? Kahit anong gawin namin, hindi ito kailanman tama. Masyado kaming napipigilan! Mayroon kaming sariling mga ideya, pananaw, at propesyonal na abilidad, kaya bakit palagi kaming iwinawasto? Mali bang hangarin ang sarili naming mga mithiin, o posible bang hindi lehitimo ang paghahangad sa mga mithiin namin? Bakit napakahirap maisakatuparan ang mga mithiin namin? Masyado kaming napipigilan!” Paano man nila ito isipin, napipigilan pa rin sila. May ilang mang-aawit din na nagsasabing, “Sa sambahayan ng Diyos, wala akong ibang hinahangad kundi ang maging isang kuwalipikadong mang-aawit, mahusay na kumanta, ipakita ang sarili kong istilo, at ang mahalin ng lahat ng nakikinig sa akin.” Gayunpaman, madalas na isinusulong ng sambahayan ng Diyos ang iba’t ibang hinihingi at mga prinsipyo sa pag-awit ng mga himno, at malimit na tinatabasan at iwinawasto ang mga mang-aawit na ito dahil sa madalas na paglabag sa mga hinihinging iyon. Kapag hindi sila iwinawasto, pakiramdam nila ay maisasakatuparan nila nang maayos ang kanilang mga mithiin. Ngunit kapag iwinawasto sila at nakararanas ng ilang balakid, pakiramdam nila ay hindi binigyang-halaga ang kanilang mga pagsisikap at mga natamo sa panahong iyon, at balik na naman sila sa simula. Dahil dito, nararamdaman nila sa kaibuturan ng kanilang puso na napipigilan sila, at sinasabi nila, “Ah, talagang mahirap isakatuparan ang aking mga mithiin! Malawak ang mundo, pero wala yatang puwang para sa akin. Ganoon din sa sambahayan ng Diyos. Bakit ba napakahirap hangarin ang sarili kong propesyon? Bakit napakahirap gawin ang mga bagay na gusto kong gawin? Walang nagbibigay sa akin ng pahintulot na magpatuloy, nakakaranas ako ng mga balakid sa bawat pagkakataon, at palagi akong tinatabasan at iwinawasto. Ang lahat ng ito ay tunay na mahirap at nakapipigil! Sa mundo ng mga hindi mananampalataya, palagi silang nagpapakana at nag-aaway-away, at may mga balakid sa propesyon kahit saan, kaya’t normal ang makaramdam ng pagpipigil. Ngunit bakit napipigilan pa rin ako nang pumasok ako sa sambahayan ng Diyos nang dala ang aking mga mithiin?” Ang mga nagsasagawa ng iba’t ibang gampanin sa sambahayan ng Diyos ay kadalasang nakararanas ng mga problema sa proseso ng paghahangad ng kanilang mga mithiin, madalas silang hindi pahalagahan, madalas na tinatabasan at iwinawasto, at kadalasang hindi nakatatanggap ng pagkilala. Matapos pasibong maranasan ang mga bagay na ito, hindi namamalayang pinanghihinaan sila ng loob, nararamdaman nilang mas mabuti pang matapos na ang kanilang buhay at na imposibleng maisakatuparan pa ang kanilang mga mithiin. Bago pumasok sa sambahayan ng Diyos, iniisip nila noon na, “Dala ko ang sarili kong mga mithiin at inaasam. Mayroon akong sariling mga hangarin, at lahat ay posible sa sambahayan ng Diyos. Maaari akong maging isang kuwalipikadong direktor, artista, manunulat, o kahit isang kuwalipikadong mananayaw, mang-aawit, o musikero.” Bagamat hindi nila naipakita ang kanilang mga talento at nakamit ang kanilang mga mithiin, naniwala sila na bibigyan sila ng sambahayan ng Diyos ng sarili nilang entablado, na may malawak na espasyo kung saan maaaring magkatotoo ang kanilang mga mithiin, pangarap at inaasam. Pakiramdam nila ay napakalaki ng entablado sa sambahayan ng Diyos. Gayunpaman, pagkalipas ng maraming taon, napag-isip-isip nila, “Bakit pakiramdam ko ay lumiliit ang entabladong inaapakan ko? Bakit lumiliit ang mundo ko? Tila lalong lumiliit ang posibilidad at tila imposible pa nga na maisakatuparan ang aking mga mithiin. Ano ang nangyayari?” Sa puntong ito, hindi pa rin sumusuko ang mga taong ito sa kanilang mga mithiin o kinukuwestiyon ang kawastuhan ng mga mithiin at hangaring ito. Dala-dala pa rin nila ang mga mithiin at hangaring ito sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Dahil dito, kasa-kasama nila kahit saan ang mga nakapipigil na emosyon ng mga tao, habang hinahangad man nila ang kanilang mga mithiin at ninanais o habang isinasakatuparan ang mga totoo nilang tungkulin. Para sa mga taglay ang mga nakapipigil na emosyon, o hindi makabitiw sa mga ito, ang pagkakasalungat ng dalawang ito ay hindi maaaring mapagtugma. Naghahatid ang mga ito ng pakiramdam ng pagpipigil sa parehong paghahangad sa kanilang mga mithiin at pagnanais at sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Kaya, anuman ang mangyari, palaging iniaakma ng mga tao ang kanilang sarili, palaging hinahangad ang kanilang mga mithiin at pangarap habang tinutupad ang kanilang mga tungkulin. Masasabi mo rin na tinutupad ng mga tao ang kanilang mga tungkulin nang may magkasalungat na saloobin, nang napipigilan at nag-aatubili sa buong pagkakataon. Ngunit upang maisakatuparan ang kanilang mga mithiin at hangarin, upang maipakita ang kanilang halaga at mahangad ang mga mithiin at pagnanais na ito, wala silang magagawa kundi ang tuparin ang kanilang mga tungkulin. Hindi sila sigurado kung bakit nila ito ginagawa, kung ano ang hinahangad nilang kamtin, kung anong layon ang sinusubukan nilang tamuhin, sinusubukang hangarin, o sinusubukang isakatuparan. Nagiging mas malabo ito sa kanila, at tila mas lalong lumalabo ang daan sa hinaharap. Sa gayong kalagayan, hindi ba’t mahirap para sa kanila na bitiwan o lutasin ang kanilang mga nakapipigil na emosyon? (Oo.)