Paano Hangarin ang Katotohanan (5) Unang Bahagi

Karagdagang Babasahin: Paano Harapin ang mga Tsismis

May ilang tao bang nakarinig ng ilang negatibong walang batayang tsismis kamakailan? (Oo.) Ano ang reaksiyon ninyo nang marinig ninyo ang mga tsismis na ito? Natakot ba kayo? Naging mausisa ba kayo? Gusto ba ninyong malaman kung tungkol saan ang mga tsismis na ito? (Ayaw naming malaman, dahil alam na namin na ang malaking pulang dragon ay madalas mag-imbento ng mga tsismis nang wala namang basehan. Anuman ang sinasabi nito, ito ay huwad. Samakatwid, hindi kami interesado sa mga detalye ng mga tsismis na ito at hindi namin gustong alamin ang mga maladiyablong salitang sinasabi nito.) Ang malaking pulang dragon ay nag-iimbento ng lahat ng uri ng tsismis para ilihis at gawing tiwali ang mga tao, at maraming tao ang nalilihis pagkatapos marinig ang mga tsismis. Ang ilang tao ay natatakot at hindi nangangahas na tanggapin ang tunay na daan; ang ilang tumanggap nito ay nagiging mapagduda at ayaw nang manampalataya sa Diyos. Bago marinig ang mga tsismis ng malaking pulang dragon, ang mga taong ito ay tila may pananalig sa Diyos nang walang anumang mga pagdududa at handang sumunod sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin. Pero pagkatapos marinig ang mga tsismis, agad silang nagkakaroon ng mga pagdududa at ayaw na nilang sumunod sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin. Sa partikular, ang ilan sa mga naaaresto ng malaking pulang dragon, sa ilalim ng pamumuwersa ng malupit na pagpapahirap nito, ay sumusuko at itinatatwa ang pangalan ng Diyos, at ang ilan sa mga taong iyon ay pinipirmahan ang “Tatlong mga Pahayag” at napupuwersa pa ngang insultuhin ang Diyos nang pasalita. Marami-rami ang gayong mga tao. Kayong lahat ay nakarinig na ng maraming tsismis at negatibong propaganda at nakita na rin ninyo na pagkatapos arestuhin ng malaking pulang dragon ang mga mananampalataya sa Diyos, bini-brainwash sila nito—marami-rami na ngang tao ang nalihis. Dagdag pa rito, ginagamit din nito ang mga nagkakanulo sa Diyos para magserbisyo rito, pinasusubaybayan sa mga ito ang iglesia at pinasusundan at pinabubuntutan ang mga mananampalataya sa Diyos. Para mapuksa ang relihiyosong pananampalataya at maalis ang iglesia ng Diyos, itinuturing ng malaking pulang dragon ang panunupil at pag-aresto sa hinirang na mga tao ng Diyos bilang mahalagang pambansang gawain, bilang isang pampolitikang misyon, at isinasakatuparan ito nang napakamasinsinan at nang may matinding pagsisikap. Idinudulot nito na maraming mananampalataya sa Diyos ang matakot, kaya hindi sila naglalakas-loob na manampalataya sa Diyos at hindi naglalakas-loob na gawin ang kanilang tungkulin. Lalo na pagkatapos marinig ang mga tsismis na inimbento ng malaking pulang dragon, maraming tao ang nalilihis. Tungkol naman sa mga tsismis na ito, matagal nang ibinuod at kinilatis ng sambahayan ng Diyos ang mga ito, kaya hindi na kailangang talakayin ang mga ito rito. Kung talagang mahaharap ka sa pagkaaresto, at gagamitin ng malaking pulang dragon ang mga tsismis na ito para subukan kang i-brainwash, puwersahin kang magdeklara ng posisyon, at puwersahin kang pumirma sa “Tatlong mga Pahayag”, ano ang dapat mong gawin? Alam na ninyo ngayon na ang mga tsismis na inimbento ng malaking pulang dragon ay pawang huwad, mapanlihis, at mapanlinlang. Bagama’t ang inyong saloobin ay ang huwag makinig, huwag tumingin, at huwag maniwala sa mga ito, kung ilalagay sa harapan mo ang mga tsismis na ito, na magdudulot sa iyo na marinig ang mga ito, makita ang mga ito, at maisip pa nga na totoo ang mga ito, mayayanig ka ba? Ano ang iisipin mo sa puso mo? Gugustuhin mo bang malaman ang totoo tungkol sa mga katunayan? Gugustuhin mo bang iberipika ang mga ito? Tungkol naman sa pag-iimbento ng mga tsismis ng malaking pulang dragon para ilihis at takutin ang mga tao, o sa paggamit ng mga tsismis at ng ateismo para i-brainwash ang mga tao at magsagawa ng ideolohikal na gawain, kailangan ba nating makipagbahaginan sa katotohanan para bigyan ng imyuniti ang mga tao? Isa ba itong kinakailangang aytem ng gawain? Sinasabi ng ilang tao, “Napakaraming taon nang nag-iimbento ng mga tsismis tungkol sa atin ang malaking pulang dragon, lalo na ng mga tsismis tungkol kay Cristo, tungkol sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu, at tungkol sa iglesia at sa gawain ng iglesia. Hindi natin kailanman nilinaw ang mga ito, hindi tayo kailanman kumilos para linawin ang ating saloobin o pananaw, hindi kailanman dumepensa—angkop ba ito?” Ang ilang tao, mula sa oras na nagsimula silang manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, ay hindi kailanman nagawang malinaw na kilatisin ang iba’t ibang tsismis ng malaking pulang dragon at ng mundo ng relihiyon. Sa puso nila, palagi silang may tandang pananong tungkol sa mga bagay na ito. Ang tandang pananong na ito ay hindi nangangahulugan ng ganap na hindi paniniwala, o ng ganap na paniniwala; sa halip, nangangahulugan ito na nasa gitna lang sila kapag tinitingnan ang mga usaping ito, iniisip na ang mga bagay na ito ay maaaring puro tsismis na inimbento ng malaking pulang dragon, o na maaaring katunayan ang mga ito. Ang “maaari” bang ito ay sumasalamin sa isang perspektiba ng paghahanap sa katotohanan? (Hindi.) Isa itong perspektiba ng paniniwala na ang mga tsismis ay kailangang beripikahin at kumpirmahin, o isang perspektiba ng paghihintay at pagmamasid, paghihintay na magsiwalat ng ilang tunay na sitwasyon ang mga taong nakakaalam. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang mga magiging kahihinatnan ng pagkakaroon ng mga tao ng alinman sa dalawang perspektibang ito? Nasa panganib ba ang gayong mga tao? Alin sa dalawang perspektibang ito ang magbibigay-kakayahan sa mga tao na makapanindigan? (Wala sa dalawang perspektibang ito ang makapagbibigay-kakayahan sa mga tao na makapanindigan. Kung ang isang tao ay mayroong ganitong “maaaring” kaisipan, ipinapakita nito na hindi pa rin siya nakatitiyak tungkol sa tunay na daan at mayroon pa ring mga elemento ng pagdududa sa loob niya. Sa ganitong kaso, nagiging isang malaking tukso para sa kanya ang mga tsismis. Kung hindi makatiyak ang mga tao tungkol sa tunay na daan, kung hindi sila makapanampalataya sa katotohanan, at kung hindi nila makilatis ang diwa ng malaking pulang dragon, ang totoo ay nasa malaking panganib sila.) Hanggang ngayon, ang mga taong ito ay hindi pa rin nakakatiyak tungkol sa tunay na daan. Ano ang kanilang diwa? (Sa diwa, sila ay mga hindi mananampalataya.) Sila ay mga hindi mananampalataya. Marami bang tao na may alinman sa dalawang perspektibang ito? Tiyak iyon, marami-rami sila. Kapag nakakarinig ang mga taong ito ng mga tsismis, nagkakaroon sila ng mga pagdududa tungkol sa Diyos sa kanilang puso at gusto nilang alamin ang puno’t dulo ng mga tsismis, para alamin kung totoo ba o hindi ang mga ito. Gayumpaman, dahil hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan para lutasin ang usapin, sa huli, hinahayaan na lang nila na hindi ito nalulutas. Sa katunayan, umiiral pa rin ang problemang ito sa kanilang puso, at hindi nalulutas. Kapag naririnig ninyo ang mga tsismis na ito, hinahanap ba ninyo ang katotohanan? Hinahanap ba ninyo ang katotohanan para himayin at kilatisin ang mga tsismis, o isa-isa ba ninyong sinisiyasat ang mga tsismis para tukuyin kung ang mga ito ay tama ba o hindi at para tingnan kung ang mga ito ay totoo ba o hindi? Pagkatapos ninyong marinig ang mga tsismis, iniisip lang ninyo sa puso ninyo na hindi totoo ang mga ito, na ito ay ganap na pag-iimbento ng mga tsismis ng malaking pulang dragon at pagsasakatuparan ng isang kampanya ng paninirang-puri, pero hindi ninyo pinabubulaanan ang mga ito batay sa katotohanan at sa mga katunayan, at ang totoo ay mayroon pa rin kayong ilang pagdududa sa puso ninyo at ginagamit lang ninyo ang mga doktrinal na pahayag na ito para lutasin ang mga pagdududa ninyo. Ang ganito bang pag-iisip ay magbibigay-kakayahan sa inyo na makapanindigan? Ito ba ay paghahanap sa katotohanan? Ipinapakita ba nito na nauunawaan ninyo ang katotohanan at na nakamit ninyo ang katotohanan? Nalutas ba ang ugat ng problema? (Hindi.) Kaya, gusto ba ninyong gamitin ang katotohanan para lutasin ang problemang ito, para makilatis ninyo ang mga tsismis na ito, hindi kayo malihis, hindi kayo magkaroon ng anumang mga tanong sa inyong puso, at ganap na mapawi ang inyong mga pagdududa, paghihinala, at pagiging mapagbantay laban sa Akin? Iniisip ng ilang tao, “Mula nang magsimula kaming manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, nakikinig na kami sa Iyong mga sermon at tinatanggap na namin ang Iyong pagdidilig at pagpapastol, at may kaunti na kaming nakamit at pag-usad. Pero hindi kami aktuwal na namuhay kasama Mo o nagkaroon ng totoong pakikisalamuha sa Iyo bilang isang tao. Kaya, ganap kaming nasa dilim at walang alam tungkol sa kung anong uri Ka ng tao, kung ano ang Iyong personalidad at karakter, at kung anong klase ng buhay ang ipinapamuhay Mo.” Ibig sabihin, pagdating sa iba’t ibang pagpapamalas at pagbubunyag ng pagkatao ng laman na ito, pati na sa buhay Ko, at sa saloobin Ko at mga partikular na pagpapamalas sa pakikitungo sa mga tao at usapin, palagi nang kinakabitan ng tandang pananong ng mga tao ang mga bagay na ito at palagi na silang nagkikimkim ng mga pagdududa tungkol sa mga ito. Sa isang banda, ang pagkikimkim ng mga tao ng mga pagdududa ay nagmumula sa pagiging hindi nila isandaang porsiyentong nakatitiyak tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos, at sa kabilang banda ay nagmumula ito sa pagkaimpluwensiya ng mga tao sa mga tsismis ng mundo ng relihiyon o ng malaking pulang dragon dahil masyadong mababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan. Kaya, marami kayong mga haka-haka tungkol sa Akin. Siyempre, ang nilalaman ng mga haka-hakang ito ay tiyak na hindi positibo o wasto; tiyak na naglalaman ito ng ilang madilim at negatibong elemento. Ang pagkikimkim ng mga haka-hakang ito—isa ba itong mabuting bagay o masamang bagay para sa inyo? Isa ba itong hadlang, gapos, o isang pang-uudyok? Ano sa tingin ninyo? (Kung may ganitong mga negatibong haka-haka sa kanilang mga puso ang mga tao, hindi ito isang mabuting bagay kundi isang hadlang. Idudulot nito na ang mga tao ay maging mapagbantay sa Diyos; wala itong anumang magagawa para tulungan ang kanilang pananampalataya sa Diyos.) Ano ang epekto ng mga negatibong bagay na ito sa inyo? Ano ang mga kahihinatnang idudulot ng mga ito? Sa ilang kapaligiran, mapanganib ba ang mga bagay na ito para sa iyo? (Oo.) Dahil ang mga bagay na ito ay isang hadlang at hindi isang mabuting bagay para sa iyo, dapat mo bang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga ito? O dapat mo bang isantabi ang mga ito, huwag intindihin ang mga ito, at huwag isipin ang mga ito, naghihintay hanggang sa may isang isyu na aktuwal na lumitaw para tugunan ang mga ito? Ano ang inyong saloobin? (Nang makarinig ako ng mga tsismis, isinantabi ko nga ang mga ito at hindi ko nga pinansin ang mga ito. Pero ngayon lang, sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan ng Diyos, napagtanto ko na kapag lumilitaw ang mga problemang ito, dapat lutasin ang mga ito gamit ang katotohanan. Kung hindi, hindi mabibitiwan ng isang tao ang hadlang na ito sa kanyang puso, at sa mga partikular na sitwasyon, maaari itong humantong sa masasamang kahihinatnan, sa pagiging mapaghinala pa nga sa Diyos at pagtatatwa sa Diyos, na napakamapanganib.) Bagama’t hayagan mong sinasabi na mga tsismis ang mga ito, kung hindi mo kailanman tunay na kinikilatis ang mga tsismis na ito o kailanman ay wala kang tamang saloobin sa mga ito, at palagi mong dala-dala ang mga negatibong bagay na ito sa iyong puso, madalas kang malilimitahan ng mga ito. Ang mga tsismis na ito ay magiging isang bombang sasabog na para sa iyo, handang sumabog sa anumang sandali at sa anumang lugar. Ang mga kahihinatnan nito ay walang duda na magiging wala sa hinagap, at sasabog ka hanggang sa magpira-piraso. Hindi ba’t ang mga pumipirma sa “Tatlong mga Pahayag” ang mga nagpasabog ng bomba at sumabog hanggang sa magkapira-piraso? Pagkatapos nilang pirmahan ang “Tatlong mga Pahayag”, hindi pa rin tumitigil ang malaking pulang dragon. Iginigiit nito na dapat silang magsabi ng ilang bagay na nang-iinsulto sa Diyos, at saka lang makokonsiderang tapos na ang usapin. Bagama’t sa puso nila ay ayaw nila, pakiramdam nila ay wala silang mapagpipilian, at nagpapailalim sila kay Satanas para makaiwas sa pagkakakulong. Pagkatapos insultuhin ang Diyos nang pasalita, pakiramdam nila ay wala na silang pag-asa na makatanggap ng mga pagpapala, na ganap nang katapusan nila. Hindi na nila kailangang isipin kung totoo ba o hindi ang mga tsismis na ito, at ganap na naglalaho ang mga pagkabalisa, pag-aalala, pagkatakot, at pangamba na dala-dala nila sa loob ng maraming taon ng pananampalataya sa Diyos. Kasabay nito, nawawasak din ang pag-asa nila na maligtas. Sabihin ninyo sa Akin, kahit pa ang mga tao ay mapaghinala sa nagkatawang-taong Diyos o sa daloy na ito, dapat ba nilang insultuhin ang Diyos? (Hindi.) Kapag sinasabihan ka ng malaking pulang dragon na insultuhin ang Diyos, bakit mo ito sinusunod? Kahit sino pa ito, kahit pa itinatatwa ng isang tao ang tunay na daan, itinatatwa ang daloy na ito, hindi pa rin niya dapat insultuhin ang Diyos. Anong uri ng mga tao ang nang-iinsulto sa Diyos? (Ang mga taong kayang insultuhin ang Diyos ay mga taong may masamang pagkatao at mga tao ring may matinding pagkamuhi sa katotohanan at nagpapasakop sa impluwensiya ni Satanas.) Sabihin ninyo sa Akin, kung ang mga tao ay tunay na nananampalataya sa puso nila na umiiral ang Diyos, naniniwala na ang Diyos ang Lumikha, na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos, na ang buhay ng tao ay ipinagkaloob ng Diyos, at na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, iinsultuhin ba nila ang Diyos? (Hindi.) Hindi nila kailanman gagawin iyon. Anuman ang mga sitwasyon, hindi nila iinsultuhin ang Diyos. Kahit pa mapaghinala sila sa pangalang Makapangyarihang Diyos o sa daloy na ito na siyang gawain ng Makapangyarihang Diyos, hinding-hindi nila kailanman iinsultuhin ang Diyos. Kaya, ang uri ng tao na kayang insultuhin ang Diyos ay hindi lamang itinatatwa ang daloy na ito at itinatatwa ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao kundi itinatatwa rin ang gawain ng Diyos at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos. Kung gayon ay saang kategorya nabibilang ang ganitong uri ng mga tao? (Sila ay mga diyablo; sila ay mga taong nagtatatwa sa Diyos sa puso nila.) Ang ganitong uri ng mga tao ay bahagi ng pangkat ni Satanas at ng mga diyablo; hindi sila hinirang na mga tao ng Diyos, hindi mga tupa ng Diyos—sila ay hindi tao. Pagkatapos maaresto ng malaking pulang dragon ang ilang tao, dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan at wala silang pagkilatis, sila ay nagiging mapagduda kapag nakakarinig sila ng mga tsismis. Nagkakaroon sila ng mga pagdududa tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, at sa ilalim ng mga pagbabanta, pang-aakit, at pamumuwersa ng malupit na pagpapahirap, itinatatwa nila ang pangalan ng Diyos, itinatatwa ang daloy na ito na siyang gawain ng Banal na Espiritu, at itinatatwa ang iglesia. Katumbas na ito ng pagkakanulo sa Diyos. Pero ang ilang tao ay kaya pa ngang insultuhin ang Diyos—ito ay ganap na kawalan ng konsensiya at katwiran, wala itong kapatawaran, at ito ay paggawa ng kasalanan na hindi mapapatawad. Kapag nang-iinsulto ka ng mga tao, o kapag inaatake, hinuhusgahan, o sinisiraan mo sila, sa mga legal na termino, sa pinakamalala ay matutukoy ito bilang pagkakasala ng paninirang-puri, o sa pinakamalulubhang kaso, isa itong personal na pag-atake. Hindi ito masyadong malubha at hindi nagreresulta sa kamatayan. Gayumpaman, kapag kaya ng isang tao na insultuhin ang Diyos, nag-iiba ang kalikasan ng problema. Hindi na ito simpleng pang-iinsulto sa Diyos—ito ay paglapastangan sa Diyos! Ano ang ibig sabihin ng paglapastangan? Ibig sabihin nito ay direktang pag-atake, paninirang-puri, pang-iinsulto, o paninira sa mga positibong bagay, sa katotohanan, o sa Diyos—ang lahat ng ito ay maituturing na paglapastangan. Ang Diyos ay banal, ang Diyos ang pinakamataas, ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa buong sangkatauhan, ang Diyos ang Siyang nagtutustos ng buhay para sa sangkatauhan, at ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Ang diwa, pagkakakilanlan, at katayuan ng Diyos ay pinakamataas. Ang Diyos ay perpekto, mabuti, at banal, Siya ay walang kapintasan at hindi masusumbatan. Dahil mismo ang Diyos ay banal, perpekto, at pinakamataas, at dahil ang Diyos ang pinagmulan na nagtutustos ng buhay sa sangkatauhan, ang anumang paninira, pag-atake, o pang-iinsulto sa Diyos ng nilikhang sangkatauhan ay maituturing na paglapastangan. Dapat ay nauunawaan na ninyo ngayon kung ano ang “paglapastangan”, hindi ba? (Ang anumang pag-atake, pang-iinsulto, o paninira sa Diyos ay maituturing na paglapastangan.) Kung ipapaliwanag ang salitang “paglapastangan”, ibig sabihin nito ay paninira, paghusga, o pagkondena sa mga positibong bagay, at lalong ito ang paninira, paghusga, o pagkondena sa katotohanan o sa Diyos. Ito ay tinatawag na paglapastangan. Kaya, ang salitang “paglapastangan” ay maaari lang gamitin para ilarawan ang paninira, pang-iinsulto, pag-atake, o paghusga ng sangkatauhan sa Diyos—medyo naaangkop ito. Kapag ang mga tao ay nanghuhusga, nang-iinsulto, nang-aatake o kumokondena ng ibang tao, kung ito ay hindi naaayon sa mga katunayan, sa pinakamalubha, ito ay paninirang-puri. Kung ito ay naaayon sa mga katunayan, hindi ito maituturing na paninirang-puri. Gayumpaman, ang paghusga at pagkondena ng mga tao sa Diyos ay pagbabaluktot sa mga katunayan at paggawang huwad sa katotohanan—ito ay maituturing na paglapastangan. Ano ang kalikasan ng mga tao na nangangahas na kondenahin ang Diyos? May kasalanan ba ang Diyos? (Wala.) Ang Diyos ay banal, ang Diyos ay walang kasalanan, kaya ang anumang paninira, pag-atake, paghusga, o pang-iinsulto sa Diyos ay tinatawag na paglapastangan. Iniisip ng mga nang-iinsulto sa Diyos, “Hangga’t magsasabi ako ng ilang bagay na nang-iinsulto sa diyos, maaari akong makalaya at makatakas sa panganib. Dahil sa mga sitwasyon, hindi ito tatandaan ng diyos.” Mula sa perspektiba ng isang tao, kaunting pang-insulto lang ito, na tila hindi isang malaking problema. Pero paano tinitingnan ng Diyos ang usaping ito? Na kaya mong insultuhin ang Diyos ay nagpapakita na itinatwa mo na ang Diyos sa iyong puso. Tanging dahil nagkikimkim ka ng pagkamuhi sa Diyos sa iyong puso kaya nagagawa mo Siyang insultuhin. Nagkukusa ka mang insultuhin ang Diyos o pinupuwersa ka ng iba na insultuhin Siya, isa itong pagpapamalas ng pagtatatwa sa Diyos at pagkamuhi sa Diyos. Samakatwid, ang ganitong pag-uugali at kilos ay isang ganap na paglapastangan.

Ang ilang tao ay hindi kailanman mabitawan ang iba’t ibang tsismis, palaging iniisip na maaaring totoo ang mga ito. Palagi nilang gustong iberipika kung totoo ba ang mga tsismis na ipinapakalat ng malaking pulang dragon, na siyang namumunong partido, ng mundo ng relihiyon, at ng mga walang pananampalataya—lalo na ang mga tsismis at komento na naka-post online. Kung hindi kailanman ipapaalam ng Diyos ang Kanyang tindig o kung hindi kailanman magbibigay ng anumang paglilinaw ang Kanyang sambahayan, ganap silang maniniwala na totoo ang mga tsismis na ito, at itatatwa at ipagkakanulo nila ang Diyos—ano ang problema rito? Sa anong batayan ba sila nananampalataya sa Diyos? Kung ang pananampalataya nila ay batay sa kung totoo ba ang mga tsismis, iyon ay isang malaking pagkakamali. Sa katunayan, maraming tsismis na ang napakalinaw na hinimay at napabulaanan sa mga sermon at pagbabahaginan, at sa mga pelikula ng sambahayan ng Diyos; hindi Ko na kailangang magdetalye rito. Kaya, aling mga uri ng tsismis ang gusto pa rin ninyong iberipika? Isiwalat natin ngayon ang paksang ito. Kung gusto ninyong magberipika ng mga tsismis, sasabihin Ko sa inyo kung ano ang masasabi Ko tungkol sa mga ito, para hindi patuloy na mag-isip ang ilang tao na, “May itinatago Ka ba sa amin na ayaw Mong malaman namin? Palagi naming nadarama na parang hindi Ka namin ganap na maintindihan. Bagama’t sumusunod kami sa Iyo at nakarinig na kami ng napakaraming katotohanan, hindi pa rin kami nakatitiyak sa puso namin kung totoo ba o hindi ang mga tsismis, kaya palagi kaming may ideya at kaisipan na iberipika ang mga ito.” Kung gusto ninyong iberipika ang mga ito, sabihin ninyo ito nang lakas-loob. Hayagan nating pag-usapan ang usaping ito. Sasabihin Ko sa inyo kung ano ang masasabi Ko tungkol sa mga ito—walang kailangang itago. May sinuman ba na nais na iberipika ang mga ito? (Wala.) Ang dahilan ba kaya ayaw ninyong iberipika ang mga ito ay naitatag sa pundasyon na hindi kayo naniniwala sa mga tsismis ng malaking pulang dragon, o dahil mayroon kayong saloobin na, “Ayaw kong mag-abala pa sa usaping ito—hahayaan ko na lang ito”? O dahil ba natatakot kayo na pagkatapos iberipika ang mga tsismis, kayo ay madidismaya at hindi ninyo magagawang harapin ang resulta, at hindi ninyo alam kung magagawa ninyong manindigan, at ayaw ninyong harapin ang gayong mga kahihinatnan? Anuman ang nilalaman ng mga tsismis na ito, gusto man ninyo o hindi na iberipika ang mga ito, gusto man ninyo o hindi na marinig kung ano ang masasabi Ko tungkol sa mga tsismis na ito o ang komento Ko sa mga ito, anuman ang saloobin ninyo, mayroon lang Akong iisang saloobin: Kung nauunawaan ninyo ang katotohanan, likas na magagawa ninyong kilatisin ang mga tsismis na ito; kung hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan at hindi ninyo hinahanap ang katotohanan, wala Akong komento. Ito ay dahil nakapagsabi na Ako ng napakaraming salitang nagpapahayag ng katotohanan; hindi Ko kailangang ipaliwanag ang mga tsismis na ito sa inyo—hindi ito ang gawain na dapat Kong gawin. Hindi pa rin ba ninyo kayang kilatisin ang mga tsismis kahit pagkatapos makinig sa napakaraming sermon? Kung hindi ninyo kaya, ibig sabihin nito ay hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan. Kahit gaano karami ang sabihin sa isang taong hindi nakakaunawa sa katotohanan, wala itong silbi—para itong pakikipag-usap sa mga walang pananampalataya; kahit gaano karami ang sabihin mo, hindi sila makakaunawa. Samakatwid, wala Akong komento pagdating sa anumang mga tsismis! Ayaw Kong ipaliwanag ang anumang bagay, ayaw Ko ring magsabi ng anuman, ayaw Ko ring pangatwiranan o depensahan ang anumang bagay. Anuman ang sinasabi sa mundo sa labas, wala Akong komento! Malinaw ba ninyong narinig ito? (Oo.) “Walang komento”—isa itong uri ng saloobin. Dagdag pa rito, ano ang nais Kong sabihin sa inyo tungkol sa usaping ito? Ito ay na, kahit kailan, ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos ay hindi magbabago, ang katayuan ng Diyos ay hindi magbabago, ang disposisyon ng Diyos ay hindi magbabago, ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay hindi magbabago, ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa sangkatauhan at ang nagtutustos ng buhay para sa kanila ay hindi magbabago, ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi magbabago, at ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay hindi kailanman magbabago. Sapat na ba ang mga salitang ito para lutasin ang mga pagdududa ninyo? (Oo.) Ito lang ang masasabi Ko sa inyo tungkol sa usaping ito. Kung nauunawaan ninyo, tanggapin ninyo ito. Kung hindi ninyo nauunawaan, maglaan kayo ng oras para pagbulay-bulayan ito. Kung mayroon ka pa ring mga pagdududa sa puso mo at hindi malulutas ng mga salitang ito ang mga pagdududa mo, wala na Akong magagawa pa. Hayaan na lang ang natural na takbo ng mga bagay. Ito lang ang lahat ng kaya Kong sabihin at gawin para sa iyo. Angkop ba ang pamamaraang ito? (Oo.) Maaari bang magkaroon ng partikular na epekto sa mga tao ang mga salitang ito? Kapag nahaharap sa iba’t ibang komplikadong usapin, kung lilitaw ang isang lamat sa ugnayan mo at ng Diyos, o kung magkakaroon ka ng mga seryosong pagdududa tungkol sa Diyos, at hindi kayang lutasin ng mga salitang ito ang problemang kasalukuyan mong hinaharap, kung gayon ay isa kang hindi mananampalataya. Ang tinatanggap mo ay hindi ang katotohanan kundi ang mga kasinungalingan ni Satanas at kung anumang maladiyablong mga salitang sinasabi ni Satanas. Katulad lang ito kay Adan at Eba noong simula—sinabi ng Diyos, “Maaari kayong kumain mula sa lahat ng puno sa hardin, pero hindi kayo maaaring kumain mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama, dahil sa araw na kainin ninyo ito, tiyak na kayo ay mamamatay.” Pinanghawakan nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang puso pagkatapos makinig sa mga ito. Pero nang sabihin sa kanila ni Satanas na, “Sinabi ng Diyos na hindi kayo dapat kumain ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama—hindi ito tiyak na totoo. Kung kakainin ninyo ito, hindi tiyak na kayo ay mamamatay,” agad na nagduda si Adan at si Eba. Inabandona nila ang mga salita ng Diyos at pinaniwalaan nila ang mga salita ng ahas. Pinaghinalaan nila na isang kasinungalingan ang sinabi ng Diyos. Dahil sa sinabi ng ahas, hindi na sila naniwala sa Diyos o sumunod sa Diyos kundi ganap nang sumunod sa mga kasinungalingan ng ahas. Malinaw na nakikita kung ano ang huling kinahinatnan nito. Habang pinaniniwalaan at tinatanggap kung ano ang sinabi ng ahas sa kanila, itinatatwa rin nila kung ano ang sinabi ng Diyos, iniisip na isang kasinungalingan ang sinabi ng Diyos. Hindi na sila naniwala na totoo ang mga salita ng Diyos, at hindi na sila naniwala sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Sa halip, naging mapaghinala sila sa Diyos, pinaghihinalaan na mayroon Siyang mga lihim na motibo sa kanila at na nililinlang Niya sila gamit ang mga kasinungalingan. Sa kabaligtaran, naniwala sila na totoo ang sinabi ng ahas at na para sa kapakanan nila ang sinabi ng ahas. Ang huling kinahinatnan ay naakit sila ng ahas at nagawang tiwali ni Satanas. Lumihis sila mula sa pangangalaga ng Diyos, nawalan ng proteksiyon ng Diyos, at tumahak sa landas na wala nang balikan.

Nalutas na ba para sa inyo ang mga problema ng mga tsismis? Kung hindi pa nalutas ang mga ito, unti-unti ninyong iproseso ito nang kayo mismo. Tungkol naman sa kung paano tatratuhin ang mga tsismis, napakarami Ko nang naibahagi. Kung may mga tao pa rin na hindi kayang malinaw na makaunawa ng iba’t ibang tsismis at hindi makakilatis sa mga ito, magbahaginan kayo tungkol dito at lutasin ninyo ito nang kayo-kayo lang. Bagama’t ang usaping ito ay hindi maituturing na isang malaking usapin, sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao ay isa itong bagay na maaaring madalas na makagulo sa kanilang isipan at makagulo sa kanilang buhay. Bagama’t ang ilang tsismis ay hindi umaabot sa punto na kukuhain agad ang iyong buhay, ang mga ito ay isa ring uri ng panliligalig sa iyo, katulad ng isang nakakainis na langaw na hindi nangangagat ng mga tao pero pinandidirian nila—lumilitaw ang mga ito paminsan-minsan para guluhin ka. Lalo na kapag ikaw ay mahina, kapag ikaw ay nahaharap sa pagkabigo o mga problema, o kapag ikaw ay negatibo, lilitaw ang mga tsismis at maladiyablong salitang ito para guluhin ka, para pahirapan ka sa iyong puso, hinihila ka pabalik, unti-unti kang pinalulubog. Sa ganitong paraan mismo umatras at tumigil sa pananampalataya ang ilang tao. Kita mo, ang mga taong ipinadala sa mga grupong B o sa mga ordinaryong iglesia ay nasa malaking panganib—pero wala ba sa panganib ang mga taong gumagawa ng tungkulin nang full-time? Ang ilan sa kanila ay nasa malaking panganib din. Aling grupo sa kanila? Ang grupo ng mga tao na patuloy na nabibigong maunawaan ang katotohanan. Kahit gaano karami na ang mga salita ng Diyos na narinig nila, hindi nila nauunawaan ang mga ito. Sa puso nila, palagi silang puno ng pagdududa: “Bakit hindi ko matukoy kung alin sa mga salita ng Diyos ang katotohanan? Sinasabi ng lahat na ang katotohanan ang daan, ang buhay—bakit hindi ko nadarama na ito ang buhay? Narinig ko na rin ang marami sa mga salita ng Diyos, pero ang buhay sa loob ko ay hindi nagbago; ako pa rin ito, hindi ako nagbago!” Hindi nila kailanman nauunawaan kung ano ang katotohanan, hindi kailanman nauunawaan ang gawain ng Diyos, at palaging hindi malinaw sa kanila ang tungkol sa mga pangitain. Ang gayong mga tao ay nasa panganib. Kapag nakakarinig ng mga tsismis ang ganitong uri ng mga tao, hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan para kilatisin ang mga ito; ang alam lang nila ay iwasan at tanggihan ang mga tsismis. Kung nagagawa nilang iwasan ang mga ito, suwerte silang nakakaiwas sa sakuna; kung hindi nila nagagawang iwasan ang mga ito, nadadagit sila ni Satanas. Sabihin ninyo sa akin, nagkataon lang ba na ang gayong mga tao ay maaaring madagit ni Satanas? (Hindi.) Ang mga hindi kailanman nakakaunawa sa katotohanan, ang mga hindi kailanman nakakaunawa kung ano ang pananampalataya sa Diyos—mga tupa ba ng Diyos ang mga taong ito? Kaya ba nilang maunawaan ang mga salita ng Diyos? (Hindi.) Ang mga taong ito ay hindi kailanman nauunawaan ang mga salita ng Diyos, hindi rin nila hinahanap ang katotohanan; at palagi nilang inaalala ang: “Kailan darating ang araw ng Diyos? Kailan tayo makakapasok sa kaharian ng langit?” Pagdating sa mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao sa pananampalataya sa Diyos, wala silang nauunawaan sa mga ito. Napakagulo ng kanilang isipan! Sabihin ninyo sa Akin, kapag nakikipag-usap Ako sa ganitong uri ng taong magulo ang isip, anong damdamin ang mayroon Ako sa Aking puso? Ito ba ay karangalan o kapighatian? O isa ba itong damdamin ng labis na pagkagalit? Naiirita Ako kapag nakikita ang mga taong ito. Ano bang mapapala ng mga taong ito na magulo ang isip na hangal mula sa pananampalataya sa Diyos? Pagkatapos silang arestuhin at i-brainwash ng malaking pulang dragon, sila ay nabubunyag at natitiwalag. Hindi nauunawaan ng mga taong ito ang katotohanan kahit kaunti, at ayaw ng sambahayan ng Diyos sa gayong mga tao. Sila ay nabubunyag at natitiwalag sa pamamagitan ng malaking pulang dragon. Sabihin mo sa Akin, ito ba ay hindi mapagmahal? (Hindi.) Kung ang gayong mga tao ay hindi naaresto ng malaking pulang dragon, at kung wala ang mga tsismis na ito na naglilihis sa kanila, palagi ba silang kakapit sa iglesia? Anong mga sitwasyon ang maaaring magdulot na umatras sila? ( Ito ay sa pamamagitan mismo ng mga tsismis ng malaking pulang dragon. Pagkatapos nilang marinig ang mga tsismis at maniwala sa mga ito, umaatras sila.) Sa pamamagitan mismo ng mga malademonyong kuko ng malaking pulang dragon, ng hambingang ito, kaya sila ay nadadagit at sa huli ay hindi na sila nananampalataya. Sa katunayan, hindi kayang maarok ng mga taong ito ang katotohanan, hindi nila kayang gumawa ng anumang tungkulin, at hindi nila kayang magbigay ng anumang serbisyo. Sa sambahayan ng Diyos, pandagdag lang sila sa bilang, palamunin at naghihintay ng kamatayan. Ang bawat isa sa kanila ay nasa kaawa-awang kalagayan, pero sinasabi nila na sila ay mga tagasunod ng Diyos, na sila ay hinirang na mga tao ng Diyos—hindi ba’t kahiya-hiya sila? Sa pinakamababa, ang mga sumusunod sa Diyos ay dapat na mga tao, hindi mga patay na tao na walang espiritu, hindi mga hayop. Dapat sila ay mga tao na kayang maunawaan ang mga salitang sinasabi ng Diyos. Tanging ang mga kayang maunawaan ang mga salita ng Diyos at maunawaan ang katotohanan ang mga tupa ng Diyos. Tanging ang mga tupa ng Diyos ang kayang sinserong gawin ang kanilang tungkulin at sumunod sa Diyos. Ang mga hindi tupa ng Diyos ay hindi mga sinserong tagasunod. Pinapasok nila ang iglesia nang may pakay, iyon ay ang magkamit ng mga pagpapala. Wala ang Diyos sa kanilang puso. Kahit ilang taon pa silang manampalataya, imposible na kailanman ay magkaroon sila ng may-takot-sa-Diyos na puso. Ang mga diyablo, mga Satanas, at ang mga sinasapian ng maruruming espiritu at masasamang espiritu ay alam din na ito ang tunay na daan, at nagnanais din sila ng mga pagpapala. Pero gusto ba ng Diyos ang gayong mga tao? (Hindi.) Sinasapian ng iba’t ibang masasamang espiritu at maruruming espiritu ang mga hayop, at pagkatapos nilang sumailalim sa maraming taon ng paglilinang at maging mahihiwagang nilalang, palagi nilang gustong maging tao. Ayaw nilang manatili bilang maruruming espiritu, masasamang espiritu, o iba’t ibang espiritu ng hayop; gusto nilang umangat sa isang mas mataas na antas—ang maging tao. Gayundin, ang mga hangal na ito na magulo ang isip ay gusto ring iangat ang kanilang ranggo, gustong maging hinirang na mga tao ng Diyos. Sabihin mo sa Akin, gusto ba ng Diyos ang gayong mga tao? Hindi. Kahit pa pasukin nila ang iglesia, wala itong saysay; dapat silang paalisin anuman ang mangyari. Kapag napaalis na sila, magiging dalisay ang sambahayan ng Diyos, at magiging dalisay ang iglesia. Sa pinakamababa, ang mga nananatili ay dapat na mga taong kumikilala sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, kumikilala na ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at handang magserbisyo para sa Diyos. Kaya ba itong makamit ng mga hangal na iyon na magulo ang isip? Napakalayo na makamit nila ito. Lahat sila ay mga patay na tao na walang espiritu, pero palagi nilang gusto ng mga pagpapala, palaging gustong makapasok sa kaharian, palaging gustong makapunta sa langit. Hindi maliit ang kanilang ambisyon at pagnanais, pero hindi man lang nila tinitignan kung ano sila—masyadong mataas ang tingin nila sa kanilang sarili! Tama na itiwalag ang gayong mga tao. Pakiramdam ba ninyo ay sayang ito? (Hindi.) Mula sa simula, sinabi ng Diyos, “Ang ninanais Ko ay ang kahusayan ng mga tao, sa halip na malaking bilang nila.” Ito ang hinihinging pamantayan ng Diyos sa Kanyang hinirang na mga tao, pati na ang hinihingi at prinsipyo tungkol sa bilang ng mga tao sa iglesia. “Ang ninanais Ko ay ang kahusayan ng mga tao”—dito, ang “kahusayan” ba ay tumutukoy sa mabubuting sundalo ng kaharian o sa mga mananagumpay? Hindi tumpak ang alinman sa mga ito. Sa tumpak na pananalita, ang “kahusayan” ay tumutukoy sa mga nagtataglay ng normal na pagkatao, sa mga tunay na tao. Sa sambahayan ng Diyos, kung kaya mong gumawa ng mga tungkulin na dapat gawin ng isang tao, kung maaari kang gamitin bilang isang tao, at kung kaya mong tuparin ang mga responsabilidad, tungkulin, at obligasyon ng isang tao nang hindi ka hinihila, kinakaladkad, o itinutulak ng iba, at hindi ka walang silbing basura, hindi isang palamunin, hindi isang batugan—kaya mong pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon ng isang tao at pasanin ang misyon ng isang tao—ito lang ang pagiging pasok sa pamantayan bilang isang tao! Ang mga batugan ba at ang mga hindi nag-aasikaso sa mga wastong gampanin ay kayang pasanin ang misyon ng isang tao? (Hindi.) Ang ilang tao ay ayaw magpasan ng responsabilidad; ang ilan ay hindi ito kayang pasanin—sila ay mga walang kuwentang basura. Ang mga hindi kayang magpasan ng mga responsabilidad ng isang tao ay hindi matatawag na tao. Tingnan mo ang mga may kapansanan sa pag-iisip, mga estupido, may cerebral palsy, o paralisado ang katawan—maaari ba silang tawaging mga taong pasok sa pamantayan? (Hindi.) Bakit hindi? Ang gayong mga tao ay walang abilidad na mamuhay, walang abilidad na manatiling buhay, at walang abilidad na pangalagaan ang kanilang sarili. Ganap silang umaasa sa iba para sa tulong at pangangalaga, namumuhay nang walang abilidad na suportahan ang kanilang sarili, at hindi nila kayang pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon ng isang tao. Ang mga hindi kayang pasanin ang sarili nilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos ay mga hindi normal na tao, at ayaw sa kanila ng Diyos. Ikaw man ay isang lider o manggagawa, o gumagawa ng partikular na gawain na kinasasangkutan ng mga propesyonal na kasanayan, dapat magawa mong pasanin ang gawaing responsabilidad mo. Bukod sa kakayahang pamahalaan ang sarili mong buhay at pananatiling buhay, ang iyong pag-iral ay hindi lang tungkol sa paghinga, tungkol sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya, kundi tungkol sa kakayahang magpasan ng misyon na ibinigay ng Diyos sa iyo. Ang gayong mga tao lang ang karapat-dapat na tawaging mga nilikha at karapat-dapat na tawaging tao. Ang mga nasa sambahayan ng Diyos na palaging gustong maging palamunin at palaging sinusubukang manlinlang, umaasang magagawa nilang patusong maabot ang wakas at magkamit ng mga pagpapala, ay hindi kayang magpasan ng anumang gawain o ng anumang responsabilidad, lalo na ng anumang misyon. Ang gayong mga tao ay dapat na matiwalag, at hindi ito sayang. Ito ay dahil ang natitiwalag ay hindi isang tao—hindi sila kalipikado na matawag na tao. Maaari mo silang tawaging mga taong walang silbi, mga batugan, o mga tambay; ano’t anuman, hindi sila karapat-dapat na matawag na tao. Kapag itinatalaga mo sila sa isang gawain, hindi nila ito kayang tapusin nang sila lang; at kapag itinatalaga mo sila sa isang gampanin, hindi nila kayang pasanin ang responsabilidad nila o tuparin ang obligasyon na dapat nilang tuparin—katapusan na ng gayong mga tao. Hindi sila karapat-dapat na mabuhay; nararapat silang mamatay. Ang hindi pagbawi ng Diyos sa buhay nila ay biyaya na Niya, ito ay isang katangi-tanging pabor.

Tungkol sa paksa ng mga tsismis, titigil na tayo rito. Kung mayroon pa rin kayong anumang mga problema, maaari ninyong banggitin ang mga ito at magbahagi tungkol sa mga ito o hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito nang kayo-kayo lang. Hindi na natin ito pag-uusapan pa, okey? Mayroon bang anumang pagtutol ang sinuman? (Wala.) Kung mayroong anumang mga problema na hindi Ko natalakay, maaari kayong mag-isip ng paraan para lutasin ang mga ito nang kayo-kayo lang. Sa usaping ito, natupad Ko na ang Aking responsabilidad. Ipagpalagay nang may nagsasabi, “Hindi pa namin nakukuha ang sagot na gusto namin; totoo ba o hindi ang mga tsismis na iyon? Pakiusap, bigyan Mo kami ng malinaw na sagot.” Kahit pa bigyan Ko kayo ng isang malinaw na sagot, anong problema ang malulutas nito? Kaya Ko sinasabi na dapat ninyong hanapin ang sagot na ito nang kayo-kayo lang. Wala Akong komento rito. Lahat ng ito ay nakadepende sa kung kayo ba ay may pagkilatis. Ang mga nagkamit ng katotohanan ay hindi kailanman malilihis. Sa katunayan, ang mga tsismis na ito ay nagbunyag na ng maraming tao. Ang mga taong maraming taon nang nananampalataya sa Diyos pero hindi nagkamit ng katotohanan ay nabunyag nang lahat—ito ang karunungan ng Diyos. Ito ang sagot Ko. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Kaya, ano ang gusto Kong sabihin sa inyo? Ang lahat ng gusto Kong sabihin ay nasa mga aklat ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao at nasa lahat ng sermon. Ang mga salitang ito ang siyang nais Kong sabihin sa inyo. Hindi ba’t sapat na ang mga ito? (Oo.) Kung iginigiit pa rin ng ilang tao, sinasabi na, “Kung gayon, tungkol sa mga tsismis, mayroon Ka bang anumang sagot?” ang sinasabi Ko ay wala, wala pa rin Akong komento. Nasabi Ko na ang marami sa gusto Kong sabihin sa lahat ng sermon. Kung handa kayong hanapin ang katotohanan, at kaya ninyong tanggapin at sundin ang mga salitang ito, malulutas ang mga problema ninyo. Kung hindi ninyo tinatanggap ang mga salitang ito, ang mga problema ninyo ay mananatiling mga problema magpakailanman. Natupad Ko na ang Aking responsabilidad; wala na itong kinalaman pa sa Akin. Malinaw ba ninyong narinig? (Oo.)