Paano Hangarin ang Katotohanan (2) Ikaapat na Bahagi
Susunod, pag-usapan natin ang tungkol sa mga problema ng mga kuru-kuro at imahinasyon sa “pagbitiw sa mga hadlang sa pagitan ng sarili at ng Diyos, at sa pagkamapanlaban ng isang tao sa Diyos,” na siyang ikatlong aytem sa “pagbitiw” sa loob ng pagsasagawa ng kung paano hangarin ang katotohanan. Kakatalakay lang natin ng ilan sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao tungkol sa gawain ng Diyos. Kung titingnan ito ngayon, hindi ba’t may ibang mga kuru-kuro at imahinasyon ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos? Makakaapekto ba ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito sa kung paano tinatrato ng mga tao ang gawain ng Diyos, kung paano nila dinaranas ang gawain ng Diyos, at kung paano nila nauunawaan at nakikilala ang gawain ng Diyos? Sa iba’t ibang uri ng mga tao na lumilitaw sa iglesia, ang isang uri ay masasamang tao at mga anticristo. Anumang kasamaan ang ginawa nila na nagdulot sa kanila na mapangasiwaan, at anumang mga usapin ang nagdulot sa iglesia na paalisin o patalsikin sila, palaging may ilang tao na may mga partikular na kuru-kuro tungkol sa pag-aalis ng sambahayan ng Diyos sa mga hindi mananampalataya, masasamang tao, at mga anticristo, at ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay dahil sa katunayan na wala silang anumang pagkaunawa sa gawain ng Diyos o sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, ang iglesia ay ang lugar kung saan gumagawa ang Diyos sa lupa, kaya ang iglesia ang pinakadirektang lugar para makita ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at masasabi rin na ito ang pinakadirekta at pinakahalatang lugar kung saan naipapamalas ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayumpaman, sa lugar na ito, madalas na nakikita ng mga tao na lumilitaw ang ilang tao, pangyayari, at bagay na hindi tugma sa kanilang mga kuru-kuro. Sa mga kuru-kuro ng mga tao ay iniisip nila na, dahil ang iglesia ay isang lugar na may kaugnayan sa gawain ng Diyos, dapat itong maging isang kalmado at payapang lugar na puno ng pagiging palakaibigan at kapayapaan, pagmamahal at pagpaparaya, at kagalakan at kaaliwan. Naniniwala sila na ang mga indibidwal na tulad ng masasamang tao at mga anticristo ay hindi kailanman dapat lumitaw sa iglesia, at na wala dapat na mga kaganapan ng paggawa ng masasamang tao ng kasamaan. At iniisip nila na sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, siyempre ay dapat walang mga kaganapan kung saan nalalabag sa iglesia ang mga katotohanang prinsipyo, lalong wala dapat na anumang uri ng mga taong labag sa kautusan o mga bagay na labag sa kautusan, o mga bagay na hindi tugma sa kalooban ng tao, sa mga damdamin ng tao, at sa pagkatao. Naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay dapat na payapa, tahimik, kaaya-aya, positibo, optimistiko, at nakapagbibigay-sigla sa iglesia, at dapat ay walang anumang awayan, o anumang kasuklam-suklam o mga pangit na bagay na nangyayari na hindi tugma sa mga pangangailangan ng pagkatao. Lahat ng ito ay mga kuru-kuro ng mga tao. Gayumpaman, ang mga katunayan ay hindi tugma sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao. Anuman ang panahon o yugto ng gawain, sa iglesia, palaging may mga insidente na nagaganap kung saan ang ilang masamang tao at mga anticristo ay nanggugulo at nanggagambala sa gawain ng iglesia, na nagdudulot sa ilang aspekto ng gawain ng sambahayan ng Diyos na masabotahe, na masira at magulo ang kaayusan ng gawain ng iglesia, at iba pang gayong mga bagay. Kapag nangyayari ang ganitong mga bagay, nadarama ng mga tao na hindi ito lubos-maisip, at ang puso nila ay puno ng kawalan ng magagawa, hindi pagkaarok, at pagkalito, at napapaisip sila, “Umiiral ba talaga ang Diyos? Paano nga ba may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa sangkatauhan at namamahala sa Kanyang iglesia, namamahala sa Kanyang sambahayan? Talaga bang inaalala ito ng Diyos Mismo o hindi? Nasaan ang Diyos? Bakit kapag nangyayari ang mga bagay na ito na labag sa kautusan at kapag lumilitaw ang masasamang tao at nagdudulot sila ng kaguluhan, walang kumikilos para pigilan sila, at hindi rin kumikilos ang Diyos para pigilan sila? Ano ba mismo ang nangyayari dito? Hindi ba’t ang iglesia ang sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t iyong mga sumusunod sa Diyos ay ang Kanyang hinirang na mga tao? Bakit hindi binabantayan o pinoprotektahan ng Diyos ang Kanyang sambahayan? Bakit hindi pinoprotektahan ng Diyos ang Kanyang hinirang na mga tao para makapamuhay sila nang payapa sa isang pugad, sa isang kanlungan?” Ang mga pagdududang ito at ang hindi pagkaarok na ito na mayroon ang mga tao ay dulot ng iba’t ibang kuru-kuro ng mga tao, hindi ba? (Oo.) Kaya, sa pangunahin, tungkol saan ang mga kuru-kurong ito? Hindi ba’t ang mga ito ay tungkol sa gawain ng Diyos at sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Dahil ang gayong mga usapin tulad ng paggawa ng masasamang tao ng kasamaan at pagdudulot ng mga paggambala at panggugulo ay nangyayari sa iglesia, at dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga usaping ito, mahirap para sa kanila na makilatis ang mga pinagmulan ng mga usaping ito at kung ano ang magiging panghuling resulta ng mga ito. Dahil hindi makilatis ng mga tao ang mga usaping ito, nakakabuo sila ng kung ano-anong ideya at kuru-kuro tungkol sa Diyos. Iniisip ng ilang tao, “Ang sambahayan ng Diyos ay dapat magpakita ng pagmamahal sa masasamang tao at mga anticristo. Kung hindi magpapakita ang sambahayan ng Diyos ng pagmamahal sa kanila, hindi ba’t magiging kapareho ito ng lipunan? Sa lipunan, palaging may isang grupo ng mga tao na nagpapahirap sa kung anong ibang grupo ng mga tao, lahat ay alang-alang sa pakikipag-agawan sa kapangyarihan at impluwensiya. Sa pamamagitan ng pagpapaalis at pagpapatalsik sa masasamang tao, hindi ba’t pinapahirapan din ng sambahayan ng Diyos ang mga tao? Hindi ganoon kaligtas na manatili sa sambahayan ng Diyos! Kung talagang maharap ka nga sa anumang magugulong sitwasyon, maaari kang maagrabyado at mapaalis, at walang maglilinis ng pangalan mo! Nasaan ba mismo ang Diyos? Bakit hindi lumabas ang Diyos at magsalita o gumawa ng isang bagay? Ipakita mo sa amin ang pag-iral mo, ipakita mo sa amin ang pagkamakapangyarihan mo sa lahat, ipakita mo sa amin ang kataas-taasang kapangyarihan mo gamit ang sarili naming mga mata, sa ganoong paraan ay makakampante kami, hindi ba?” Sa iglesia, sa tuwing nararanasan ng mga tao ang ilang pangyayari na para sa kanila ay hindi maarok, ang mga damdamin tulad ng pagkabagabag at pagdududa ay lumilitaw sa ilan sa kanila, kung saan ang ilan ay gusto pa ngang iwasan ang mga pangyayaring ito, at ang iba ay nasasadlak sa pagkanegatibo; ang ilang tao pa nga, dahil nalihis at naloko ng mga anticristo, ay sinusukuan na ang kanilang sarili, at ang ilan, dahil nalihis at sinamantala ng mga anticristo at naging mga kasabwat ng mga ito, ay nabubukod pa nga para sa pagninilay-nilay sa sarili o napapaalis ng iglesia. Kasabay ng impresyon sa lahat ng bagay na ito bilang hindi maarok, pinagdududahan din ng mga tao ang pag-iral ng Diyos. Ito ay dahil ang pangunahing pinagmulan ng pananalig ng maraming tao sa Diyos ay ang paniniwala nila na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, sa lahat ng usapin. Ibig sabihin, maraming tao ang naniniwala na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng usapin, sa lahat ng bagay, at sa kapalaran ng sangkatauhan, at kaya naniniwala sila sa pag-iral ng Diyos, at sa pagkakakilanlan at diwa ng Diyos. Gayumpaman, ang mga bagay na ito na nangyayari sa paligid nila ay nagdudulot sa kanila na magduda at mag-alinlangan sa kanilang pananampalataya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at pagkatapos ay nagsisimula silang magduda sa katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng usapin, at pagkatapos, ang pananalig nila sa Diyos ay nagsisimula ring manghina, at kaya, ang buong serye ng mga problemang ito ay lumilitaw. Ang mga tao ay may lahat ng uri ng mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ang mga kuru-kuro at imahinasyong ito ay tiyak na hindi nakaayon sa katotohanan o sa mga katunayan, at sa halip ay mga walang-katotohanang interpretasyon o maling pagkaunawa ng mga tao. Kaya, susunod ay pagbabahaginan natin ang tungkol sa kung paanong may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay sa paligid mo na nakikita at nadarama mo, kung ano ang mga prinsipyo para sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng ito, at kung ano ang pakay na nilalayon Niyang makamit.
Ang mga Prinsipyo at Layunin ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Ang terminong “kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos” ay tumatalakay sa napakalawak na saklaw ng nilalaman. Kung isasantabi muna ang mas malawak na kapaligiran, pagdating sa iglesia, ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ay tunay. Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay hindi isang hungkag na parirala, ni hindi rin ito isang penomenon lang, kundi sa halip ay may mga aktuwal na halimbawa nito at mga aktuwal na resulta. Kaya, ano ang mga prinsipyo ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa iglesia? Pag-isipan muna natin ito: Ang Diyos ba ay may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos sa kung sinong mga tao ang tinatanggap sa iglesia? (Oo.) Hindi ito hungkag. Kung sa aling mga tao darating ang ebanghelyo ng Diyos at ang mga salita ng Diyos, at kung sinong mga tao ang nagagawang tumanggap sa gawain ng Diyos, at kung sinong mga tao ang makakapasok sa iglesia—ang lahat ng ito ay inorden ng Diyos. Sa ngayon, huwag nating pag-usapan ang tungkol sa pagkatao ng mga taong ito, at kung sila ba ay masasamang tao; ang katunayan na nagagawa nilang makapasok sa iglesia ay nangangahulugan na inorden ito ng Diyos. Ang pag-orden ba ng Diyos ay aspekto ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? (Oo.) Una sa lahat, may isang bagay na makakatiyak tayo, na ang pagpasok ng bawat tao sa iglesia ay inorden ng Diyos. Ang terminong “pag-orden ng Diyos” ay medyo abstrakto pakinggan, kaya sabihin na lang natin na “Ang Diyos ang may huling salita, ang Diyos ang nagbabantay sa pinto.” Ang Diyos ang tarangkahan sa kaharian at ang tarangkahan din sa iglesia. Binabantayan ng Diyos ang pinto pagdating sa kung anong uri ng mga tao ang puwedeng opisyal na maging mga miyembro ng iglesia, ng sambahayan ng Diyos. Sila man ay mga hindi mananampalataya o masasamang tao na nakapasok sa iglesia, o mabubuting tao na interesado sa pananampalataya sa Diyos o na nagagawang tumanggap sa katotohanan at sumunod sa Diyos, kung aanib sila sa iglesia at magiging mga miyembro ng iglesia, hindi ito isang bagay na maaaring pagpasyahan ng sinumang tao—ito ay dahil sa kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos, at pag-orden ng Diyos. Nagkikimkim man sila ng ilang natatagong motibo o layon sa pananampalataya sa Diyos, o kung kumusta man ang kanilang pagkatao, o anuman ang kanilang antas ng pinag-aralan o pinagmulan sa lipunan, ang Diyos ang nagpapasya kung puwede silang umanib sa iglesia at lumapit sa harapan Niya—ang Diyos ang nagbabantay sa pinto. Magagawa ba ng mga tao na bantayan ang pinto nang maayos? (Hindi.) Hindi kayang pagpasyahan ng mga tao ang usaping ito, hindi ito nakadepende sa kalooban ng mga tao. Halimbawa, kapag nakita mo na ang isang taong may matalas na isip at may katayuan sa lipunan, iniisip mo, “Magiging maganda kung pupunta ang taong ito sa sambahayan ng Diyos para maging lider ng iglesia. Kulang sa gayong mga tao ang iglesia namin.” Pero ayaw sa kanila ng Diyos; hindi Niya sila inaantig. Kapag ibang mga tao ang nangangaral ng ebanghelyo at nakikipagbahaginan sa kanila tungkol sa mga salita ng Diyos, hindi nila nauunawaan ang kanilang narinig. Kapag nakikinig naman sila sa ibang bagay, naaarok nila ito; kapag nakikinig sila sa mga salita ng Diyos ay saka lang sila hindi nakakaunawa, at para silang mga hangal—ang gayong mga tao ba ay puwede pa ring pumasok sa iglesia? Bagama’t interesado sila sa pagkakamit ng mga pagpapala, hindi nila magawang patahimikin ang puso nila at hindi sila mapakali kapag nakikinig sa mga salita ng Diyos at pagbabahaginan tungkol sa katotohanan, at pagkatapos makinig sa dalawa o tatlong sermon, tumitigil na sila sa pagpunta. Ang gayong mga tao ay walang tunay na pananalig, kaya magkakaroon ba ng anumang epekto ang iyong mabubuting layunin sa kanila? Magagawa mo ba silang dalhin sa iglesia? Hindi. Ang Diyos ang may huling salita roon. Sinasabi ng Diyos na ayaw Niya sa gayong mga tao, at ito man ay para sa pagseserbisyo o paggampan sa kung anong papel, ayaw Niya sa kanila. Kaya, kahit na, nang may mabubuting intensyon, kaladkarin mo sila, magiging walang silbi ito, at sa huli, kakailanganin pa rin nilang umalis. Imposible na maging mga miyembro sila ng iglesia; kahit sino pa ang kumaladkad sa kanila, magiging walang silbi ito. Isa itong usapin na hindi puwedeng pagpasyahan ng mga tao; ito ay inorden ng Diyos, at binabantayan ng Diyos ang pinto. Ang ilang tao ay walang katayuan sa lipunan, hindi sila mga importanteng personalidad, at mayroon silang katamtamang kakayahan at hindi kapansin-pansin ang hitsura nila, pero napakasimple nila at deretsahan, at interesado sila sa mga usapin ng pananampalataya sa Diyos. Anumang mga paghihirap ang mayroon sila, hindi sila mahihiwalay sa Diyos, at ang kasigasigan nila ay sukdulang matindi—masaya ang mga kapatid na makita ang masigasig na enerhiyang ito, at nalulugod din ang Diyos na makita ito—at sa katunayan, kaya sila labis na masigasig ay dahil inaantig sila ng Espiritu ng Diyos. Matapos nilang makapasok sa iglesia at makita na ang mga tao sa iglesia ay pawang mabubuting tao, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos at nagbabahaginan tungkol sa katotohanan araw-araw, napapalakas nang husto ang loob nila rito at nadarama nila na ito ang tamang landas ng buhay, kaya nagsisimula silang mangaral ng ebanghelyo at gawin ang mga tungkulin nila at maging mga tagasunod ng Diyos. Sino ang nagpapasya na maaari silang manampalataya sa Diyos? (Ang Diyos ang nagpapasya.) Ang Diyos ang nagpapasya. Maaari lang silang manampalataya sa Diyos dahil tinutulutan ng Diyos na makapasok sila sa iglesia. Kung ang Diyos ay hindi gumagawa at hindi sila inaantig, hindi nila magagawang manampalataya sa Diyos, at kung puwersahan silang dinala sa iglesia, kakailanganin nilang lumisan sa malao’t madali. Ang mga tao ay walang pakultad sa loob ng kanilang mga likas na katangian para sa pagtanggap sa katotohanan; ang katunayan na kaya nilang mahalin ang katotohanan at tanggapin ang katotohanan ay nagpapatunay na gumagawa ang Diyos sa kanila. Kung gumagawa ang Diyos sa kanila, maaari silang maging mga miyembro ng iglesia—isa itong paunang kahingian para sa lahat ng uri ng mga tao na pumapasok sa iglesia, ang paunang kahingian ay na gusto sila ng Diyos. Anumang papel ang ginagampanan nila sa iglesia, ano’t anuman, binabantayan ng Diyos ang pinto sa Kanyang sambahayan. Kung hindi Niya sila tinutulutang pumasok, nasa labas sila ng pinto; kung tinutulutan Niya silang pumasok, nasa loob sila ng pinto. Samakatwid, ang pagiging miyembro ng iglesia ay hindi gayon kasimpleng usapin. Pagdating sa kung anong mga partikular na prinsipyo ang nagsisilbi bilang batayan sa pagtanggap ng Diyos sa mga tao, ang Diyos, siyempre, ay may sarili Niyang mga prinsipyo. Hindi tayo magbabahaginan tungkol sa kung anong uri ng tao ang gusto ng Diyos at kung anong uri ng tao ang ayaw Niya—napakakomplikado nito. Bakit Ko sinasabing komplikado ito? Ang Diyos ay may plano para sa kung sino ang papasok sa iglesia, kung anong papel ang gagampanan niya sa kung anong panahon, at kung anong tungkulin ang gagawin niya o kung anong mahalagang gawain ang papasanin niya sa kung anong panahon, at kung sa anong panahon siya aayon sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos at sa mga pangangailangan sa mga tauhan nito. Ang Diyos ay nagsasaayos at nagkokontrol sa isang makroskopiko at pangkalahatang antas, sa halip na kumilos lang sa kasalukuyang sandali—isa itong napakakomplikadong usapin, at hindi ito maipapaliwanag nang malinaw gamit lang ang ilang salita, kaya hindi na natin ito idedetalye. Sa madaling salita, kung makakapasok ba ang isang tao sa tarangkahan ng sambahayan ng Diyos ay hindi pinagpapasyahan ng sinumang tao; ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan dito at nagsasaayos nito. Pagkatapos makapasok sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ng uri ng mga tao ay gumagawa ng lahat ng uri ng mga tungkulin, gumagampan ng lahat ng uri ng mga papel, at tumatahak sa lahat ng uri ng mga landas. Ang lahat ng iba’t ibang uri ng mga taong ito ay may lahat ng uri ng iba’t ibang pagpapamalas, mabuti man o masama, positibo man o negatibo, aktibo man o pasibo—ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pamamahala ng Diyos.
Ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ay nangangahulugan na ang lahat ng bagay ay nangyayari at nagaganap ayon sa natural nitong takbo sa ilalim ng Kanyang pamamahala; walang pangyayari ang nagaganap nang nagkataon lang, at ang mga pag-usad at pagbabago kung saan sumasailalim ang anumang pangyayari ay hindi inuumpisahan o tinutukoy ng sinumang tao—ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng ito. Siyempre, ang huling resulta at paglalarawan ng katangian ng anumang pangyayari ay nakabatay rin sa diwa ng uri ng pangyayaring iyon at sa diwa ng uri ng mga taong nasasangkot dito, at ang batayan sa paglalarawan ng katangian ng pangyayari ay ganap na ang mga salita ng Diyos at ang mga hinihinging prinsipyo ng Diyos. Walang uri ng pangyayari ang nagaganap nang nagkataon lang, at ang huling resulta ng anumang uri ng pangyayari ay hindi pinagpapasyahan ng mga tao. Sa katunayan, ang simula ng anumang uri ng pangyayari na nagaganap ay isinasaayos at pinalilitaw ng Diyos. Kapag pinalilitaw ng Diyos ang anumang uri ng pangyayari, isinasaayos Niya ang isang uri ng tao na kumilos dito, at ang uri ng taong iyon ay maaaring gumampan sa papel ng isang tagapagserbisyo o isang hambingan, maaari siyang gumampan ng isang negatibong papel, o maaari siyang gumampan ng isang positibong papel. Pero anumang papel ang gampanan niya, ang simula ng lahat ng bagay na ito ay isinasaayos ng Diyos. May dalawang paliwanag sa pagsasaayos ng Diyos sa aspektong ito. Ang isang paliwanag ay na personal na gumagawa ang Diyos ng ilang positibong pagsasaayos at nagbibigay ng ilang positibong patnubay at pangangasiwa, at pinapasimulan Niya sa ilang positibong tao ang isang pangyayari—ito ay isang paliwanag sa “mga pagsasaayos ng Diyos.” Ang isa pang paliwanag ay na nagpapapunta at nagpapadala ang Diyos ng isang uri ng espiritu para gumawa ng mga partikular na bagay. Ang mga bagay na ito ay negatibo at buktot sa mga mata ng tao, at kaya ang mga negatibo at buktot na karakter na ito ay tiyak na mga negatibong tao, ibig sabihin, ang mga uri ng mga tao na inoorden ng Diyos mula sa umpisa na pumasok sa Kanyang sambahayan bilang mga hambingan at mga negatibong materyal sa pagtuturo. Pinapagampanan sa kanila ng Diyos ang mga papel na ito, dahil sa kalikasang diwa na mayroon sila, ang mga ito lang ang mga papel na maaari nilang gampanan, at hinahayaan Niya sila na gumanap hangga’t gusto nila at na gawin ang nararapat nilang gawin bilang mga hambingan hangga’t gusto nila. Sa buong proseso, ito man ay ang mga pagpapamalas ng mga positibong tao o ng mga negatibong tao, ang prinsipyo ng Diyos sa pagharap at pangangasiwa sa lahat ng usaping ito ay ang hayaan ang natural na takbo ng mga ito. Sa pagtingin at pagharap sa mga usaping ito, ang mga positibong tao ay may ilang positibong pananaw at ilang pananaw na nakaayon sa pagkatao at sa pamantayan ng konsensiya. Bagama’t ang ilan sa kanila ay nagbubunyag ng ilang tiwaling disposisyon—nagtataglay ng ilang pagpapamalas ng pagiging mapagpalugod ng mga tao, o nagbubunyag ng iba pang mga tiwaling disposisyon—sa pinakamababa, sila ay kumakapit sa konsensiya at katwiran ng pagkatao, ibig sabihin, sila ay kumakapit sa pundamental na batayang pamantayan sa pag-asal. At pagdating sa mga negatibong tao, hindi nakikialam ang Diyos o hindi Niya ginagabayan ang anumang ginagawa nila, kundi hinahayaan silang sundan ang natural nilang takbo; gumaganap din sila hangga’t gusto nila, at inilalantad nila ang kanilang pagiging kasuklam-suklam at gumagawa ng ilang bagay hangga’t gusto nila. Matagumpay nilang ginagampanan ang mga papel ng mga negatibong tao na inilalantad ng Diyos, ang masasamang tao at mga anticristo, binibigyang-kakayahan ang iba na makita nang malinaw, sa tunay na buhay, kung anong uri ng mga tao ang mga diyablo, kung anong uri ng mga tao ang masasamang tao, at kung anong uri ng mga tao ang mga anticristo, at kung ano mismo ang kasuklam-suklam na hitsura ng mga anticristo, masasamang tao, mga Satanas, at mga diyablo na inilalantad ng Diyos. Kung ang mga negatibong tao na ito ay hindi ginamit bilang mga buhay na materyal sa pagtuturo sa tunay na buhay, sa iyong isipan, ang mga diyablo at mga Satanas ay hindi magiging kongkreto magpakailanman, at magiging isang haka-haka o isang larawan lang magpakailanman. Pero ngayon ay nasa harap mismo ng iyong mga mata ang mga buhay na halimbawang ito, at ang mga diyablong ito na nakasuot ng balat ng tao ay namumuhay nang totoong-totoo sa harap mismo ng iyong mga mata, at ang kanilang pananalita at pag-asal, ang kanilang bawat salita at kilos, ang mga ekspresyon ng kanilang mukha, at maging ang tono ng kanilang boses, ay pawang lumilitaw nang totoong-totoo sa buhay mo, sa mismong harapan mo, at tumatatak sa isipan mo. Hindi ito isang masamang bagay para sa iyo. Ang ganitong uri ng bagay ay paulit-ulit na nangyayari sa iglesia. Sa unang beses na mangyari ito, hindi ka mapakali at naiisip mo na kailangan mong magdasal sa Diyos. Sa pangalawang beses na mangyari ito, naiisip mo, “Dapat kong matutunan na gamitin ang katotohanan para protektahan ang aking sarili, at sa susunod na makaharap ko ang ganitong uri ng tao, dapat ko siyang iwasan,” at nagsisimula kang mag-isip tungkol sa kung paano poprotektahan ang iyong sarili at lalayo sa masasamang tao. Sa pangatlong beses na lumitaw ang ganitong uri ng tao, pinagbubulay-bulayan mo, “Bakit nagsasalita ang mga taong ito nang mismong katulad ng malaking pulang dragon, ng katulad ni Satanas? Hindi ba’t mapanlihis ang mga bagay na sinasabi nila? Hindi ba’t masasamang tao sila? Tila sinabi ng mga salita ng Diyos na ang mga taong nagpapakita ng ganitong mga pagpapamalas ay mga anticristo. Dapat ko silang kilatisin at ilantad, hindi nila ako maaaring mailihis, at dapat akong lumayo sa kanila.” Sa pamamagitan ng pagdanas sa ganitong uri ng bagay nang paulit-ulit, nagtatamo ka ng mas malinaw at mas lubusang pagkaunawa sa pagkilatis sa mga anticristo, masasamang tao, mga Satanas, at mga diyablo, at kung ano ang mga paggambala at panggugulo. Ang pagkaunawa mo ay hindi na tumitigil sa mga salita at doktrina, at lalong hindi sa mga imahe. Sa halip, mas nagagawa mong tukuyin ang mga bagay na ito sa tunay na buhay, at kasabay nito, nagagawa mong tingnan ang mga taong ito gamit ang katotohanan, at lutasin ang mga bagay na ito na nangyari gamit ang katotohanan. Siyempre, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, palagi mo ring itinatama ang iyong mga pananaw at paninindigan, iniisip kung ano mismo ang dapat mong maging paninindigan tungkol sa mga taong ito, kung ano ang dapat mong maging perspektiba tungkol sa kanila, at kung anong uri ng ugnayan ang dapat mong panatilihin sa kanila. Kapag naharap ka sa ganitong mga bagay, hindi mo mamamalayan na pagbubulay-bulayan mo ang mga isyung ito, palagi mong hahanapin ang katotohanan para makakuha ka ng mga sagot at makabuo ng mga kongklusyon, at sa huli ay may makakamit ka. Sa prosesong ito, ang tanging ginagawa ng Diyos ay tustusan ang mga tao ng katotohanan at bigyang-kakayahan sila na maunawaan ang katotohanan, ito man ay sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan o pagbibigay-kakayahan sa mga tao na maunawaan ang katotohanan sa mga bagay na nangyayari sa kanila—sa pagbubuod, hindi agad na itinitigil ng Diyos ang pagsisimula ng sitwasyong ito. Kung dapat na mangyari ang bagay na ito, at kapaki-pakinabang ito sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos at sa gawain ng iglesia, tutulutan ito ng Diyos na mangyari sa mga tao, at hindi Niya ito pipigilan, kundi hahayaan itong umusad sa natural nitong takbo. Ang layon ng Diyos sa paggawa sa ganitong paraan ay, sa isang banda, para itiwalag ang mga tao, at sa kabilang banda, para gawing perpekto ang mga tao. Siyempre, sa pagtitiwalag sa mga tao, tiyak na pinupuntirya Niya iyong mga nagsisilbi bilang mga hambingan at hindi man lang karapat-dapat na magserbisyo, samantalang sa pagpeperpekto sa mga tao, pinupuntirya Niya ang Kanyang mga hinirang—iyong mga handa sa kanila na hangarin ang katotohanan. May dalawang aspekto ang kabuluhan nito. Ang isang kabuluhan ay na sa pamamagitan ng pagganap na ginagawa nila, ang masasamang tao ay nabubunyag, natitiwalag, at napapaalis sa iglesia. Ang isa pa ay na, sa proseso ng unti-unting pagganap ng masasamang taong ito at pagsisilbi bilang mga hambingan, ang hinirang na mga tao ng Diyos ay nabibigyang-kakayahan na matutong kumilatis, at na maunawaan ang katotohanan sa mga salita ng Diyos; sa ganitong paraan, ikinikintal ng Diyos ang katotohanan sa loob ng mga tao sa isang praktikal na paraan—ibig sabihin, tinutulutan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang pagpapamalas ng buktot na diwa ng lahat ng uri ng masasamang tao, mga anticristo, mga Satanas, at mga diyablo na inilalantad Niya para maipakita sa tunay na buhay ng mga tao, at binibigyang-kakayahan nito ang mga tao na magkaroon ng malinaw na pagkaunawa at kaalaman sa iba’t ibang uri ng mga buktot, kasuklam-suklam, at negatibong tao, pangyayari, at bagay. Halimbawa, sabihin na sinasabi sa iyo ng Diyos, “Hindi mo maaaring hawakan ang mga nagbabagang uling gamit ang mga kamay mo; mapapaso ang mga daliri mo at masasaktan ang mga ito.” Hindi mo alam kung ano ang hitsura ng mga nagbabagang uling, hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na mahawakan ang mga ito, at pagkatapos Niya itong sabihin sa iyo, ang nauunawaan mo ay isang doktrina. Pagkatapos, ang nasa imahinasyon ng ilang tao ay na ang isang nagbabagang uling ay isang bola o isang mahabang piraso. At ano ang kulay ng mga nagbabagang uling? Ano ang pakiramdam kapag hinawakan ang mga ito? Ano ang pakiramdam ng sakit kapag hinawakan ang mga ito? Hindi mo alam. Ang impresyon mo sa mga nagbabagang uling ay isa lang larawan ng nagagawang buuin ng isipan mo sa iyong imahinasyon, at hindi ito kailanman magkakaroon ng anumang kaugnayan sa tunay na bagay. Kaya, isang araw, kapag naglabas ang Diyos ng isang tray ng mga nagbabagang uling at inilagay ito sa iyong harapan, hindi mo makikilala ang mga ito, at madarama mo lang na tila napakainit ng mga ito. Maingat mong ilalapit ang kamay mo sa mga ito, para makita kung mas maiinitan ba ang iyong mga daliri kapag hinawakan mo ang mga ito. Sinasabi ng Diyos, “Maaari mo itong subukan, pero huwag mo itong hawakan nang masyadong matagal, kung hindi ay mapapaso ang iyong balat.” Ang ilang tao ay hangal—inuunat nila ang lahat ng limang daliri at sinusunggaban ang isang uling, at ang buong kamay nila ay napapaso at nagkakapaltos. Ang iba ay matalino at maingat—inaabot lang nila ang isang daliri at bahagyang hinihipo ang isang uling at agad na umaatras nang wala pang isang segundo, sinasabing, “Aray, masyado itong mainit! Talagang nakakapaso ito!” Gumagamit ka man ng limang daliri o isang daliri para hawakan ito, ano’t anuman, ang nahahawakan mo ay ang tunay na bagay sa halip na isang imahe o mga salita, at sa natitirang bahagi ng buhay mo, hindi mo kailanman malilimutan ang pakiramdam at karanasan ng paghawak sa mga nagbabagang uling, at kung ano ang ibig sabihin sa iyo ng mga nagbabagang uling. Kapag nakakita kang muli ng mga nagbabagang uling, sasabihin mo sa iba: “Maaari mong gamitin ang mga ito para makapagpainit ka, at para makapagpatuyo ng mga damit at makapagtosta ng mga tinapay, pero hindi mo kailanman dapat hawakan ang mga ito gamit ang iyong mga kamay. Mapapaso at magkakapaltos ka kung hahawakan mo ang mga ito.” Maaaring sabihin ng mga tao: “Ano naman ang mangyayari kung mapapaso at magkakapaltos ako?” At sasagot ka: “Sa pinakamababa, hindi mo magagawang hawakan ang mga bagay gamit ang iyong mga kamay, at hindi rin magiging madali para sa iyo na kumain at lalong hindi magiging madali para sa iyo na gumawa ng pisikal na gawain.” Ito ay pagsasalita batay sa karanasan, hindi ba? Matapos ang malalim na karanasang iyon, ang nakakapasong pakiramdam ng maiinit na uling ay malalim na tatatak sa iyong memorya, at kaya hinding-hindi ka na uli basta-bastang hahawak sa mga nagbabagang uling. Ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at nagsasaayos ng lahat ng uri ng bagay na mangyari sa mga tao para matuto sila ng mga aral at makinabang mula sa mga ito, at para ang mga katotohanan at salita na itinutustos Niya sa mga tao ay tunay na maikintal sa kanila, at nang sa gayon, ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanan ay hindi na mga doktrina, islogan, o regulasyon sa puso ng mga tao, kundi magiging buhay nila, at ang mga prinsipyo at pamantayan na aasahan nila para manatiling buhay, at isang bahagi ng kanilang buhay—sa ganitong paraan, makakamit ng gawain ng Diyos ang epekto nito.
Pagdating sa usapin ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang dapat makita ng mga tao ay na isinasaayos ng Diyos ang simula ng isang pangyayari, at pagkatapos ay ginagabayan at pinapangunahan ang takbo ng pag-usad nito; tungkol naman sa kung ano ang resulta ng pangyayari sa huli, kung ano ang nakakamit dito ng mga naghahangad ng katotohanan at kung gaano karami ang kanilang nakakamit, kung saan nauuwi ang pangyayaring ito at ang mga tao at bagay na sangkot dito, at kung paano naisasaayos ang mga ito sa wakas, ang mga ito ay tinutukoy rin ng Diyos, siyempre—ito ay isang prinsipyo ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Pauna lang na itinatakda ng Diyos ang simula, proseso, at resulta ng bawat pangyayari, at tinutulutan Niya ang buong pangyayari na umusad nang malaya sa direksyon na itinakda Niya, at ang layon nito ay para gawing umayon ang lahat ng bagay sa mga batas ng kalikasan, o para hayaan ang lahat ng bagay na gumanap ng papel nito nang hindi sumasailalim sa anumang pagkabaluktot o anumang pagpoproseso, para makamit ang epekto na nilalayon ng Diyos na makamit. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Halimbawa, kapag isinasaayos ng Diyos na magsimula at maganap ang isang pangyayari, sinisimulan naman Niyang obserbahan ang mga saloobin ng mga tao na nahaharap sa pangyayaring ito, at kung ano ang mga pananaw nila tungkol dito—kung tinitingnan ba nila ito nang mabuti o hindi sila interesado sa pagpansin dito, at kung nakikibahagi ba sila rito nang may puso o tinatanggihan, nilalabanan, at iniiwasan ito—pinagmamasdan ng Diyos ang mga pagpapamalas ng iba’t ibang uri ng mga tao. Kaya, nakikialam ba ang Diyos sa mga pagpapamalas ng iba’t ibang uri ng mga tao? Hindi nakikialam ang Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng karapatan na pumili nang malaya. Maaari mong labis na pahalagahan ang pangyayaring ito at maging labis na taimtim tungkol dito, o maaari kang magkaroon ng saloobin ng pagbabalewala rito at pagiging walang pakialam dito, at siyempre, maaari ka ring magkaroon ng saloobin ng pagtanggi, pag-iwas dito, at hindi pakikilahok dito—tahimik lang na nagmamasid ang Diyos. Pero ang paglitaw at pagdating ng buong pangyayari ay sinimulan ng Diyos. Ito ang pang-unang hakbang ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa isang pangyayari. Kapag nagsimulang umusad ang pangyayaring ito, tungkol sa kung sinong mga tao ang nakikilahok dito, kung sinong mga tao ang nasasangkot dito, at kung sa aling direksyon mapupunta ang pangyayari sa sandaling nakisangkot na sila rito, siyempre, ang Diyos ang nagmamaniobra at nagsasaayos sa lahat ng taong ito, para ang pangyayari ay umusad sa direksyon at nang may epekto na gusto ng Diyos. Sa parehong paraan, kapag ang pangyayaring ito ay naisapubliko at ang buong usapin ay umabot sa rurok, pinapanood pa rin ng Diyos ang mga saloobin, pagpapamalas, opinyon, at pananaw ng iba’t ibang uri ng mga tao. Pinapanood Niya kung talaga bang isinasapuso mo ang pangyayaring ito, kung ikaw ba ay labis na seryoso, metikuloso, at taimtim tungkol sa pangyayaring ito, o kung wala ka bang pakialam dito, binabalewala mo ito, at labis kang manhid tungkol dito, o mayroon ka bang saloobin ng pag-iwas at pagkasuklam dito. Nanonood Siya para makita kung ikaw ba ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, at kung ikaw ba ay isang taong taimtim pagdating sa mga salita ng Diyos, sa mga hinihingi ng Diyos, at sa katotohanan. Sa proseso ng pag-usad ng buong pangyayari, lalong nagiging halata ang iyong saloobin, at lalong makikita nang malinaw ng Diyos ang iyong saloobin sa katotohanan, ang iyong saloobin sa mga kapaligirang inihahanda Niya, at malinaw rin Niyang makikita ang iyong saloobin sa paghahangad ng katotohanan. Kapag umusad ang buong pangyayari hanggang sa katapusan nito at nagkaroon na ng di-maiiwasang resulta nito, pinapanood pa rin ng Diyos kung ano ang nakamit mo mula sa buong pangyayari, kung ano ang iniisip mo sa iyong isipan, at kung ano ang iyong kinakalkula. Tinitingnan Niya kung nakatutok ka lang ba sa pagkamit ng karanasan at pagkuha ng mga aral mula sa pangyayaring ito para protektahan ang sarili mo—pagiging isang mapagpalugod ng mga tao—o kung ginagawa mo ba ang mga bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo at hindi ka na naguguluhan tulad ng dati. Titingnan din ng Diyos kung ano ang iyong saloobin sa pangyayaring ito, kung nananatili ka bang tahimik at hindi nagpapahayag ng anumang mga pananaw, dumidistansya mula sa anumang bagay na hindi personal na nakakaapekto sa iyo, o kung kapag nahaharap ka sa pangyayaring ito ay hindi ka lang walang dalisay na pagkaarok, kundi lalo pang lumala ang iyong mga maling pagkaunawa at mga reklamo tungkol sa Diyos, at nagkaroon ka pa ng mas maraming kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Kanya, hanggang sa punto pa nga na gusto mo nang iwasan ito. Ang iba’t ibang uri ng mga tao ay may iba’t ibang kaisipan at pananaw kapag ang lahat ng uri ng mga pangyayari ay nagaganap, at pinagmamasdan at itinatala ng Diyos ang lahat ng ito. Sa anumang taon, sa anumang araw, at sa anumang oras, minuto, o segundo, ang iyong iniisip, sinasabi, kinakalkula, pinaplano, kung anong aspekto ng mga katotohanan ang nauunawaan mo, kung ano ang iyong saloobin kapag nakikipagbahaginan ang isang tao tungkol sa kung anong aspekto ng katotohanan, kung nilalabanan mo ba ito at tutol ka rito at ayaw mong makinig dito, o pinaplano mo ang pagtakas mo—sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. May ilang tao rin na kailanman ay walang anumang saloobin tungkol sa mga tao, pangyayari, at bagay na lumilitaw sa iglesia, sa sambahayan ng Diyos, o sa paligid nila, na manhid at mapurol ang isip na parang mga tuod. Mahigpit lang silang kumakapit sa sarili nilang mga pananaw, iniisip na: “Basta’t hindi ako gumagawa ng kasamaan at hindi nagdudulot ng mga pagkagambala o kaguluhan, o nanghuhusga ng iba, at hindi ako nagkokomento o wala akong anumang saloobin o mga pananaw kapag nahaharap ako sa sinumang mga tao, anumang mga pangyayari, o mga bagay at umaakto lang ako na parang isang robot at ginagawa nang maayos ang tungkulin ko at nagtatrabaho nang maayos sa isang masunuring paraan, sapat na iyon.” Ito rin ay isang uri ng kaisipan at pananaw. Siyempre, pagmamasdan at itatala rin ng Diyos ang ganitong uri ng kaisipan at pananaw. Ang layunin sa likod ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay at pangyayari at sa bawat partikular na bagay na nangyayari sa paligid ng mga tao ay ang maghanda ng mga kapaligiran para sa mga tao at tustusan sila ng mga buhay na materyal sa pagtuturo, para sa harap ng lahat ng uri ng mga bagay, ang iba’t ibang uri ng mga tao ay ipapakita ang kanilang pinakatunay na bahagi, at ipapakita ang kanilang mga pinakatunay na kaisipan at pananaw, at ang kanilang pinakatunay na saloobin sa Diyos at sa katotohanan. Ang mga saloobin na ito na mayroon ang mga tao ay ganap na naipapamalas sa isang kalagayan ng kalayaan at paglaya. Ang Diyos ay hindi kailanman nakikialam, nanghihimasok, o nagmamanipula, tinutulutan lang Niya ang iba’t ibang uri ng mga tao na ipahayag ang kanilang mga kaisipan, pananaw, at saloobin hangga’t gusto nila at ayon sa natural na takbo ng mga ito, at sa huli ay ibinubunyag at tinatrato ang iba’t ibang uri ng mga tao ayon sa kanilang mga pagpapamalas. Sino ang kabilang sa “ang iba’t ibang uri ng mga tao”? Anong mga pagsasaayos ang ginagawa ng Diyos para sa iba’t ibang uri ng mga tao? Binibigyang-kakayahan ng Diyos iyong mga nagmamahal sa katotohanan na makamit ang katotohanan; binibigyang-kakayahan Niya iyong mga hindi interesado sa katotohanan pero handang magtrabaho para mapanatag na gawin iyon; tungkol naman sa mga nasusuklam at tutol sa katotohanan, ibinubunyag Niya ang kanilang saloobin ng pagiging tutol sa katotohanan, pero kung magagawa nilang mapanatag para magserbisyo o kung nababagay sila para sa pagseserbisyo, pipiliin ng Diyos ang mga mas mainam na ito at bibigyang-karapatan ang mga ito na magserbisyo, samantala, kung sila ay hindi nababagay para sa pagseserbisyo, o sila ay tutol sa katotohanan hanggang sa punto na maaari silang magdulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, papaalisin sila ng Diyos kapag tama ang panahon at pagkakataon. Ang lahat ng gawaing ito na ginagawa ng Diyos ay hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao, hindi ba? (Oo.) Nakikita ba ng mga tao ang pagpaparaya at pagiging kaibig-ibig ng Diyos sa lahat ng ito? (Sa mga bagay na ito, makikita natin na sa pamamagitan ng praktikal na gawaing ito, inaakay ng Diyos ang mga tao na dumanas, at sa likod ng lahat ng gawaing ito ay ang pagmamahal ng Diyos para sa tao.) Sa loob ng gawaing ito ay ang mga masisidhing layunin ng Diyos, ang karunungan ng Kanyang gawain, at ang Kanyang responsableng saloobin sa mga taong nilalayon Niyang iligtas. May isa pang aspekto, iyon ay na ang mga pag-aari ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos ay hindi mga bagay na mayroon ang mga tao. Ang Diyos ay labis na metikuloso at taimtim sa lahat ng bagay na ginagawa Niya, at hindi kailanman pabasta-basta. Sa partikular, pagdating sa usapin ng pagkakamit ng mga tao sa katotohanan, labis Siyang metikuloso at taimtim; para panagutan ang buhay ng mga tao at ang mga kalalabasan ng mga tao, dapat kumilos ang Diyos nang ganito. Siyempre, para sa Diyos, ganito mismo ang Kanyang diwa at ang Kanyang mga pag-aari at ang Kanyang pagiging Diyos. Anuman ang iyong saloobin sa iyong buhay, at sa iyong kalalabasan at hantungan, ito man ay isang seryoso at metikulosong saloobin o isang pabasta-bastang saloobin, ano’t anuman, para sa Diyos, dahil pinili ka Niya at dahil tinutustusan ka Niya ng katotohanan at gusto ka Niyang iligtas, ganap Niyang aarukin ang iyong bawat salita at kilos, at ang iyong mga saloobin sa lahat ng bagay, at tutukuyin Niya sa huli ang iyong kalalabasan batay sa lahat ng iyong saloobin. At batay sa lahat ng iyong saloobin, titingnan Niya kung sa huli ay ikaw ba ay magiging isang tao na nagkakamit ng katotohanan, at isang taong magagawang magpasakop sa Diyos at maging kaayon Niya. Maaaring hindi ka kailanman naging taimtim tungkol sa usapin ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao, hindi mo pa ito kailanman pinagbulay-bulayan nang mabuti, at hindi mo alam kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao. Gayumpaman, bilang ang Lumikha na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng nilikhang tao, hindi Siya naguguluhan at nalilito katulad ng mga tao; ginagawa Niya ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa isang seryosong paraan. Nilikha ka Niya at pinili ka Niya. Ipinangako Niya sa mga tao na ililigtas Niya ang mga ito nang lubusan, kaya isasakatuparan Niya ang gawaing ito at magiging responsable Siya hanggang sa huli. Samakatwid, may mga tunay na pagpapamalas at aktuwal na nilalaman ng gawain sa pagsasakatuparan ng Diyos sa Kanyang gawain at pag-ako ng responsabilidad hanggang sa huli. Ganito gumagawa ang Diyos, at ito ang Kanyang sinsero at taimtim na saloobin. Hindi magiging pabasta-basta ang Diyos sa iyo, o hindi ka lolokohin gamit ang kung anong islogan, at ang gawain ng Diyos, sa partikular, ay mas mainam na sumasalamin sa tunay na halagang ibinabayad ng Diyos para iligtas ang mga tao, at sa Kanyang responsableng saloobin sa mga tao.