Paano Hangarin ang Katotohanan (16) Ikalimang Bahagi
Kung ang isang tao ay tao at nagtataglay ng normal na pagkatao, napakahalaga ng kakayahang makilatis ang tama sa mali. Kapag hindi pa siya nakakatanggap ng pagtustos ng mga salita ng Diyos at hindi niya nauunawaan ang katotohanan, magagamit niya ang kanyang konsensiya at katwiran para maunawaan ang ilang simpleng positibo at negatibong bagay. Mayroon siyang ilang mapagkilatis at kognitibong abilidad pagdating sa ilang positibo at negatibong bagay na nakakaharap niya sa totoong buhay. Nagagawa niyang magkaroon ng kaunting pagkilatis sa mga bagay na saklaw ng pundamental na sentido komun ng tao, sa mga batas ng pananatiling buhay ng tao, at sa ilang tao, pangyayari, at bagay na madalas niyang nakakaharap. Hindi siya isang taong namumuhay nang magulo ang isip, kundi may mga mapagkilatis at kognitibong abilidad pagdating sa mga positibo at negatibong bagay sa mundo ng mga tao, at siyempre, mayroon din siyang mga partikular na kaisipan, paninindigan, at tamang saloobin sa mga bagay na ito. Pagkatapos ng edad na tatlumpu, unti-unting nagsisimulang maharap ang gayong mga tao sa iba’t ibang usapin sa buhay. Kahit na hindi pa nila nababasa ang mga salita ng Diyos o natatanggap ang pagtustos ng mga salita ng Diyos, pagsapit nila sa edad na singkuwenta o sesenta, unti-unti na nilang mauunawaan kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, at pagkatapos ay namumuhay sila ayon sa mga positibong bagay na iyon na kaya nilang maarok, at sinusunod nila ang ilang batas ng mga positibong bagay. Tungkol naman sa ilang negatibong bagay, bukod sa nagagawa nilang kilatisin ang mga ito, kaya rin nilang layuan ang mga ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Kapag wala silang pagpipilian kundi ang sumunod sa mga makamundong kalakaran o sa ilang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at mga kasabihang kumakalat sa mga tao, nararamdaman nilang nilalabag nila ang kanilang konsensiya, at uusigin sila ng kanilang konsensiya. Mula sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi nila tinatanggap ang gayong mga pananaw; kumikilos lamang sila sa ganitong paraan alang-alang sa pananatiling buhay o pansamantalang mga pakinabang. Hindi nila orihinal na intensyong gawin ang mga bagay na ito; sa halip, isa itong pagpiling ginawa nang labag sa kanilang kalooban. Pagkatapos manampalataya sa Diyos ng gayong mga tao, mas pinagtutuunan nila ng pansin kung ano mismo ang sinasabi ng mga salita ng Diyos tungkol sa lahat ng uri ng isyu, tulad ng mga nauukol sa buhay at pananatiling buhay ng tao, kung ano mismo ang mga tumpak na pahayag ng Diyos patungkol sa mahihirap na problema sa buhay ng tao, at kung ano mismo ang hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao kapag nahaharap sila sa mga ito. Inaasam nila ang mga sagot sa mga tanong na ito. Kapag natatanggap nila ang mga sagot, hindi nila nararamdaman na ang pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos ay masyadong mahirap o masyadong salungat sa mga pangangailangan ng pagkatao. Sa halip, nararamdaman nila na tanging ang mga katotohanang ito ang tamang daan, ang dapat taglayin at makamit ng mga tao, at ang wangis na dapat taglayin ng mga tao sa buhay. Nararamdaman nila na kung mamumuhay ang mga tao sa ganitong paraan, tunay nitong matutugunan ang mga pangangailangan ng kanilang konsensiya at pagkatao, at na sa pamumuhay lamang sa ganitong paraan nila hindi nilalabag ang kanilang kalooban, at saka lamang sila makakaramdam ng kapanatagan at magkakaroon ng kagalakan at kapayapaan. Nararamdaman din nila na saka lamang magkakaroon ng pag-asa ang mga tao at magiging handang patuloy na mabuhay, at saka lamang sila makakalaya mula sa iba’t ibang masasamang puwersa, iba’t ibang masasamang kalakaran, at sa hungkag na kalagayan kung saan namumuhay ang sangkatauhan. Sa ilalim ng impluwensiya ng kanilang konsensiya sa kaibuturan ng kanilang puso, gusto nila ang iba’t ibang pahayag, turo, at pagtustos na nasa mga salita ng Diyos, at niyayakap nila ang mga ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Mayroon silang pagnanais na hangaring makamit ang katotohanan. Bukod dito, habang mas lalong ipinapahayag ang mga salita ng Diyos, at habang ang pagtustos ng mga salita ng Diyos ay nagiging mas lalong praktikal at detalyado, ang kanilang pananabik para sa katotohanan at para sa mga positibong bagay ay lalong natutugunan. Hindi sa habang mas nakikinig sila ay mas lalo silang hindi mapakali, mas lalo nilang nararamdaman na ito ay sobrang detalyado, o mas lalo silang naguguluhan. Sa kabaligtaran, habang mas nakikinig sila, mas tila nagiging malinaw ang mga bagay-bagay, at mas nararamdaman nilang natatarok nila ang mga bagay-bagay at mayroon silang landas. Nararamdaman nila na may pag-asa sa hinaharap, na nakikita nila ang liwanag at may landas sila para isagawa ang katotohanan at makamit ang kaligtasan. Ang kanilang puso ay mas lalong nakakaramdam ng kapanatagan, at mas lalo nilang nararamdaman na tama ang landas ng pananampalataya sa Diyos, at na ang halagang ibinayad nila at ang lakas at dugo ng puso na ginugol nila, bawat araw hanggang ngayon sa pananampalataya sa Diyos, ay naging sulit at makabuluhan. Ito ay pinagtitibay sa kaibuturan ng kanilang puso. Bagama’t natupad na ang kanilang pagnanais, at medyo natugunan na ang kanilang pananabik para sa katotohanan, ang mga taong tunay na nananabik sa katotohanan ay magiging determinado at gagawa ng mga plano, hinihingi sa kanilang sarili na isagawa at pasukin ang lahat ng aspekto ng katotohanan, ipatupad ang mga salita ng Diyos, ang iba’t ibang katotohanang prinsipyo, at ang iba’t ibang hinihingi ng Diyos sa kanilang sarili, tinutulutan ang mga salita ng Diyos na maging pamantayan para sa kanilang mga kilos at sariling asal sa totoong buhay, at maging kanilang buhay realidad. Dati, noong hindi pa nila nauunawaan ang katotohanan, nakapagsasalita lamang sila ng ilang salita at doktrina. Kapag nakakaharap sila ng mga bagay-bagay, nasa isang panig lang ang pananaw nila sa mga ito, tulad sa parabula ng mga bulag na tao at ng elepante; hindi nila makita ang diwa ng problema at hindi nila alam kung ano ang gagawin. Pakiramdam nila ay labis na nakakabagot ang buhay, na walang mga layong pagsusumikapan at walang pag-asa, at namumuhay sila nang magulo ang isip. Ngunit ngayon ay iba na. Ang mga salita ng Diyos ay binibigkas nang palinaw nang palinaw, at ang katotohanan ay ibinabahagi nang mas lumilinaw. Nararamdaman nila na ang landas ay nagiging mas maliwanag at mas malinaw, at na may daan pasulong. At mayroon silang mga salita ng Diyos na susundin bilang batayan para sa bawat salitang binibigkas nila, bawat bagay na ginagawa nila, at bawat uri ng taong nakakaharap nila. Nararamdaman nila na ang mga salita ng Diyos ay napakapraktikal at napakabuti, at pinagtibay nila na ang pananampalataya sa Diyos ang tamang daan, na ang pananampalataya sa Diyos ay maaaring humantong sa kaligtasan, at na ang pananampalataya sa Diyos sa ganitong paraan ay makapagbibigay-kakayahan sa kanila na isabuhay ang isang wangis ng tao, at na ito ay napakamakabuluhan at napakahalaga! Habang inaasam at isinasagawa ang mga katotohanan, patuloy rin silang pumapasok sa mga katotohanang ito at patuloy na umaani ng magagandang bunga. Habang natutugunan ang pananabik at pangangailangan para sa mga positibong bagay ng kanilang konsensiya at pagkatao, unti-unti ring nagbabago ang kanilang buhay. Bagama’t madalas silang nagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon at naghihimagsik laban sa Diyos, at madalas—kahit labag sa kanilang kalooban—ay kumikilos sila ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon, sa kanilang laman, at sa kanilang mga hangal at walang-katotohanang kaisipan at pananaw kapag nakakaharap sila ng mga bagay-bagay, kasabay nito ay mayroon ding isang magandang penomenon: Kapag ginagawa nila ito, ang kanilang konsensiya ay madalas na hindi mapalagay, at nararamdaman nilang ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay malalim na nakaugat at mahirap baguhin. Pagkatapos, sa ilalim ng impluwensiya ng kanilang konsensiya, madalas silang inuusig ng kanilang konsensiya sa kanilang puso, nakakaramdam ng pagkakasala at pagsisisi. Madalas nilang pinagninilayan kung saan mismo sila nagkamali, at madalas silang nagsisisi. Ang lahat ng ito ay mga epekto ng konsensiya. Kung may konsensiya ang mga tao, magkakaroon sila ng mga damdaming ito at ng mga pagpapamalas na ito; kung may konsensiya ang mga tao, ganito sila mamumuhay, madalas na nagninilay sa kanilang sarili, at madalas na nagsisisi at nagbabago ng landas. Bagama’t madalas silang nahaharap sa mga kabiguan at hadlang, at madalas na nahaharap sa pagpupungos, paghatol at pagkastigo dahil sa paggawa ng mali, dahil madalas silang nagsisisi at nagbabago, nananatiling pareho ang kanilang layon na hangarin ang katotohanan, at sa huli, magkakaroon sila ng magandang resulta at magandang ani. Madalas silang nakakaramdam ng pagsaway at pagkakasala, at madalas silang nagbabago ng landas at nagsisisi. Isa itong magandang penomenon—ipinapakita nito na nasa tamang landas na sila, at sa huli ay magkakaroon sila ng mga tunay na pakinabang. Sa isang banda, medyo nabawasan na ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at nabawasan na ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos. Dati, kapag nakakaharap sila ng mga bagay na hindi naaayon sa kanilang mga kuru-kuro, nagrereklamo sila, ngunit ngayon ay hindi na sila nagrereklamo at kaya na nilang hanapin ang katotohanan; alam nilang ang pagtrato sa Diyos at sa gawain ng Diyos batay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ay baligho, katawa-tawa, at hindi tama. Dagdag pa rito, bagama’t dati ay nagiging negatibo sila kapag nakakaharap ng mga paghihirap, ngayon ay hindi na sila negatibo; kaya na nilang harapin ang mga ito nang tama at magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Bagama’t kung minsan ay maaaring maging negatibo sila, hindi nito naaapektuhan ang paggampan sa kanilang tungkulin, at naging deboto na sila sa paggawa ng kanilang tungkulin. Sasabihin sa kanila ng kanilang konsensiya na tama ang paggawa nito. Kapag kumikilos sila sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng kapayapaan sa kanilang puso at walang pagkaramdam ng akusasyon, at lalo nilang mararamdaman na ganito sila dapat kumilos. Habang lalo silang nagsasagawa sa ganitong paraan, lalo nilang natatanto ang kahalagahan ng paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay, at lalo nilang nararamdaman na dapat nilang hanapin ang katotohanan at dapat silang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, na tama ang landas na ito, at na ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay nagbubunga ng mga pakinabang. Kapag may gayong mga pakinabang ang mga tao, natutuklasan nilang nagbabago ang kanilang ugnayan sa Diyos, na nagbabago ang buhay sa kanilang kalooban, at na ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay lalong humihina ang kapit, na nababawasan ang paggapos at paglilimita ng mga disposisyong ito sa kanila; natutuklasan din nila na ang kanilang pagnanais na hangarin ang katotohanan at ang kanilang pananabik para dito ay lalong lumalakas, at na ang kanilang lakas para isagawa ang katotohanan at pagtagumpayan ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay tumitindi rin. Sa ganitong paraan, magkakaroon ang mga tao ng isang partikular na uri ng pakiramdam, na may pag-asa para sa kanila na iwaksi ang mga tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, na tama ang landas na kanilang tinatahak, at na tama ang pagtanggap, pagsasagawa, at pagpapasakop sa katotohanan. Ito ang saloobin sa katotohanan ng mga taong nagtataglay ng konsensiya at katwiran ng pagkatao. Ito ang pagpapamalas na taglay ng mga tao habang unti-unti nilang tinatanggap ang katotohanan. Ito ang pinakanormal na pagpapamalas. Para sa mga hindi nagtataglay ng pagpapamalas na ito, ang kanilang konsensiya ay hindi makakaganap ng anumang tungkuling magkontrol—iyon ay sa pinakamababa. Kung may konsensiya ka, tiyak na gaganap ng tungkuling magkontrol ang iyong konsensiya. Kung hindi makakaganap ng tungkuling magkontrol ang iyong konsensiya, ang konsensiya mong iyan ay hindi isang konsensiya—wala kang konsensiya. Kung may konsensiya ang mga tao, magagawa nilang makilatis ang tama sa mali, makilatis ang mga positibong bagay mula sa mga negatibong bagay, at pipiliin nila ang mga positibong bagay at tatalikuran ang mga negatibong bagay. Kung may konsensiya ang mga tao at nakakakilatis ng tama sa mali, pipiliin nilang tumanggap, magsagawa, at magpasakop sa katotohanan, at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung hindi nila isasagawa ang katotohanan sa pagkakataong ito, uusigin sila ng kanilang konsensiya, at kung hindi nila isasagawa ang katotohanan sa susunod na pagkakataon, uusigin silang muli. Kung may pagkaramdam ka ng konsensiya at nauunawaan mo ang tama sa mali, dahil nakarinig ka na ng napakaraming katotohanan, kapag paulit-ulit kang gumagawa ng mali, lalo ka pang uusigin at aakusahan ng iyong konsensiya, at magagawa mong magpasakop sa pagkaramdam ng iyong konsensiya at gawin ang tamang pasya. May ilang taong nagsasabi, “Inuusig din ako ng konsensiya ko kapag gumagawa ako ng mali, pero kahit inuusig na ako sa loob ng sampu o dalawampung taon, ayaw ko pa ring piliing isagawa ang katotohanan.” Kung gayon, sinasabi Ko na ang konsensiya mong iyan ay hindi isang konsensiya. Sinasabi mong pakiramdam mo ay inuusig ka ng iyong konsensiya, pero sa loob ng napakaraming taon ay hindi mo nagawang magbago ng landas o magsisi, at ang tinatawag mong konsensiya ay nabigong kontrolin ka para piliin mo ang tamang landas. Kung gayon, ang iyong konsensiya ay hindi isang konsensiya, at wala kang pagkatao. Sinasabi mo, “Alam ko kung ano ang wasto at kung ano ang hindi wasto—paano Mo nagagawang sabihin na wala akong konsensiya?” Nangangahulugan lang iyan na masyadong matigas ang iyong kalooban, at hindi na gumagana ang iyong konsensiya. Kung tunay kang nagtataglay ng konsensiya ng pagkatao, kapag gumagawa ka ng mali at inuusig ka ng iyong konsensiya, magkakaroon ng pagkiling sa positibo ang iyong pagkatao, at aakusahan ka ng iyong konsensiya mula sa loob, sasabihin nito, “Mali ito, labis itong walang pagkatao!” Kung palagi ka nitong inuusig nang ganito, anong uri ka ng tao kung wala kang kamalayan dito? Tanging ang mga walang konsensiya ang walang ganitong kamalayan. Kung tunay kang may konsensiya, kapag inuusig ka ng iyong konsensiya, mananatili pa bang matigas ang kalooban mo? Kung sinasabi mo, “Inuusig na ako ng konsensiya ko sa loob ng sampu o dalawampung taon at wala akong naramdamang anuman na kakaiba,” kung gayon, hindi ka isang taong may konsensiya. Hindi ba’t ganoon iyon? (Oo.) Wala kang konsensiya, subalit sinasabi mong mayroon kang pagkatao—hindi ba’t panlilinlang ito sa mga tao? Kung mayroon kang pagkatao, paanong wala kang konsensiya? Kung wala kang konsensiya, wala kang pagkatao. Isang palatandaan ng kawalan ng pagkatao ay ang hindi pagkaunawa kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay. Sinasabi mong mayroon kang konsensiya, kaya bakit hindi mo makilatis ang tama sa mali? Nakarinig ka na ng napakaraming sermon, kaya bakit hindi mo inaasam na hangarin ang katotohanan? Sinasabi mo, “Handa ang puso kong hangarin ang katotohanan, at handang isagawa ang katotohanan”—kung gayon, anong mga katotohanan ang naisagawa mo na? Nasaan ang ebidensiya? Kung minamahal ng iyong puso ang katotohanan at handa itong hangarin ang katotohanan, bakit hindi mo isinasagawa ang katotohanan? Hindi ba’t panlilinlang ito sa mga tao? Hindi ba’t tulad lang ito ng mga kasinungalingan ng isang manlilinlang? Tulad lang ito ng malaking pulang dragon, na palaging ipinoproklama na lahat ng ginagawa nito ay para paglingkuran ang mga tao at para bigyan sila ng kakayahang mamuhay nang maligaya, ngunit kapag nananampalataya ang mga tao sa Diyos at tinatahak ang tamang landas, walang habas sila nitong inaaresto at inuusig. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na sumunod sa Diyos, hindi sila pinahihintulutang tanggapin ang katotohanan at makamit ang kaligtasan—pinahihintulutan lamang sila nitong sundin ang Partido at sumunod sa mga utos nito, na umaakay sa kanila na mapunta sa impiyerno at maparusahan, na ikinatutuwa ng malaking pulang dragon. Kaya, ang mga salita ba ng malaking pulang dragon na “pinaglilingkuran nito ang mga tao” ay totoo o hindi? Palaging sinasabi ni Satanas na ang ginagawa nito ay para sa kapakinabangan ng mga tao, ngunit hindi nito kayang tustusan ang mga tao ng katotohanan, ni kayang gabayan ang mga tao papunta sa tamang landas sa buhay. Itinatanim lamang nito sa isipan ng mga tao ang mga maling paniniwala at maling kaisipan, na nag-uudyok sa kanila na magpakasasa sa buhay ng kalaswaan, na tahakin ang landas ng kasamaan, na hangarin ang mundo, hangarin ang kasikatan at pakinabang, at na labanan at pinsalain ang isa’t isa, hindi pinahihintulutan ang mga tao na tahakin ang tamang landas, at inaagaw ang mga tao mula sa panig ng Diyos. Sa huli, natatamo ng mga tao ang kasikatan at pakinabang, ngunit ang kanilang mga katawan at isipan ay ganap na nawawasak; napupuno sila ng mga maling paniniwala at maling kaisipan ni Satanas, wala ang Diyos sa kanilang puso, at hindi na sila naniniwala na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos. Nagsisimula silang magtatwa sa Diyos at maging mapanlaban sa Kanya. Ginagawa ba ito ni Satanas para sa kapakinabangan ng tao? Hindi ba’t pamiminsala at pagwasak ito sa mga tao? Subalit ang mga taong hindi kayang makilatis ang tama sa mali ay hindi matarok ang mga bagay na ito.
May ilang taong nagsasabi, “Mayroon akong pagkatao at nakakakilatis ako ng tama sa mali, at mas may konsensiya ako kaysa sa karamihan ng tao.” Kung gayon, ihambing mo ang iyong sarili sa nilalamang ibinahagi ngayon at tingnan mo kung may konsensiya ka, kung kaya mong tanggapin at isagawa ang katotohanan, kung nakakaramdam ka ng pagsisisi at pagkakonsensiya kapag gumagawa ka ng mali, at kung tunay ka ngang nagsisi at nagbago. Kung wala kang mga pagpapamalas na ito ng buhay pagpasok, pinapatunayan nito na hindi gumana ang iyong konsensiya sa kabila ng napakaraming taon ng pakikinig sa mga sermon mula nang magsimula kang manampalataya sa Diyos. Ano ang nasa likod ng hindi paggana ng iyong konsensiya? Iisa lang ang dahilan na makakapagpaliwanag sa problemang ito: Ikaw ay isang taong walang konsensiya. May ilang taong nagsasabi, “Bagama’t wala akong buhay pagpasok, nauunawaan ko ang lahat ng katotohanan.” Kung nauunawaan mo ang katotohanan, bakit hindi mo ito isinasagawa? Bakit wala ka pang naging anumang pagpasok? Paanong hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang iyong buhay? Nauunawaan mo ang katotohanan ngunit hindi mo ito isinasagawa—nasaan ang iyong konsensiya? May ilang tao pa ngang nangangatwiran, “Napakaraming taon ko nang nananampalataya sa Diyos. Kung wala akong konsensiya, matatalikuran ko ba ang napakaraming bagay, makapagdurusa ba ako nang labis, at makakapagbayad ba ako ng napakalaking halaga? Magagawa ko bang gampanan ang aking tungkulin nang may pagkukusa?” Kung may konsensiya ka, ano ang epektong naidulot nito matapos mong makinig sa napakaraming katotohanan? Mapipigilan ka ba nito para makakilos ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Makokontrol ba nito ang iyong pag-uugali at ang iyong mga kaisipan? Nakarinig ka na ng mga sermon sa loob ng napakaraming taon, nakakapagsalita ka ng maraming doktrina, at nagtiis ka na ng napakaraming pagdurusa at nagbayad ng napakalaking halaga—kung gayon, bakit hindi gumaganap ng papel ang iyong konsensiya sa pagkontrol sa iyong pag-uugali, nag-uudyok sa iyong kumilos ayon sa mga prinsipyo, at pumipigil sa iyong labagin ang mga ito? Kung napakalaki ng iyong konsensiya at pagkatao, at napakarami mo nang naunawaang katotohanan, bakit hindi mo maisagawa ang mga ito? Paanong hayagan mong nilalabag ang mga prinsipyo at hayagang ginugulo ang gawain ng iglesia? Kung may konsensiya ka, nagbago na ba ang iyong buhay matapos mong gampanan ang iyong tungkulin sa loob ng napakaraming taon? Hindi ka nagbago, at wala kang anumang pagpasok sa katotohanan; ipinapakita nito na wala kang konsensiya. May ilang taong nagsasabi, “Magagawa ko ba ang aking tungkulin kung wala akong konsensiya?” Hindi mo ginagampanan ang iyong tungkulin; ikaw ay nagtatrabaho lamang. Ang pagtatrabaho ay hindi nangangailangan ng konsensiya; sapat na ang paggugol ng kaunting lakas. Tumpak nitong pinapatunayan ang kasabihan: Ang mga taong nagtatrabaho ay mga taong walang konsensiya; hindi nila hinahangad ang buhay pagpasok o ang katotohanan, at ang tanging hinahangad nila ay magtrabaho at handa silang gumugol ng pagsisikap. Ano ang mga katangian ng pagtatrabaho? Ito ay ang pagiging handang magtiis ng hirap at magbayad ng halaga, ang paghahanap ng sariling kagalakan, pagkaramdam ng pagiging importante, at halaga sa pagtitiis ng hirap at pagbabayad ng halaga, ang pagsubok na matugunan ang pagnanais para sa mga pagpapala at ang ambisyong makipagtawaran sa Diyos, at ang pagtatangkang makamit ang mga pagpapala kapalit ng kanilang pagdurusa at sakripisyo. Kung hihilingin mo sa kanilang gumugol ng pagsisikap sa gawain, magdusa ng hirap at magbayad ng halaga, punong-puno sila ng sigla para dito; ngunit kung hihilingin mo sa kanila na kumilos ayon sa mga prinsipyo at isagawa ang katotohanan, sila ay nananamlay, nalilito, at hindi alam kung paano magsagawa. Ang ilan pa nga ay nakakaramdam na napunta sila sa isang mahirap na kalagayan, iniisip nila, “Ayos lang kung hihilingin mo sa akin na gumugol ng pagsisikap, magdusa ng hirap, at magbayad ng halaga. Kaya kong tiisin ang anumang dami ng hirap, at hindi ako magrereklamo gaano man ako kapagod. Ngunit ang hilingin sa akin na kumilos ayon sa mga prinsipyo—hindi ba’t ginagawa niyong mahirap ang mga bagay para sa akin? Ang kakayahang gumugol ng pagsisikap, at magdusa ng hirap at magbayad ng halaga nang walang reklamo ay napakabuti na—bakit hinihiling mo pa sa akin na kumilos ayon sa mga prinsipyo? Masyadong mataas ang mga hinihingi mo sa mga tao! Hayaan ang mga tao na gawin ang gusto nila; hangga’t natatapos ang gawain, sapat na iyon. Kung hindi ito nagawa nang maayos, maitutuwid din naman ito sa paglipas ng panahon!” Handa lamang silang magtrabaho, at napakasigla nila kapag nagtatrabaho, ngunit nananamlay sila pagdating sa pagsasagawa ng katotohanan, at lalo pa silang nalilito pagdating sa buhay pagpasok. Subalit inaakala pa rin nilang mabubuting tao sila. Madalas nilang sinasabi, “Ako ay isang taong may konsensiya at mabait ako. Ibinubuhos ko ang lahat ng lakas na mayroon ako sa paggampan ng aking tungkulin at hindi ako kailanman nagpipigil ng lakas. Kaya kong talikuran ang aking pamilya at karera para gugulin ang aking sarili para sa Diyos. Paano ako nagkaroon ng ganitong sigasig? Likas akong isang mabuting tao!” Ang totoo, wala silang nauunawaang anumang katotohanan, at lalong hindi nila kayang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang alam lang nila ay gumamit ng pisikal na lakas, subalit inaakala pa rin nilang mabuti sila. Kahit sa yugtong ito, wala pa rin silang anumang pagkaramdam sa kanilang konsensiya at katwiran. Kung tunay kang may konsensiya, paano lumabas sa bibig mo ang gayong mga baluktot na pangangatwiran? Paanong wala kang dalisay na pagkaarok sa katotohanan? Kung mayroon kang konsensiya at pagkatao, paanong hindi ka nakinig nang maigi sa mga salita ng Diyos, sa kung ano ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos para sa mga tao, at sa kung anong mga prinsipyo ang dapat sundin sa bawat bagay na ginagawa mo? Kung nakikinig ka ngunit hindi mo nauunawaan, at manhid ka sa katotohanan, ikaw ay isang taong walang konsensiya at pagkatao. Sa tingin mo ba ay maipagpapalit mo ang iyong pisikal na lakas para sa katotohanan at buhay, para sa kaligtasan? Imposible ito; hindi umuubra ang landas na iyan. Kahit pa handa kang gumugol ng pagsisikap, magpakapagod nang may sinseridad, at kaya mong magdusa nang kaunti, at sa paningin ng mga tao ay medyo deboto ka, mahirap pa ring masabi kung kaya mo bang manatiling deboto hanggang sa wakas. Walang makakapagsabi kung kailan sasabog ang iyong mala-hayop na kalikasan, at magdudulot ka ng gulo at lilikha ng mga paggambala at panggugulo, at pagkatapos ay kakailanganin kang alisin. Hindi ba’t may ilang tao na pinaalis mula sa iglesia kamakailan? Ang mga taong tulad nito ay nagsasabi ng mga salitang napakagandang pakinggan, at sinumang makarinig sa kanila ay iisiping nauunawaan nila ang katotohanan, ngunit sadyang hindi nila isinasagawa ang katotohanan. Nagsasabi sila ng mga bagay na magandang pakinggan ngunit hindi gumagawa ng tunay na gawain. Hindi lamang nila sinasalungat ang mga tao, kundi sinasalungat din nila ang sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t paglaban ito sa Diyos? Matatanggap ba sila ng sambahayan ng Diyos? Kung handa silang gampanan ang kanilang tungkulin, dapat nila itong gawin nang may pagpapasakop at ayon sa mga alituntunin, ngunit hindi nila ginagawa iyon. Nagsisikap silang mamuno at magkaroon ng kapangyarihan, at nagdudulot pa nga sila ng mga panggugulo at paninira. Hanggang saan ang idinudulot nilang panggugulo? Kahit na may ginagawa Ako, sinusubukan nilang makialam, punahin ito at iyon, at humadlang at manggulo. Sinusubukan nilang guluhin ang Aking mga kilos—magagawa Ko ba silang kaawaan? Kung ginugulo mo lamang ang Aking personal na buhay, maaari kitang isantabi at huwag pansinin, ngunit gumagawa Ako ng gawain sa sambahayan ng Diyos, gumagawa ng ilang tunay na gawain para sa hinirang na mga tao ng Diyos, at sinusubukan mo pa ring guluhin at sirain ito. Ano ang problema rito? Ano ang dapat gawin sa gayong tao? (Dapat siyang alisin.) Ang sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo sa pangangasiwa sa mga tao, at ang gayong mga tao ay dapat alisin. May ilang taong nagsasabi, “Naagrabyado ako! Hindi ko alam na nagkakasala ako sa Iyo. Hindi ko alam na pagsuway ito sa ang Itaas at pagsuway sa Diyos. Hindi ko ito sinadya.” Ang katunayang nagawa mo ang gayong bagay ay nagpapakitang sinadya mo ito. Ilang taon ka nang nakikinig sa mga sermon? Mayroon ka bang konsensiya—mayroon ka bang pagkatao? Kung ikaw ay tao, kung mayroon kang pagkatao at nagtataglay ka ng konsensiya at katwiran, hindi mo gagawin ang gayong mga bagay, sinasadya man o hindi. Gumagawa Ako ng gawain, at sinasadya nilang guluhin ito at subukang sirain ito. Mga tao pa ba sila? Hindi ba’t mga diyablo sila? Kung ang mga tao ay tunay na may konsensiya at katwiran, at tunay na may pagkatao, kahit pa isang ordinaryong tao ang gumagawa ng isang bagay, hangga’t ito ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, alam nilang dapat nila itong itaguyod at hindi sirain, lalo na kung ito ay isang bagay na personal Kong inaasikaso. Subalit iginigiit nilang magdulot ng mga panggugulo at subukang wasakin ito, at walang sinuman ang makakapigil sa kanila. Sila ay naging mga ganap na diyablo, hindi ba? Sinasabi Ko na malubha ang paggawa ng masama ng gayong uri ng mga tao—hindi tayo dapat maging maluwag sa kanila; ang sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo sa pangangasiwa sa mga tao, at dapat silang pangasiwaan sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanila. Angkop bang paraan ito ng pagtrato sa kanila? (Oo.) Kung sa kanilang pang-araw-araw na buhay lamang sila sumusunod sa kanilang mga personal na kagustuhan, katanggap-tanggap iyon. Halimbawa, maaari Kong sabihin, “Gusto kong kumain ng noodles,” kung saan tutugon sila, “Hindi ko gustong kumain ng noodles. Kapag nagluto ako, ipagluluto Kita ng noodles, at magsasaing ako ng kanin para sa sarili ko.” Ang usaping ito ay hindi kinasasangkutan ng gawain ng iglesia, ni kinasasangkutan ng anumang katotohanang prinsipyo, lalo nang hindi ito kinasasangkutan ng pagkatao o konsensiya ng isang tao. Ang pagsunod sa iyong mga personal na kagustuhan dito ay ayos lang, ngunit pagdating sa mga usaping kinasasangkutan ng gawain ng iglesia, hindi ito katanggap-tanggap. Kung walang-pakundangan kang gumagawa ng masasamang gawa at nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, nilalabag mo ang mga atas administratibo. Anong uri ng tao ang magagawang mangahas na lumabag sa mga atas administratibo? Anong uri ng tao ang hayagang makakasuway sa katotohanan at sa sambahayan ng Diyos? (Mga diyablo.) Ang mga taong iyon na mapangahas at magulo ang isip at ang mga hayop ay kayang sumuway at manggulo sa ganitong paraan, at mas kaya pa itong gawin ng mga diyablo. Anuman ang gawin ng sambahayan ng Diyos, palaging sinusubukan ng mga diyablo na guluhin ito—nagdudulot sila ng mga panggugulo na para bang sinasapian sila, nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga kahihinatnan. Kaya nilang manggulo nang hanggang sa gayong antas at hindi pa rin nila ito namamalayan, nararamdaman pa rin nila na hindi sila nagdulot ng mga panggugulo, na sila ay lubos na walang-sala, at ipinagtatanggol pa nila ang kanilang sarili. Hindi na kailangang makipagbahaginan ng anuman sa gayong mga tao; ang pagpapaalis lamang sa kanila ang tamang gawin. Ang mga taong tulad nito, na walang konsensiya at katwiran ng pagkatao, ay mga tunay na diyablo; hindi sila kailanman magbabago. Hindi hinihingi sa iyong hangarin ang katotohanan, ni hindi hinihingi sa iyong isagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay, ngunit kahit papaano, dapat alam mong sumunod sa mga alituntunin. Kung hindi mo man lang nauunawaan ang mga alituntunin, at hindi mo nauunawaan ang mga atas administratibo ng sambahayan ng Diyos, at hindi mo man lang alam kapag nilalabag mo na pala ang mga atas administratibo, kung gayon, mayroon ka bang pagkatao? Wala kang pagkatao; ikaw ay isang diyablo. Kapag gumagawa ng masama ang mga diyablo, hindi nila mapigilan ang kanilang sarili. Ang kanilang paglaban sa Diyos, ang kanilang paghusga sa Diyos, at ang kanilang paglapastangan laban sa Diyos ay mga likas na pagbubunyag ng kanilang kalikasan. Nang walang sinumang sumusulsol o nag-iindoktrina sa kanila, likas silang makakagawa ng ganitong kasamaan. Ito ay dahil napapangibabawan sila ng kanilang maladiyablong kalikasan.
Ngayon, nagbahaginan tayo tungkol sa isyu ng pagkilatis ng tama sa mali, na bahagi ng konsensiya at katwiran ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagbabahaginang ito, malinaw na ba ninyong nakikita ang aspektong ito ngayon? Ang isang tunay na tao ay may konsensiya at nakakakilatis ng tama sa mali; gumagana ang kanyang konsensiya. Anuman ang mga tao, pangyayari, o bagay na kanyang makaharap, at anuman ang mga isyung lumitaw, ang kanyang konsensiya, kahit papaano, ang unang linya ng depensa. Sa isang banda, tutulungan ka ng iyong konsensiya na husgahan at kilatisin kung aling mga bagay ang positibo at kung alin ang negatibo; sa kabilang banda, makakatulong ito sa iyo na magsagawa ng pagsisiyasat at suriin ang landas sa iyong harapan upang hindi ka bumagsak nang mas mababa pa sa pinakamabababang pamantayan ng sariling asal, at sa huli ay tutulungan ka nitong timbangin ang mga pagpipilian at piliin ang tamang landas. Natural, ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan o na maraming taon nang nananampalataya sa Diyos at may pundasyon sa kanilang pananampalataya ay, sa ilalim ng impluwensiya ng kanilang konsensiya, pipili ng mga positibong bagay sa huli, at pipili na hanapin at tanggapin ang katotohanan. Samakatwid, ang konsensiya ay gumaganap ng isang pangunahing papel sa loob ng pagkatao; ginagampanan nito ang papel ng paggabay sa mga tao tungo sa tamang landas at pagkokontrol sa mga tao upang piliin nila ang mga positibong bagay. Kung ang isang tao ay walang konsensiya, hindi na kailangang sabihin pa na hindi lamang siya magiging walang kakayahang pumili ng mga positibong bagay at ng tamang landas, kundi sa anumang bagay na kanyang gawin, wala siyang magiging pinakamababang pagpipigil at pagkontrol ng konsensiya. Ang gayong tao ay nasa matinding panganib; napakalaki ng posibilidad na gumawa siya ng masama at lumaban sa Diyos. Kung siya ay nagreinkarnasyon mula sa isang hayop, maaari niyang gawin ang mga bagay na ginagawa ng masasamang demonyo, at ang mga taong masasamang demonyo at mga diyablo ay makakagawa ng mas malalaki pang kasamaan, na lubhang nakakatakot. Kaya, napakahalaga ng pagkakaroon ng konsensiya. Malinaw ba iyon? (Oo.) Kung ang isang tao ay walang konsensiya para kontrolin ang kanyang pag-uugali at gabayan siyang tahakin ang tamang landas, ang landas na kanyang pipiliin ay tiyak na magiging isang maling landas, at ang kanyang gagawin ay mga negatibong bagay—magiging hindi sukat akalain ang mga kahihinatnan. Kung kaya niyang walang-kahihiyan na labagin ang katotohanan at ang mga batas ng pag-unlad ng mga bagay, at walang-pakundangan ding maglapastangan, hinuhusgahan ang katotohanan at ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos, hayagan pa ngang nilalabanan ang Diyos at nilalabag ang mga atas administratibo ng Diyos, at walang-takot na sinusumpa, kinokondena, at nilalapastangan ang Diyos, kung gayon, siya ay mismong kapareho ng mga diyablo at ni Satanas. Kaya niyang gawin ang lahat ng kasamaang ginagawa ng mga diyablo at ni Satanas, gawin ang lahat ng bagay na ginagawa ng mga diyablo at ni Satanas, at bigkasin ang lahat ng maling kaisipan, maling paniniwala, at baluktot na argumentong binibigkas ng mga diyablo at ni Satanas. Ang mga taong ito ay mga tunay na diyablo at mga Satanas.
Ano ang naunawaan ninyo mula sa pagbabahaginan ngayon? (Naunawaan ko na ang mga taong may pagkatao ay nagtataglay ng konsensiya at katwiran, at nakakakilatis ng tama sa mali. Tungkol naman sa pagkilatis ng tama sa mali, ipinaliwanag ng Diyos, gamit ang iba’t ibang halimbawa, nang may sukdulang kalinawan kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, upang kapag nahaharap tayo sa mga bagay-bagay, makakagawa tayo ng mga tumpak na paghusga at kasabay nito ay magkakaroon tayo ng mga tamang perspektiba sa likod ng ating paghahangad—dapat nating panabikan at hangarin ang mga positibong bagay, at kamuhian at tanggihan ang mga negatibong bagay.) Ang konsensiya at katwiran sa loob ng pagkatao ang mga pinakapangunahing kondisyon para makamit ng isang tao ang kaligtasan. Kung taglay mo ang dalawang pangunahing kondisyong ito ngunit hindi mo hinahangad ang katotohanan, at hindi mo isinasagawa ang kaunting katotohanang nauunawaan mo, at sa huli ay hindi mo makamit ang pagpapasakop sa katotohanan, kung gayon, hindi mo pa rin makakamit ang kaligtasan. Ang konsensiya at katwiran ay mga pangunahing kondisyon lamang para sa kaligtasan; tungkol naman sa kung anong landas ang iyong tatahakin, nakadepende iyan sa iyong sariling pagpili. Kung ikaw ay isang taong tunay na may konsensiya at katwiran, magkakaroon ka ng pagkakataon, sa ilalim ng pagkontrol ng iyong konsensiya, na piliing tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Kung kinokontrol at ginagabayan ka ng iyong konsensiya para piliin mo ang tamang landas, ngunit ayaw mong magdusa at magbayad ng halaga, ayaw mong maghimagsik laban sa laman at bitiwan ang mga bagay na may kaugnayan sa mga interes ng iyong laman, at hindi mo pa natatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, kung gayon, wala ka pa ring pag-asa na magkamit ng kaligtasan. Ang pag-asa na magkamit ng kaligtasan ay, sa isang banda, direktang nauugnay sa konsensiya ng iyong pagkatao; sa kabilang banda, direkta rin itong nauugnay sa halagang kaya mong ibayad sa paghahangad sa katotohanan, at sa iyong determinasyon at pagnanais na isagawa ang katotohanan. Ang konsensiya ay nagbibigay lamang sa iyo ng isang pangunahing kondisyon para maligtas, at lumilikha rin ito ng maraming pagkakataon para sa iyo na isagawa ang katotohanan, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong tahakin ang tamang landas sa ilalim ng pagkontrol ng iyong konsensiya. Ibig sabihin, ang tsansa mong matahak ang tamang landas ay magiging medyo mataas, at ang iyong pag-asa na magkamit ng kaligtasan ay magiging medyo mataas din, higit sa limampung porsiyento—gayumpaman, hindi ito magiging garantisado. Samakatwid, kahit pa pakiramdam mo ay mayroon kang konsensiya at pagkatao, huwag kang maging kampante tungkol dito, iniisip na ang pagkakaroon lamang ng konsensiya at katwiran ay nangangahulugang isa ka nang mabuting tao at makakamit mo na ang kaligtasan, na tiyak na ito. Kung ganito ka mag-isip, sinasabi Ko sa iyo na may mga paglihis sa iyong pagkaarok sa usaping ito. Kung nagtataglay ka ng konsensiya at pagkatao, pinatutunayan lamang nito na ikaw ay isang taong pinili at tinawag ng Diyos. Gayumpaman, ang pinakamahalagang bagay na tumutukoy kung makakamit mo ba ang kaligtasan sa huli ay nakasalalay sa iyong sariling paghahangad. Kahit pa karaniwang aktibo ang iyong konsensiya, madalas mong kinokontrol ang iyong pag-uugali at kinokontrol ka para piliin mo ang tamang landas, kung madalas mong nilalabag ang iyong konsensiya at hindi mo pinipili ang tamang landas, at hindi mo pinipiling isagawa ang katotohanan, kundi sa halip ay madalas mong pinangangalagaan ang iyong mga personal na interes, ang iyong personal na reputasyon at pride, at madalas mong isinasaalang-alang ang iyong personal na kinabukasan, mga ambisyon, at mga pagnanais, kung gayon, ang iyong pag-asa na makamit ang kaligtasan sa huli ay magiging napakaliit—unti-unti mo itong sisirain. Ito ay magiging isang bagay na kalunos-lunos. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Sige, hanggang dito na lang ang ating pagbabahaginan ngayon. Paalam!
Marso 9, 2024