Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 499
Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Sa proseso ng karanasan sa buhay, anuman ang mangyari, dapat mong matutuhang hanapin ang katotohanan, at pagnilayan nang husto ang bagay ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Kapag alam mo kung paano gawin ang mga bagay-bagay na lubos na naaayon sa kalooban ng Diyos, magagawa mong pakawalan ang mga bagay-bagay na nagmumula sa sarili mong kagustuhan. Kapag alam mo na kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, dapat kumilos ka lang sa ganoong paraan, na parang nagpapatangay ka sa agos. Ang paggawa ng mga bagay-bagay sa ganitong paraan ay nakakapanatag at madali, at ganito ginagawa ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan ang mga bagay-bagay. Kung maipapakita mo sa mga tao na talagang epektibo ka kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at na may mga prinsipyo sa paggawa mo ng mga bagay-bagay, na talaga ngang nagbago na ang disposisyon mo sa buhay, na marami kang nagawang mabubuting bagay para sa mga hinirang ng Diyos, isa kang taong nakakaunawa sa katotohanan, at tiyak na may wangis ng tao; at totoo nga, may epekto ang pagkain at pag-inom mo ng mga salita ng Diyos. Kapag tunay nang nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, makikilala niya ang kanyang iba’t ibang kalagayan, makikita niya nang malinaw ang mga kumplikadong bagay, kaya nga malalaman niya kung paano magsagawa nang tama. Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan at hindi makilala ang sarili niyang kalagayan, kung nais niyang talikdan ang kanyang sarili, hindi niya malalaman kung ano o kung paano tumalikod. Kung nais niyang talikuran ang sarili niyang kagustuhan, hindi niya malalaman kung ano ang mali sa sarili niyang kagustuhan, iisipin niya na naaayon sa katotohanan ang kanyang sariling kagustuhan, at maaari pa ngang ituring na kaliwanagan ng Banal na Espiritu ang sarili niyang kagustuhan. Paano tatalikuran ng gayong tao ang kanyang sariling kagustuhan? Hindi niya magagawa, at lalo nang hindi niya magagawang talikdan ang laman. Samakatuwid, kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, madali mong mapagkakamalan na tama at naaayon sa katotohanan ang mga bagay na nagmumula sa sarili mong kagustuhan, mga bagay na nakaayon sa mga kuru-kuro, kabaitan, pagmamahal, pagdurusa, at pagbabayad ng halaga sa pagiging tama at pagiging kaayon sa katotohanan. Kung gayon, paano mo matatalikdan ang mga bagay na ito ng tao? Hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng magsagawa ng katotohanan. Ganap kang walang kaalam-alam at imposibleng malaman mo kung ano ang gagawin, kaya magagawa mo lang ang sa tingin mo ay mabuti, at dahil dito, nakakagawa ka ng mga paglihis sa ilang bagay. Ang ilan sa mga ito ay dahil sa pagsunod sa mga tuntunin, ang ilan ay dahil sa kasigasigan, at ang ilan ay dahil sa paggambala ni Satanas. Ganito ang mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan. Masyado silang pabagu-bago kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay, at walang humpay sa paglihis, nang wala man lang anumang katumpakan. Kakatwa ang paraan ng pagtingin ng mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan sa mga bagay-bagay, tulad lang ng mga hindi nananalig. Paano nila posibleng maisasagawa ang katotohanan? Paano nila posibleng malulutas ang mga problema? Ang pag-unawa sa katotohanan ay hindi isang simpleng bagay. Gaano man kaliit o kalaki ang kakayahan ng isang tao, kahit pagkaraan ng habambuhay na karanasan, limitado ang dami ng katotohanang mauunawaan nila, at limitado rin ang dami ng salita ng Diyos na mauunawaan nila. Ang mga taong medyo mas may karanasan ay mga taong nakakaunawa ng ilang katotohanan, at kadalasang kaya nilang tumigil sa paggawa ng mga bagay na lumalaban sa Diyos, at tumigil sa paggawa ng malilinaw na masasamang bagay. Imposible para sa kanila na kumilos nang walang anumang halong sarili nilang mga intensiyon. Dahil normal ang pag-iisip ng mga tao at maaaring hindi palaging umaayon ang mga saloobin nila sa salita ng Diyos, hindi maiiwasang mahaluan iyon ng sarili nilang kagustuhan. Ang mahalaga ay ang magkaroon ng pagkakilala sa lahat ng bagay na nagmumula sa sariling kagustuhan ng isang tao at sumasalungat sa salita ng Diyos, sa katotohanan, at sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kinakailangan ka ritong magsumikap na unawain ang salita ng Diyos; kapag naunawaan mo na ang katotohanan, saka ka lang magkakaroon ng pagkakilala, at saka mo lang matitiyak na hindi ka gagawa ng kasamaan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon
Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at...
Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng mga Taong Sumusunod sa Diyos Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng...
Nakapagsimula na Akong kumilos para parusahan yaong mga gumagawa ng masama, at yaong mga gumagamit ng kapangyarihan at umuusig sa mga anak...
Bago isinagawa ni Jesus ang gawain, namuhay lamang Siya sa Kanyang normal na pagkatao. Walang sinumang makapagsabi na Siya ang Diyos,...