Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 524

Dapat habulin ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan na lamang sa kanyang kasalukuyang mga kalagayan. Upang isabuhay ang larawan ni Pedro, dapat niyang mataglay ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat habulin ng tao ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat niyang habulin ang isang mas malalim, mas dalisay na pag-ibig sa Diyos, at isang buhay na may kabuluhan at kahulugan. Ito lamang ang buhay; sa gayon lamang magiging kapareho ni Pedro ang tao. Dapat kang tumuon sa pagiging maagap tungo sa iyong pagpasok sa positibong panig, at huwag maluwag na hayaan ang iyong sarili sa pagtalikod para sa pagdanas ng panandaliang kaalwanan habang binabale-wala ang mas malalim, mas tiyak at mas praktikal na katotohanan. Ang iyong pag-ibig ay dapat maging praktikal, at dapat kang humanap ng mga paraan na mapalaya mula sa baluktot at walang-inaalalang uri ng pamumuhay na walang pinagkaiba sa isang hayop. Dapat mong isabuhay ang isang buhay na may-kahulugan, isang buhay na may-kabuluhan at hindi mo dapat linlangin ang iyong sarili, o ituring ang iyong buhay na parang isang laruan na pinaglalaruan. Para sa bawa’t isa na naghahangad na ibigin ang Diyos, walang katotohanang hindi matatamo, at walang katarungan ang hindi mapaninindigan. Paano ka ba dapat mamuhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para bigyang-kasiyahan ang Kanyang ninanasa? Wala nang hihigit pang bagay sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng gayong mga hangarin at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad niyaong mga walang-gulugod na mahihinang nilalang. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at makaranas ng makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili na walang interes sa ganoong paraan. Hindi mo namamalayan, ang iyong buhay ay lilipas; at pagkatapos, magkakaroon ka ba ng isa pang pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos na siya ay namatay? Dapat kang magkaroon ng parehong mga hangarin at konsensya gaya ni Pedro; ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili! Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahabol sa Diyos, dapat mong makaya na maingat na isaalang-alang kung paano mo itinuturing ang iyong buhay, kung paano mo dapat ihandog ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makahulugang pananampalataya sa Diyos, at paano, yamang iniibig mo ang Diyos, dapat ibigin mo Siya sa isang paraan na mas dalisay, mas mainam, at mas mabuti. Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan? Kaya bang kusang salungatin ng katotohanan ang mga tao? Kung hahabulin mo ang katotohanan, kaya ka ba nitong gulantangin? Kung maninindigan ka para sa katarungan, pababagsakin ka ba nito? Kung ito nga talaga ang iyong hangarin na habulin ang buhay, kaya bang umiwas ng buhay sa iyo? Kung ikaw ay walang taglay na katotohanan, iyan ay hindi dahil sa hindi ka kinikilala ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan; kung hindi mo kayang manindigan nang matibay para sa katarungan, iyan ay hindi dahil sa mayroong mali ang katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang lihis ito sa mga katunayan; kung hindi mo natamo ang buhay pagkatapos pagsumikapang hanapin ito sa loob ng maraming taon, iyan ay hindi dahil sa ang buhay ay walang konsensya tungo sa iyo, kundi dahil sa wala kang konsensya tungo sa buhay, at naitaboy ang buhay; kung namumuhay ka sa liwanag at hindi nakayang makamit ang liwanag, iyan ay hindi dahil sa imposibleng sumikat ang liwanag sa iyo, kundi dahil sa hindi mo nabigyang-pansin ang pag-iral ng liwanag, kung kaya ang liwanag ay tahimik na lumisan sa iyo. Kung hindi ka naghahabol, kung gayon ito ay masasabi lamang na ikaw ay walang-halagang basura, at walang lakas-ng-loob sa iyong buhay, at hindi taglay ang espiritu para labanan ang mga puwersa ng kadiliman. Masyado kang mahina! Hindi mo kayang tumakas mula sa mga puwersa ni Satanas na bumihag sa iyo, at handa lamang magpatuloy sa ganitong uri ng ligtas at panatag na buhay at mamatay sa kamangmangan. Ang dapat mong marating ay ang iyong paghahabol na malupig; ito ang iyong nakatakdang tungkulin. Kung sapat na para sa iyo ang malupig, kung gayon ay itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag. Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at para makamit pa nang higit ang katotohanan ay dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itatwa ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pampamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong habulin ang lahat nang mainam at mabuti, at dapat habulin ang isang landas ng buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka nang gayong mahalay na buhay, at hindi maghahabol ng anumang mga layunin, hindi ba sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa gayong pamumuhay? Dapat mong itakwil ang lahat nang mga kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi dapat sayangin ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang katapatan o dangal; walang kahulugan sa kanilang pag-iral!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Kaugnay na Nilalaman