Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 188
Sa gitna ng sangkatauhan, inuuri Ko ang mga tao sa tatlong uri. Ang unang uri ay ang mga hindi sumasampalataya, ang mga walang relihiyosong...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Kapag nagdurusa kayo ng kaunting paghihigpit o paghihirap, makakabuti iyon sa inyo; kung pinadali iyon para sa inyo, mapapahamak kayo, at kung gayon ay paano kayo mapoprotektahan? Ngayon, kinastigo, hinatulan, at isinumpa kayo kaya binigyan kayo ng proteksyon. Nagdusa na kayo nang husto kaya pinoprotektahan kayo. Kung hindi, matagal na sana kayong nahulog sa kabulukan. Hindi sinasadyang gawing mahirap ang mga bagay para sa inyo—ang likas na pagkatao ng tao ay mahirap baguhin, at kailangan itong magkaganito para magbago ang kanilang mga disposisyon. Ngayon, ni wala kayong konsiyensya o katinuang tinaglay ni Pablo, ni hindi pa ninyo taglay ang kanyang kamalayan sa sarili. Lagi kayong kailangang pilitin, at kailangan kayong palaging makastigo at mahatulan para pukawin ang inyong espiritu. Pagkastigo at paghatol ang pinakamabuti para sa inyong buhay. At kapag kinakailangan, kailangan ay mayroon ding pagkastigo ng mga katotohanang dumarating sa inyo; saka lamang kayo lubos na magpapasakop. Kapag ang inyong likas na pagkatao ay walang pagkastigo at pagsumpa, ayaw ninyong magyuko ng ulo, ayaw ninyong magpasakop. Kung hindi ninyo nakikita ang mga totoong pangyayari, walang magiging epekto. Masyadong aba at walang halaga ang inyong pagkatao! Kung wala ang pagkastigo at paghatol, magiging mahirap kayong malupig, at mahirap daigin ang inyong kawalan ng katuwiran at pagsuway. Ang inyong dating likas na pagkatao ay nakaugat nang napakalalim. Kung iniluklok kayo sa trono, wala kayong ideya sa taas ng langit at lalim ng lupa, lalong wala kayong ideya kung saan kayo patungo. Ni hindi ninyo alam kung saan kayo nagmula, kaya paano ninyo makikilala ang Panginoon ng paglikha? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at mga sumpa sa ngayon, matagal na sanang dumating ang inyong huling araw. Huwag nang banggitin pa ang inyong kapalaran—hindi ba mas nalalapit iyon sa panganib? Kung wala ang napapanahong pagkastigo at paghatol na ito, sino ang nakakaalam kung gaano kayabang kayo sa inyong paglaki, o gaano kayo magiging masama. Nadala na kayo ng pagkastigo at paghatol na ito sa kasalukuyan, at naingatan ng mga ito ang inyong buhay. Kung “tinuruan” pa rin kayo gamit ang kaparehong mga pamamaraan tulad ng sa inyong “ama,” sino ang nakakaalam kung anong mundo ang inyong papasukin! Wala kayo talagang kakayahang kontrolin at pagbulay-bulayin ang inyong sarili. Para sa mga taong kagaya ninyo, kung susunod at tatalima lamang kayo nang hindi nagsasanhi ng anumang panghihimasok o mga gambala, makakamtan ang Aking mga layunin. Hindi ba lalo kayong dapat magsumikap sa pagtanggap ng pagkastigo at paghatol sa ngayon? Ano ang iba pa ninyong mga pagpipilian?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 6
Sa gitna ng sangkatauhan, inuuri Ko ang mga tao sa tatlong uri. Ang unang uri ay ang mga hindi sumasampalataya, ang mga walang relihiyosong...
Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao (Mga piling sipi) (Genesis 9:11–13) At aking pagtitibayin...
Sina Isaias, Ezekiel, Moises, David, Abraham, at si Daniel ay mga pinuno o mga propeta sa mga piniling tao sa Israel. Bakit hindi sila...
Dahil ikaw ay isa sa pamilya ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay...