Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 57
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Magkakaroon ng Takot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan? Dahil ang mga tao sa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon? Ang mga pagbabago sa disposisyon ay iba, sa diwa, sa mga pagbabago sa pag-uugali, at iba rin ang mga ito sa mga pagbabago sa pagsasagawa—ang lahat ng ito ay magkakaiba sa diwa. Naglalagay ang karamihan ng mga tao ng natatanging diin sa paggawi sa kanilang paniniwala sa Diyos, na ang nagiging resulta ay ang pagkakaroon ng ilang pagbabago sa kanilang pag-uugali. Pagkatapos nilang magsimulang manalig sa Diyos, tumigil sila sa paninigarilyo at pag-inom, at hindi na sila nakikipaglaban sa iba, mas pinipiling maging mapagpasensya kapag dumaranas sila ng kawalan. Sumasailalim sila sa ilang pagbabago sa pag-uugali. Ang ilang tao ay nadarama na sa sandaling manalig sila sa Diyos, nauunawaan na nila ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng salita ng Diyos; na naranasan na nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon na sila ng tunay na kasiyahan sa kanilang mga puso, na ginagawa silang partikular na masigasig, at wala silang hindi kayang talikdan o pagdusahan. Gayunman, matapos manalig sa loob ng walo, sampu, o kahit dalawampu o tatlumpung taon, dahil walang naging pagbabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay, nauwi sila sa pagbabalik sa dating mga gawi; lalong lumilitaw ang kanilang kayabangan at kapalaluan, nagsisimula silang makipagpaligsahan para sa kapangyarihan at pakinabang, pinag-iimbutan nila ang salapi ng iglesia, kinaiinggitan nila ang mga nagsamantala sa sambahayan ng Diyos. Sila ay nagiging mga parasito at salot sa loob ng sambahayan ng Diyos, at ang ilan ay ibinubunyag pa nga at itinitiwalag bilang mga huwad na lider at anticristo. At ano ang pinatutunayan ng mga katotohanang ito? Ang mga pagbabago lang sa ugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa mga disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malaon at madali ay ipapakita nila ang mga tunay nilang kulay. Ito ay dahil ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa ugali ay ang kasigasigan, at sinamahan ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, nagiging napakadali para sa kanila na maging masigasig o magkaroon ng mabubuting intensyon sa loob ng maiksing panahon. Katulad ng sinasabi ng mga walang pananampalataya, “Madali ang paggawa ng isang mabuting gawa; ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.” Bakit walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting gawa nang buong buhay nila? Dahil ang mga tao ay likas na masama, makasarili, at tiwali. Ang pag-uugali ng isang tao ay dinidikta ng kanyang kalikasan; anuman ang kalikasan ng isang tao, gayundin ang ugali na kanyang ibinubunyag, at iyon lamang likas na naihahayag ang kumakatawan sa kalikasan ng isang tao. Hindi magtatagal ang mga bagay na huwad. Kapag gumagawa ang Diyos upang iligtas ang tao, hindi ito upang palamutian ang tao ng mabuting gawi—ang layunin ng gawain ng Diyos ay ang baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling isilang na bagong mga tao. Ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa tao ay pawang nagsisilbi upang baguhin ang kanyang disposisyon, upang matamo niya ang ganap na pagpapasakop at pagkamatapat sa Diyos, at magawang normal na sambahin Siya. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi katulad ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa ugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay binibigyang-liwanag o pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagbubunyag ng buhay nila. Hindi pa sila nakapasok sa mga katotohanang realidad, at ang kanilang disposisyon sa buhay ay hindi talaga nagbago. Gaano man kabuti ang pag-uugali ng isang tao, hindi ito nagpapatunay na nagpapasakop siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa pag-uugali ay hindi kumakatawan sa mga pagbabago sa disposisyon sa buhay at hindi ito maaaring ituring bilang mga pagbubunyag ng buhay.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Magkakaroon ng Takot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan? Dahil ang mga tao sa...
Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundan ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang “sumunod sa Kordero saan...
Para matakasan ang impluwensya ng kadiliman, kailangan ka munang maging matapat sa Diyos at magkaroon ng pananabik sa puso mo na hangaring...
Sa Ikalawang Araw, Isinaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginawa ang Kalawakan, at Lumitaw ang Isang Puwang Para sa...