Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 504
Kung ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, at maranasan ang mga salita ng Diyos, na may isang pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon sa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Kung nais mong isagawa at unawain ang katotohanan, dapat mo munang hanapin ang katotohanan kapag may mga bagay na nangyayari sa iyo sa pang-araw-araw mong buhay. Ibig sabihin, dapat mong tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan; kapag malinaw sa iyo ang diwa ng problema, malalaman mo kung paano magsagawa alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. At kung lagi mong tinitingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, makikita mo ang kamay ng Diyos—ang mga gawa ng Diyos—sa lahat ng nangyayari sa iyong paligid. Anuman ang nangyayari sa kanilang paligid, iniisip ng ilang tao na walang kinalaman iyon sa kanilang pananampalataya sa Diyos o sa katotohanan; sinusunod lamang nila ang sarili nilang mga kagustuhan, tumutugon ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Matututo ba sila ng anumang aral nang ganito? Siguradong hindi. Ito ang dahilan kaya maraming taong naniniwala sa Diyos sa loob ng sampu o dalawampung taon at wala pa ring pagkaunawa sa katotohanan o buhay pagpasok. Hindi nila kayang isama ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, o harapin ang lahat ng nangyayari sa kanilang paligid batay sa mga salita ng Diyos, kaya nga tuwing may anumang nangyayari sa kanila, hindi nila masabi kung ano talaga iyon, ni hindi nila magawang harapin iyon batay sa mga katotohanang prinsipyo. Ang mga gayong tao ay walang buhay pagpasok. Ginagamit lamang ng ilang tao ang kanilang isip kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos sa pulong; sa gayong mga pagkakataon, nagagawa nilang magsalita nang may kaunting kaalaman, subalit hindi nila kayang ipatupad ang mga salita ng Diyos sa anumang nangyayari sa kanila sa tunay na buhay, hindi rin nila alam kung paano isagawa ang katotohanan, kaya iniisip nila na lahat ng nangyayari sa kanilang pang-araw-araw na buhay ay walang kaugnayan sa katotohanan, walang kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, parang tinatrato nila ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan bilang isang aspekto ng kaalaman, bilang ganap na hiwalay sa kanilang pang-araw-araw na buhay at lubos na nakabukod sa kanilang mga pananaw sa mga bagay-bagay, sa kanilang mga mithiin sa buhay, at sa kanilang mga hangarin sa buhay. Kumusta ang ganitong uri ng paniniwala sa Diyos? Mauunawaan ba nila ang katotohanan at makakapasok sa realidad? Kapag naniniwala sila sa Diyos sa ganitong paraan, tagasunod ba sila ng Diyos? Hindi sila mga taong tunay na naniniwala sa Diyos, lalong hindi sila tagasunod ng Diyos. Lahat ng problema sa kanilang pang-araw-araw na buhay—kabilang na ang lahat ng kinasasangkutan ng pamilya, buhay may-asawa, trabaho, o kanilang mga inaasam—ay itinuturing nilang walang kaugnayan sa katotohanan, kaya sinusubukan nilang lutasin gamit ang mga pamamaraan ng tao. Sa pagdanas nito, hinding-hindi nila makakamit ang katotohanan, hinding-hindi nila mauunawaan kung ano talaga ang nais ng Diyos na matupad sa mga tao, at ang epektong nais Niyang makamtan sa kanila. Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan upang iligtas ang mga tao, upang linisin at baguhin ang kanilang mga tiwaling disposisyon, ngunit hindi nila nababatid na kung tatanggapin at hahangarin nila ang katotohanan, saka lamang nila malulutas ang kanilang sariling mga tiwaling disposisyon; hindi nila nababatid na kapag naranasan at isinagawa nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay, saka lamang nila makakamit ang katotohanan. Hindi ba’t mahina umunawa at ignorante ang gayong mga tao? Hindi ba’t sila ang pinakahangal, at katawa-tawa na mga tao? Ang ilang tao ay hindi kailanman hinangad ang katotohanan sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Akala nila ang ibig sabihin ng pananampalataya sa Diyos ay pagpunta sa pulong, pananalangin, pagkanta ng mga himno, pagbabasa ng mga salita ng Diyos; binibigyang-diin nila ang seremonyang panrelihiyon, at hindi nila kailanman isinasagawa o dinaranas ang mga salita ng Diyos. Ganito maniwala sa Diyos ang mga tao sa relihiyon. At kapag tinatrato ng mga tao ang isang bagay na napakahalaga na tulad ng pananampalataya sa Diyos bilang paninindigan sa relihiyon, hindi ba kabilang sila sa mga hindi mananampalataya? Hindi ba’t sila ay mga walang pananampalataya? Ang paghahangad ng katotohanan ay nangangailangan ng pagdanas ng maraming proseso. May simpleng bahagi ito, at mayroon ding kumplikadong bahagi. Sa madaling salita, dapat nating hanapin ang katotohanan at gawin at danasin ang mga salita ng Diyos sa lahat nang nagaganap sa ating paligid. Minsang masimulan mong gawin ito, lalo at lalo mong makikita kung gaanong katotohanan ang kailangan mong makamit at hangarin sa iyong paniniwala sa Diyos, at ang katotohanan ay talagang praktikal at ang katotohanan ay buhay. Inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan para makamit nila ang katotohanan bilang buhay. Lahat ng nilikhang sangkatauhan ay dapat tanggapin ang katotohanan bilang buhay, hindi lamang ang mga gumaganap ng mga tungkulin, na mga lider at manggagawa, o naglilingkod sa Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay nakatutok sa buong sangkatauhan, at nangungusap ang Diyos sa buong sangkatauhan. Samakatuwid, dapat tanggapin ng lahat ng nilalang at ng buong sangkatauhan ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at pagkatapos ay magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo upang magkaroon sila ng kakayahang isagawa at magpasakop sa katotohanan. Kung mga lider at manggagawa lamang ang kinakailangang magsagawa ng katotohanan, magiging ganap na salungat ito sa mga layunin ng Diyos, dahil ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay para sa buong sangkatauhan, at ipinapahayag ito para iligtas ang sangkatauhan, hindi lamang para iligtas ang iilang tao. Kung ganito ang sitwasyon, napakaliit ng magiging kabuluhan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos. May isang landas ka na ba ngayon upang hangarin ang katotohanan? Ano ang unang bagay na dapat isagawa kapag hinahangad ang katotohanan? Bago ang lahat, dapat kang gumugol ng higit na panahon sa pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos at pakikinig sa mga sermon at pagbabahaginan. Kapag may nakaharap kang isang usapin, magdasal at higit na maghanap pa. Kapag nasangkapan na ninyo ang inyong mga sarili ng maraming katotohanan, kapag mabilis kayong lumalago at nagtataglay ng tayog, magagawa ninyong magampanan ang isang tungkulin, idaos ang isang maliit na gawain, at magagawang lusutan ang ilang mga pagsubok at mga tukso. Sa oras na iyon, mararamdaman ninyong talagang naunawaan na at nakamit na ninyo ang ilang katotohanan, at madarama ninyo na ang mga salitang binigkas ng Diyos ay pawang katotohanan, na ang mga iyon ay mga katotohanang pinakakinakailangan para sa kaligtasan ng tiwaling sangkatauhan, at na ang mga iyon ay ang katotohanan ng buhay na ibinigay ng natatanging Lumikha.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan ng Paghahangad sa Katotohanan at ang Landas ng Paghahangad Nito
Kung ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, at maranasan ang mga salita ng Diyos, na may isang pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon sa...
Sion! Magbunyi! Sion! Umawit nang malakas! Nakabalik na Akong nagwagi, nakabalik na Akong matagumpay! Lahat ng lahi! Magmadaling pumila...
Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking...
Ang mga Pagpapamalas ng Pagkatao ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok (Pag-unawa sa Pagkaperpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos, at...