Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 5: Isang Tampok na Panayam kay Cristhian Bogado sa Espanya

Hunyo 3, 2026

Sa paningin ng marami, tila isang perpektong asawa si Cristhian Bogado. Nagtrabaho siya nang husto, minahal ang asawa't mga anak niya, at ibinigay ang lahat-lahat para sa pamilya niya. Pero walang nakakaalam na sa likod ng lahat ng sakripisyong iyon ay isang matinding pasakit at pagkahumaling na dala-dala niya mula pa noong bata siya. Dahil lumaki siyang napapaligiran ng takot at karahasan sa tahanan, palagi niyang hinahangad ang isang masayang tahanan. Matapos mag-asawa, patuloy lang siya sa pagtitiis at pagpaparaya para lang mapanatiling buo ang pamilya niya, ikinokompromiso pa nga ang sarili niyang dignidad. Pero ang tanging kinahantungan ng lahat ay pagtataksil at ang tuluyang pagkasira ng buhay may-asawa niya. Nang mawala ang pamilya niya, walang mapuntahan, at malapit nang bumigay ang isip, sa kauna-unahang pagkakataon ay naitanong niya sa sarili: Para saan ba talaga tayo nabubuhay? Saan ba talaga matatagpuan ang tunay na kaligayahan? Sa pinakamababang yugto ng buhay niya, isang mensahe ang nagpabago sa buong takbo ng buhay niya. Muli niyang pinag-isipan ang tungkol sa buhay may-asawa at sinuri kung ano ba talaga ang hinahangad niya sa buhay. Sa huli, tuluyan siyang nakawala sa anino ng nakaraan niya at natagpuan niya ang tunay na kaligayahan. Sa episode na ito, susubaybayan natin ang totoong kuwento ni Cristhian—mula sa tuluyang pagkasira ng buhay may-asawa niya hanggang sa pagsisimula ng isang bagong buhay.

00:10 Ang Ilusyon ng Pag-aasawa at Kaligayahan

04:29 Isang Pagkabatang Nilamon ng Karahasan

19:39 Pag-ibig at Pag-aasawa: Ang Simula

24:57 Buhay May-asawang Nawalan ng Kontrol: Mag-isang Pagtataguyod sa Buong Pamilya

46:12 Tuluyang Pagguho noong Bisperas ng Pasko

50:20 Mula sa Pagkasira Hanggang sa Tuluyang Pagkalugmok

57:09 Isang Mensaheng Nagpabago sa Buhay Ko

01:00:21 Malinaw na Pag-unawa sa Pagtataksil sa Buhay May-asawa

01:13:44 Pagkamulat: Kung Saan Nasira ang Buhay May-asawa

01:27:32 Pagkakasumpong sa Tunay na Kaligayahan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply