Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 4: Isang Tampok na Panayam kay Lisa You (Hyun Ji), Isang Biyolinistang Aleman
Si Lisa You (Hyun Ji) ay isang propesyonal na biyolinista na may mahabang karanasan sa pagtatanghal at pag-tour kasama ng isang string quartet. Sa kabila ng mga palakpakan at atensyon, nakulong siya sa presyur ng kompetisyon at matinding pagkapagod ng isip, unti-unti siyang nalugmok sa pinakailalim habang palagi niyang ikinukumpara ang sarili sa iba at nagdudusa sa loob niya. Nang tila huminto ang lahat, umabot sa isang punto ng pagbabago ang kanyang buhay. Sinimulan niyang suriing muli ang mga bagay na kanyang hinahangad at nakahanap siya ng bagong direksyon sa buhay. Kasunod ng pagbabago sa loob niya, bumalik siya sa entablado bilang isang ganap na ibang tao: hindi na iginagapos ng kasikatan at pakinabang, kundi muling tinutuklas ang kadalisayan at kagalakan ng musika, nang may ganap na panibagong buhay. Dadalhin kayo ng episode na ito sa tunay na paglalakbay ng isang musikero na bumangon mula sa matinding pagkalugmok ng isipan upang muling matuklasan ang direksyon niya sa buhay.
02:52 Ang Simula ng Kanyang Paglalakbay sa Musika
07:32 Ang Pag-angat sa Kasikatan at ang mga Sandali ng Pagiging Sentro ng Atensyon
14:18 Presyur at mga Paghihirap sa Likod ng Atensyon
19:10 Matinding Pagkapagod ng Isip sa Pagkukumpara at Kompetisyon
28:46 Pagkalugmok sa Pinakailalim
34:32 Isang Punto ng Pagbabago sa Kanyang Buhay
48:50 Pagninilay at Pagkamulat Pagkatapos ng Kabiguan
01:14:40 Paghahanap ng Bagong Landas sa Buhay
01:23:05 Pagbabalik sa Entablado: Hindi Na Iginagapos ng Kasikatan at Pakinabang
01:32:00 Isang Ganap na Panibagong Buhay
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.