Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 3: Isang Makatotohanang Talaan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano (Ikatlong Bahagi)
Enero 9, 2026
Itinatag sa ideolohiyang Marxista-Leninista, agresibong isinusulong ng CCP ang ateismo upang iligaw ang mga mamamayan nito sa pagtatangkang manatili sa kapangyarihan at kontrolin sila magpakailanman. Palagi nitong itinuturing ang mga relihiyosong grupo at mga sumasalungat bilang pinakamalalaking kaaway nito sa pulitika. Ibinuhos nito ang lahat ng pagsisikap sa pagsusulong ng landas ng Marxista na "marahas na rebolusyon" at "pag-agaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng armadong pakikibaka." Sa ganitong paraan, inagaw nito ang kapangyarihan at namuno mula noon sa pamamagitan ng mga kasinungalingan, panlilinlang at marahas na rebolusyon. Sa loob ng mahigit pitumpung taon, patuloy at brutal na sinupil, inaresto, at inusig ng CCP ang mga tao tulad ng mga relihiyosong grupo at mga sumasalungat, nang walang tigil. Dahil sa brutal na panunupil ng CCP sa pananampalatayang panrelihiyon, ang mga pamamaraan nito ng pag-uusig ay lalong naging madugo at marahas. Ang mga Kristiyano ay ganap na pinagkaitan ng kanilang karapatang mabuhay. Upang makatakas sa mga kuko ng CCP at manatiling matatag sa kanilang pananalig, walang pagpipilian ang mga Kristiyano kundi tumakas sa ibang bansa. Kasunod nito, pinalawak ng CCP ang madilim na naaabot nito sa buong mundo, at nagsagawa ng isang serye ng mga transnasyonal na kampanya ng panunupil, sa pagtatangkang piliting bumalik ang mga Kristiyano sa Tsina, na may panghuling layon na dalhin sila sa ilalim ng kontrol nito upang maipagpatuloy nito ang pag-uusig nang hindi napaparusahan. Ang panunupil at pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano ay lubos na walang pagpipigil at isinasagawa sa anumang halaga. Ang mga krimen nito ay napakasama, umaabot hanggang sa kalangitan!
00:23 Mahigit Pitumpung Taon ng mga Kalupitan ng CCP: Isang Kristiyanong Salaysay ng Dugo at mga Luha
04:11 8. Transnasyonal na Panunupil: Walang Hindi Gagawin para Makamit ang Ganap na Pagpuksa
05:30 (1) Pagpapatupad sa "Online na Imbestigasyon, Imbestigasyon sa Ibang Bansa" at "Isang Tao, Isang Plano" na mga Pakana ng Pagsugpo
13:03 (2) Pagtatatag ng "Mga Istasyon ng Serbisyo ng Pulisya sa Ibang Bansa" upang Palawakin ang may Matinding Panggigipit na Pamumuno ng CCP sa Buong Mundo
17:21 (3) Paglilinang ng mga Internasyunal na Proxy upang Magsagawa ng Transnasyonal na Panunupil
25:54 (4) Walang-tigil na Pagtugis sa mga Kristiyano mula sa Ibang Bansa hanggang sa Tsina, Pag-aalis ng Kanilang Karapatang Patuloy na Mabuhay
34:19 9. Sistematikong Sapilitang Pagbabagong-loob ng Ideolohiya at Marahas na Pagbi-brainwash upang "Pawiin" ang Pananalig
36:24 (1) Ideolohikal na Pagbabagong-Loob sa Pamamagitan ng Pulang Edukasyon upang Mahalin ang Bansa at Mahalin ang Partido; Brainwashing sa Pamamagitan ng Kultura ng Partido
47:30 (2) Pinipilit ang mga Kristiyano na Lumagda sa Tatlo o Limang mga Pahayag; Ang mga Tumatanggi ay Marahas na Pinahihirapan at Pinagmamalupitan
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.