Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 28: Kristiyanong Dalawang Beses na Inaresto at Pinahirapan Habang Isinasailalim sa Interogasyon ng CCP

Setyembre 26, 2026

Dalawang beses na inaresto ng mga pulis ng CCP si Yang Ling, isang Kristiyano mula sa Lungsod ng Hefei sa Lalawigan ng Anhui, dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at paggampan ng kanyang tungkulin. Noong Enero 23, 2004, inaresto si Yang Ling habang papunta para gawin ang kanyang tungkulin, at kasunod ay ikinulong sa isang criminal detention house nang halos dalawang taon. Sa buong panahong ito, dose-dosenang beses siyang isinailalim ng mga pulis sa interogasyon. Naghalinhinan sila sa malupit na pagbugbog sa kanya, pinukpok ang likod ng mga kamay niya, tinapakan at ikiniskis ang mga daliri niya sa paa, malupit na sinundot ang mga utong niya, at ipinosas ang mga kamay niya sa likod niya. Inutusan din nila ang ibang mga babaeng preso na pahirapan at abusuhin siya araw-araw…. Pinahirapan si Yang Ling hanggang sa bingit ng kamatayan. Noong Disyembre 6, 2005, dinala siya ng mga guwardiya ng detention house sa isang istasyon ng tren at itinapon siya roon. 34 anyos pa lang noon si Yang Ling, pero nagtamo na siya ng iba't ibang pinsala at problema sa kalusugan. Dumanas siya ng tinnitus at pagkawala ng pandinig; lumuwag ang dalawang ngipin niya sa harap dahil sa pambubugbog at kalaunan ay natanggal, at hindi siya makakagat nang mariin gamit ang mga bagang niya; madalas din siyang naduduwal at hindi makakain; naging makirot at mahina ang mga braso niya, naging sobrang sensitibo siya sa lamig, at nagkaroon siya ng arthritis sa parehong binti; at sa loob ng mahabang panahon, kinailangan niyang umasa sa gamot para makadumi. Kapag malala ang urethritis niya, kailangan niya ng ilang araw na naka-IV para lang maibsan ang sakit. Noong Setyembre 6, 2012, inaresto ulit si Yang Ling ng mga pulis sa pamamagitan ng pagtunton sa kanya gamit ang GPS ng cellphone niya. Para pilitin siyang isuko ang mga handog ng iglesia, naghalinhinan ang mga pulis sa malupit na pambubugbog sa kanya, marahas na pinukpok ang noo at mga kuko niya sa paa gamit ang bibig ng isang bote, at isiniksik ang mga nakasinding sigarilyo sa mga butas ng ilong niya. Pinahirapan din nila siya sa pamamagitan ng pagkakait sa kanya ng tulog, at sa huli, nasentensiyahan si Yang Ling ng isang taon at tatlong buwan sa isang labor reeducation camp. Nag-iwan ng maraming pangmatagalang epekto sa katawan niya ang pag-uusig na ito: Dumanas siya ng matagalang insomnia, nagbago ang hugis ng kanyang cervical spine, at nagkaroon siya ng mga problema sa kanyang lumbar at coccygeal vertebrae, na matinding nakaapekto sa pang-araw-araw na buhay niya. Sa ulat na ito, ikukuwento ni Yang Ling ang malupit na pag-uusig na dinanas niya pagkatapos maaresto nang dalawang beses.

00:22 Mga Tampok na Bahagi

05:08 Yang Ling, Inaresto at Pinahirapan, Ikinulong sa isang Detention House sa Loob ng Halos Dalawang Taon

32:28 Yang Ling, Inaresto sa Ikalawang Pagkakataon at Ininteroga Habang Pinapahirapan, Sinentensiyahan sa Isang Labor Reeducation Camp sa Loob ng Isang Taon at Tatlong Buwan

52:22 Pangwakas na Pananalita at Impormasyon tungkol sa mga Salarin

Leave a Reply