Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 26: Ang 26 na Taon ng Pagtatago ng Isang Kristiyano Mula sa CCP

Setyembre 10, 2026

Si Xu Ming ay dating isang tagapangaral sa isang iglesia sa bahay. Noong taglagas ng 1998, tinanggap niya ang Makapangyarihang Diyos at nagsimula siyang mangaral ng ebanghelyo. Noong Disyembre 23, 1999, si Xu Ming ay isinumbong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at inaresto ng mga pulis ng CCP. Upang subukang pilitin siyang magbunyag ng impormasyon tungkol sa iglesia at talikuran ang pananalig niya, marahas siyang binugbog at pinahirapan ng mga pulis, at inutusan ang mga bilanggo na abusuhin at pahirapan siya nang 40 araw. Malubhang napinsala ang kaliwang binti niya. Pagkatapos, si Xu Ming ay ipinarada sa isang entablado sa lokal na palengke, kung saan tinuligsa siya, iniharap sa madla, at pinahiya, at inihayag ang sentensiya niyang tatlong taon sa isang kampo ng sapilitang paggawa. Noong Mayo 2000, si Xu Ming ay tumakas mula sa kampo ng sapilitang paggawa, na nagmarka sa pagsisimula ng buhay niya sa pagtatago, na tumagal na nang 26 na taon hanggang ngayon. Noong Hunyo 2025, nagbakasakali siyang umuwi. Hindi nagtagal, dumating ang mga pulis para halughugin ang bahay at magtanong kung nasaan siya, kaya napilitan siyang tumakas muli nang mismong gabing iyon. Hanggang ngayon, si Xu Ming ay hindi pa rin nangangahas na umuwi. Tinatampok sa episode na ito ang salaysay ni Xu Ming tungkol sa pang-uusig na tiniis niya at sa epekto sa kanya at sa pamilya niya ng 26 na taon ng pagtatago.

00:24 Mga Tampok na Bahagi

04:56 Pumasok Nang Sapilitan Ang Mga Pulis sa Bahay ni Xu Ming at Inaresto Siya

09:39 Ininteroga sa Ilalim ng Pagpapahirap si Xu Ming sa Detention House, Binugbog ng Mga Bilanggo, at Isinailalim Pa Nga sa Isang Pagtuligsa sa Publiko

21:19 Tumakas Mula sa Kampo ng Sapilitang Paggawa Si Xu Ming, Nagtatago Para Iwasan ang Pagtugis ng Mga Pulis

47:31 Pangwakas na Pananalita ng Host

48:43 Impormasyon tungkol sa mga Salarin

Leave a Reply