Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 25: Apat na Matandang Kristiyano na Malupit na Inusig ng CCP
Sa episode na ito, iuulat namin ang pang-uusig ng CCP sa apat na matatandang Kristiyano. Sina Li Shouxin at Ning Ping ay mga Kristiyano mula sa Hangzhou, Lalawigan ng Zhejiang. Ang mag-asawa, na noo'y 77 at 69 anyos ayon sa pagkakasunod, ay inaresto ng mga pulis noong Nobyembre 23, 2018, dahil sa pag-iingat nila sa pera ng iglesia. Kalaunan, nasentensiyahan si Li Shouxin ng isang taong pagkakakulong, at si Ning Ping naman ay nasentensiyahan ng isang taon at dalawang buwan. Habang nakadetene, inutusan ng mga pulis ang mga bilanggo na bugbugin at abusuhin si Li Shouxin sa mahabang panahon. Dahil dito, patuloy na lumala ang kanyang prostatitis, at kasunod nito ay nakaranas siya ng mga sintomas tulad ng mahinang pagdaloy ng dugo sa puso, palpitasyon, at insomnia. Kalaunan ay nagkaroon din siya ng emphysema. Pagkalaya niya, napakahina ng katawan niya. Pero patuloy pa ring pumupunta ang mga pulis sa bahay nila para ligaligin at takutin sila. Dahil sa matagal na pagpapahirap ng sakit at mental na stress, lalo pang lumala ang kondisyon ni Li Shouxin. Kalunos-lunos na pumanaw siya noong Setyembre 25, 2024, matapos mabigo ang mga panggagamot na pababain ang patuloy na mataas na lagnat niya dahil sa impeksiyon sa baga. Hanggang ngayon, madalas pa ring pumupunta ang mga pulis sa bahay ni Ning Ping para kuhanan siya ng litrato at ligaligin. Wala na siyang naramdamang kapayapaan. Si Zheng Xun, isang Kristiyano mula sa Heze, Lalawigan ng Shandong, ay pinaghahanap at tinutugis ng CCP sa loob ng 22 taon dahil sa pagbibiyahe ng mga aklat ng iglesia. Noong 2024, sa edad na 71, inaresto ng mga pulis si Zheng Xun at nasentensiyahan ng tatlong taong pagkakakulong. Si Wang Ying, isang Kristiyano mula sa Pinghu, Lalawigan ng Zhejiang, ay inaresto at nasentensiyahan ng anim na buwang pagkakakulong noong 2019 dahil sa pagho-host sa mga kapatid para sa mga pagtitipon. Pansamantalang isinuspinde ang sentensiya niya dahil malubha ang altapresyon niya noon. Noong 2024, kahit na 73 anyos na si Wang Ying at may malulubhang sakit tulad ng cerebral infarction at coronary heart disease, nilansi pa rin siya ng mga pulis na sumama sa kanila gamit ang dahilan ng pagpapa-medical checkup, at ikinulong siya nang anim na buwan. Nang palayain si Wang Ying, nagdedeliryo na siya dahil sa tindi ng pagpapahirap. Hindi siya makalakad, at nag-aagaw-buhay na. Mangyaring panoorin ang episode na ito.
00:25 Mga Tampok na Bahagi
05:18 Sina Li Shouxin at Ning Ping ay Walang-Humpay na Inusig ng CCP; Inusig si Li Shouxin Hanggang Mamatay
28:51 Pinaghahanap at Tinutugis ng CCP si Zheng Xun sa Loob ng 22 Taon, at Inaresto Kahit Matanda Na Siya
42:50 Si Wang Ying, na Dumaranas ng Maraming Malulubhang Sakit, ay Nilansi ng mga Pulis at Ibinilanggo; Pagkalaya Niya, Siya ay Nag-aagaw-buhay Na
50:57 Pangwakas na Pananalita
52:35 Impormasyon tungkol sa mga Salarin