Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 22: 17-Anyos na Kristiyano, Pinahirapan nang Apat na Araw para Piliting Umamin

Agosto 8, 2026

Sukdulan ang kalupitan ng masamang CCP sa pag-aresto at pag-uusig nito sa mga Kristiyano. Para pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang kanilang pananalig at magbigay ng impormasyon tungkol sa iglesia, sadistang gumagamit ang CCP ng iba't ibang pamamaraan ng pagpapahirap para pagmalupitan sila. Sila ay ganap na walang takot sa batas. Hindi nila kailanman itinuturing na mga tao ang mga Kristiyano, pinagmamalupitan ang mga ito ayon sa kanilang gusto, at binubugbog hanggang mamatay nang walang pananagutan. Matatandang Kristiyano man na nasa edad 80 at 90 o mga menor de edad na kabataang Kristiyano, wala silang pinatatawad sa mga pag-aresto nila. Talagang kasuklam-suklam ang malulupit nilang gawain. Kamakailan, kinapanayam namin si Li Hao, isang Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Beijing. Ikinuwento niya sa amin kung paano siya inaresto habang nasa isang pagtitipon at malupit na inusig ng mga pulis ng CCP noong siya ay 17 anyos. Para pilitin siyang magbigay ng impormasyon tungkol sa iglesia, pinahirapan siya ng mga pulis sa loob ng apat na magkakasunod na araw para paaminin. Kabilang dito ang matitinding pambubugbog, pagpaso sa kanya ng kumukulong tubig, pagsunog sa mga utong at palad niya gamit ang apoy, at pagdurog sa mga daliri niya. Malupit din nilang kinaskas ang napaso niyang likod gamit ang matutulis na gilid ng mga posas. Tinalian nila ng mga kable ng kuryente ang mga daliri at braso niya, ilang beses siyang kinuryente, at sapilitang hinubad ang pantalon niya, sinusubukang kuryentehin ang ari niya, pero desperadong nagpupumiglas si Li Hao para makawala. Nang bugbog-sarado at nag-aagaw-buhay na si Li Hao, saka lang pumayag ang mga pulis na piyansahan siya ng pamilya niya habang naghihintay ng paglilitis. Pagkauwi niya, patuloy siyang niligalig ng mga pulis sa bahay niya. Hindi lang nila pinaghigpitan ang mga kilos niya kundi pinagbantaan din siya na kung patuloy siyang mananampalataya sa Diyos, aarestuhin siya ulit at bibigyan ng mabigat na sentensiya. Sa episode na ito, sa pamamagitan ng salaysay ni Li Hao, alamin natin ang pang-aabuso at pagpapahirap na sinapit ng isang bata pang Kristiyano sa ilalim ng ateistang paniniil ng CCP.

00:21 Mga Tampok na Bahagi

04:18 Inaresto si Li Hao Habang Nasa Isang Pagtitipon

08:48 Pinahirapan si Li Hao Para Piliting Umamin—Malubhang Binugbog, Nilapnos ng Kumukulong Tubig, Pinaso ang mga Utong at Palad, Dinurog ang mga Daliri, at Isinailalim sa Pangunguryente

37:38 Malubhang Nagkasakit si Li Hao sa Detention House at Pinalaya at Piniyansahan Habang Naghihintay ng Paglilitis

42:22 Pangwakas na Pananalita

47:45 Impormasyon tungkol sa mga Salarin

Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.

Leave a Reply