Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 10: Eksklusibong Panayam sa Isang Kristiyanong May Malubhang Sakit: Pag-uusig sa ICU

Marso 12, 2026

Taong 2025 ang ikalawang taon ng "Tatlong-Taong Matinding Labanan" ng CCP laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isa ang Henan sa mga probinsiya kung saan pinakamatindi ang pag-uusig ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa kampanya nito para ganap na puksain ang Iglesia, patuloy na naglulunsad ang probinsiya ng mga operasyon ng paglipol na "zeroing-out" para arestuhin ang mga Kristiyano. Ayon sa di-kumpletong estadistika, hindi bababa sa 1,928 Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang inaresto sa Lalawigan ng Henan noong 2025. Sa loob ng Hulyo, hindi bababa sa 319 ang inaresto at inusig. Pagkatapos nilang maaresto, karamihan ay idinetene sa lokal na "Care Center" para sa sapilitang pagbi-brainwash. Kamakailan, nakapanayam namin si Li Li (alyas), isa sa mga Kristiyanong pinalaya. Mayroon siyang malubhang sakit sa puso. Puwersahang pumasok ang mga pulis sa bahay niya, pinaghubad siya para kapkapan, at walang-habas na hinalughog ang bahay niya. Naging sanhi ito para atakihin sa puso si Li Li sa mismong oras na iyon at isugod sa intensive care unit, pero sinimulan siyang interogahin ng mga pulis sa ward, ginigipit siyang magbigay ng impormasyon tungkol sa iglesia. Bago siya pinalabas ng ospital, sapilitan siyang dinala sa kustodiya at isinailalim sa pagbi-brainwash, dumanas ng matinding pisikal at mental na pagdurusa. Kahit ang anak niyang lalaki na walang pananampalataya ay nadamay sa kaso niya at inaresto ng mga pulis. Iuulat ng episode na ito ng programa ang tunay na karanasan ni Li Li sa pag-uusig ng CCP dahil sa kanyang pananalig sa Diyos.

00:21 Mga Tampok na Bahagi

03:07 Inaresto Dahil sa Kanyang Pananalig, Pinaghubad si Li Li Para Kapkapan at Hinalughog ang Bahay Niya ng mga Pulis, na Naging Sanhi ng Kanyang Atake sa Puso at Pagkasugod sa ICU

07:53 Habang Nagpapagamot sa ICU, Walang Humpay na Niligalig at Ininteroga ng mga Pulis si Li Li Tungkol sa Kanyang Pananalig

09:53 Mahigit 20 Pulis ang Sumugod sa Ospital, Sinusubukang Arestuhin ang Anak ni Li Li sa Kasong "Pananakit sa Pulis"

11:08 Nagbanta ang mga Pulis na Sisirain ang Kinabukasan ng mga Anak ni Li Li Para Pilitin Siyang Ipagkanulo ang Impormasyon Tungkol sa Iglesia

15:26 Habang Malubha ang Sakit, Sapilitang Inaresto at Idinetene ng mga Pulis si Li Li at Isinailalim sa Sapilitang Pagbi-brainwash, Dumanas Siya ng Matinding Pisikal at Mental na Pagdurusa

30:21 Pansamantalang Pinalaya Dahil sa Malubhang Sakit, Umuwi si Li Li para Lang Harapin ang Walang Humpay na Panliligalig at Interogasyon Mula sa mga Pulis, Nawalan ng Kapayapaan ang Buong Pamilya Niya

33:46 Pangwakas na Pananalita: Magpapatuloy ang Pag-uulat

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply