Isang Live na Ulat sa Buhay Iglesia, Ep. 19: Mga Patotoong Batay sa Karanasan Mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Sydney, Australia: Paglago Mula sa mga Kabiguan at Balakid
Matapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, naranasan ng mga Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Sydney, Australia, ang paghatol, pagkastigo, at pagpupungos ng mga salita ng Diyos. Nagkamit sila ng pagkaunawa sa kanilang mga tiwaling disposisyon, na nag-udyok sa kanila na maghangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan at makipag-agawan sa iba para sa kasikatan at pakinabang, at nakilatis nila ang diwa at ugat ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan—ang dahilan kung bakit patuloy na nagkakasala ang mga tao ay dahil kinokontrol sila ng kanilang satanikong kalikasan. Sa pagkamuhi kay Satanas mula sa kaibuturan ng kanilang puso at paghihimagsik laban dito, tumuon silang lahat sa pagsasagawa ng katotohanan at nagsimula silang makaranas ng mga pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Gusto ba ninyong malaman kung ano ang tunay nilang nakamit? Para malaman, panoorin ang ulat kuha sa aktuwal na lugar tungkol sa buhay iglesia ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Sydney, Australia.
00:31 Mga Tampok na Bahagi
01:00 Panimula ng Host
05:27 Pag-awit ng Himno ng mga Salita ng Diyos: "Nagsasaya't Nagpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig"
06:46 Panalangin
08:15 Pagbabasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos at Pagbabahagi ng Kanilang mga Pagkaunawa
16:49 Ibinabahagi ni Brother Alan ang Kanyang Patotoong Batay sa Karanasan: Mga Pagninilay Matapos Kong Mawalan ng Tungkulin
36:58 Sayaw: "O Makapangyarihang Diyos, Hindi Ko Kayang Mabuhay Nang Wala Ka"
37:45 Ibinabahagi ni Sister Lomz ang Kanyang Patotoong Batay sa Karanasan: Ang Aking Natamo Mula sa Pagkakapungos
59:47 Pag-awit ng Himno ng mga Salita ng Diyos: "Ang Diyos Lamang ang Pinakanagmamahal sa Tao"
01:00:59 Pangwakas na Pananalita ng Host
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.