Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (9) Ikalawang Seksiyon

III. Gawain ng Ebanghelyo

Ikatlong aytem, gawain ng ebanghelyo. Ang gawain ng ebanghelyo ay ang unang malaking aytem ng partikular na propesyonal na gawain pagkatapos ng gawaing administratibo at gawain ng mga tauhan sa sambahayan ng Diyos. Gumawa ang sambahayan ng Diyos ng maraming sunod-sunod na mga pagsasaayos ng gawain para sa aytem na ito ng gawain, gumagawa ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain tungkol sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, sa heograpikal na saklaw para sa pangangaral ng ebanghelyo, at sa mga paraan at sistema ng pangangaral sa ebanghelyo. Kasabay nito, ang sambahayan ng Diyos ay mayroon ding mga partikular na pahayag sa mga pagsasaayos ng gawain ukol sa lahat ng iba’t ibang aklat ng mga salita ng Diyos, mga pelikula at video, at mga variety show na kinakailangan para sa pangangaral ng ebanghelyo, at maging mga pahayag tungkol sa iba’t ibang uri ng mga karaniwang kuru-kuro at mga madalas na itinatanong ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Maaaring hindi partikular na ipinipresenta nang nakasulat ang ilang pahayag, pero marami sa mga ito ang nasa pasalita at pabigkas na pagbabahaginan. Palaging umuusad at nagpapatuloy ang gawain ng ebanghelyo, at habang umuusad ang gawaing ito, gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain at mga tuntunin patungkol sa mga isyung patuloy na lumilitaw at patuloy na nakakaharap, at naglabas din ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na hinihingi at gampanin para sa mga manggagawa ng ebanghelyo, mga diyakono ng ebanghelyo, at mga superbisor ng gawain ng ebanghelyo. Bagama’t sa huling yugtong ito ay walang gaanong sinasabi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa mga pagsasaayos para sa gawain ng ebanghelyo, ang aspektong ito ng katotohanan ay napakadalas na pinagbabahaginan sa iglesia. Katulad nang magsimulang lumaganap ang ebanghelyo sa ibang bansa, gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa gawain ng pagsasalin sa iba’t ibang wika. Ang mga tagasalin at manggagawa ng ebanghelyo na pamilyar sa iba’t ibang banyagang wika ay ibinibigay ang lahat ng makakaya nila para makipagtulungan sa ganitong uri ng gawain, at maraming nailaan ang sambahayan ng Diyos na ganitong mga uri ng yamang-tao para makipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo, at naaayon ito sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa madaling salita, ang Itaas ay palaging personal na gumagabay, nagtatanong, sumusubaybay, at nangangasiwa sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya, ano ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa pagdating sa aytem na ito ng gawain? Ang pagkakaroon ng superbisor para sa gawain ng ebanghelyo ay hindi nangangahulugan na puwedeng hayaan na lamang ng mga lider at manggagawa ang gawain, na hindi ito pagtuunan ng pansin, na hindi mag-usisa tungkol dito, at balewalain lang ito, iniisip na, “Hayaan na lang kung anuman ang kalalabasan ng gawain. Wala naman akong kinalaman diyan. Responsabilidad ko ang buhay iglesia at ang iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Hindi ko na problema kung may mga problema sa gawain ng ebanghelyo.” Ayos lang ba ito? (Hindi.) Ito ay pagiging pabaya sa iyong responsabilidad. Ang pinakamahalagang aytem ng gawain na dapat pagtuunan ng pansin ng mga lider at manggagawa, sa lahat ng gawain ng sambahayan ng Diyos, ay ang gawain ng ebanghelyo. Maaaring hindi ka direktang ginawang responsable para sa aytem na ito ng gawain, pero kailangan mong mag-usisa tungkol sa kung gaano ito umuunlad at kung ano ang estado ng pag-usad nito—dapat mong subaybayan, alamin, at pangasiwaan ang mga bagay na ito. Lalo na pagdating sa ilang mahalagang tauhan, tulad ng mga tagapangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig sa mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, pati na ang mga superbisor ng gawain ng ebanghelyo, kailangan mong palaging maagap na pangasiwaan ang kanilang mga sitwasyon, at kung may lumitaw na mga problema sa mga tauhang ito, dapat mong malutas kaagad ang mga ito—hindi ka dapat maghugas-kamay sa gawaing ito matapos itong italaga sa iyo. Higit pa rito, kailangang regular mong inspeksiyonin at gabayan ang lahat ng tagapangaral ng ebanghelyo na sangkot sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, kabilang na ang mga nasa iglesia at ang mga unang hanay na tagapangaral ng ebanghelyo sa online, pati na ang mga tagadilig sa bawat pangkat. Matagal nang hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos na dapat sumailalim sa espesyal na pagsasanay ang lahat ng tagapangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig. Ano ang ibig sabihin ng espesyal na pagsasanay? Ibig sabihin nito, dapat matiyak na mayroong malinaw na pagkaunawa ang mga tagapangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain at na kaya nilang ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay na ito. Kung mayroong anumang aspekto ng mga katotohanan ng mga pangitain na hindi pa ganap na malinaw sa kanila, kailangang madalas na magbahaginan tungkol dito, at mas mabuti kung mas detalyado ang pagkaunawa ng mga tagapangaral ng ebanghelyo at ng mga tagadilig. Mayroong mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para dito, tama ba? (Tama.) Ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang partikular at komplikadong aytem ng gawain na may maraming magkakahiwalay na gampanin. Kailangang matiyak na ang bawat gampanin ay nagagawa nang maayos at mahigpit na nasusubaybayan; ito ang atas ng Diyos. Kailangang magawa nang maayos ang bawat gampanin, at kailangang matiyak na patuloy na bumubuti ang mga resulta ng bawat gampanin—ito lamang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang lahat ng iba pang uri ng propesyonal na gawain, gaya ng paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, musika, sining, at pagsasalin, ay umiiral para suportahan at alalayan ang gawain ng ebanghelyo, at ang gawain ng ebanghelyo ay ang unang hanay na gawain sa lahat ng gawain. Samakatwid, ang mga gumagawa ng iba’t ibang tungkulin ay dapat gawin nang mabuti ang sarili nilang gawain at magkamit ng mga resultang hinihingi ng Diyos. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng bahagi sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ito ay dahil ang lahat ng ibang uri ng propesyonal na gawaing ito ay umiiral bilang panserbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang lahat ng gawaing ito ay dapat nakasentro sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at nakapagbibigay ng walang-patid na panustos para dito. Sa kasalukuyan, lahat ng materyal, pelikula, at iba’t ibang video na kailangan para sa pangangaral ng ebanghelyo ay pinagsikapang gawin ng marami sa mga hinirang ng Diyos habang nasa likod ng mga eksena. Lahat ng ginagawa ng mga taong ito sa likod ng mga eksena ay nagbibigay ng matinding suporta para sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Noon, ang sambahayan ng Diyos ay wala pang iba’t ibang uri ng mga gawaing pelikula, wala pang maraming awitin, at wala ring masyadong maraming video ng patotoong batay sa karanasan. Umasa lang ito sa patuloy na pakikipagbahaginan ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Ang mga manggagawa ng ebanghelyo ay nagsasalita hanggang sa mapagod ang kanilang mga bibig, nang walang nakikitang anumang makabuluhang resulta, at mahirap magkamit ng kahit isang tao. Matapos gumawa ang iglesia ng iba’t ibang uri ng video, naging mas magaan ang gawain ng mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, at mas madali kaysa dati, at mas bumuti ang kahusayan ng gawain. Ang ilang tao ay matigas ang ulo at konserbatibong mag-isip, at kapag ipinangaral mo sa kanila ang ebanghelyo, kahit gaano ka pa makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, hindi ito gumagana, at pinananatili nila ang kanilang mga kuru-kuro at tumatanggi silang tanggapin ito—ano ang gagawin mo kung gayon? Ipapanood mo sa kanila ang isa o dalawang pelikula ng patotoo sa ebanghelyo, at sasailalim sa pagbabago ang kanilang mga kuru-kuro, at magsisimula silang magkaroon ng magandang pakiramdam tungkol sa tunay na daan. Kapag muli silang naghanap, wala nang malalaking hadlang o balakid sa puso nila, at kapag muli kang nakipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, madali na nila itong matatanggap. Kaya naman, talagang maliwanag ang mga resulta kapag ipinapakita mo sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang mga pelikulang ginawa ng sambahayan ng Diyos, o kapag binabasa mo sa kanila ang mga salita ng Diyos, o kapag ipinapakita mo sa kanila ang mga video ng patotoong batay sa karanasan—ang paggawa nito ay mas epektibo kaysa sa anumang dami ng salitang sasabihin mo sa kanila. Kahit sino pa ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan, ipapanood mo muna sa kanila ang ilang pelikula, at pagkatapos ay ipabasa sa kanila ang marami pang salita ng Diyos, nang sa gayon ay maihanda ang daan para sa kanila. Pagkatapos nito, makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan para lutasin ang kanilang mga kuru-kuro. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay. Sa panahon ngayon, ang mga nagsisiyasat sa tunay na daan ay nakapanood na sa internet ng maraming pelikula at video ng patotoo na gawa ng sambahayan ng Diyos, at partikular na ay nakabasa na sila ng maraming salita ng Diyos; bago pa man sila magsimulang maghanap at magsiyasat, mayroon na silang magandang pakiramdam tungkol sa tunay na daan, at halos kinilala na nila na ito ang tunay na daan. Mayroon ba kayong anumang natuklasan dito? Ang mga pelikulang ito, mga video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos, mga video ng patotoong batay sa karanasan, mga video ng himno, at ang iba pang ginagawa ng sambahayan ng Diyos ay napaka-epektibo sa pagpapatotoo sa Diyos! Hindi kailangang mag-aksaya ng laway sa pakikipagbahaginan at pakikipagdebate sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo; sa sandaling mapanood nila ang mga video na ito, magagawa nilang tanggapin ang tunay na daan. Dahil dito, napakalaki ng natitipid na oras ng mga nangangaral ng ebanghelyo, at ipinapakita nito kung gaano kamakapangyarihan ang lahat ng alternatibong suporta para sa pangangaral ng ebanghelyo! Napakasagana ng iba’t ibang uri ng mapagkukunan para sa pangangaral ng ebanghelyo! Maraming potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang namamangha kapag nagsisiyasat sila sa gawain ng Diyos online, dahil napakaraming makikita sa website ng sambahayan ng Diyos at napakarami ng nilalaman nito! Masagana ang mga salita ng Diyos, napakaraming klase ng pelikula at video, at napakarami rin ng mga patotoong batay sa karanasan at mayroon ng lahat ng kakailanganin mo. Tunay na ito ang resulta ng gawain at patnubay ng Banal na Espiritu! Lahat ng ito ay talagang nagmumula sa gawain ng Diyos. Gaano man nagpapakalat ng mga tsismis na walang batayan ang malaking pulang dragon at ang mundo ng relihiyon at gaano man dungisan ng mga ito ang gawain ng Diyos, walang epekto ang lahat ng ito. Ano’t anuman, ang mga resultang natamo, at ang mga bungang naani, ng lahat ng aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay malinaw na nakikita ng lahat, at ang mga ito ay mga katunayang naisakatuparan ng mga salita ng Diyos.

Sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang lahat ng aytem sa gawain ng sambahayan ng Diyos ay inoorganisa sa napakasistematikong paraan at umuusad sa maayos na paraan. Ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang napakahalaga, pangmatagalan, at napakahirap na aytem ng gawain. Samakatwid, ang mga gumagawa sa gawain ng ebanghelyo, mga superbisor man sila o mga ordinaryong manggagawa ng ebanghelyo, ay dapat makumpirma ang kahalagahan ng gawaing ito sa kanilang mga puso. Bagama’t nasa unang hanay mismo kayo gumagawa ng gawain ng ebanghelyo at gumagawa ng inyong mga tungkulin, sa inyong likuran naman, ibig sabihin, sa likod ng mga eksena, maraming kapatid ang gumagawa ng iba’t ibang uri ng pansuportang gawain, at sila ang puwersang umaalalay sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Nakasentro ang lahat ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang mga tungkuling ginagampanan ng lahat ng hinirang ng Diyos ay nagseserbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Bawat kapatid na gumagawa ng tungkulin ay may bahagi sa gawain ng ebanghelyo, at ang bawat aytem ng gawain ay may malapit at malalim na kaugnayan sa gawain ng ebanghelyo. Sa madaling salita, bawat aytem ng gawain, kabilang na mismo ang gawain ng ebanghelyo, ay isang tungkulin na dapat magawa nang maayos para magpatotoo tungkol sa gawain ng Diyos, ang anumang aytem ng gawain ay may malapit na kaugnayan sa pinakamahalagang gawain, at iyon ay ang pagpapatotoo tungkol sa Diyos. Ito ay ganap na tumpak. Samakatwid, inilalagay ng sambahayan ng Diyos ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa unahan ng listahan ng lahat ng aytem ng gawain, at ito ang numero uno sa lahat ng iba’t ibang aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ay ganap na naaangkop. Ito ay isang malaki, mahirap, at pangmatagalang aytem ng gawain, at ang bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos, bawat isang taong sumusunod sa Diyos, ay kailangang mayroong tibay, pasensiya, at sapat na pananalig para maghanda na gawin nang maayos ang gawaing ito, at lumaban sa mahabang labanang ito. Magpursige man kayo sa loob ng 10 taon, 20 taon, o 30 taon, kailangang palagi kayong maging tapat sa Diyos, ialay ang buhay at buong panahon ng buhay ninyo sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at maging tapat sa Diyos hanggang sa huli. Isa itong mahalagang responsabilidad na obligadong pasanin ng bawat taong sumusunod sa Diyos, tungkulin ito ng lahat ng tao, at ito rin ang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa lahat.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi Kong ito, nagkaroon ba kayong lahat ng kasigasigan sa puso ninyo, at sinimulan na ba ninyong ituring na mahalaga ang gawain ng ebanghelyo? Sinabi ng ilang tao noon, “Wala akong anumang nauunawaang teknikal na propesyon, hindi ako marunong umarte at hindi ako puwedeng maging artista, wala akong matibay na pundasyon pagdating sa paggamit ng mga salita, kaya hindi ako marunong magsulat ng mga artikulo, hindi ako nakakaunawa ng musika at lalong wala akong alam sa sining. Ito ay dahil hindi ako mahusay sa anumang bagay kaya ako itinalaga sa isang pangkat ng ebanghelyo. Hindi ba’t ang mga pangkat ng ebanghelyo ang katumbas ng napabayaang sulok sa likod ng sambahayan ng Diyos? At dahil napunta ako sa napabayaang sulok, may pag-asa pa ba akong matamo ang kaligtasan?” Ganito ba ang kaso? Kung ganoon talaga ang pagkaunawa mo sa sitwasyong ito, nagkamali ka ng pag-unawa sa Diyos: Ang pangangaral ng ebanghelyo ay ang tungkuling obligasyon ng bawat tao. Kung hindi ka mahusay sa anumang bagay at wala kang anumang nauunawaang teknikal na propesyon, at ang kaya mo lang gawin ay mangaral ng ebanghelyo, ikaw ay isasaayos na gumawa ng iyong tungkulin sa isang pangkat ng ebanghelyo. Ito na ang huling pagkakataon mo, at ito ay ginagawa upang matiyak na hindi ka masasayang, at magagamit ka hangga’t maaari, upang magampanan mo ang iyong papel bilang tao sa abot ng makakaya. Hindi ka mahusay sa anumang bagay at mabagal ang isip mo sa lahat ng ginagawa mo, pero kaya mong gawin nang maayos ang tungkulin ng pangangaral sa ebanghelyo, at kahit pa utusan kang maghanap ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, kaya mo itong gawin nang praktikal, at ipasa ang mga natagpuan mong potensyal na tatanggap ng ebanghelyo sa mga tagapangaral ng ebanghelyo. Kasabay nito, maaari kang unti-unting matuto kung paano ipangaral ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang mga layunin ng Diyos, at dalhin ang mga tao sa harapan ng Diyos. Hindi ba’t ito ang tungkulin mo? Ang ibang tao ay nagkakaroon ng mga resulta sa pamamagitan ng pakikilahok sa gawaing nakabatay sa teksto, gawain ng paggawa ng pelikula, at iba pang uri ng gawain, pero hindi ka marunong gumawa ng mga bagay na ito, at wala kang mga espesyal na talento o kaloob, subalit iniaalay mo ang iyong lakas sa gawain ng ebanghelyo, ibinibigay mo ang lahat ng iyong makakaya at tinutupad ang iyong tungkulin, at pinapasan mo ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, hindi ba’t mabubuting gawa ang mga ito? Ang mga ito ay mabubuting gawa rin, at tatandaan ng Diyos ang mga ito. Natutupad nito ang mga salitang ito: Hindi pinag-iiba sa pagiging marangal o mas mababa ang mga tungkuling ginagawa ng mga tao; ang mahalaga lang ay kung tapat ka sa iyong tungkulin at kung ginagawa mo ito sa paraang pasok sa pamantayan. Tinatrato ng Diyos nang patas at pantay ang lahat ng tao; dahil wala kang kayang gawin, hiniling sa iyo na ipangaral ang ebanghelyo—ginawa ito para bigyan ka ng pagkakataong gampanan ang huling posibleng papel mo, sa mga sitwasyong hindi mo magawang umako ng anumang ibang tungkulin. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ka ng isang pagkakataon at kaunting pag-asa; hindi ka pinagkakaitan ng karapatang gawin ang iyong tungkulin. Mayroon pa ring atas ang Diyos para sa iyo, at wala Siyang pagkiling laban sa iyo. Samakatwid, ang mga itinalaga sa mga pangkat ng ebanghelyo ay hindi ipinapadala sa isang napabayaang sulok, ni inaabandona, sa halip, ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ibang lugar. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain para sa gawain ng ebanghelyo, ngayon ba ay mas pinahahalagahan na ninyo ang gawain ng ebanghelyo at wala na kayong mga maling pagkaunawa tungkol dito? (Oo.) Kung gayon, magiging mapagmalaki ba kayo tungkol dito? Anuman ang tungkuling ginagawa ng mga tao, hindi nagbabago ang mga hinihingi ng Diyos sa kanila: Nais ng Diyos ang kanilang katapatan at sinseridad. Kung sasabihin mo, “Mananatili lang akong tahimik, hindi ako magmamalaki, gagawin ko lang ang ipinapagawa ng Diyos sa akin,” pero wala kang katapatan, walang sinseridad, hindi iyon sapat. Paano mo man naaarok ang gawain ng ebanghelyo, sa anumang kaso, kung nagtataglay ka ng katapatan at sinseridad, magiging pasok sa pamantayan ang paggampan mo ng iyong tungkulin. Kahit gaano pa kaayos ang pagtrato mo sa tungkulin ng pangangaral sa ebanghelyo o gaano man kapositibo ang saloobin mo rito, kung hindi mo kayang magtiis ng paghihirap, at wala kang tibay at wala kang katapatan, hindi rin sapat iyon. Kung kaya, hindi mahalaga kung saan ka inilagay, kung anong oras o lugar ka naroroon, kung sinong mga tao ang nakakasalamuha mo, at kung anong tungkulin ang ginagawa mo. Palagi kang nakikita ng Diyos at sinisiyasat ang kaibuturan ng puso mo. Huwag mong isipin na dahil miyembro ka ng pangkat ng mga taga-ebanghelyo ay hindi ka na binibigyang-pansin ng Diyos o na hindi ka Niya nakikita, at kaya puwede mong gawin ang anumang gusto mo. At huwag mong isipin na kung itinalaga ka sa isang pangkat ng ebanghelyo, wala ka nang pag-asa na maligtas, at pagkatapos ay negatibo mo itong haharapin. Ang ganitong mga paraan ng pag-iisip ay parehong mali. Saan ka man inilagay o anuman ang tungkuling isinaayos para gawin mo, iyon ang dapat mong gawin, at dapat mo itong gawin nang masigasig at nang may pananagutan. Hindi nagbabago ang mga hinihingi ng Diyos sa iyo, at kaya, hindi rin dapat magbago ang pagpapasakop mo sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang katayuan ng mga manggagawa ng ebanghelyo ay katulad ng sa mga taong gumagawa ng iba pang mga tungkulin; ang halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa tungkuling ginagawa niya, kundi sa kung hinahangad ba niya ang katotohanan at nagtataglay ba siya ng katotohanang realidad. Ito na ang lahat ng ibabahagi Ko tungkol sa gawain ng ebanghelyo, itong malaki at partikular na aytem ng gawain.

IV. Iba’t Ibang Uri ng Propesyonal na Gawain

Ikaapat na aytem, iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Kabilang dito ang paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, musika, sining, pagsasalin, at iba pa. Sinasabi ng ilang tao, “Kaming mga gumagawa ng mga costume ay kasali rin sa gawain ng paggawa ng pelikula. Maituturing bang isang uri ng gawain ang paggawa ng mga costume?” Ang paggawa ng mga costume ay kabilang sa mga uri ng gawain ng paggawa ng pelikula at musika; isa itong uri ng pansuportang gawain na kaakibat ng ganitong mga uri ng gawain. Sa bawat yugto, may partikular na mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos hinggil sa mga partikular na hinihingi para sa ganitong mga uri ng propesyonal na gawain. Ang ilan ay ipinagbibigay-alam nang nakasulat, at ang iba naman ay ipinagbibigay-alam nang pasalita sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon. Paano man ipinagbibigay-alam ang mga ito, dapat pasanin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad para sa mga ito, itala ang mga partikular na hinihingi na iniatas ng sambahayan ng Diyos para sa aytem na ito ng gawain at ayusin ang mga talang ito, at pagkatapos ay magbigay ng kongkretong pakikipagbahaginan tungkol sa mga ito at makibahagi sa tiyak na pagpapatupad ng mga ito. Isa rin itong malaking aytem ng gawain, at ito ang ikalawang partikular na aytem ng gawain pagkatapos ng gawain ng ebanghelyo. Pagdating sa partikular na aytem na ito ng gawain, hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng tauhang nasa iba’t ibang propesyon na patuloy na mag-aral ng propesyonal na kaalamang may kinalaman sa kanilang mga tungkulin, at magsaliksik din ng impormasyon para matiyak kung anong mga bagay ang kapaki-pakinabang para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kasabay nito, patuloy na nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa mga katotohanang prinsipyo at nagbibigay ng mga kongkretong plano para sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Minsan, ang ganitong mga uri ng gawain ay sabay-sabay na pinagbabahaginan sa mga superbisor at mga miyembro ng pangkat, at minsan naman, pinagbabahaginan ang mga ito para lamang sa mga lider, manggagawa, at superbisor na responsable sa naturang partikular na aytem ng gawain. Ipinagbibigay-alam at pinagbabahaginan man ang mga ito nang nakasulat o sa pamamagitan ng mga pagtitipon, sa anumang kaso, patuloy na pinaghuhusay at ginagawang alinsunod sa pamantayan ang ganitong mga uri ng gawain, at ang mga partikular na pagsasaayos ay palaging ginagawa ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Halimbawa, sabihin nating gumagawa ang sambahayan ng Diyos ng isang pelikula na medyo bago ang tema, at talagang propesyonal na kinunan ang pelikula. Matapos ma-upload ang pelikula online, nakakatanggap ito ng mataas na bilang ng mga nakapanood. Sa ganitong sitwasyon, gumagawa ng mga partikular na hinihingi ang sambahayan ng Diyos para sa ganitong klase ng gawain batay sa komento at mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Sa madaling salita, ang aytem na ito ng gawain ay patuloy na ibinubuod at pinaghuhusay, at patuloy rin itong lumalago.

Para sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, hinihingi ng mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos na higit na mag-aral ang mga tao, at maghanap ng mga guro at iba’t ibang uri ng mga mapagkukunan at materyales sa pagtuturo na maaaring pag-aralan. Halimbawa, sa pagkanta: ang paghahanap ng isang guro upang magturo at magbigay ng pagsasanay sa pagkanta ay isa ring partikular na pagsasaayos ng gawain. Pagkatapos marinig ang pagsasaayos na ito, dapat maghanap ang mga lider at manggagawa ng isang guro na angkop sa gawaing ito nang naaayon sa mga hinihingi ng Itaas at paturuan sa kanya ang mga mang-aawit natin, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mang-aawit na mag-aral ng tamang kaalaman sa pag-awit at tamang paraan ng pagkanta, at siyempre, kailangang makahanap ng mga klasikong gawa na puwedeng pag-aralan. Dapat palaging pag-aralan ang propesyonal na kaalaman tungkol sa komposisyon ng musika at pagkanta ng koro, at palaging hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa mga tao na patuloy na mag-aral ng propesyonal na kaalamang may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin, at mag-aral kung paano gamitin ang ilang pinaunlad at praktikal na pamamaraan, at iba pa. Ang mga pagsasaayos at mga hinihinging ito ng gawain ay hindi lang isang beses na iniaatas at pagkatapos ay iyon na ang wakas ng usapin, sa halip, hinihingi sa mga lider at manggagawa na madalas na magbahaginan tungkol sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, gabayan ang mga nasa propesyonal na gawain, binibigyang-daan na patuloy silang mag-aral, at pinagsusumikapang umunlad at patuloy at epektibong humusay ang lahat ng uri ng propesyonal na gawain, at hindi manatiling walang pag-usad. Iniisip ng ilang tao, “Iniaatas sa atin ngayon ang mga pagsasaayos ng gawain, kaya kailangan lang nating isagawa ang mga ito ngayong buwan at tapos na ang usapin. Kung walang sasabihin ang Itaas tungkol dito sa hinaharap, marahil ay hindi na natin kailangang patuloy na isagawa ang mga ito.” Ito ba talaga ang kaso? (Hindi.) Hinding-hindi dapat mag-isip nang ganito ang mga lider at manggagawa, kundi kailangan nilang patuloy na mag-usisa paminsan-minsan at magtanong, “Kumusta na ang pag-aaral ninyo sa propesyong ito? Mayroon ba kayong anumang suliranin? Mayroon bang anumang taliwas o labag sa mga prinsipyo? Sino ang pinakamahusay sa kanyang pag-aaral, sino ang pinakadalubhasa, at sino ang pinakamabilis na natuto? Matapos pag-aralan ang mga teoryang ito, alin sa mga natutunan ninyo ang sa tingin ninyo ay angkop gamitin para sa gawain ng sambahayan ng Diyos?” Bukod pa rito, dapat tanungin ng mga lider at manggagawa ang mga taong nasa mga pangkat ng ebanghelyo na nag-aaral ng mga banyagang wika, “Ilang taon ka nang nag-aaral ng banyagang wikang ito? Kumusta na ang pag-aaral mo kamakailan? Ilang pang-araw-araw na usapan ang maaari mong gawin? Kaya mo bang magsalin ng mga karaniwang espirituwal na termino? Kaya mo bang gamitin ang banyagang wikang ito para ipaalam ang mga katotohanang ito na may kaugnayan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? Sa kasalukuyan, mas magaling ka ba sa pagsasalita o sa pagsusulat? Kailangan mo ba ng guro para matulungan kang mag-aral? Mayroon pa bang iba na mas angkop at mas sanay sa pag-aaral ng mga banyagang wika? Dumami ba ang ganitong mga uri ng tauhan? Nararamdaman ba ng sinuman na masyadong nakakaabala at mahirap ang pag-aaral ng wika, kaya ayaw na niyang mag-aral nito, at humihinto siya sa kalagitnaan, at gusto na niyang lumipat sa ibang tungkulin?” Ang mga partikular na usaping ito na may kaugnayan sa ganitong uri ng gawain ay kailangang usisain at pangasiwaan paminsan-minsan. Dahil gumawa ang Itaas ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain, dapat maging responsable ang mga superbisor para sa mga partikular na gampaning ito hanggang sa pinakawakas. Huwag pasibong maghintay na mag-usisa ang Itaas; kung hindi mag-uusisa ang Itaas sa loob ng anim na buwan o isang taon, dapat mo pa ring gawin nang maayos ang lahat ng gawain, sa abot ng iyong makakaya, at maging handang tanggapin ang inspeksiyon at gabay ng Itaas sa lahat ng oras—ito ang tamang mentalidad. Ito ay dahil naiatas at naipagbigay-alam na ang mga pagsasaayos ng gawain, at responsabilidad mo ang pagsubaybay sa gawain bilang ang superbisor nito, kaya dapat mong tuparin ang iyong mga responsabilidad. Gayumpaman, kung hindi mo matupad ang iyong mga responsabilidad, wala kang kuwenta, at dapat kang tanggalin at itiwalag. Kaya, ang mga lider at manggagawa ay dapat madalas magnilay-nilay at magbahagi tungkol sa mga partikular na pagsasaayos na ito ng gawain o mga pagbabahaginan mula sa ang Itaas, at pagkatapos ay ipatupad ang mga ito at subaybayan ang gawain ayon sa sitwasyon. Dapat nilang tingnan kung anong uri ng mga gawain ang nakaligtaan nila kamakailan, at hindi nasuri sa loob ng matagal na panahon, at kung aling mga gawain ang hindi nila masyadong kabisado at hindi nila nakumusta kamakailan, at kung kaninong estado ang hindi nila alam bilang resulta ng mga bagay na ito, at pagkatapos ay suriin ang mga ito. Higit pa rito, pagdating sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, mayroon pang isang partikular na pagsasaayos ang sambahayan ng Diyos: Hinihingi nito na patuloy na tuklasin, linangin, at iangat ang mga kaukulang indibidwal na may talento. Kaya, ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kapag natanggap nila ang pagsasaayos na ito ng gawain? Dapat nilang bigyang-pansin kung mayroon bang sinuman na angkop sa ganitong uri ng gawain. Kung angkop ang ilang tao sa ganitong uri ng gawain pero hindi sila gaanong bihasa sa teknikal na propesyon, kailangan silang agad na malinang at maisaayos na mag-aral at magsanay rito. Sa madaling salita, mahalagang aytem din ng gawain ang iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Napakaraming aytem ang kabilang sa gawaing ito, at malawak din ang saklaw nito, at maraming partikular na pagsasaayos ng gawain ang ginawa ng sambahayan ng Diyos para dito. Ang hinihingi para sa aytem na ito ng gawain ay ang palagiang pag-aaral, pagbubuod, at pagpapahusay, at kailangan ding makahanap ng mga angkop na prinsipyo para isakatuparan ang tuloy-tuloy na pag-abot sa pamantayan. Bukod dito, dapat patuloy na linangin ang mga taong may talento na angkop sa paggawa ng mga tungkuling ito. Ito ang pagsasaayos ng gawain para sa malaking aytem na ito ng iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, at madali rin itong maunawaan.

V. Buhay Iglesia

Ikalimang aytem, buhay iglesia. Gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos at mga tuntunin patungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, patungkol sa pagkakaayos ng buhay iglesia, at sa bilang ng mga taong namumuhay ng buhay iglesia. Mayroon ding mga kaukulang pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos patungkol sa pagkakaayos ng mga pagtitipon at sa nilalaman ng buhay iglesia sa ilalim ng mga espesyal na pangyayari at sitwasyon. Kadalasang iniaatas nang nakasulat ang ganitong mga uri ng pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain para sa buhay iglesia ng mga baguhan sa iba’t ibang bansa—ang pagkakaayos at dalas ng kanilang mga pagtitipon, at ang nilalaman na kanilang kinakain at iniinom sa mga pagtitipon, at iba pa—ay halos pareho sa mga pagsasaayos ng gawain para sa buhay iglesia ng mga lahing Tsino, maliban sa ilang espesyal na sitwasyon. Kabibigay Ko lang sa inyo ng pangkalahatang ideya ng saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain na kaugnay sa buhay iglesia—kabilang dito kapwa ang nilalaman ng mga salita ng Diyos na kinakain at iniinom at ang nilalaman sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan sa mga pagtitipon para sa kamakailang panahon, at pati na ang pagkakaayos ng pagbabahaginan sa mga pagtitipon. Halimbawa, ang isang tao ay hindi pinahihintulutang mangibabaw sa pagbabahaginan sa mga pagtitipon, ang limitasyon sa haba ng oras na maaaring makipagbahaginan ang bawat tao, kung paano tratuhin at pangasiwaan ang mga tao na masyadong mahaba magsalita at hindi malinaw na nagpapahayag ng kanilang sarili, at iba pa—may mga partikular na pahayag tungkol sa mga partikular na bagay na ito na nauugnay sa buhay iglesia at sa mga pagtitipon sa mga pagsasaayos ng gawain. Sa isang banda, ang mga lider at manggagawa ay responsable sa pag-aatas at pagbibigay-alam ng mga pagsasaayos na ito ng gawain, at sa kabilang banda, sila ay responsable sa pakikipagbahaginan tungkol sa mga ito nang malinaw sa mga kapatid, binibigyang-daan ang lahat ng miyembro ng iglesia na maunawaan at matanggap ang mga pagsasaayos ng gawain, at pagkatapos nito, kailangan na lamang nilang mahigpit na isagawa at sundin ang mga ito. Lalo na, iyong mga madalas na lumilihis sa paksa, nagsasanhi ng mga pagkagambala, nagsasabi ng mga salita at doktrina, at sumisigaw ng mga islogan kapag nagsasalita sa mga pagtitipon ay dapat paghigpitan, at mayroong mga partikular na tuntunin patungkol sa ganitong mga uri ng mga espesyal na pangyayari sa mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay iglesia ay pangunahing nauugnay sa lahat ng iba’t ibang bagay na may kinalaman sa mga pagtitipon, hindi komplikado ang mga ito, kundi napakasimple, at anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao, kailangan lang niyang sundin ang mga prinsipyo ng mga pagsasaayos na ito ng gawain. Halimbawa, sa mga pagtitipon, kailangan lang sundin ng mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo ang mga prinsipyo sa mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay iglesia—walang espesyal sa mga ito. Ang ibang mga pangkat ay gumagampan lang ng iba’t ibang gawain mula sa ibang mga tao, pare-pareho ang lahat pagdating sa mga bagay tulad ng mga pagtitipon, pagbabahaginan sa katotohanan, pagdarasal-pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagbabahaginan tungkol sa mga personal na karanasan—hindi lumalagpas sa saklaw na ito. Kailangan lamang nilang magsagawa ayon sa mga kasalukuyang tuntunin ng sambahayan ng Diyos patungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, sa uri ng pagbabahaginan, at sa pagkakaayos ng mga pagtitipon. Kung mapapahintulutan ng mga kalagayan, puwedeng magtipon-tipon sa personal ang mga tao, kung hindi, puwede silang magdaos ng mga pagtitipon online. Dapat itong maging napakasimple at malinaw na naitakdang usapin. Ang ilang miyembro ng iglesia ay nakakalat sa iba’t ibang kontinente at bansa, may ilan sa Europa at may ilan naman sa Gitnang Silangan; sa ganitong uri ng sitwasyon, kinakailangan ang mga online na pagtitipon. Ang mga lokal na iglesia na ang bahalang magpasya sa oras at dalas ng kanilang mga pagtitipon; hindi gumagawa ng mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos patungkol sa usaping ito, ni hindi ito nakikialam dito. Bakit hindi nakikialam ang sambahayan ng Diyos sa usaping ito? Ang ilang tao sa iglesia ay hindi full time na gumagampan sa kanilang mga tungkulin; may mga trabaho at pamilya sila, magkakaiba ang kanilang mga indibidwal na sitwasyon, at saka, magkakaiba rin ang mga time zone ng iba’t ibang bansa, kaya, dapat na sila ang pahintulutang magpasya kung ilang beses sa isang linggo sila magtitipon at kung anong oras gaganapin ang bawat pagtitipon. Walang mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos tungkol dito, sa halip, nagbibigay lang ito ng prinsipyo. Nagbigay ng tuntunin ang sambahayan ng Diyos sa saklaw ng kung gaano kadalas magtitipon ang mga bagong mananampalataya kada linggo, at may kaibahan sa bilang ng mga pagtitipon sa pagitan ng mga gumagawa ng kanilang tungkulin at ng mga hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin. Mayroon bang pagsasaayos ng gawain na hinihingi sa mga bagong mananampalataya na magtipon nang pitong beses sa isang linggo? (Wala.) Kung gayon, ano ang batayan ng bilang ng mga pagtitipon ng mga bagong mananampalataya kada linggo? (Nakabatay ito sa oras ng mga bagong mananampalataya.) Ang pagtitipon nang dalawa o tatlong beses sa pinakamadalas sa isang linggo, at kahit isang beses man lang, ay ganap na naaangkop. Sinasabi ng ilang tao, “Wala talagang ginagawa ang mga tao sa lugar namin sa panahon ng matumal na pagsasaka, kaya gusto ng lahat na magtipon-tipon araw-araw—ayos lang din sa amin ang magtipon dalawang beses sa isang araw. Gusto talaga naming magtipon.” Ang puso ng mga bagong mananampalataya ay puno ng kasigasigan, at palagi nilang gustong makaunawa ng higit na katotohanan. Kung paborable sa mga sitwasyon ng kanilang pamilya, mabuting bagay kung hihilingin nilang dumalo sa mas maraming pagtitipon, basta’t hindi ito nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang partikular na bilang ng pagtitipon ng mga tao kada linggo ay dapat pagpasyahan ayon sa mga sitwasyon ng pamilya at trabaho ng hinirang na mga tao ng Diyos sa bawat lugar—hindi gumagawa ng mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos tungkol sa usaping ito. Iyong hinirang na mga tao ng Diyos na may mga kondisyon na gawin ito ay maaaring magtipon nang mas madalas, at makakaunawa sila ng mas maraming katotohanan at mas mabilis na lalago ang kanilang buhay. Mabuting bagay ito. Gayumpaman, iyong mga walang angkop na kondisyon ay hindi magiging akma na makipagtipon sa ganitong paraan, at ayos lang na dumalo sila sa kahit isa o dalawang pagtitipon kada linggo. Ang bilang ng pagtitipon ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar kada linggo ay nakasalalay sa pagpapasya ng hinirang na mga tao ng Diyos, at walang sinuman ang dapat makialam dito. Ang pinakamahalaga ay na idinaraos ang mga pagtitipon upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at hindi para sa anumang ibang dahilan. Kaya naman, ang bilang ng idinaraos na mga pagtitipon ng bawat iglesia ay pinagpapasyahan ayon sa mga partikular na sitwasyon nito. Kung makakadalo ang hinirang na mga tao ng Diyos sa isa pang dagdag na pagtitipon kada linggo, mas makabubuti iyon para sa kanilang paglago sa buhay. Kung may mga tao na hindi naghahangad sa katotohanan at ayaw dumalo sa mas maraming pagtitipon, hindi ito dapat ipilit sa kanila. Lalo na para sa mga sinusuwelduhang empleyado na medyo mas abala at walang panahon na dumalo sa mas maraming pagtitipon, hindi dapat hingin sa kanila na gawin ito. May kakayahan mang dumalo sa mga pagtitipon ang mga tao o kung ilang beses man silang nagtitipon, ang sambahayan ng Diyos ay hindi nakikialam o nagpapataw ng anumang limitasyon. Ito ay dahil pawang magkakaiba ang mga sitwasyon at pinagmulan ng mga indibidwal na mananampalataya, at kaya, hindi sila dapat pilitin. Tungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, ang sambahayan ng Diyos ay may mga kaukulang tuntunin sa mga pagsasaayos ng gawain nito, at kailangang malinaw ang pagkaunawa rito ng mga lider sa lahat ng antas sa iglesia at ng mga kapatid. Kailangang tumpak na maunawaan ng mga lider at manggagawa kung ano ang partikular na mga gampanin at usapin na dapat isakatuparan ayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas, at kailangang bantayan din ng mga kapatid kung ginagampanan ng mga lider at manggagawa ang gawaing ito. Pagdating sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, at sa mga pagsasaayos ng gawain na may kaugnayan sa mga pagtitipon na kailangang maunawaan at masunod, kailangang magkaroon ng kasunduan ang mga lider at manggagawa sa hinirang na mga tao ng Diyos—talagang hindi puwedeng mayroong pagkakaiba-iba. Ang mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay iglesia ay napakasimple, madaling maunawaan ng mga tao, at hindi malabo.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.