Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (18) Ikaapat na Seksiyon

D. Pagkilatis sa Iba’t Ibang Uri ng Walang Batayang mga Tsismis na Nagbibigay ng Maling Interpretasyon sa mga Salita ng Diyos at Humuhusga sa Gawain ng Diyos

Saan nagmumula ang uri ng mga tsismis na tinalakay natin kanina? Nagmumula ang mga ito sa malaking pulang dragon, mula sa relihiyosong mundo, at mula sa mga walang pananampalataya. Bukod sa mga tsismis mula sa mundo sa labas, may ilan ding kasabihan at sabi-sabi tungkol sa loob ng iglesia. May mga ganap na walang katotohanang pahayag pa nga tungkol sa Diyos, sa gawain ng Diyos, sa araw ng Diyos, at sa ilan sa mga salita ng Diyos, pati na rin sa ilang misteryong may kinalaman sa Diyos at sa gawain Niya, na nililikha ng mga tao batay sa mga imahinasyon at kuru-kuro nila, o batay sa patuloy na paghahatid ng maling impormasyon at walang batayang haka-haka. At dahil iniimbento ng mga tao ang mga gayong kasabihan, sabi-sabi, at pahayag, nabubuo ang mga tsismis na ito. Kapag nabuo na ang mga tsismis, ang ilang tao na mahilig sa mga tsismis ay nagiging masigla tungkol sa pagpapakalat ng mga ito, itinuturing na totoo ang mga tsismis at ipinapakalat ang mga ito kung saan-saan, napakalinaw at napakadetalyado ang paglalarawan nila sa mga ito kaya ang ilang tao na walang kamalayan sa totoong kalagayan ng mga pangyayari, at hindi nakauunawa sa katotohanan at mga hangal at mangmang, ay tunay na naililihis ng mga tsismis na ito. Kapag nailihis na sila, naaapektuhan at naguguluhan ba sila? (Oo.) Mga karaniwang isyu rin ang mga ito na lumilitaw sa iglesia. Bagama’t ang mga tsismis na ito ay hindi malubha kumpara sa iyong mga naninira at bumabatikos sa Diyos at sa sambahayan ng Diyos—hindi sinisiraan ni nilalapastangan ng mga ito ang Diyos—at bagama’t hindi nagdudulot ang mga ito ng anumang kaguluhan o pinsala sa gawain ng Diyos, nakaaapekto pa rin ang mga ito sa buhay pagpasok ng ilang tao at dapat na pigilan ang mga ito. Halimbawa, kapag nakakarinig ang ilang tao ng ilang mapanlinlang na komento, pinaniniwalaan nila ang mga ito sa puso nila at mabilis nilang ipinapakalat ang mga ito sa mga nasa paligid nila na malapit sa kanila. Habang kumakalat ang mga tsismis, dumarami at kumpleto ang mga detalye, at sa huli, nagsisimulang magmukhang totoong mga pangyayari ang mga tsismis. Kumpleto ang mga elemento gaya ng oras, lugar, at mga karakter—ang mga gayong tsismis ay pasok sa mga kondisyon para maipakalat sa publiko, hindi ba? Anong impormasyon ang ipinapakalat? Sinasabi ng tsismoso, “May mahalaga akong dapat na sabihin sa inyo ngayon. Hindi mapapalagay ang kalooban ko kung hindi ko ito sasabihin; ni hindi ako makakatutok sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sabik na sabik ako tungkol sa usaping ito. Sa wakas, tayong mga nananampalataya sa Diyos ay may pag-asa na ngayon!” Kapag narinig ng lahat na may pag-asa, nagiging interesado at masigla sila; labis na kaakit-akit ang paksang ito. Sinasabi nila, “Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos. Lumitaw na ang ilang tanda na dati nang ipinropesiya ng Diyos tungkol sa katapusan ng gawain Niya. Halimbawa, ang kalagayan ng buwan at araw, ang sitwasyon sa Silangan at Kanluran, ang bilang ng hinirang na mga tao ng Diyos sa bawat bansa, kung ilang tao ang nakagagawa ng mga tungkulin nila, at iba pa—nasa harap na natin ngayon ang mga palatandaang ito ng pagtatapos ng gawain ng Diyos. Kailangan nating mabilis na maghanda!” Tinatanong ng isang tao, “Ano ang dapat nating ihanda?” Sinasabi ng tsismoso, “Dapat tayong maghanda ng mabubuting gawa at maghanda ng pagkain, at agad na ibigay ang lahat ng mga ipon natin bilang handog sa Diyos, pagkatapos ay matitiyak natin ang isang mabuting hantungan.” Sinasabi rin nila, “Sa ganito-at-ganyang taon at buwan, sa ganito-at-ganyang petsa, at sa ganito-at-ganyang oras, kailangan nating magtipon-tipon sa isang partikular na lugar kung saan maghihintay sa atin ang Diyos para kuhain tayo. Sinabi ng Diyos, ‘Kung hindi mo tatalikuran ang lahat, hindi ka karapat-dapat na maging disipulo Ko, at hindi karapat-dapat na maging tagasunod Ko.’ Ngayon ay dumating na sa wakas ang araw ng Diyos, at natupad na ang mga salita ng Diyos. Dapat nating bitiwan ang lahat ng makamundong bagay, hindi lang ang mga kinabukasan at karera natin kundi pati ang ating mga pamilya, kamag-anak, at makalamang ugnayan. Dapat nating talikuran ang lahat ng makamundong pagkakatali; tatagpuin natin ang Diyos!” Tinatanong ng karamihan ng tao, “Totoo ba ito?” Sinasabi ng tsismoso, “Oo, ibinenta ko ang bahay at kotse ko, at nag-withdraw na ako ng ipon ko. Kung hindi ka naniniwala sa akin, tingnan mo ang mga salita ng Diyos. Sa isang kabanata, ang pagsusuri sa isang partikular na pangungusap ay nagbubunyag ng isang lokasyon, at sa isa pang kabanata, ang pagsusuri sa isang partikular na sipi ay nagbubunyag sa taon at buwan….” Pagkarinig nito, may sinuman bang hindi napupukaw? May sinuman bang nakakikilatis sa mga salitang ito? Hindi ba’t ang mga bagay na ito ang labis na inaalala ng mga tao? Hindi ba’t ang mga bagay na ito ang matagal nang inaasam ng mga tao? Ang ilang tao, matapos na marinig ito at matapos tingnan ang mga salita ng Diyos at iniisip na tumutugma nga ito, ay nagsisimulang mag-isip ng alternatibong plano. Bagama’t nag-aalinlangan ang ilang tao sa loob-loob nila, umaasa pa rin sila na totoo ito, iniisip nila, “Bagama’t matagal pa ang tinukoy na taon at araw, kahit papaano ay may eksaktong petsa at oras, kaya may pag-asa tayo.” Bagama’t hindi talaga sila naniniwala rito, binibigyang-atensiyon pa rin nila ito. Ano ang ipinapahiwatig ng atensiyong ito? Ipinapakita nito na madaling naiimpluwensiyahan at nababahala ang mga tao sa mga bagay na ito. Kapag nagsimula nang kumalat nang husto sa iglesia ang ganitong klase ng tsismis, labis na masasabik ang 80 hanggang 90 porsiyento ng tao, at nagiging lubhang emosyonal, iniisip nila, “Sa wakas, parating na ang araw na inaasam natin! Narinig ng Diyos ang mga dasal natin! Mahal tayo ng Diyos at hindi Niya tayo inabandona!” Ano ang magiging mga kahihinatnan ng pagpapakalat ng mga gayong paksa sa mga pagtitipon? Makaaapekto ba ito sa emosyon ng lahat? Hindi ito matatanggihan ng mga tao, kahit na gustuhin nila; pupukol sa puso nila ang bawat pangungusap ng naturang tsismis, kaya magiging imposible na hindi sila maniwala. Pinakamalamang na paniwalaan ng mga tao ang mga salitang ito; kahit na hindi sila isandaang porsiyentong sigurado, hinihiling pa rin nila na sana ay totoo ito, iniisip nila, “Sa pagninilay-nilay sa kung gaano karaming paghihirap ang tiniis natin sa pagsunod sa Diyos—ang matakwil ng mundo, tugisin ng gobyerno, usigin ng relihiyosong mundo, halos hindi na makahinga, namumuhay sa palagiang pagkatakot—kailan matatapos ang mga araw na ito? Ngayon, dumating na sa wakas ang araw ng Diyos!” Ang mga ganitong pag-iisip ay nagpapabilis sa tibok ng puso mo: “Labis nating ginugol ang sarili natin para sa Diyos, napakatibay ng pananalig natin sa pagsunod sa Diyos; tiyak na totoo ang naririnig natin. Hindi na natin kailangang magpagala-gala at magdusa sa mundong ito—nararapat sa atin na hindi na gawin iyon!” Kapag may ganito kang kaisipan, at labis kang kumbinsido at napakarubdob ng damdamin mo tungkol sa tsismis na ito, gusto mo pa rin bang basahin ang mga salita ng Diyos? Sa puntong ito, hindi ba’t tila paimbabaw ang pagbabasa ng anumang sipi ng mga salita ng Diyos? Nadarama mo: “Bakit tila hindi na kinakailangan ngayon ang pagbabahagi ng pagkaunawang batay sa karanasan sa mga salita ng Diyos? Hindi na kailangan pang magdasal sa Diyos, tama? Dumating na ang araw ng Diyos, at malapit na nating makatagpo ang Diyos nang harap-harapan, kaya hindi ba’t ang pagdarasal ngayon sa Diyos ay mangangahulugan na hindi natin nirerespeto ang Diyos? Kapag namumuhay sa laman, nang malayo sa Diyos, kinailangan nating magbasa ng mga salita ng Diyos para ibsan ang pananabik natin. Ngayon, malapit na nating lisanin ang mundong ito at malapit na nating makatagpo ang Diyos nang personal, kaya hindi na kailangang basahin ang mga salita ng Diyos. Walang anumang ginagawa natin ngayon ang kasinghalaga ng pakikipagtagpo sa Diyos sa partikular na taon, buwan, araw, at oras na iyon. Kay ganda ng magiging pangyayaring iyon! Kumpara sa pakikipagtagpo sa Diyos sa araw na iyon sa lugar na iyon, tila napakawalang kabuluhan ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos.” Hindi ka na makatutok sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Hindi na mapakali ang puso mo, inaasam na dumating na agad ang araw na iyon! Hindi ba’t mahirap ipahayag ang lagay ng damdaming ito? Ang mga gayong tsismis ay sobrang nakaaakit sa panlasa ng karamihan at napakadaling kumalat sa loob ng iglesia. Ikakalat ito ng isang tao sa dalawang tao, sasabihin ito ng dalawang tao sa sampung tao, at lalo pang kakalat nang kakalat ang mga tsismis, mula sa isang iglesia patungo sa dalawang iglesia, mula sa dalawang iglesia patungo sa lima, palawak nang palawak ang pagkalat ng mga ito. Ano ang mga kahihinatnan? Ang mga tsismis na ito ay nagdudulot sa mga tao na pagdudahan ang Diyos, ilayo ang sarili nila mula sa Diyos, limutin ang tunay na pagmamahal ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, limutin ang tungkuling dapat nilang gawin, at limutin ang daan na dapat nilang sundan. Sa halip, lubos na nakatuon sila sa paghahangad na makita ang pagdating ng araw ng Diyos at makita kung makatatanggap sila ng mga pagpapala. Kapag talagang dumating na ang araw na iyon at walang nangyari, saka lang mapagtatanto ng mga tao na nagdulot ng pinsala sa buhay nila ang paniniwala sa mga tsismis. Kapag nagkagayon, makababalik ka pa ba sa dating ikaw, umaasal sa maayos na paraan, pinanghahawakan ang tungkulin mo, praktikal na hinahangad ang katotohanan, hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay, at umaasal at ginagawa ang tungkulin mo nang ayon sa mga salita ng Diyos? Lumipas na ang oras at hindi na maibabalik. Sino ang dapat sisihin para dito? Sisihin mo ang sarili mo dahil hindi ka kailanman naging isang taong naghahangad sa katotohanan. Lutang ang utak mo, at bilang resulta, napaniwala ka sa mga tsismis.

Para sa mga tao na nananampalataya sa Diyos pero hindi nakauunawa sa katotohanan, puwede silang madala ng isang tsismis sa isang napakalalim na hukay at masira sila. Ano ang ibig sabihin ng napakalalim na hukay? Sa simula, may normal kang pananampalataya sa Diyos at may pag-asa kang maligtas, pero naligaw ka ng iisang tsismis. Nang hindi mo napagtatanto, nailihis ka na ni Satanas, naniwala ka sa mga maladiyablong salitang sinabi ni Satanas at sinundan mo ito. Lumakad at naghangad ka ayon sa landas na inilatag ni Satanas para sa iyo, at habang mas lumalayo ka, mas nagdidilim ang puso mo, at mas napapalayo ka sa Diyos. Kapag ganap mo nang iniwanan at itinakwil ang Diyos, hindi ka lang nagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa Diyos sa puso mo, kundi ang mas malubha pa, nagkakaroon ka ng mga reklamo tungkol sa Diyos at pagtatatwa sa Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, hindi ba’t dulo na ito ng landas para sa iyo? Hindi ba’t ito ang napakalalim na hukay? Ito ba ang isang bagay na gusto mong makita? Kapag narating mo ang puntong ito, kaya mo pa rin bang magkamit ng kaligtasan? Hindi, at napakahirap nang bumalik. Bakit? Dahil tumigil na sa paggawa ang Diyos, tumigil na sa paggawa ang Banal na Espiritu, at napupuno ka na ng kadiliman. Isang mataas na pader ang itinayo sa pagitan mo at ng Diyos. Ano ang pader na ito? Ito ang mga kuru-kuro, imahinasyon, at tsismis na itinanim ni Satanas sa iyo, at mga personal na pagnanais. Ang kaalaman mo tungkol sa mga positibong bagay, tulad ng pagkakakilanlan, diwa, katayuan ng Diyos, at iba pa, ay biglang lumalabo at unti-unti pa ngang naglalaho. Sobrang nakakatakot ito. Hindi ba’t ito ay pagkahulog sa napakalalim na hukay? (Oo.) Kapag nasadlak ka sa ganitong sitwasyon, kaya mo pa rin bang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga para gawin ang tungkulin mo? Kaya mo pa rin bang tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan para makamit ang kaligtasan? Sinasabi Ko sa iyo, napakahirap nang bumalik. Ito ay pagiging naligaw! Kahit ang isang tsismis lang, kung hindi ka maingat kahit sandali at nalihis ka, puwedeng magkaroon ng mga hindi lubos maisip na resulta. Samakatwid, kapag lumilitaw sa iglesia ang mga gayong tsismis tungkol sa gawain ng Diyos, dapat na agad na pigilan at limitahan ang mga ito. Hindi dapat mag-imbento ang isang tao ng mga bagay-bagay nang walang batayan, at hindi dapat gumawa ng kung ano-anong kasinungalingan na gustong marinig ng mga tao, para ilihis at iligaw sila mula sa tamang landas. Kahit na gusto ng mga tao ang mga paksang ito, ano ang mabuting nagagawa nito kung tututukan ito ng isang tao sa kanyang puso at ipapakalat niya ang mga ito? Anong pakinabang ang maaaring makamit? Sinasabi ng ilang tao, “Puwedeng sabihin ng taong iyon ang anumang gusto niya, yamang bibig naman niya ito. Kaya hayaan siyang magsalita ayon sa gusto niya.” Depende iyan sa kung ano ba ang sinasabi. Kung isa itong bagay na nakapagpapatibay sa mga tao, puwede itong sabihin at ipalaganap—puwede itong ipalaganap sa anumang paraan. Pero ang mga tsismis na ito ay hindi nakapagpapatibay sa mga tao kahit kaunti; inililihis lang ng mga ito ang mga tao at inililigaw ang atensiyon nila, ginugulo ang paghahangad nila at inililigaw sila mula sa tamang landas, nakaaapekto sa ugnayan nila sa Diyos, nakaaapekto sa normal nilang paggampan ng tungkulin nila, at nakaaapekto sa normal na kaayusan ng gawain ng iglesia. Kapag tinanggap na ng mga tao ang mga tsismis na ito, para silang hindi makalabas sa isang pasikot-sikot at nakalilitong lugar. Kaya, kapag narinig mo ang mga tsismis na ito, kung sa iyo lang sinabi ang mga ito ng isang tao, dapat mong tanggihan ang mga ito. Kung sasabihin niya ang mga ito sa gitna ng ibang tao, hindi mo lang dapat tanggihan ang mga ito, dapat mo ring ilantad at himayin ang mga ito—huwag hayaang malihis ang mas marami pang tao. Lalo na sa kaso ng mga isa o dalawang taon pa lamang na mananampalataya, o dalawa o tatlong taon, hindi pa rin sila nakakikilatis sa mga usapin ng hantungan, pakikipagtagpo sa Diyos, at pagkakadala paitaas, hindi pa sila nagkakaroon ng interes sa katotohanan, at wala silang landas para sa paghahangad sa katotohanan at paghahangad ng disposisyonal na pagbabago sa pananalig nila. Sa mga gayong sitwasyon, sila ang pinakamadaling nalilihis at naiimpluwensiyahan ng mga tsismis na ito, at kapag nalihis na sila, hindi lubos maisip ang mga kahihinatnan. Para itong pagkonsumo ng lason; kahit na may kontralason, hindi ba’t napinsala na ang katawan mo? Kahit na makaligtas ka, puwede bang balewalain ang paghihirap at pinsala sa katawan mo? Samakatwid, kapag nahaharap sa mga tsismis na ito, dapat mong kilatisin at tanggihan ang mga ito, huwag tratuhin ang mga ito bilang mga kuwento, ni bilang mga totoong pangyayari. Ang ilang tao ay partikular na interesado sa mga tsismis na ito at ipinapalaganap at ipinapakalat nila ang mga ito sa lahat ng lugar, ibinabahagi ang mga ito sa iba na para bang ang mga ito ang katotohanan. Ano ang kalikasan nito? Hindi ba’t pagkilos ito bilang mga alipin ni Satanas? Dapat na pungusan at bigyan ng babala ang mga gayong tao. Kung hindi sila magsisisi, dapat silang paalisin. Kung, sa isang punto, matauhan sila at sabihin nila, “Mali ang magpakalat ng mga tsismis; kumilos ako bilang isang alipin ni Satanas, at hindi ko na muling ipakakalat ang mga ito,” kapag nagkagayon ay puwede silang isailalim sa obserbasyon: Kung magsisisi sila at magpapakita ng mabuting pag-uugali, puwede silang tanggaping muli sa iglesia nang may kondisyon. Kung babalik ang masama nilang gawi, dapat silang alisin.

Ang mga tsismis tungkol sa gawain ng Diyos ay hindi limitado sa mga ito. Ginagamit ng mga tao ang mga imahinasyon at kuru-kuro nila, pati na ang isipan nila, para magsuri at magsiyasat; sinisiyasat nila ang mga salita ng Diyos at ang iba’t ibang propesiya, pati na ang iba’t ibang sakuna, tanda, at kaganapan sa lipunan at sa mundo, umaasa pa nga sila sa mga panaginip nila para malayang magkomento sa gawain ng Diyos—nag-iimbento sila ng maraming tsismis. Maraming tao ang hindi regular na nagbabasa ng mga salita ng Diyos, o regular na pinagsusumikapan ang katotohanan, lalong hindi nila regular na pinagsusumikapan ang paghahanap sa mga prinsipyo sa paggawa ng mga tungkulin nila. Sa halip, pinagninilayan nila ang mga tanong na tulad ng, “Paano nagsimula ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Sino ang nagsimula ng lahat ng ito? Anong papel ang ginampanan ng mga tao? Anong mga kaganapan ang nangyari?” Sinisiyasat nila ang mga panlabas na penomenong ito, at ang administratibong balangkas ng iglesia, tauhan, at iba pa. Pagkatapos ng lahat ng pagsisiyasat na ito, ibinubuod nila ang lahat ng ito at bumubuo sila ng ilang diumano’y mga panuntunan o penomeno at ipinapakalat nila ang mga ito sa iglesia na para bang ang mga ito ang katotohanan. Kapag ipinapakalat nila ang mga ito, inilalarawan nila ang mga ito sa isang malinaw at detalyadong paraan, at maaari pa ngang isipin ng mga walang pagkilatis na tinatalakay nila ang gawain ng Diyos. Gayumpaman, iniisip ng mga may pagkilatis, “Hindi ba’t naglilitanya ka ng walang katuturan at naglalabas ng mga maling paniniwala at mga panlilinlang? Hindi ba’t hinuhusgahan mo ang gawain ng Diyos? Hindi ito pagbabahagi ng pagkaunawa at mga karanasan—wala itong kinalaman sa katotohanan. Pag-iimbento ito ng mga tsismis at dapat itong pigilan agad; kung hindi, malilihis ang ilang tao!” Ang mga panlilinlang at maling paniniwalang ito, na maituturing na mga tsismis, ay hindi naaayon sa katotohanan at gumugulo sa pagkaunawa ng mga tao sa katotohanan. Kapag ang akto ng pagpapakalat ng mga tsismis ay lumilitaw sa iglesia, dapat itong pigilan agad.

May ilang tsismis din na mga maladiyablong salita na humuhusga sa gawain ng Diyos. Halimbawa, tungkol sa kung sino ang minamahal ng Diyos, sino ang inililigtas Niya, at sino ang ginagawa Niyang perpekto, ang ilang tao, gamit ang sarili nilang mababaw na pagkamautak, ay nagmamasid at nagbubuod, sinasabi nila, “Iyong mga nasa mundo na may kakayahan, at iyong mga naglingkod bilang mga opisyal, at iyong mga naging pinuno ng kagawaran o mga CEO ng mga kompanya, kapag pumupunta sila sa sambahayan ng diyos, ay direktang nagiging mga lider o agad na namamahala sa mga pangkalahatang usapin at pananalapi. Ang mga taong ito ang ginagawang perpekto ng diyos.” Hindi ba’t pag-iimbento ito ng mga tsismis? Pag-iimbento nga ito ng mga tsismis. Ano ba ang isang tsismis? Ito ay pagsasalita nang iresponsable, gumagawa ng bulag na mga paghuhusga, at pagbubuo ng mga kongklusyong walang batayan, sa paraang hindi naaayon sa mga katunayan; pawang tsismis ang mga salitang ito. Sinasabi ng ilang tao, “Si Ganito-at-ganyan ay naghandog ng sampu-sampung libong yuan. Malaki ang pananalig niya, makapapasok siya sa kaharian.” Dahil dito, iyong mga walang pera ay nagiging negatibo at nababagabag; sinasabi nila, “Bagama’t marami-rami na rin akong inihandog, hindi ito katumbas sa inihandog nila nang isang beses. Ibig sabihin ba nito ay hindi ako maliligtas at magagawang perpekto? Ayaw ba ng Diyos sa isang tao na katulad ko?” Pagkatapos, sinasabi ng iba na nag-iimbento ng mga tsismis, “Hindi makapapasok sa kaharian ang mayayaman; gusto ng diyos ang mahihirap.” Nagiging masaya ang mahihirap na tao na iyon: “Bagama’t hindi ako nakapaghandog ng maraming pera, puwede pa rin akong makapasok sa kaharian, habang ang mayayaman ay naiiwan.” Anuman ang sinasabi niyong mga nag-iimbento ng mga tsismis, nakaiimpluwensiya pa rin ito sa mahihirap na tao; hindi nila makilatis ang katunayan na pawang mga tsismis at maladiyablong salita lang ang mga ito. Bakit ganito? Dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan at wala silang pagkilatis, kaya palagi silang nalilihis. Pawang kapwa mga diyablo iyong mga nag-iimbento ng mga tsismis at iyong mga nagpapakalat ng mga ito. Gaano man karami ang sinasabi nila, hindi mo alam kung aling mga salita ang totoo at kung alin ang huwad, kung saan ba mismo nanggagaling ang mga salitang ito, ano ba ang mismong mga motibo nila sa pagpapakalat ng mga tsismis na ito, at anong mga layon ang inaasahan nilang makamit. Kung ang isang tao ay hindi makilatis ang mga tsismis na ito at bulag niyang tanggapin at ipakalat ang mga tsismis, hindi ba’t nagiging isa siyang hangal dahil doon? Hindi ba’t ang isang hangal ay tinatawag ding isang imoral na tao? Bagama’t hindi elegante ang salitang ito, tingin Ko ay nababagay ito. Bakit ito nababagay? Dahil iresponsableng nagsasalita ang mga gayong tao. Kaswal silang nagpapakalat ng mga tsismis, walang-ingat na bumubuo ng mga kongklusyon at nag-iimbento ng mga tsismis batay sa mga partikular na penomeno, at pagkatapos ay kaswal na ipinapakalat ang mga tsismis na ito at inilalarawan ang mga ito nang kapani-paniwala na para bang mga totoong pangyayari ang mga ito—bilang resulta, nakaaapekto at nakagugulo ito sa ilang tao. Hindi nila binabasa ang mga salita ng Diyos o hindi nila nauunawaan ang katotohanan; ginugugol nila ang mga araw nila sa pagpapakalat ng mga tsismis at pagsasalita ng walang katuturan sa loob ng iglesia. Ngayong araw, nakikita nila ang isang taong naghahandog ng marami at sinasabi nilang maliligtas ang taong iyon. Bukas, nakikita nila ang isang taong nakulong at hindi naging Hudas, at sinasabi nila, “Ang taong iyon ay kaisa ng puso ng diyos. Makapapasok siya sa kaharian at magkakaroon ng magandang hantungan. Sa hinaharap, pamamahalaan niya ang dalawampung lungsod sa sambahayan ng diyos; tayong mga karaniwang sundalo lang ay hindi maikukumpara sa kanila.” Hindi ba’t maladiyablong pananalita ito? Hindi ba’t mga tsismis ito? (Oo.) Anuman ang mga motibo at layon ng mga tao na nagsasabi ng mga salitang ito, hindi ba’t maaapektuhan at magugulo nito ang ilang tao? Ang ilang tao ay may maliit na pananalig, at kapag naririnig nila ang mga tsismis at maladiyablong salitang ito, nagsisimula silang magnilay-nilay: “Maliligtas ba ako? Nalulugod ba sa akin ang Diyos?” Sa puso nila, iniisip nila ang mga bagay na ito nang buong araw, nag-aalinlangan at nag-aalala tungkol sa mga ito. Dahil sa walang basehang kalokohan ng mga nag-iimbento ng mga tsismis, nararamdaman nilang wala silang pag-asang maligtas, kaya lumalapit sila sa Diyos at nagdarasal: “Hindi Mo ba ako mahal, o Diyos? Napakarami ko nang tinalikuran para sa Iyo. Kailan ba Kita mapalulugod?” Punong-puno sila ng mga hinanakit. Walang nangyari, kaya saan nagmumula ang mga hinanakit na ito? Ang mga ito ay dulot ng mga tsismis na iyon—ang mga indibidwal na ito ay nalason at bumagsak. Wala silang nararamdamang anumang pagsisisi o pagkakasala para sa anumang nabunyag nilang mga tiwaling disposisyon o anumang mga pagsalangsang na nagawa nila, hindi sila kailanman umiiyak dahil dito—kahit ni isang luha—pero kapag naririnig nila na sinasabi ng mga nag-iimbento ng mga tsismis na wala nang pag-asa ang mga tulad nila na maligtas, agad silang nababalisa. Hindi ba’t naapektuhan sila? Naapektuhan at nagulo sila. Ang mga taong ito ay kulang pa sa tayog, hindi nakauunawa sa katotohanan, at napakahangal. Nakikita niyong mga nag-iimbento ng mga tsismis ang mga gayong tao bilang mga madaling paglaruan kaya nag-iimbento sila ng ilang tsismis para linlangin ang mga taong ito. Ngayon, sinasabi nilang may pag-asa kang maligtas, kaya masaya ka; bukas, sinasabi nilang wala kang pag-asang maligtas, kaya umiiyak at nababalisa ka. Bakit mo sila pinapakinggan? Bakit palagi ka nilang napipigilan? Sila ba ang may huling salita? Sa pinakamalala, mga payaso lang sila. Kahit ang kapalaran nila ay nasa mga kamay ng Diyos, kaya anong mga kalipikasyon ang mayroon sila para suriin ang iba? Anong mga kalipikasyon ang mayroon sila para sabihin kung sino ang maliligtas at sino ang hindi, o kung anong uri ng mga tao ang magagawang perpekto at kung anong uri ang hindi? Nauunawaan ba nila ang katotohanan? Alin sa mga salita nila ang naaayon sa mga layunin ng Diyos at sa mga salita ng Diyos? Wala ni isang salita nila ang naaayon sa mga salita ng Diyos, kaya bakit mo sila pinaniniwalaan? Bakit ka nila nagugulo? Hindi ba’t dulot ito ng kahangalan? (Oo.) Dulot man ito ng kahangalan at kamangmangan o dahil masyadong maliit ang tayog mo at hindi mo nauunawaan ang katotohanan, ano’t anuman, ang mga nagpapakalat ng mga tsismis sa iglesia ang pinakakasuklam-suklam. Dapat silang kilatisin, ilantad, at pagkatapos ay pigilan o paalisin.

Sinasabi ng ilang tao, “Tingnan mo si Ganito-at-ganyan, na may kaaya-ayang hitsura; pinili siya para maging isang lider ng iglesia. Si Ganito-at-ganyan ay umuunlad sa lipunan, lahat ng nakakakita sa kanya ay gusto siya; pagkatapos niyang manampalataya sa diyos, gusto rin siya ng mga kapatid, at gusto rin siya ng diyos.” May kahit isang tamang pahayag ba sa mga salitang ito? (Wala.) Bakit? (Hindi tumutugma ang mga ito sa katotohanan.) Tama, hindi tumutugma sa katotohanan ang mga salitang ito, pawang mga maladiyablong pananalita ang mga ito. Sinasabi ng ilan, “Ang pamilya ni Ganito-at-ganyan ay mayaman, maganda ang kalagayan sa buhay, at maalam sila. Kaya, sa sambahayan ng diyos, sila ang nangangasiwa sa pananalapi at mga pangkalahatang usapin. Kapaki-pakinabang sila at kaya nilang akuin ang tungkuling ito. Ito ay ordinasyon ng diyos.” Dahil ba sa pagdaragdag ng “ordinasyon ng diyos” ay tumutugma na sa katotohanan ang pahayag na ito? Hindi ba’t maladiyablong pananalita ito? Ang mga gayong maladiyablong pananalita ay kolektibong tinatawag na mga tsismis. Anumang iresponsableng pahayag na hindi tumutugma sa mga katunayan, na kumokontra sa mga katunayang inorden ng Diyos, ay mga walang ingat na salita at walang batayang kongklusyon; pawang mga tsismis ang mga gayong pahayag. Bakit inilalarawan bilang tsismis ang mga ito? Dahil ang mga pahayag na ito, kapag nailabas na, ay makagugulo at makapipinsala sa normal na pag-iisip at mga layon ng paghahangad ng ilang tao, kaya inilalarawan ang mga ito bilang mga tsismis. Ayon sa mga salita ng Diyos, sinasabi lang ng Diyos na ang lugar ng kapanganakan, pinagmulang pamilya, hitsura, natapos na pag-aaral ng mga tao, at iba pa ay inorden ng Diyos; hindi Niya kailanman sinabi sa mga tao na ang hitsura, panlipunang pinagmulan, o mga likas na kondisyon ng anumang kategorya ng mga tao ay mga kondisyon para mapagpala. Ang tanging pamantayan na hinihingi ng Diyos sa mga tao ay na magawa nilang hangarin ang katotohanan at makamit ang pagpapasakop sa Diyos. Ito ang pinakamahalaga. Kung hindi tahasang nagsasaad ng isang bagay ang mga salita ng Diyos, at produkto lang ito ng mga personal na imahinasyon o haka-haka ng mga tao, itinuturing ding mga tsismis ang mga gayong pahayag. Palaging gustong husgahan ng mga tao kung pagpapalain ba ang isang tao batay sa mga obserbasyon at pagkaunawa nila, at dagdag pa rito, batay sa mga sarili nilang kuru-kuro at imahinasyon. Pagkatapos, inilalabas nila ang mga panlilinlang na ito para impluwensiyahan ang paghahangad ng iba sa katotohanan, basta-bastang pinagpapasyahan kung sino ang maliligtas at sino ang hindi, kung sino ang mga tao ng Diyos, at sino ang mga trabahador. Mga tsismis ang lahat ng ito. Tungkol sa mga tsismis, puwede rin nating tawagin ang mga ito na mga maladiyablong salita. Anuman ang uri ng mga tsismis o maladiyablong salita ang lumitaw, dapat agad na kumilos ang mga lider ng iglesia para pigilan at limitahan ang mga ito; siyempre, kung may sinuman sa mga kapatid ang may pagkilatis, dapat din silang kumilos para himayin at kilatisin kung saan nagmumula ang mga tsismis at kung ano ang kalikasan ng mga ito. Kapag nagkamit ng pagkaunawa ang mga kapatid sa mga bagay na ito, maaari silang tumindig para pabulaanan at pasinungalingan ang mga tsismis na ito, at limitahan din iyong mga nagpapakalat ng mga tsismis, sama-samang tumututol laban sa kanila. Paano nila ito dapat gawin? Sa pamamagitan ng hayagang pagtuligsa sa mga tao na iyon sa harap ng lahat: “Ang sinasabi mo ay pawang mga tsismis at maladiyablong pananalita, hindi ito tumutugma sa mga salita ng Diyos, ni hindi ito tumutugma sa mga pangangailangan namin. Kung patuloy kang magpapakalat ng mga tsismis sa kabila ng mga paalala, papaalisin ka namin, para mawalan ka ng pagkakataong mag-imbento ng mga tsismis at magdulot ng mga kaguluhan sa iglesia!” Kumusta ang ganitong pagsasagawa? (Mabuti.) Ang paggawa nito sa ganitong paraan ay tumutugma sa mga katotohanang prinsipyo. Kung makikipagbahaginan ka sa mga personal mong pagkaunawang batay sa karanasan, nagsasabi ng mga bagay na nakapagpapatibay sa mga tao, kahit paano ka magsalita ay ayos lang. Puwede mong gamitin ang anumang salitang gusto mo, pormal na wika man o kolokyal; lahat ito ay pinapahintulutan. Ang tanging hindi mo puwedeng gawin ay magpakalat ng mga tsismis.