Unang Ekskorsus: Kung Ano ang Katotohanan (Ikaanim na Seksiyon)
“Huwag sumuko” ay isang bagay na sinasabi ng mga tao kapag ginagabayan sila ng isang satanikong disposisyon, at isa itong mentalidad na itinataguyod ng satanikong mundo. Ano ang tingin natin sa mentalidad na ito? (Isang sakit sa pag-iisip.) Isa itong paraan ng pag-iisip at isang prinsipyong taglay ng mga tao para sa pamumuhay at paggawa ng mga bagay-bagay na itinataguyod ng mga taong may sakit sa pag-iisip. Sinusulsulan at inuudyukan nito ang mga tao para gumamit ng anumang pamamaraang posible para matugunan ang sarili nilang mga ambisyon at pagnanais, hindi kailanman panghinaan ng loob kahit ano pa man ang sitwasyon, hangarin ang mga bagay ayon sa prinsipyong “matatag kang tumayo at huwag sumuko,” at hindi pagsusuri kung mabuti o hindi ang kanilang mga pagnanais at ambisyon; hangga’t taglay nila ang mentalidad na ito, karapat-dapat itong purihin. Kung sinaliksik ng isang tao ang isang bagay na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, hindi sumuko, hindi pinanghinaan ng loob sa pagkabigo, nagpatuloy sa pagpapaunlad tungo sa positibong direksyon, at nagpatuloy sa pananaliksik para makapamuhay ng magandang buhay ang mga tao sa hinaharap, medyo kapuri-puri ito. Gayumpaman, ito ba ang layon na hinahangad ng sangkatauhan sa mundong ito? Sino ang walang pag-iimbot na gumagawa ng ganitong mga bagay para sa ikakabuti ng sangkatauhan? Wala. Kahit pa may ilang tao na sa panlabas ay gumagawa ng mga bagay-bagay bilang pagsuporta sa paggawa ng kabutihan para sa sangkatauhan, sa likod nito, ginagawa nila ito para sa sarili nilang reputasyon at propesyonal na tagumpay, para tumatak ang kanilang pangalan sa kasaysayan. Ito ang kanilang mga layon, at wala sa mga ito ang marapat. Bukod sa mga ito, ano ang itinuturo ng huwag-sumuko na mentalidad na gawin ng mga tao? Una sa lahat, sinusubok ng huwag-sumuko na mentalidad ang mga hangganan at intuwisyon ng mga tao. Halimbawa, sa isang larangan ng palakasan, gumawa ng tatlong sunud-sunod na pag-ikot ang isang tao at hindi ito makayanan ng puso niya, at sinabi niya, “Hindi ako susuko. Dapat kong subukin ang aking mga hangganan at higitan ang Guinness World Record. Gagawa ako ng sampung pag-ikot!” Bilang resulta, nang ginagawa niya ang kanyang ikawalong pag-ikot, namatay siya. Paano kung wala siya nitong mentalidad na nag-uudyok sa kanya para gawin ito? (Gagawin niya ito ayon sa kanyang mga kakayahan.) Tama iyan. Ano ang hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao? Hinihingi ng Diyos na mamuhay ang mga tao sa normal na pagkatao, at pinapayagan ang mga tao na magkaroon ng kahinaan. May hangganan sa kung ano ang kayang tiisin ng pisikal na intuwisyon at mga organo ng mga tao. Dapat maging malinaw ang mga tao sa kung anong antas ang kaya nilang makamit. Malinaw ba sa taong iyon ang mga kahihinatnan ng kanyang paggawa ng sampung sunud-sunod na pag-ikot? Hindi ito malinaw sa kanya, at basta na lang niya itong ginawa at sinubok ang kanyang mga hangganan, kaya sino ang dapat sisihin sa kanyang kamatayan? (Siya ang dapat sisihin.) Ang pinagmulan ng kanyang pagsubok na gumawa ng sampung pag-ikot ay na lagi siyang inuudyukan ni Satanas, sinasabi, “Huwag ka dapat sumuko. Kaawa-awa ang pagsuko pagkatapos ng limang pag-ikot. Dapat walo ang gawin mo!” Nag-isip siya nang mabuti, “Hindi rin sapat ang walo. Sampu ang gagawin ko!” Bilang resulta, matapos gawin ang ikawalong pag-ikot, tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at tumigil ang kanyang paghinga. Hindi ba’t pinaglaruan siya ni Satanas? Siyempre, ginagamit lang natin ito bilang halimbawa; maaaring may tao na kayang gumawa ng dalawampung pag-ikot nang walang problema. Kapag mayroon ang mga tao nitong huwag-sumuko na kagustuhan para lumaban, lumalaban sila nang pabalik-balik at nauuwing sinasayang ang buhay nila. Isang medyo mas mabuting pangyayari ay kung sinayang lang nila ang buhay nila, pero hindi sila gumawa ng anumang kasamaan. Sa gayon maaaring may pagkakataon pa rin sila na muling isilang bilang isang tao sa kanilang susunod na buhay, at matitikman kung paano maging isang tao muli. Gayumpaman, ilang tao ang nakagawa ng malaking kasamaan at nagbunga ito ng kapahamakan, kaya dapat silang magbayad ng matinding halaga para dito nang ilang habambuhay; dapat patuloy silang bumawi para dito, at dumanas ng paghihirap sa bawat buhay. Kung hindi sila babawi sa lahat ng ito sa buhay na ito, may susunod pa ring buhay, at hindi alam kung ilang buhay ang kakailanganin nila para makabawi sa lahat ng ito. Ito ang resulta.
Kapag bigo ang ilang tao sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, tumatanggi silang tanggapin ito, at sinasabi, “Hindi ako susuko. Hindi ko napagbalik-loob ang sinuman sa pagkakataong ito—nabigo ako. Hindi ako puwedeng mabigo sa susunod. Talagang dapat maging saksi ako para sa Diyos, at maging isang lalaking anak na nagtatagumpay!” Mabuti na taglay ng mga tao ang kapasiyahang ito, pero paano naman ang katunayan na sila ay may kakayahang magsabi ng mga salitang “huwag sumuko”? Anong disposisyon ito? Hindi ba’t disposisyon ito ng arkanghel? Idinulot ba ng Diyos na magpatotoo sila sa ganitong paraan? Nauunawaan ba nila ang katotohanan? Pagpapatotoo ba tungkol sa Diyos ang kanilang ginagawa? Ang kanilang ginagawa ay pinapahiya ang Diyos. Anong uri ng mga tao ang mga ito sa tingin ninyo? (Mga hangal.) Mga hangal sila. Hindi nila nauunawaan ang katotohanan, pero sinasabi nilang nagpapatotoo sila tungkol sa Diyos—sapat na sana ito kung hindi nila ipinahiya ang Diyos. Anong uri ng mga salita ang “huwag sumuko”? Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang hindi kailanman pagtanggap ng pagkabigo ang ibig nilang sabihin. Ang totoo, nabigo ang mga taong ito, pero iniisip nila na nakamit nila ang mental na tagumpay sa hindi pagtanggap sa pagkabigo. May mataas na pagtingin ang lahat ng walang pananampalataya sa uri ng mentalidad kung saan patuloy na lumalaban ang mga tao pagkatapos ng maraming pagkabigo, at mas lumalakas ang loob habang mas marami silang kinakaharap na hadlang. Kung dati ay may ganito kang mentalidad, at sumandig sa ganitong uri ng mentalidad para lumaban para makamit ang isang layon, hindi ba’t kahiya-hiya ito? Aling mga aspekto ng tiwaling disposisyon ng mga tao ang pangunahing ipinapakita ng mga salitang “huwag sumuko”? Aling mga aspekto ng diwa ng mga tao ang kayang ilarawan ng mga salitang ito? Hindi ba’t ang ganitong mga tao—na mas pipiliin na mamatay kaysa sumuko at na mamamatay bago tanggapin ang pagkatalo—ay mapagmataas at walang katwiran? Ang katunayan na maaaring maging mapagmataas ang mga tao sa ganitong antas, at mas pipiliin na mamatay kaysa tumanggap ng pagkatalo, ay hindi lang isang problema ng kawalan ng katwiran; medyo kulang din sila sa katalinuhan, parang mga desperado. Sinasabi ng ilang tao, “Dahil ba bata sila at walang-ingat?” Mayroong koneksiyon. May isang tanyag na kasabihan sa lipunan: “Kailangan mong itaya ang lahat para manalo.” Naglalarawan ito ng mentalidad ng mga kabataan ng pagtaya ng lahat, parang magagaliting kabataan. “Kung handa kang itaya ang iyong buhay, makakamit mo ang anumang bagay”—ito ang huwag-sumuko na mentalidad. May ganitong uri ba ng espiritu ang matatanda? Mayroon din sila. Tingnan ninyo, binubuo ng mga may-gulang na at nakatatanda ang halos lahat ng mga politikal na partido—matindi ang alitan! May mga tiwaling disposisyon ang mga tao at nabubuhay ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon. Mayroon silang lahat ng ganitong uri ng mentalidad humigit-kumulang. Wala itong kinalaman sa kung sila man ay matanda o bata, pero direkta itong nakaugnay sa kanilang disposisyon. Kung nananampalataya kayo sa Diyos at nauunawaan ang katotohanan, makikita ninyo nang malinaw ang bagay na ito, at malalaman na hindi naaayon sa mga katotohanang prinsipyo ang ganitong uri ng mentalidad, at na isang tiwaling disposisyon ito. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi mo makikita nang malinaw ang usapin na ito at iisipin mo, “Magandang magkaroon ng kahandaang lumaban; ito ay nararapat. Paano mabubuhay ang mga tao kung wala silang kaunting kahandaan na lumaban? Kung wala silang kaunting kahandaan na lumaban, walang anumang espiritung maiiwan sa kanila para mabuhay. Kung gayon, ano pa ang kabuluhan ng mabuhay? Tinatanggap nila ang bawat di-kanais-nais na sitwasyon—napakahina at napakaduwag naman niyon!” Iniisip ng lahat ng tao na dapat silang lumaban para sa dignidad hangga’t nabubuhay sila. Paano sila lumalaban para sa dignidad? Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa salitang “laban.” Anuman ang sitwasyong kinakaharap nila, sinusubukan nilang makamit ang kanilang mga layon sa pamamagitan ng pakikipaglaban. Ang mentalidad ng hindi pagsuko ay nagmumula sa salitang “laban.” Ang bagay na pinaka-pinagpipitagan ng mga ateista ay isang espiritu ng pakikipaglaban. Nakikipaglaban sila sa Langit; nakikipaglaban sila sa mundo; nakikipaglaban sila sa ibang mga tao—ito ang bagay na pinaka-nagpapasaya sa kanila. Sa palagay nila ay kung mas may kakayahang makipaglaban ang isang tao, mas may kabayanihan ito—puno ng kaloobang lumaban ang mga bayani. Dito umusbong ang mentalidad ng hindi pagsuko; ito ang pusod ng pakikipaglaban. Hindi kailanman tinanggap ng lahat ng uri ng mga satanikong demonyo ang katotohanan, kaya ayon sa ano sila nabubuhay? Nabubuhay sila ayon sa satanikong pilosopiya ng pakikipaglaban. Sa pang-araw-araw nilang buhay ay nakikipaglaban sila. Anuman ang kanilang ginagawa, palagi nilang sinisikap na makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pakikipaglaban, at ipinagyayabang nila ang kanilang tagumpay. Sinisikap nilang lumaban para sa dignidad sa lahat ng kanilang ginagawa—matatamo ba nila ito? Para sa ano ba mismo sila nakikipagkompetensiya at nakikipaglaban? Ang lahat ng kanilang pakikipaglaban ay para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan; ang lahat ng kanilang pakikipaglaban ay para sa kanilang pansariling interes. Bakit sila nakikipaglaban? Ito ay para umakto silang bayani at matawag na mataas na tao. Gayumpaman, ang pakikipaglaban nila ay dapat magtapos sa kamatayan, at dapat silang maparusahan. Walang duda rito. Saanman mayroong mga Satanas at mga demonyo, mayroong pakikipaglaban; kapag sa wakas ay nawasak na sila, magwawakas din ang labanan. Ito ang magiging kinalabasan ng mga Satanas at ng mga demonyo.
Dapat bang linangin at isulong ang mentalidad ng pagkakaroon ng kagustuhang huwag sumuko sa paglaban? (Hindi.) Kung gayon, paano ito dapat harapin ng mga tao? (Dapat itong talikuran ng mga tao.) Dapat itong kilalanin, kondenahin, at talikuran ng mga tao. Ang pariralang ito ay hindi ang katotohanan, at hindi ito isang pamantayan na dapat sundin, lalong hindi isang hinihingi na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhan. Wala itong koneksiyon sa mga salita ng Diyos, at walang koneksiyon sa mga hinihingi ng Diyos para sa mga tao. Ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao? Hindi kailangan ng Diyos na magkaroon ka ng kagustuhang huwag sumuko sa paglaban. Ang kailangan ng Diyos ay maunawaan ng mga tao ang sarili nilang tiwaling diwa, malaman kung anong uri ng tao sila, anong klase ng tao sila, ano ang kulang sa kanila, kung mataas o mababa ang kanilang kakayahan, ano ang kanilang kakayahang makaarok, kung sila ay taong tunay na nagmamahal sa Diyos, at kung sila ay taong nagmamahal sa katotohanan. Kailangan ng Diyos na tumpak mong maunawaan ang iyong sarili sa ganitong mga paraan, pagkatapos ay gawin ang kaya mo ayon sa sarili mong tayog at ayon sa iyong taglay na kakayahan, sa abot ng makakaya mo. Nilalaman ba nito ang kahulugan ng “pakikipaglaban”? (Hindi.) Hindi mo kailangang lumaban. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko ba kayang labanan ang aking tiwaling disposisyon?” Kaya bang mapagtagumpayan ang iyong tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pakikipaglaban? Mababago ba ito sa pamamagitan ng pakikipaglaban? (Hindi.) Hindi, hindi ito mababago. Sinasabi ng ilang tao, “Kaya ko bang labanan ang masasamang puwersa ni Satanas? Kaya ko bang labanan ang mga anticristo? Kaya ko bang labanan ang masasamang tao, mga taong may mga buktot na disposisyon, at mga taong nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo?” Tiyak na hindi ito ayos. Bakit hindi ito ayos? Hindi pagsasagawa ng katotohanan ang pakikipaglaban sa ganang sarili nito. Kailan sinabi ng mga salita ng Diyos: “labanan ang mga anticristo,” “labanan ang mga Pariseo,” “labanan ang mga mapagpaimbabaw,” o “labanan ang iyong mga tiwaling disposisyon”? Sinabi ba ng Diyos ang mga bagay na ito? (Hindi.) Sa kabaligtaran, sa lipunan, ang satanikong mundo ay may mga pakikipaglaban sa mga may-ari ng lupa, mga pakikipaglaban sa mga taong may-hawak ng kapangyarihan, at mga pakikipaglaban sa mga intelektuwal, gayundin ang mga labanan sa pagitan ng masa, mga sabong, mga labanan ng mga aso, mga huwego-de-toro, at iba pa. Gayunman, wala sa mga ito ang mabubuting bagay. Ang pakikipaglaban ay isang taktika kung saan sinasaktan ni Satanas ang mga tao at dinudulutan ng kalamidad ang mga nabubuhay na bagay. Hindi nito hinahayaan na payapang umiral nang magkasama ang sangkatauhan. Sa halip, lumilikha ito ng mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga tao, at pagkamuhi sa pagitan ng mga tao, pagkatapos ay idinudulot nitong mag-away-away ang mga tao at magpatayan habang pinapanood nito ang kasayahan at kaguluhan mula sa gilid. Bilang satanikong pag-uugali ito, kung lumilitaw ang ilang pag-uugali, kaganapan, o usapin sa iglesia at sa sambahayan ng Diyos na may kinalaman sa pakikipaglaban, paano ninyo titingnan ang mga bagay na ito? Itataas ba ninyo ang inyong hinlalaki bilang pagsuporta at pagsang-ayon, o ititigil ito? (Ititigil ito.) Dapat ninyong itigil ito, ipaliwanag sa kanila nang malinaw ang mga bagay-bagay, ipaunawa sa kanila, at sabihin sa kanila na dapat nilang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa katotohanan, gawin ang mga bagay-bagay nang naaayon sa mga prinsipyo, at kumilos nang may ganap na pagkakaayon sa mga salita ng Diyos. Puwede ninyo rin silang pungusan, pero ang pagpupungos, pangangaral, at maging ang pagdidisiplina sa kanila ay hindi pakikipaglaban. Ano ang tinutukoy ng pakikipaglaban? Ang pakikipaglaban ay pakikipagtalo sa ibang mga tao sa kung ano ang totoo at hindi totoo tungkol sa isang bagay dahil sa pagkamainitin ng ulo, pakikipagdiskusyon sa mga tao at pagiging hindi makatwiran, pagsusungit, maging paggamit pa nga ng mga lihim na pakana at mga mapanlinlang na balak, o paggamit ng mga taktika, pamamaraan at kakayahan ng tao para puwersahing magpasakop ang isang tao, talunin siya, at paulit-ulit siyang pahirapan hanggang sumuko siya. Tinatawag itong pakikipaglaban. Ang pakikipaglaban ay purong isang uri ng pag-uugali at kilos na mainitin ang ulo, at ito rin ay purong isang uri ng satanikong pag-uugali, pamamaraan at kakayahan ng paggawa ng mga bagay-bagay. Wala itong kinalaman sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Paanong mali kapag nag-aalsa at lumalaban ang hinirang na mga tao ng Diyos sa mga taong tulad ng mga huwad na pinuno, anticristo, Pariseo at masamang tao? Hindi ba’t isang mabuting bagay na labanan sila hanggang sumuko sila, o mapaalis? Kung gayon, hindi ba’t magiging kalmado ang sambahayan ng Diyos? Kung gayon, hindi ba’t payapang makapagpapatuloy ang mga kapatid sa kanilang buhay iglesia? Bakit hindi tayo pinapayagang lumaban sa mga taong ito?” Tama bang labanan ang mga taong ito? Una sa lahat, isang bagay ang tiyak, at iyon ay na mali ang pakikipaglaban. Bakit mali ito? Pinaparusahan at kinokondena ng Diyos ang mga masamang tao, kaya anong silbi kung labanan sila ng mga tao? Paanong mali kapag pinapahiya sila ng mga tao, pinupuna sila at pinapahirapan sila kapag wala silang magawang mas mabuti, binubulyawan sila, pinapabagsak sila sa lupa at pinipintasan sila? Nagtatakda ang Diyos ng mga atas administratibo, at sa mga atas na iyon ay walang mga tuntunin na nauukol sa pakikipaglaban. Nagtatakda lang ang Diyos ng mga atas administratibo, kung saan may mga pamamaraan at prinsipyo para sa pangangasiwa ng bawat uri ng tao. Sinasabi ng mga atas sa mga tao kung aling uri ng mga tao ang dapat patalsikin, aling uri ng mga tao ang dapat paalisin, aling uri ng mga tao ang dapat palitan, aling uri ng mga tao ang dapat linangin, aling uri ng mga tao ang dapat gamitin, aling uri ng mga tao ang hindi dapat gamitin, aling uri ng mga tao ang maililigtas, at aling uri ng mga tao ang hindi maililigtas. Sinasabi lang ng Diyos sa mga tao ang mga prinsipyo. Samakatwid, bilang mga tao, paano ninyo dapat bigyang-kahulugan ang mga salitang ito ng Diyos? Lahat ng mga salitang ito ng Diyos ay ang katotohanan. Ano ang katotohanan? Ito ay na kapag ang Diyos ay gumagawa ng anumang bagay o nangangasiwa ng anumang uri ng tao, kahit na isang masamang tao ito, na nakagawa ng masasamang bagay, na nagdudulot ng labis na kawalan sa gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos, gagamitin pa rin ng Diyos ang Kanyang mga pamamaraan para pangasiwaan ito; talagang hindi Siya gagamit ng anumang mga sataniko o mainitin ang ulong pamamaraan para pangasiwaan ito. Ano ang tawag dito? Tinatawag itong patas na pagtrato sa mga tao. Mayroon bang nakapaloob na pakikipaglaban sa pagiging patas na ito? Wala. Ito ba ang katotohanan? (Oo.) Kahit gaano kamainitin ang ulo, gaano kasataniko, at gaano kasama ang taong ito, tinatanggap natin ang mga salita ng Diyos bilang pinakamataas na tagubilin, at bilang mga tumpak na prinsipyo na gagamitin para pangasiwaan siya. Hindi natin siya tinutuligsa, o pinagtutulungan dahil sa pagkamainitin ng ulo; talagang hindi natin ginagawa ang ganoong uri ng bagay. Ito ang tinatawag na patas na pagtrato sa mga tao, at ito ang mga prinsipyo na ibinigay ng Diyos sa mga tao.
Sa mundo ng Silangan, naroon ang tiyak na pariralang “kagustuhang huwag sumuko sa paglaban.” Sa mundo ng Kanluran, maaaring may isang parirala na may parehas na kahulugan. Hangga’t ginawa silang tiwali ni Satanas at namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, may satanikong disposisyon ang bawat tao, partikular na mapagmataas at mapagmagaling, at hindi sumusuko sa kanino man. Kapag itinutulak sila nitong uri ng disposisyon na ito, tiyak na lilitaw ang isang huwag-sumuko na mentalidad at paraan ng pag-iisip sa mga tao. Nakikita ng lahat ng tao ang ganitong uri ng pag-iisip at mentalidad na ipinapahayag ng sangkatauhan bilang marapat, positibo, at bilang isang bagay na sapat para suportahan ang mga tao habang nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay at patuloy na nabubuhay. Kahit gaano kamarapat nilang tinitingnan itong tinatawag na mentalidad at pag-iisip na ito, at gaano ito kamarapat gaya ng sinasabi nila, dapat magkaroon tayong lahat ng pagkilatis dito. Sa buong sangkatauhan, wala ni isang lahing pinaghaharian ng katotohanan. Gaano man kataas, kaluma, o kahiwaga ang mga ideya o tradisyonal na kulturang nabuo ng isang lahi, o ang edukasyong natanggap, o ang kaalamang tinataglay nito, isang bagay ang tiyak: Wala sa mga bagay na ito ang katotohanan, o may anumang kaugnayan sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Ang ilan sa mga moralidad, o mga haka-haka sa pagsukat ng tama at mali, wasto at hindi wasto, itim at puti, na nakapaloob sa tradisyonal na kultura ay tila medyo malapit sa katotohanan.” Ang katunayang tila malapit sa katotohanan ang mga ito ay hindi nangangahulugan na malapit ang mga ito rito sa kahulugan. Ang mga kasabihan ng tiwaling sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas, hindi kailanman katotohanan ang mga ito, samantalang ang mga salita ng Diyos lang ang katotohanan. Kaya, gaano man kalapit sa mga salita ng Diyos ang ilan sa mga salita ng sangkatauhan, hindi katotohanan ang mga iyon at hindi maaaring maging katotohanan ang mga iyon; walang duda rito. Magkalapit lamang ang mga ito sa pananalita at pagpapahayag, ngunit ang totoo, hindi magkatumbas ang mga tradisyonal na kuru-kurong ito sa mga katotohanan ng mga salita ng Diyos. Bagama’t maaaring medyo malapit ang literal na esensiya ng mga salitang ito, hindi pareho ang pinagmulan ng mga ito. Ang mga salita ng Diyos ay nagmumula sa Lumikha, samantalang ang mga salita, ideya, at pananaw ng tradisyonal na kultura ay nagmumula kay Satanas at sa mga demonyo. Sinasabi ng ilang tao, “Ang mga ideya, pananaw, at bantog na mga kasabihan ng tradisyonal na kultura ay kinikilala ng buong mundo na positibo; kahit kasinungalingan at maling paniniwala ang mga ito, maaari bang maging katotohanan ang mga ito kung itinataguyod ng mga tao ang mga iyon sa loob ng ilang daan—ilang libong—taon?” Hinding-hindi. Ang gayong pananaw ay kasing katawa-tawa ng pagsasabi na ang mga unggoy ay naging mga tao. Ang tradisyonal na kultura ay hindi kailanman magiging ang katotohanan. Ang kultura ay kultura, at gaano man ito karangal, isang bagay lamang ito na medyo positibo na kinatha ng tiwaling sangkatauhan. Ngunit ang pagiging positibo ay hindi katumbas ng katotohanan, ang pagiging positibo nito ay hindi pamantayan; medyo positibo lamang iyon, at wala nang iba. Kaya malinaw na ba ngayon sa atin kung mabuti o masama, sa konteksto nitong “pagiging positibo,” ang epekto ng tradisyonal na kultura sa sangkatauhan? Walang duda, masama at negatibo ang epekto nito sa sangkatauhan.
Ngayon hinimay natin ang kasabihang “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Isa itong uri ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo. Hinimay rin natin ang bantog na idyoma na may makasaysayang pinagmulan “Pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.” Hindi pa ba sapat ang dalawang pariralang ito para bigyan kayo ng bagong pagkaunawa sa tradisyonal na kultura ng sangkatauhan at mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo? Ano nga ba ang diwa ng tradisyonal na kultura at mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo? Una, makakatiyak ka na talagang hindi positibo ang mga bagay na ito. Lumilitaw ang mga ito mula sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao—si Satanas ang pinagmulan ng mga ito. Ano ang kanilang idinudulot sa sangkatauhan? Nililihis ng mga ito, ginagawang tiwali ng mga ito, at iginagapos at pinipigilan ng mga ito ang sangkatauhan. Tiyak ito at walang duda. Lahat ng idinudulot ng mga ito sa sangkatauhan ay negatibong impluwensiya at negatibong epekto, kaya ang mga ito ba ang katotohanan? (Hindi.) Hindi ang mga ito ang katotohanan, pero itinatalaga pa rin ng sangkatauhan ang mga ito bilang ang katotohanan. Ano ang nangyayari dito? Nailihis ang mga tao. Dahil ang mga tao ay hindi naligtas ng Diyos, hindi nauunawaan ang katotohanan, at hindi narinig ang mga tumpak na bagay na sinasabi ng Diyos tungkol sa ganitong uri ng mga parirala at usapin, tinatanggap nila sa huli ang mga ideya at pananaw na, ayon sa kanilang mga kuru-kuro, sa tingin nila ay medyo tama, mabuti, at tumutugma sa kanilang kalooban. Unang pumasok sa puso nila ang mga bagay na ito at namayani roon, kaya kumakapit ang mga tao sa mga iyon sa loob ng daan-daan at libu-libong taon. Ang mga tradisyonal na kulturang ito na sa satanikong pilosopiya ay matagal nang natanim sa puso ng mga tao, inililihis at iniimpluwensiyahan ang sali’t salinlahi ng mga tao. Kung hindi ninyo tatanggapin ang katotohanan, patuloy kayong maililihis at maiimpluwensiyahan ng mga pilosopiyang ito. Ngayon naghimay at nagbahagi ako tungkol sa “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo” at “Pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.” Isang kasabihan ang isa sa mga pariralang ito, isang idyoma naman ang isa pa. Sa dalawang pariralang ito ay makikita natin kung ano nga ba ang satanikong kultura sa buong mundo: Binubuo ito ng mga maling paniniwala at panlilinlang na nanlilihis sa mga tao, ginagawang tiwali ang mga tao, nakakasira sa mga tao, at pumipinsala sa mga tao. Kung susundin ng sangkatauhan ang mga pilosopiyang ito ni Satanas, habang dumaraan sila sa buhay, lalo lang magiging mas tiwali at buktot ang mga tao; magpapatayan sila, maglalaban-laban, at wala itong magiging katapusan. Walang magiging tiwala sa pagitan ng mga tao, walang maayos na pag-iral nang magkasama, at walang pagmamahalan sa isa’t isa. Sa madaling salita, ang idinudulot ng kulturang ito sa sangkatauhan ay masasamang kahihinatnan. Sa ilalim ng patnubay ng mga tinatawag na ideya at mentalidad na ito, idinudulot nito sa sangkatauhan na palaging gumawa ng masama, palaging lumaban sa Diyos, palaging subukin ang mga moral na hangganan ng mga tao, at gamitin ang anumang paraan para makamit ang kanilang mga layon. Sa huli, susundan nila ang landas ng pagwasak at mapaparusahan. Ito ang diwa ng kultura ng tao. Tungkol sa mga kasabihan, ano ang pananaw ninyo sa mga ito? Maaaring sabihin ng ilang tao, “Hindi mga tunay na ideya ang mga ito na itinataguyod ng sangkatauhan. Hindi sumusunod sa mga ito ang mga tao sa mataas na lipunan na nagtataglay ng medyo mataas na antas ng kabatiran.” Ngayon lang, hinimay natin ang isang idyoma na sinasang-ayunan ng mga tao sa mataas na lipunan, “pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo.” Mataas-na-antas ba ang idyomang ito? (Hindi.) Hindi ito mataas-na-antas, pero ang idyomang ito, ang mga ideyang ito at ang mga mentalidad na ito ay tiyak na pinupuri at itinataguyod ng lahat sa bawat paaralan pagkatapos ng sekondarya, at sa bawat mataas-na-antas na arena ng lipunan ng tao. Ito ang kultura ng tao. Ang sangkatauhan ay nakondisyon, namanhid, at ginawang tiwali ng mga aspektong ito ng tradisyonal na kultura. At ano ang huling resulta? Na ang sangkatauhan ay nailihis, napigilan, at naigapos ng tradisyonal na kultura, at likas na lumilitaw ang isang uri ng mentalidad at teorya, na itinataguyod at ikinakalat ng sangkatauhan, malawakang ipinapadala at ipinapatanggap sa mga tao. Sa huli, binibihag nito ang puso ng lahat, idinudulot na i-endorso ng lahat ang ganitong uri ng mentalidad at ideya, at ginawang tiwali ng ideyang ito ang lahat. Kapag sila ay nagawang tiwali sa isang tiyak na antas, wala nang anumang mga kuru-kuro ang mga tao tungkol sa tama o mali; hindi na nila gustong kilatisin kung ano ang katarungan at kung ano ang kabuktutan, ni hindi na nila handang kilatisin kung ano ang mga positibong bagay at ano ang mga negatibong bagay. Darating pa nga ang isang araw na hindi malinaw sa kanila kung totoong tao sila, at maraming taong hindi normal ang hindi alam kung lalaki o babae sila. Gaano kalayo mula sa pagwasak ang isang lahi ng tao na tulad nito? Paano maikukumpara ang sangkatauhan ngayon sa mga tao sa panahon ni Noe? Hindi ba’t mas buktot pa sila? Naabot na nila ang tugatog ng kabuktutan, at napakabuktot nila na may ilang bagay na hindi ninyo kayang pakinggan—masusuklam kayo pagkatapos ninyo itong marinig. Ang lahat ng tao ay maysakit sa isang partikular na antas. Mula sa labas, mukhang tao ang katawan ng mga tao, pero ang mga bagay na iniisip nila sa puso nila ay talagang hindi ang mga bagay na dapat iniisip ng mga tao; maysakit silang lahat at walang kakayahang baguhin ang sarili nila. Ano ang ibig kong sabihin na wala silang kakayahang baguhin ang sarili nila? Ibig kong sabihin na marahil isa o dalawandaang taon ang nakakaraan, mas maraming tao ang handang makinig sa Diyos na magsalita at gumawa ng mga pagbigkas. Nagtiwala silang umiral ang katarungan sa mundong ito, gayundin ang pagiging matuwid at pagiging patas. Handa ang mga tao na tanggapin ang ganitong katunayan, at inasam nilang maisakatuparan ito. Lalo na, umasa silang darating ang araw na darating ang Tagapagligtas na magliligtas sa sangkatauhan mula sa impluwensiya ng kadiliman at kabuktutan. Gayumpaman, isa o dalawandaang taon ang lumipas, pakaunti nang pakaunti ang ganitong mga tao. Gaano karaming tao ang nakakaunawa sa mga salita ng Diyos? Gaano karaming tao ang kayang tumanggap ng katotohanan? Kahit na maraming tao ang tumanggap ng biyaya ng Diyos, ano ngayon? Mas bumababa ang bilang ng mga tao na tunay na sumusunod sa Kanya. Ibig sabihin, sa lahi ng tao, pakaunti nang pakaunti ang mga tao, na pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, ay lumalakas ang loob, may kakayahang magmahal ng mga positibong bagay, nananabik sa liwanag, nananabik sa katarungan, at nananabik sa pagdating ng kaharian ng Diyos, pagiging patas at pagiging matuwid. Ano ang ipinapakita nito? Na nalihis at ginawang tiwali ng mga pilosopiya, kautusan, ideya, at ng mga tinatawag na mentalidad ni Satanas ang buong lahi ng tao. Hanggang saan sila nalihis at ginawang tiwali? Tinanggap ng lahat ng tao ang mga panlilinlang at malademonyong kasabihan ni Satanas bilang ang katotohanan; sinasamba nilang lahat si Satanas at sinusunod si Satanas. Hindi nila nauunawaan ang mga salita ng Diyos, ang Lumikha. Kahit ano pa ang sabihin ng Lumikha, kahit gaano karami ang Kanyang sinasabi, at gaano kaliwanag at kapraktikal ang Kanyang mga salita, walang nakakaunawa; walang nakakaarok. Manhid at mapurol silang lahat, at magulo ang kanilang pag-iisip at isipan. Paano nagulo ang mga ito? Si Satanas ang gumulo sa mga ito. Lubusang ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao. Sa lipunan ngayon, mayroong lahat ng uri ng iba’t ibang ideya, ideyolohiya, at pahayag. Naniniwala ang mga tao sa kung alinman ang kanilang pinipili, at sinusunod ang kung alinman ang kanilang pinipili. Walang makakapagsabi sa kanila kung ano ang gagawin, ni walang may kakayahang makapagsabi sa kanila kung ano ang gagawin. Hanggang sa ganitong antas ito. Kaya ang katunayan na kaya ninyong piliing manampalataya sa Diyos ay isang biyaya. Ngayon, kaya ninyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos, mayroon kayong kaunting pagpapahalaga sa konsensiya, nananampalataya kayo sa sinasabi ng Diyos, inaasam na dumating ang kaharian ng Diyos, at inaasam na mamuhay sa isang kaharian ng liwanag, katarungan, pagiging patas, at pagiging matuwid. Bihira ba para sa inyo ang magkaroon ng ganitong sinseridad? Paano niyo ito nakuha? Sa pamamagitan ito ng proteksiyon ng Diyos at ng Banal na Espiritu na gumagawa sa iyo para bigyan ka ng kalinawan na kaya mong manampalataya sa Diyos at sumunod sa Kanya. Kung hindi gumawa ang Diyos sa iyo, makakarating ka ba ngayon dito bilang isang mananampalataya? Nagbago ka ba sa paraang mayroon ka ngayon? Tingnan mo lang, may wangis ng tao pa rin ba ang mga walang pananampalatayang iyon? Maaaring hindi mo maunawaan ang maraming katotohanan ngayon, at sa maraming kaso ang mga pananaw mo ay parehong-pareho pa rin sa mga walang pananampalataya—ano man ang iniisip nila, iyon din ang iniisip mo. Bagaman minsan hindi mo tinatanggap ang ilan sa kanilang pananaw, wala kang pagkilatis, at walang ibang landas na tatahakin. Kapag dumating ang araw na nauunawaan mo ang katotohanan, makikilatis mo na mali at buktot ang kanilang mga pananaw, at matatanggihan ng puso mo ang mga ito. Pagkatapos, malinaw mong makikita ang kanilang mga malademonyong mukha. Makikita mo na sila ang mga buhay na demonyo, hindi mga tao. Nagbabalatkayo sila bilang mga tao, pero hindi gumagawa ng mga bagay ng tao. Paano mo masasabing ito ang kaso? Ang mga salitang ipinapahayag nila ay lalong kaaya-ayang lahat sa pandinig at kayang manlihis ng mga tao, pero labis na buktot at hindi kaaya-aya ang kanilang ginagawa at isinasakatuparan, at ito ay talagang walang kahihiyan at hindi makatwiran. Ang mga tinatawag na ideya at mga tinatawag na mentalidad na kanilang kinakapitan ay labis na buktot at reaksyonaryo, ganap na sumasalungat sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, at ganap na mga kasalungat ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan, pero tinatanggap ng mga taong ito ang mga huwad na pangangatwiran at maling paniniwalang ito bilang ang katotohanan at matinding ipinahahayag ang mga ito, puspusan at hayagang itinataguyod ang mga ito para manlihis at gawing tiwali ang sangkatauhan, para mapagtakpan nila ang kanilang iba’t ibang napakababa at walang kahihiyang krimen at mga hindi kaaya-ayang mukha. Mula rito, malinaw mong makikita na demonyo silang lahat, gayundin mga hayop at maruming espiritu na hindi nakikinig sa katwiran. Hindi mo sila makatwirang makakausap, at hindi makakapagsabi ng mga mabuti o tunay na salita sa kanila. Kapag dumating ang araw na makakakita ka nang may ganitong antas ng kalinawan, malalaman mong ginawang tiwali nang napakalalim ang sangkatauhan; na kasing tiwali mo lang ang ibang mga tao; na sa kasalukuyang panahon lang kung kailan nananampalataya ka sa Diyos at nauunawaan ang ilang katotohanan na maaari mong maisabuhay ang kaunting wangis ng tao, makalayo sa impluwensiya ng mga demonyo at ni Satanas, at makilatis ang mga ito, kamuhian ang mga ito, at talikuran ang mga ito; na kung wala ang pagliligtas ng Diyos, magiging katulad ka rin nila—walang magiging pagkakaiba—at na kaya mong gumawa ng anumang uri ng masama o buktot na bagay. Ngayon hinahangad mo ang katotohanan, labis na gumagawa at nagsisikap para sa katotohanan, binibigyan ng pagpapahalaga ang pagsasagawa, at ginagawang sarili mong realidad ang katotohanan. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan, naisasagawa ang katotohanan, naisasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos, at tinataglay ang tunay na patotoong batay sa karanasan, magiging masaya at mapayapa ang iyong puso, magiging mas normal ang iyong pag-iisip at kalagayan, magiging mas malapit at magiging mas normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, at magiging mas mabuti ang iyong mga araw. Kung hindi mo isinasagawa ang katotohanan, palaging namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya, at palaging hindi nauunawaan ang Diyos at pinaghihinalaan Siya, mas mapapalayo ang iyong puso sa Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang iyong pananampalataya sa Diyos, at wala kang makakamit. Kahit nanampalataya ka pa sa Diyos nang maraming taon, nakakaunawa ng maraming salita at doktrina, at hindi tumatanggap ng iba’t ibang nakalilinlang na kaisipan at pananaw ng mga walang pananampalataya, wala itong silbi. Ito ay dahil hindi mo nauunawaan ang katotohanan at nakakapagsalita ka lang ng ilang salita at doktrina, at hindi mo pa rin maisagawa ang katotohanan. Dahil ang mga bagay na iyon na unang pumasok sa puso mo at namayani roon, ay may kapangyarihan pa rin sa iyo, nakakapamuhay ka lang ayon sa mga bagay na ito. Ano pa man ang nais mong gawin, at ano pa mang sitwasyon ang dumating sa iyo, hindi mo matutulungan ang sarili mo mula sa pagiging kontrolado ng mga satanikong pilosopiyang ito. Kaya, kung may kapangyarihan ang mga satanikong pilosopiyang ito sa puso mo, hindi mo maisasagawa ang katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko isinasagawa ang katotohanan, ni hindi ko sinusunod si Satanas.” Posible ba ito? Walang gitnang landas. Sa pamamagitan lang ng pagtanggap sa katotohanan, pag-unawa sa katotohanan, at pagpapaalis sa mga satanikong bagay na iyon na unang pumasok sa iyong puso at namayani roon, na maisasakatuparan mo ang paggawa ng mga bagay ayon sa katotohanan. Kapag may kapangyarihan ang katotohanan sa iyong puso at may kapangyarihan ang mga salita ng Diyos sa iyong puso, likas mong maisasagawa ang katotohanan sa kung ano ang sinasabi at ginagawa mo.
Ano ang pagtrato ng mga tao sa lohika at mga kaisipan ni Satanas, at sa mga mental na saklay na kumokontrol sa kung paano mamuhay ang mga tao? Sikolohikal na pagkain? Sabaw ng manok para sa kaluluwa? Ang totoo, ito ang mga bagay na gumagawang tiwali sa mga tao, at kung “uubusin sila” ng isa, mamamatay ang isa. Kung patuloy na tinatanggap ng mga tao ang mga bagay na ito at nag-iimbak ng mga satanikong bagay sa loob, ano ang ipinahihiwatig nito? Na hindi pa nila iwinaksi ang kanilang orihinal na tiwaling disposisyon, at nagpatuloy na tanggapin ang bagong katiwalian mula kay Satanas dagdag pa rito. Ibig sabihin nito ay katapusan na nila. Hindi maiiwasan na hindi sila maililigtas. Dapat mong patuloy na kilatisin at tanggihan ang mga bagay na ito, habang patuloy na iwinawaksi ang mga ito, hindi namumuhay ayon sa mga bagay na ito, at tinatanggap ang mga salita ng Diyos. May mga taong nagsasabi, “Hindi ko tatanggapin ang mga bagay na ito. Kusang papasok sa akin ang mga salita ng Diyos.” Hindi ito posible. Dapat aktibo mong hanapin ang katotohanan at tanggapin ang katotohanan, at sa pamamagitan ng proseso ng pag-unawa sa katotohanan, likas mong makakamtan ang pagkilatis sa mga huwad na pangangatwiran at maling paniniwala, at unti-unti mo silang bibitiwan. Sa ganitong paraan, unti-unting magiging mga prinsipyo mo sa paggawa ng mga bagay-bagay ang mga salita ng Diyos, at kapag gagawa ka ng mga bagay-bagay malalaman mo kung aling paraan ng paggawa sa mga ito ang naaayon sa mga layunin ng Diyos, napakalikas mong maisasagawa ang katotohanan, at magbabago ang aspektong ito ng iyong tiwaling disposisyon. Mahirap ba itong gawin sa tingin ninyo, o hindi? Sa totoo lang hindi ito mahirap. Ang tanging mahirap na bagay tungkol dito ay na hindi ito isinasagawa ng mga tao. Iniisip ng ilang tao, “Napakahirap nito—mas mahirap kaysa sa pag-akyat sa langit! Hindi ba’t pagtulak ito sa isang pato sa ibabaw ng isang dapuan? Hindi ba’t inilalagay ako nito sa isang mahirap na posisyon?” Iyon ba ang kaso? Hindi, hindi iyon ang kaso. Dapat mong harapin nang tama ang mga bagay na ito at magkaroon ka ng tamang pagkilatis sa mga bagay na ito. Ngayon gumugol ako ng napakahabang oras sa pagbabahagi at pagkilatis ng ilang satanikong panlilinlang, pero ang ilang bagay ba na ito ang tanging mga bagay na nakaimbak sa loob ng mga tao? (Hindi.) May higit na mas marami pa kaysa sa mga ito! Mamaya, magbabahagi ako tungkol sa mga paksang ito nang sunud-sunod. Dati, hindi ako nakapagbahagi tungkol sa aspektong ito, kaya pinagbulayan ba ninyo kailanman sa inyong sarili ang mga paksang ito? Hindi. Kung pagbubulayan ninyo ang mga ito, makakakuha ba kayo ng ilang resulta? Kung nagawa niyong maglaan ng kaunting pagsisikap sa katotohanan, magkakaroon sana kayo ng kaunting pagkilatis sa mga satanikong panlilinlang, hindi kayo magiging ganap na walang-alam tulad ninyo ngayon. Tila biglaan ba ang Aking pagbabahagi tungkol sa mga paksang ito ngayon? Mayroon bang magsasabi, “Hindi ba’t nagbabahagi tayo tungkol sa pagkilatis ng mga anticristo? Paanong bigla tayong nagbabahagi tungkol sa mga paksang ito?” May kinalaman sa tiwaling disposisyon ni Satanas ang lahat ng bagay na ito. May kinalaman rin ang lahat ng bagay na ito sa pagkilatis ng mga tao sa tiwaling disposisyon ni Satanas, at kapaki-pakinabang sa abilidad ng mga tao na tumpak na maunawaan ang katotohanan. Kahit papaano, pagkatapos magbahaginan, malalaman ng mga tao, “Lumalabas na ang malaking parirala na ito ay hindi ang katotohanan.” Mula sa puntong ito, maaaring maalis sa iyong puso ang mga panlilinlang gaya ng “Pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo” at “Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo sa trabaho, at huwag mong kuhain sa trabaho ang mga taong pinagdududahan mo.” Maaaring may ilan sa inyo na hindi kayang alisin ang mga ito sa sandaling ito, pero kahit papaano alam mong ang mga pariralang ito ay hindi ang katotohanan, at sa susunod na marinig mong may magsabi ng mga pariralang ito, malalaman mong mapanlihis ang mga parirala, at hindi mo tatanggapin ang mga ito. Kahit na nararamdaman ng puso mo na medyo tama ang mga parirala, at na mabubuting bagay pa rin ang mga itong gawin, iisipin mo rin, “Sinabi ng Diyos na ang mga pariralang ito ay hindi ang katotohanan. Hindi ako puwedeng kumilos ayon sa mga ito.” Hindi ba’t kapaki-pakinabang ito sa iyo? (Oo.) Ano ang Aking layon sa pagsasabi ng mga bagay na ito? Bakit ko hinihimay ang ganitong mga parirala? Palaging sinasabi ng mga mananampalataya, “Dapat nating isagawa ang katotohanan. Ang lahat ng mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Ang lahat ng salita ng Diyos ay positibong bagay, at ang mga ito ang dapat nating isinasagawa.” Isang araw pupungusan ka, at lilitaw sa puso mo ang mga pariralang “Pagtulog sa mga sanga at pagdila sa apdo” at “Kapag igagawad na ng langit ang malaking responsabilidad sa isang tao, dumanas muna dapat ng sakit ang kanyang puso.” Ang mga ito ba ang katotohanan? Hindi ba’t isang biro iyon? Kung hiningi sa iyo na magpatotoo sa Diyos, paano mo ito gagawin? Sasabihin mo, “Dapat tiisin ng mga mananampalataya ang kahihiyan at dalhin ang isang mabigat na pasanin, matulog sa mga sanga at dumila ng apdo, at magkaroon ng kagustuhang huwag sumuko sa paglaban at mentalidad.” Pagpapatotoo ba ito sa Diyos? (Hindi.) Sa pagtrato sa satanikong lohika bilang mga salita ng Diyos at ang katotohanan at sa pagpapatotoo rito, hindi ka lang hindi nagpatotoo sa Diyos nang maayos, kundi naging katatawanan ka kay Satanas at pinahiya mo ang Diyos. Ano itong ginagawa mo na ito? Kung kokondenahin ka ng Diyos para dito, iisipin mong hindi ito makatarungan, at sasabihin, “Wala akong kaalam-alam. Hindi ko nauunawaan. Hindi kailanman nagbahagi ang Diyos sa akin tungkol dito.” Kung hindi ka Niya kinokondena, pero napakalubha ng kalikasan ng mga kilos mo, ano ang dapat gawin ng Diyos tungkol dito? Ilagay ka sa isang tabi? (Hindi.) Walang kailangang gawin. Sa ganang Akin, ipapaunawa Ko lang sa inyo hangga’t maaari, at ipapaalam sa inyo hangga’t maaari—ayon sa inyong antas ng pang-arok at ayon sa ano ang kaya Kong sabihin sa inyo—kung ano talaga ang katotohanan, kung ang mga parirala na sa tingin ninyo ay mabuti at tama ay nakaugnay sa katotohanan, at kung ang mga ito ang katotohanan. Dapat Kong maipaunawa sa inyo ang mga bagay na ito. Kung, pagkatapos mong malaman ang mga bagay na ito, pareho pa rin ang iniisip mo, at mapilit ka pa rin, hindi ka ilalagay ng Diyos sa isang tabi, ni hindi ka Niya babalewalain. Karapat-dapat kang kondenahin, at kikilos ang Diyos. Bakit ito gagawin ng Diyos? Kung kikilos ka sa ganitong paraan habang hindi nauunawaan ang mga bagay na ito, tatratuhin ito ng Diyos bilang iyong pagiging mangmang at walang-alam, pero kapag talagang alam mo ang mga bagay na ito at kumikilos ka pa rin sa ganitong paraan, alam mong mali ang ginagawa mo, at dapat itong pangasiwaan ng Diyos ayon sa mga prinsipyo.
Disyembre 19, 2019