Tagalog Christian Music Video | "Kapag Kumidlat mula sa Silangan"

Nobyembre 24, 2023

I

Kapag nagbibigay-pansin lahat ng tao,

kapag lahat ng bagay ay nababago't nabubuhay muli,

kapag tao'y sumusunod sa Diyos ng walang pagdududa,

handang isabalikat ang pasanin ng Diyos,

dito lumalabas ang kidlat sa Silangan,

lahat iniilawan, Silangan patungong Kanluran,

sinisindak ang buong mundo sa liwanag nito.

Sa panahong 'to, sinisimulan ng Diyos ang bago Niyang buhay.

Ngayon sinisimulan ng Diyos ang bago Niyang gawain sa mundo,

inihahayag sa lahat ng tao sa sansinukob:

Kapag lumalabas ang kidlat mula sa Silangan,

siya ring nagsisimulang magsalita ang Diyos.

Sa sandaling lumalabas ang kidlat,

nagliliwanag ang kalangitan, lahat ng bitui'y nagbabago,

lahat ng bitui'y nagbabago.

II

Mula noong napatotohanan ang Diyos hanggang sa nagsimula Siyang gumawa

hanggang sa ang pagka-Diyos ang naghahari sa buong mundo,

ito ang sinag ng kidlat sa Silangan,

na nagniningning sa buong sansinukob.

'Pag mga kaharian sa lupa'y nagiging kay Cristo,

siya ring pag-ilaw ng sansinukob.

Ngayon ang oras ng pagkinang ng kidlat sa Silangan:

Diyos sa katawang-tao'y gumagawa't sa pagka-Diyos ay nagsasalita.

Kapag nagsisimula nang magsalita ang Diyos sa daigdig,

siya ring lumalabas ang kidlat sa Silangan.

Kapag ang tubig na buhay ay umaagos mula sa trono,

kapag ang tinig mula sa trono'y nagsisimula na,

ay siya ring nagsisimulang magsalita ang pitong Espiritu.

III

Ngayon ang kidlat ng silangana'y kumikinang na;

dahil sa pagkakaiba ng panahon,

nag-iiba-iba ang antas ng pagliliwanag,

nililimitahan ang saklaw ng kaningningan nito.

Ngunit habang ang Kanyang plano't gawai'y nagbabago—

habang nag-iiba-iba'ng Kanyang plano't gawain sa mga anak at tao Niya—

ginagawa ng liwanag ang likas nitong tungkulin,

kumikinang ang sansinukob nang walang naiiwang latak.

Ito ang bunga ng anim na libong taong plano ng Diyos,

ang mismong bagay na tinatamasa ng Diyos.

Kapag ang ilaw ng Diyos ay lumiliwanag na sa daigdig,

lahat ng bagay sa langit at lupa'y magbabago.

At mga bituin sa langit ay magbabago,

ang araw at buwa'y muling magbabago,

at ang tao sa lupa'y muling magbabago—

ito ang gawain ng Diyos sa langit at lupa.

At mga bituin sa langit ay magbabago,

ang araw at buwa'y muling magbabago,

at ang tao sa lupa'y muling magbabago—

ito ang gawain ng Diyos sa langit at lupa.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng "Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob", Kabanata 12

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger