Tagalog Christian Song | "Ang Totoong Kuwento ng Gawain ng Pamamahala ng Diyos sa Tao"
Oktubre 26, 2026
I
Dapat mong malaman na ang paggawang perpekto, paggawang ganap, at pagkakamit ng Diyos sa mga tao ay walang inihahatid kundi mga espada at paghampas sa kanilang laman, gayundin ang walang katapusang pagdurusa, ang paglalagablab ng apoy, walang-habag na paghatol, pagkastigo, at mga sumpa, at walang hangganang mga pagsubok. Gayon ang tunay na kuwento at katotohanan ng gawain ng pamamahala sa tao. Gayunpaman, nakatutok ang lahat ng bagay na ito sa laman ng tao, at lahat ng pana ng pagkamapanlaban ay walang-awang nakatutok sa laman ng tao. Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo, at para sa Kanyang pamamahala. Ito ay dahil ang Kanyang gawain ay hindi lamang para sa kapakanan ng sangkatauhan, kundi para din sa buong plano, gayundin ay upang tuparin ang Kanyang orihinal na layunin nang nilikha Niya ang sangkatauhan. Kaya, marahil siyamnapung porsiyento ng dinaranas ng tao ay pagdurusa at mga pagsubok ng apoy, at napakakaunti, o baka wala pa nga, ng matatamis at masasayang araw na inaasam ng laman ng tao. Lalo nang hindi nakapagtatamasa ang tao ng masasayang sandali sa laman, gumugugol ng magagandang panahon sa piling ng Diyos.
II
Ang laman ay marumi, kaya ang nakikita o tinatamasa ng laman ng tao ay walang iba kundi ang pagkastigo ng Diyos na para sa tao ay walang pagsasaalang-alang. Ito ay dahil ihahayag ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon, na “walang pagsasaalang-alang sa tao”, hindi kumukunsinti sa mga pagkakasala ng tao, at namumuhi sa mga kaaway. Lantarang inihahayag ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa pamamagitan ng anumang paraan na kailangan, sa gayong paraan ay tinatapos ang gawain ng Kanyang anim na libong taong pakikipaglaban kay Satanas—ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan at ang pagwasak sa sinaunang Satanas!
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Layunin ng Pamamahala sa Tao
Iba pang mga Uri ng Video