Tagalog Testimony Video | "Ito ang Tinig ng Diyos"

Agosto 30, 2022

Simula pa noong bata siya, ang pangunahing tauhan ay nagsisimba kasama ang kanyang mga magulang, pero kinalaunan sa kanyang buhay, nagsimula siyang makadama ng espirituwal na kahungkagan at napalayo sa Panginoon. Nang hindi inaasahan, nakita nilang mag-asawa ang isang pelikula online na gawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na may pamagat na Pananabik. Narinig niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nadama na nagtataglay ang mga ito ng kapangyarihan at awtoridad, at nakadama siya sa kanyang puso ng katiyakan na ang mga ito ay ang tinig ng Diyos. Sa panonood sa pelikula, nalaman niya na ang Panginoong Jesus ay naparito na nang palihim, na Siya ang Makapangyarihang Diyos—lubha siyang nagalak, at nagpatuloy sa paghahanap at pagsisiyasat. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lubos siyang nakasiguro na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tinanggap niya ang Kanyang gawain sa mga huling araw at dumalo sa piging ng kasal ng Kordero.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger