Tagalog Gospel Testimony Video | "Ang mga Pasikot-Sikot sa Aking Paglalakbay Papunta sa Diyos (I)"

Marso 15, 2023

Isa siyang debotong Kristiyano. Sa kanyang paghahanap ng landas para makalaya sa kasalanan, gumugol siya ng walong taon sa paghahanap kung saan-saan para sa isang simbahan na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, napunta pa nga siya sa South Korea sa kanyang paghahanap. Gayunpaman, paulit-ulit siyang nadismaya. Nang umabot na siya sa punto ng pagkamiserable at pakiramdam niya ay wala na siyang magagawa, sinabi sa kanya ng kanyang ate na matagal nang nagbalik ang Panginoon, at binasahan siya nito ng ilang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Naramdaman niya ang kapangyarihan at awtoridad sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya napukaw ng aklat na ito ang kanyang interes. Gamit ang isang kopya mula sa kanyang ate, inihambing niya ito sa Bibliya habang nagbabasa siya. Habang mas nagbabasa siya, mas nasisiguro niya na ito malamang ang mga salita ng Diyos; nagpasya siyang bisitahin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para magsiyasat. Kalaunan, natagpuan niya sa wakas ang landas para makalaya sa kasalanan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nagawa niyang salubungin ang Panginoon.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger