Christian Dance | "Ang Milenyong Kaharian ay Dumating na" | Praise Song

Nobyembre 29, 2024

I

Ang nagkatawang-taong Diyos, ang Anak ng tao, ay bumaba na,

nagpapakita bilang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao.

Ang Kanyang salita ang nagpasimula ng Kapanahunan ng Kaharian,

at ang paghatol ay nagsimula na mula sa sambahayan ng Diyos.

Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay itinaas sa harap Niya;

dumating sila para sambahin si Cristo ng mga huling araw.

Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasaad ng mga bagong salita araw-araw,

dinadala sa mga tao ang daan ng buhay na walang hanggan.

Ang Bagong Jerusalem ay bumababa mula sa langit,

at ang buong sansinukob ay nagbubunyi.

Nakamit na ng Diyos ang kaharian at bumaba na Siya sa lupa,

at ang Milenyong Kaharian ay dumating na.

II

Ang taggutom ay dumating na sa relihiyosong mundo,

at ang mga tao ay napipilitang hanapin ang tunay na daan.

Matagal na silang nananabik para sa pagpapakita ng Anak ng Tao,

at nalulupig sila ng tunog ng tinig ng Diyos.

Tinanggap na nila ang paghatol at paglilinis ng Diyos,

at nakamit na nila ang katotohanan at ang buhay.

Sa lahat ng uri ng pagsubok at kapighatian,

nakita na nila ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat

at karunungan ng Diyos.

Umaasa sila sa salita ng Diyos at naninindigan sa kanilang patotoo,

nagdadala ng kaluwalhatian sa Makapangyarihang Diyos.

Gumawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay,

at ang dakilang gawain Niya ay nakompleto na.

III

Ang poot ng Diyos ay bumaba na,

at ang malalaking sakuna ay sunod-sunod nang dumarating.

Ang masamang sangkatauhan ay nililipol ng Diyos,

ganap na ibinubunyag ang pagiging matuwid ng Diyos.

Nagapi na ng mga tao ng Diyos si Satanas,

at namumuhay sila sa liwanag ng presensiya ng Diyos.

Dinala na sila ng Diyos sa Milenyong Kaharian,

kung saan nagsasaya sila sa walang hanggang mga pagpapala ng Diyos.

Isinakatuparan ng salita ng Diyos ang lahat,

ibinubunyag nito ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos.

Ang salita ng Diyos ay naghahari sa lupa, at ang Milenyong Kaharian ay dumating na.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin