Christian Song | "Awit ng mga Mananagumpay" Choral Hymn

Hunyo 22, 2025

I

Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Mga tao Ko, na nasa kaharian ng ngayon, sino sa inyo ang hindi kasapi sa lahi ng tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag isinasapubliko ang Aking bagong panimula, ano ang magiging reaksiyon ng mga tao? Nakita na ng sarili ninyong mga mata ang kalagayan ng mundo ng tao; hindi pa ba ninyo naiwaksi ang mga kaisipan ng pamumuhay sa mundong ito magpakailanman? Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang inihanda para sa inyo? Sinikap na ba ninyong hangarin ang mga pangakong binitiwan para sa inyo? Kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, hindi kayo mawawalan ng paggabay ng liwanag. Kayo ang magiging mga panginoon ng lahat ng bagay. Kayo ay magiging mga mananagumpay sa harap ni Satanas.

II

Naglalakad Ako ngayon sa gitna ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa gitna nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, sila ay hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahangad sa Akin, makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang maghimagsik laban sa kanilang sarili, sila ay mapupuspos Ko at magmamana sila ng kasaganaan ng Aking kaharian. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang inihanda para sa inyo? Sinikap na ba ninyong hangarin ang mga pangakong binitiwan para sa inyo? Kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, hindi kayo mawawalan ng paggabay ng liwanag. Kayo ang magiging mga panginoon ng lahat ng bagay. Kayo ay magiging mga mananagumpay sa harap ni Satanas.

III

Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, tatanggapin Ko ang mga gumugugol ng kanilang sarili para sa Akin, at sa mga nag-aalay ng kanilang sarili sa akin, pagkakalooban Ko sila ng mga bagay para sa pagtatamasa nila. Pagpapalain Ko ang mga nagtatamasa sa Aking mga salita; magiging mga haligi sila na susuporta sa palupo sa Aking kaharian, magtatamasa sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking sambahayan, at walang maikukumpara sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang inihanda para sa inyo? Sinikap na ba ninyong hangarin ang mga pangakong binitiwan para sa inyo? Kayo, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, hindi kayo mawawalan ng paggabay ng liwanag. Kayo ang magiging mga panginoon ng lahat ng bagay. Kayo ay magiging mga mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng bansa ng malaking pulang dragon, kayo ay tatayo sa gitna ng di-mabilang na tao bilang patunay ng Aking tagumpay. Kayo ay tatayong matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Dahil sa mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at magniningning kayo ng Aking liwanag ng kaluwalhatian sa buong sansinukob.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin