Christian Dance | "Ang Awit ng Ating Di-Nasabing Ugnayan" | Praise Song

Abril 9, 2025

I

May Isa na nagkatawang-taong Diyos.

Lahat ng sinasabi Niya at ginagawa Niya ay ang katotohanan.

Lubos kong minamahal ang pagiging matuwid Niya, ang karunungan Niya.

Ang makatagpo Siya, ang makapagpasakop sa Kanya,

ako ay tunay na pinagpala.

Ang paghatol at pagkastigo Niya ay naglilinis sa aking katiwalian.

Nagkakamit ako ng katotohanan at buhay at nagtatamo ako ng bagong buhay.

Ginagampanan ko ang aking tungkulin, inihahandog ang aking tunay na puso,

at sinusuklian ang pagmamahal ng Diyos.

Mahal ako ng Diyos at mahal ko Siya.

Mayroon kaming di-nasabing ugnayan.

Puso at pag-ibig Niya ako ay nalupig.

Mabilis akong tumatakbo upang Siya ay sundan, at 'di na ako naghahanap pa.

Ako ay nagpapatotoo sa Kanya, at kahit lubos akong nagdurusa,

may tamis sa'king puso.

Iniibig ko Siya at ako'y tapat sa Kanya;

Siya'y aking minamahal.

II

Ibinigay ko ang pag-ibig ko sa Kanya, at puno ako ng kagalakan.

Ang ialay aking puso at katawan at mabuhay para sa Kanya,

ito ang aking buhay.

Ang ibigin at paglingkuran Siya ay tunay na isang karangalan.

Ang iproklama Siya't magpatotoo sa Kanya'y mga layunin ng Diyos.

Iniisip ko ang Kanyang mga iniisip, inaalala ko ang Kanyang mga alalahanin.

Ako'y mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos.

Kanyang pagsang-ayon at kasiyahan ay aking kinasasabikan.

Ako'y isang lingkod sa bahay ng Diyos

at tinutupad ko nang maayos ang aking tungkulin.

Ang magpatotoo sa Diyos at luwalhatiin Siya ay tunay na pinagpala.

Puso at pag-ibig Niya ako ay nalupig.

Mabilis akong tumatakbo upang Siya ay sundan, at 'di na ako naghahanap pa.

Ako ay nagpapatotoo sa Kanya, at kahit lubos akong nagdurusa,

may tamis sa'king puso.

Iniibig ko Siya at ako'y tapat sa Kanya;

Siya'y aking minamahal.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Iba pang mga Uri ng Video

I-share

Kanselahin