
Christian Dance | "Umawit ng Papuri sa Makapangyarihang Diyos" | Praise Song
Marso 15, 2025
I
Makapangyarihang Diyos, kaibig-ibig na Diyos,
inaawit namin ang papuri sa Iyo magpakailanman!
Ikaw ang nag-iisang tunay na Diyos na nagpakita,
ang Tagapagligtas na pumarito nang may kaluwalhatian!
Para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan,
dalawang beses Kang nagkatawang-tao.
Nagsasalita at gumagawa Ka,
ginagabayan Mo ang sangkatauhan hanggang sa araw na ito.
Dumanas Ka ng labis na pang-uusig at pasakit,
tiniis Mo ang kahihiyan, at tinanggihan Ka ng kapanahunang ito.
Binayaran Mo ang halaga ng lahat ng dugo ng Iyong puso,
at ganap nitong ibinunyag ang Iyong pagmamahal.
Mula sa Iyong mga salita, nakikita namin ang Iyong mga gawa
at nalalaman ang Iyong pagiging kaibig-ibig.
Ang Iyong katuwiran, ang Iyong kabanalan,
at ang Iyong mga layunin ay lahat nabunyag na sa amin.
Nilulupig at inililigtas kami ng Iyong mga salita,
karapat-dapat Ka sa walang-hanggang pagmamahal ng tao.
O, Makapangyarihang Diyos, mamahalin Ka namin,
magpapasakop kami sa Iyo, at magpapatotoo sa Iyo magpakailanpaman!
II
Makapangyarihang Diyos, kaibig-ibig na Diyos,
inaawit namin ang papuri sa Iyo magpakailanman!
Ipinahahayag Mo ang katotohanan at inililigtas kami,
pinahihintulutan kaming mamuhay sa Iyong presensiya.
Dinidiligan at tinutustusan Mo kami ng Iyong mga salita,
at ginagamit Mo ang mga pagsubok para perpektuhin kami.
Matapos danasin ang Iyong mga salita at unawain ang katotohanan,
patuloy na lumalago ang aming buhay.
Hinahatulan at dinadalisay Mo kami,
at iwinawaksi namin ang aming katiwalian at nagiging mga bagong tao.
Ikaw ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
Ikaw ang aming magiliw at kagalang-galang na minamahal.
Umaawit kami ng papuri sa Iyo,
at pinupuri namin ang Iyong matuwid na disposisyon.
Sumasayaw kami para ipahayag ang aming pagmamahal at paggalang sa Iyo.
Natalo Mo na si Satanas at lubusang nailigtas kami't
nagtamo Ka ng ganap na kaluwalhatian!
O, Makapangyarihang Diyos, mamahalin Ka namin,
magpapasakop kami sa Iyo, at magpapatotoo sa Iyo magpakailanpaman!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video