Tagalog Christian Music Video | "Pinuri ng Diyos ang Pagsisisi ng Hari ng Ninive"
Mayo 19, 2022
"Nakatala sa Aklat ni Jonas ang kuwento ng lungsod ng Ninive:
Ang kasamaan ng mga tao sa loob ng lungsod na ito
ay umabot na sa harap ng Diyos na si Jehova,
kaya isinugo Niya si Jonas upang ipahayag sa kanila,
'Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak' (Jonas 3:4).
Sa madaling salita, kapag hindi nagsisi ang mga tao sa loob ng lungsod,
inamin ang kanilang mga kasalanan
o nagpatirapa sa harap ng Diyos na si Jehova sa loob ng apatnapung araw,
wawasakin ng Diyos ang lungsod.
Bukod sa ipinarating ng mga salitang 'to ang galit ng Diyos na si Jehova,
ipinarating din nito ang Kanyang saloobin sa mga taga-Ninive;
kasabay nito, nagsilbi itong taimtim na babala
sa mga taong naninirahan sa loob ng lungsod.
At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Diyos; at sila'y nangaghayag ng ayuno,
at nagsuot ng kayong magaspang upang magsisi sa Diyos,
mula sa pinakadakila sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila.
Siyempre, ito ay isang bagay na ginawa ng lahat ng mamamayan ng Ninive,
hindi lamang ng karaniwang mamamayan– kabilang din ang hari."
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
I
Nang marinig ng hari ng Ninive Diyos na si Jehova'y lilipulin sila,
siya'y tumayo mula sa trono, hinubad kanyang balabal,
telang-sako'y 'sinuot at sa abo'y umupo,
hinubad kanyang balabal, telang-sako'y 'sinuot at sa abo'y umupo,
sinabi niyang tao't hayop ay magsuot din,
walang dapat tumikim ng anuman,
sa halip ang lahat ay magmakaawa sa Diyos.
Ipinahayag niya na ang bawat isa'y talikdan ang gawaing masama
at karahasan sa mga kamay nila.
Hari ng Ninive tunay ang pagsisisi,
nagampanan gawain ng isang hari.
Ginawa niya'y mahirap para sa ibang hari,
'di pa nagawa sa kasaysayan.
Karapat-dapat gunitain at tularan ng tao.
Karapat-dapat gunitain at tularan ng tao.
II
Mula simula ng tao,
inakay ng mga hari ang sakop nila na labana't tutulan ang Diyos.
Walang umakay magsumamo sa Diyos
nang mailigtas sa masasamang gawain nila,
nang mapatawad, parusa'y maiwasan.
Ngunit ang hari ng Ninive'y inakay ang sakop niya sa Diyos,
tumalikod sa karahasan at kasamaan.
Isinuko niya rin ang trono,
kaya't binawi ng Diyos Kanyang poot,
kaya't binawi ng Diyos Kanyang poot,
nang maligtas ang lahat sa pagkawasak.
Pambihirang himala sa kasaysayan!
Ginawa ng hari'y halimbawa kung pa'no mangumpisal at magsisi sa harap ng Diyos.
Ginawa ng hari'y halimbawa kung pa'no mangumpisal at magsisi sa harap ng Diyos.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video