Tagalog Testimony Video | "Matatalinong Dalaga lang ang Maaaring Sumalubong sa Panginoon"

Mayo 29, 2022

Nananampalataya na sa Diyos ang bida mula pa noong bata siya, kasama ang kanyang pamilya, at naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, isang kaibigan niya sa simbahan ang nagbigay sa kanya ng patotoo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan. Gusto niya itong tingnan, pero naalala niya na palaging sinasabi ng pari na darating sa mga huling araw ang mga huwad na Cristo para linlangin ang mga tao, kaya tinanggihan niya ang kaibigan niya. Pero sa pamamagitan ng mga pagbabahagi ng kanyang kaibigan, asawa, at biyenan, napagtanto niya na ang pagtawag na peke sa lahat ng balita ng pagparito ng Panginoon sa takot na mailigaw ay paggutom lamang sa kanyang sarili dahil sa takot na mabulunan, at nangangahulugang malamang na kokondenahin din niya ang pagbabalik ng Panginoon. Kung kaya nagdesisyon siyang magsiyasat at alamin pa ang tungkol dito. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pagdalo sa mga pagtitipon at pakikinig sa pagbabahagi, natutunan niya ang prinsipyo para maaninaw ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na Cristo, nakilala niya na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik, at masayang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger