Mga Tao sa Buong Mundo na Nag-aaral ng Wikang Tsino | Koro: Diyos Lamang ang May Daan ng Buhay | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 20, 2026

I

Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng sinumang tao, hindi rin ito isang bagay na madaling matamo ng bawat tao. Ito ay sapagkat ang buhay ay maaari lamang magmula sa Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang nagtataglay ng diwa ng buhay, at tanging ang Diyos Mismo ang may daan ng buhay. Kaya tanging ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay, at ang patuloy na umaagos na bukal ng tubig ng buhay. Magmula noong paglikha ng mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na nagtataglay ng kasiglahan ng buhay, marami na Siyang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad Siya ng malaking halaga na nagbibigay-kakayahan sa tao na magkamit ng buhay. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang muling mabuhay ang tao.

II

Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at Siya ay namumuhay sa gitna ng mga tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nagpapakilos sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pananatiling buhay ng tao, at isang mayamang mapagkukunan para sa pananatiling buhay ng tao pagkatapos maisilang. Binibigyang-kakayahan Niya ang mga tao na muling isilang, at binibigyang-kakayahan sila na mamuhay nang matatag sa sarili nilang indibidwal na papel. Dahil sa pagsandig sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa sunud-sunod na mga salinlahi, habang ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay palaging nagbibigay ng suporta sa gitna ng mga tao, at nagbayad ang Diyos ng halagang hindi pa kailanman nabayaran ng isang ordinaryong tao.

III

Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; higit pa rito, humihigit ito sa alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, pambihira ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilalang o puwersa ng kaaway ang puwersa ng Kanyang buhay. Umiiral at nagniningning ang puwersa ng buhay ng Diyos nang may makinang na liwanag anuman ang oras o lugar. Maaaring sumailalim sa napakalalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman. Maaaring lumipas ang lahat ng bagay, ngunit iiral pa rin ang buhay ng Diyos. Ito ay dahil ang Diyos ang pinagmumulan ng pananatiling buhay ng lahat ng bagay, at ang ugat na sinasandigan ng lahat ng bagay para sa pananatiling buhay.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin