Sundin ang Kasalukuyang mga Salita ng Diyos upang Mapasaiyo ang Gawain ng Banal na Espiritu

Mayo 5, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Sundin ang Kasalukuyang mga Salita ng Diyos upang Mapasaiyo ang Gawain ng Banal na Espiritu"

Sa bawat panahon,

gawain ng Diyos ay nag-iiba.

Kung ngayo'y sumusunod ka,

ngunit kaunti na lang o wala na sa susunod,

Diyos ay iiwan ka.

Kung kasama mo sa hakbang na 'to ang Diyos,

sumunod na hakbang gawin mo rin.

Saka mo lang masusunod ang Banal na Espiritu.

Kung nananalig ka sa Diyos, sumunod palagi.

'Di pwedeng kung kailan mo lang gusto,

'di sang-ayon ang Diyos dito.

Kung bago Kong gawain 'di mo masundan

at nakakapit ka sa lumang kasabihan,

pa'no uunlad ang buhay mo?

Gawain ng Diyos ay tustusan ka sa Kanyang salita.

Sundin at tanggapin 'to,

at Espiritu sa'yo'y gagawa.

Gumagawa Siya ayon sa Aking pagsasalita.

Gawin ang sinasabi ko,

at Espiritu'y agad sa'yong gagawa.

Bagong liwanag ipapakita sa inyo,

upang sa liwanag ngayo'y dalhin kayo.

Paglalakad sa liwanag na 'to,

Espiritu'y gumagawa sa'yo.

Yaong 'di ganito ang isinasagawa

nagiging ligaw at walang buhay.

Sa pagbabago ng 'yong disposisyon,

mahalagang sumabay sa liwanag ngayon.

Gawain ng Diyos ay tustusan ka sa Kanyang salita.

Sundin at tanggapin 'to,

at Espiritu sa'yo'y gagawa.

Gumagawa Siya ayon sa Aking pagsasalita.

Gawin ang sinasabi ko,

at Espiritu'y agad sa'yong gagawa.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger