Tagalog Christian Song | "Lahat ng Hindi Tumatanggap sa Diyos na Nagkatawang-tao ay Mawawasak"
Enero 2, 2024
I
Minamahal, tinatanggap ng lahat ang
'di nakikita, 'di nahahawakang Diyos.
Kung Diyos ay Espiritung 'di nakikita,
madali sa tao'ng maniwala.
Inilalarawan nila'ng Diyos ayon sa nais
upang palugdan ang sarili,
gagawin ang nais ng kanilang Diyos,
nang walang pagdududa.
Higit pa riyan, naniniwala silang wala nang
mas tapat pa sa Diyos kaysa sa kanila.
Pabasta-basta ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos,
paano man niya naisin.
"Karapata't kalayaan" 'to ng tao,
na walang makakahadlang.
Naniniwala sila sa sarili nilang Diyos
at 'di sa iba.
Sarili nila 'tong pag-aari,
lahat ay nagtataglay nito.
Kayamanan ang tingin nila rito,
ngunit para sa Diyos, wala 'tong saysay
'pagkat salungat 'to sa Diyos higit sa lahat.
II
Dahil sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos,
nahahawakan na Siya ng tao;
'di Siya walang anyong Espiritu
bagkus nakikita't nahahawakan ng tao.
Maraming naniniwala sa diyos
na walang katawa't hugis,
na mayroon ding malayang anyo.
Sa gayon, ang nagkatawang-taong Diyos
ay kaaway ng mga mananampalataya.
Yaong 'di makatanggap sa pagkakatawang-tao'y
nagiging kaaway ng Diyos.
Haka-haka ng tao'y 'di nagmumula sa
pag-iisip at paghihimagsik niya.
Karamiha'y namamatay sa paniniwala
sa isang malabong Diyos.
Naiwawala ang buhay ng tao
'di ng nagkatawang-taong Diyos,
lalo na ng Diyos ng langit,
kundi ng Diyos sa isip ng tao.
Nagkatawang-tao ang Diyos
para sa tiwaling tao.
Nagsasakripisyo't naghihirap Siya para
sa kapakanan nila.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video