Christian Dance | "Ang Bagong Buhay sa Kaharian" | Praise Song

Oktubre 4, 2024

I

Nagpapahayag ang Diyos ng katotohanan at nagsisimula Siya ng bagong kapanahunan,

at mayroon tayong bagong buhay.

Kinakain, iniinom, at nilalasap natin ang salita ng Diyos,

at dumadalo tayo sa piging sa buong kasaganaan nito.

Mga bagong tao, isang bagong landas, mga bagong pangyayari,

mga bagong bagay, at isang bagong buhay!

Labis akong mapalad na makasalubong sa Panginoon!

Tunay akong pinagpala na marinig ang tinig ng Diyos,

at ako'y dumating upang makita ang praktikal na Diyos.

Nag-uumapaw sa galak ang puso ko at bumubuhos ang awit mula sa bibig ko.

Ako'y itinaas sa harap ng Diyos, at ako'y lumuluha sa pasasalamat.

Habang ang Diyos ay personal na nagdidilig, nagtutustos, at gumagabay sa atin,

pumapasok tayo sa bagong buhay ng kaharian.

Tinutularan natin si Pedro, lumalakad tayo sa landas ng pagmamahal sa Diyos,

at puno ng kagalakan ang ating buhay.

II

Magkakasamang nagtitipon ang mga hinirang ng Diyos

kumakain at umiinom ng Kanyang salita bilang isang pamilya.

Labis nating minamahal ang isa't isa nang walang mga hadlang,

napakasaya talagang mamuhay sa sambahayan ng Diyos!

Doon tayo'y nag-uusap, nagtatawanan, nagkakantahan,

nagsasayawan, at tunay na malaya!

Napakasayang mamuhay sa presensya ng Diyos!

Sinusuportahan natin ang isa't isa sa mga pagsubok at paghihirap,

pinagbubuklod ng salita ng Diyos.

Matapos mahatulan at maligtas,

ang ating puso ay naaantig at napupukaw;

iniligtas tayo ng Makapangyarihang Diyos

at binigyan Niya tayo ng bagong buhay.

Habang sumasayaw ka sa pagpupuri sa Diyos,

ako'y nakatayo sa tabi kasabay na pumapalakpak.

Iwinawaksi natin ang ating katiwalian at nagseserbisyo tayo nang may koordinasyon,

kaya ang tao at ang Diyos ay magkaparehong nagagalak.

Pinagbabahaginan natin ang katotohanan

at nagsasalita tayo tungkol sa ating mga karanasan,

nagsusumikap na maging unang magpatotoo sa Diyos.

Napakaligaya ng buhay ng mga bagong tao,

tunay na pinagpalang makamit ang katotohanan.

Tunay na nadarama ng mga tao ng Diyos ang kagalakan

at pinalilibutan nila ang trono ng Diyos upang purihin Siya.

Walang limitasyon ang malinawag na kinabukasan ng kaharian,

at marami pang nakagagalak na tagpo ang darating.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin