Christian Dance | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso" | Praise Song
Pebrero 5, 2025
Nananatili Ka sa aking tabi sa tagsibol at taglagas,
naglalakad kasama ko sa taglamig at tag-araw.
Nang makita ang mapanglaw Mong mukha, napupuno ng kalungkutan ang aking puso.
Hindi ko kailanman isinaalang-alang ang Iyong pag-iisa,
ni hindi inaliw ang Iyong kalungkutan.
Sa aking matigas na hindi pagsisisi, hinaharap ko, nang paulit-ulit,
ang Iyong taos-pusong mga pangaral.
Palagi Kitang sinasaktan, lagi Kitang binibigo,
at tanging pagkatapos lang ng Iyong pagtutuwid
saka ako nagkakamit ng kaunting kamalayan.
Nananatili akong malapit sa Iyong tabi,
pero hindi ko magawang dalhin ang Iyong pasanin;
paanong malalaman ng isang taong walang pang-unawa
ang tungkol sa Iyong pagdurusa?
Para sa sarili kong mga pagnanais, para sa laman, nakalimutan ko ang
katotohanan, moralidad, at katarungan.
Kapag labis ang aking pighati, nadurog Ko ang Iyong puso.
Namimighati Ka, pero walang nakauunawa rito.
Dumadaing sa sakit sa gitna ng katiwalian, gahaman akong humihingi sa Iyo.
Sino ang may konsensiya at katwiran na makibahagi sa ilan sa Iyong mga alalahanin?
Sa Iyong mahalagang pagmamahal at tunay na damdamin,
ang Iyong puso ay napakabait.
Sino kayang gaganda pa sa'Yo, sino pa ang mas marangal?
Ako'y palaging makakasama Mo, at hindi kailanman aalis sa tabi Mo.
Nawa'y masilayan ang kagalakan sa Iyong mukha,
at nawa'y palagi Kang manatili sa aking puso.
Nawa'y masilayan ang kagalakan sa Iyong mukha,
at nawa'y palagi Kang manatili sa aking puso.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin, Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video