Tagalog Christian Music Video | "Ang Panlilinlang ng Tao sa Diyos ay Laganap sa Kanilang mga Gawa"

Nobyembre 9, 2023

Maraming taong nais na tunay na mahalin ang Diyos,

ngunit mga puso nila'y 'di kanila,

sarili nila'y 'di kayang pigilan.

I

Marami ang mahal ang Diyos sa mga pagsubok Niya,

ngunit 'di nila maunawaang Siya'y umiiral.

Minamahal lang nila Siya sa kahungkagan,

hindi dahil sa Kanyang pag-iral.

Maraming naghahandog ng puso sa Kanya,

ngunit 'di nila pansin,

puso nila'y inaagaw ni Satanas

sa tuwing may pagkakataon,

tapos ay tatalikuran nila Siya.

Nais ng Diyos na tao ay maging taimtim sa Kanyang harapan.

Wala Siyang ibang hinihingi kundi Siya ay seryosohin.

Ang Kanyang kahilingan ay ibalik

ang katapatan ng tao, sa halip na linlangin nila Siya.

II

Marami ang mahal ang Diyos 'pag binibigay Niya ang salita Niya,

ngunit 'di nila mahal sa espiritu ang salita Niya,

kundi ginagamit 'to bilang pag-aari ng lahat,

ibinabalik ito kung kailan nila gusto.

Tao'y hinahanap ang Diyos sa gitna ng pasakit,

sa Kanya'y umaasa 'pag may pagsubok.

Tinatamasa Siya 'pag mapayapa, ngunit 'pag may panganib, itinatatwa,

'pag abala nalilimutan Siya.

'Pag 'di abala, basta-basta kung kumilos para sa Kanya.

Wala pang nagmahal sa Kanya nang buong buhay nila.

Nais ng Diyos na tao ay maging taimtim sa Kanyang harapan.

Wala Siyang ibang hinihingi kundi Siya ay seryosohin.

Ang Kanyang kahilingan ay ibalik

ang katapatan ng tao, sa halip na linlangin nila Siya.

III

Ang kaliwanagan ng Diyos, Kanyang pagtanglaw,

Kanyang pagsisikap ay laganap sa lahat ng tao,

ngunit gayon din ang katotohanan ng kilos ng tao

at kanilang panlilinlang sa Kanya.

Sa mabulaklak nilang salita'y 'di Siya nalinlang,

matagal na Niyang nakilatis ang tao.

Sinong may alam kung gaano karaming karumihan

o kamandag ni Satanas sa kanila?

Mas nasasanay ang tao araw-araw.

Kaya't sila'y manhid na sa mga pahirap ni Satanas,

walang interes sa "sining ng malusog na pamumuhay."

Nais ng Diyos na tao ay maging taimtim sa Kanyang harapan.

Wala Siyang ibang hinihingi kundi Siya ay seryosohin.

Ang Kanyang kahilingan ay ibalik

ang katapatan ng tao, sa halip na linlangin nila Siya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger