Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Fariseo ng mga Huling Araw"

Mayo 9, 2019

Narinig ni Christian Zhang Yi ang patotoo na nagbalik na ang Panginoon, pero nang siyasatin niya ang tunay na daan, ilang beses sinubukan ng kanyang pastor at elder na pigilin at hadlangan siya, sinasabing, "Sinumang nagsasabi na dumating na ang Panginoon na nagkatawang-tao ay nagkakalat ng maling paniniwala at turo. Huwag silang pakinggan, huwag basahin ang kanilang mga salita, at huwag makipag-ugnayan sa kanila!" Nakalito ito kay Zhang Yi, dahil malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, 'Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya'" (Mateo 25:6). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig" (Juan 10:27). Sinasabi ng mga salita ng Panginoon na ang mga tao ay kailangang maging matatalinong dalaga at aktibong hanapin at pakinggan ang tinig ng Panginoon upang matanggap Siya, ngunit sinubukan ng kanyang pastor at elder ang lahat upang hadlangan at limitahan ang mga nananampalataya sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Bakit sila natatakot sa mga nananampalataya na nagsisiyasat sa tunay na daan? … Sa pamamagitan ng mga pakikipagdebate sa kanyang pastor at elder, sa wakas ay nalaman ni Zhang Yi kung sino ang mga Fariseo sa mga huling araw, at kung sino ang tunay na balakid na humahadlang sa mga nananampalataya na tanggapin ang Panginoon.

Tingnan ang iba pa

Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin