Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 22

Mayo 19, 2020

Simula noong nagkaroon ng pamamahala ng Diyos, lagi na Siyang nakatalagang lubos sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Sa kabila ng pagtatakip ng Kanyang persona mula sa kanila, palagi lang Siyang nasa tabi ng tao, gumagawa sa kanila, nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, ginagabayan ang lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang diwa, at ginagawa ang Kanyang gawain sa bawat isang tao gamit ang Kanyang kalakasan, ang Kanyang karunungan, at ang Kanyang awtoridad, at sa ganoon ay nilikha Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at sa ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Bagamat itinatago ng Diyos ang Kanyang persona mula sa tao, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang katauhan at mga kataglayan, at ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan, ay walang pangingiming ipinahahayag sa tao upang makita at maranasan ng tao. Sa madaling salita, kahit hindi makita o mahipo ng mga tao ang Diyos, ang disposisyon at diwa ng Diyos na napapakitunguhan ng sangkatauhan ay totoong mga pagpapahayag ng Mismong Diyos. Hindi ba iyan ang katotohanan? Sa anumang paraan o mula sa anumang anggulo na gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, lagi Niyang tinatrato ang mga tao na ayon sa Kanyang totoong pagkakakilanlan, ginagawa ang dapat Niyang gawin at sinasabi ang dapat Niyang sabihin. Mula sa anumang katayuan mangusap ang Diyos—maaring nakatayo Siya sa ikatlong kalangitan, o nakatayo sa katawang-tao, o kahit bilang isang karaniwang tao—lagi Siyang nangungusap sa tao nang buong puso at sa Kanyang buong kaisipan, nang walang pandaraya o pagkukubli. Kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang disposisyon, at ipinahahayag kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nang walang anumang pangingimi. Ginagabayan Niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang buhay, at sa Kanyang katauhan, at mga kataglayan. Ganito nabuhay ang tao sa Kapanahunan ng Kautusan—ang panahon ng pagkakanlong para sa katauhan—sa ilalim ng paggabay ng di-makita at di-mahipong Diyos.

Unang nagkatawang-tao ang Diyos matapos ang Kapanahunan ng Kautusan, isang pagkakatawang-tao na tumagal ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Para sa isang tao, ang tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon ba ay mahabang panahon? (Hindi mahaba.) Dahil ang buhay ng isang tao ay karaniwang mas mahaba sa mahigit tatlumpung taon, hindi ito gaanong matagal para sa tao. Ngunit para sa Diyos na nagkatawang-tao, napakahaba itong tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Siya ay naging tao—isang karaniwang tao na pumasan sa gawain at utos ng Diyos. Ito ay nangangahulugang kinailangan Niyang gawin ang gawain na hindi kaya ng karaniwang tao, habang tinitiis rin ang pagdurusang hindi kayang tiisin ng karaniwang mga tao. Ang tindi ng pagdurusang tiniis ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, mula sa simula ng Kanyang gawain hanggang noong ipinako Siya sa krus, isang bagay na maaaring hindi nakita mismo ng mga tao sa panahong ito, ngunit maaari niyo bang pahalagahan man lamang ang kahit kaunti nito sa pamamagitan ng mga kuwento sa Biblia? Gaano man karami ang mga detalyeng kasama sa mga naitalang ito, sa lahat-lahat, ang gawain ng Diyos sa panahong ito ay punung-puno ng kahirapan at pagdurusa. Para sa isang tiwali na tao, hindi matagal ang panahon na tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon; ang kaunting pagdurusa ay balewala lang. Ngunit para sa banal at walang-dungis na Diyos, na kinakailangang magpasan sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan, at kumain, matulog, at mabuhay kasama ang mga makasalanan, masyadong malubha ang sakit na ito. Siya ang Manlilikha, ang Panginoon ng lahat ng mga bagay at ang Pinuno ng lahat, ngunit noong pumarito Siya sa mundo, kinailangan Niyang tiisin ang pang-aapi at kalupitan ng mga tiwaling tao. Upang matapos Niya ang Kanyang gawain at mailigtas ang sangkatauhan mula sa kahirapan, kinailangan Siyang parusahan ng tao, at pasanin ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Ang hangganan ng pagdurusang pinagdaanan Niya ay hindi posibleng maarok o sapat na mapahalagahan ng mga pangkaraniwang tao. Ano ang kinakatawan ng pagdurusang ito? Kinakatawan nito ang katapatan ng Diyos sa sangkatauhan. Kinakatawan nito ang kahihiyang pinagdusahan Niya at ang halagang binayaran Niya para sa kaligtasan ng tao, upang tubusin ang kanilang mga kasalanan, at upang tapusin ang bahaging ito ng Kanyang gawain. Nangangahulugan din ito na ang tao ay matutubos ng Diyos mula sa krus. Ito ay halagang binayaran gamit ang dugo, gamit ang buhay, isang halagang di-kayang bayaran ng mga nilikha. Iyon ba ay dahil mayroon Siyang diwa ng Diyos at nasa Kanya ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos kaya nakayanan Niya ang ganitong uri ng pagdurusa at ang ganitong uri ng gawain. Isang bagay ito na walang makagagawa na nilikha maliban sa Kanya. Ito ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon. Nagbunyag ba ito ng anuman tungkol sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Dapat lang ba na malaman ito ng sangkatauhan?

Sa panahong ito, bagamat hindi nakita ng tao ang persona ng Diyos, tinanggap nila ang alay-pangkasalanan ng Diyos at natubos sila ng Diyos mula sa krus. Maaaring hindi ganap na walang alam ang sangkatauhan tungkol sa gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit mayroon bang nakaaalam sa disposisyon at kaloobang ipinahayag ng Diyos sa panahong ito? Alam lang ng tao ang tungkol sa mga detalye ng gawain ng Diyos sa iba’t-ibang panahon sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga paraan, o may alam sila tungkol sa mga kuwentong may kaugnayan sa Diyos na naganap kasabay ng pagsasagawa ng Diyos sa Kanyang gawain. Ang mga detalye at mga kuwentong ito ay ilang mga impormasyon o mga alamat lamang na tungkol sa Diyos, at walang kaugnayan sa disposisyon ng Diyos at diwa. Kaya kahit na gaano karaming mga kuwento ang alam ng tao tungkol sa Diyos, hindi ito nangangahulugan na may malalim silang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos o Kanyang diwa. Katulad noong Kapanahunan ng Kautusan, bagamat ang mga tao mula sa Kapanahunan ng Biyaya ay nakaranas ng isang malapitan at malalim na pakikitungo sa Diyos sa katawang-tao, sa katunayan wala silang kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos at diwa ng Diyos.

Sa Kapanahunan ng Kaharian, muling nagkatawang-tao ang Diyos, katulad ng ginawa Niya noong unang beses. Sa panahong ito ng paggawa, ipinahahayag pa rin ng Diyos nang walang pangingimi ang Kanyang salita, ginagawa ang gawaing dapat Niyang ginagawa, at ipinahahayag kung anong mayroon at kung ano Siya. Kasabay nito, patuloy Niyang tinitiis at pinagbibigyan ang pagkasuwail at kamangmangan ng tao. Hindi ba patuloy pa rin ang Diyos sa pagbunyag ng Kanyang disposisyon at ipinapahayag ang Kanyang kalooban sa panahong ito ng paggawa? Samakatuwid, mula sa pagkalikha ng tao hanggang ngayon, ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang katauhan at mga kataglayan, at ang Kanyang kalooban, ay palaging lantad sa bawat tao. Hindi kailanman sinadyang itago ng Diyos ang Kanyang diwa, ang Kanyang disposisyon, o ang Kanyang kalooban. Wala lang talagang pagpapahalaga ang sangkatauhan tungkol sa kung ano ang ginagawa ng Diyos, ano ang Kanyang kolooban—kaya ang pagkaunawa ng tao sa Diyos ay lubhang kahabag-habag. Sa madaling salita, habang itinatago ng Diyos ang Kanyang persona, Siya ay nakaabang rin sa tabi ng sangkatauhan sa bawat sandali, lantad na ipinaaabot ang Kanyang kalooban, disposisyon, at diwa sa lahat ng oras. Sa isang dako, ang persona ng Diyos ay lantad rin sa mga tao, ngunit dahil sa kabulagan at pagkasuwail ng tao, palaging hindi nila nakikita ang pagpapakita ng Diyos. Kaya kung ganyan ang kalagayan, hindi ba dapat na madali para sa lahat ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at sa Diyos Mismo? Napakahirap sagutin ang tanong na yan, di ba? Maaari ninyong sabihing madali yan, ngunit habang nagsusumikap ang ilang mga tao na makilala ang Diyos, hindi talaga nila nakikilala ang Diyos o nagkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa Kanya—palaging malabo at hindi maliwanag. Ngunit kung sasabihin ninyong ito’y hindi madali, hindi rin naman ito tama. Sa tagal nilang pagiging pakay ng gawain ng Diyos, lahat ay nararapat, sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, na magkaroon ng totoong mga pakikitungo sa Diyos. Nadama man lamang dapat nila ang Diyos sa anumang antas sa kanilang mga puso o nakatagpo ang Diyos sa nakaraan sa isang antas na espiritwal, at kaya dapat na mayroon man lamang silang kaunting kamalayan sa damdamin tungkol sa disposisyon ng Diyos o nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa Kanya. Mula noong panahong nagsimula ang taong sumunod sa Diyos hanggang ngayon, masyado nang marami ang natanggap ng sangkatauhan, ngunit dahil sa lahat ng uri ng dahilan—ang mababang kalibre ng tao, kamangmangan, pagiging-rebelde, at sari-saring mga layunin—masyadong marami rin ang nawala ng sangkatauhan. Hindi pa ba sapat ang mga naibigay ng Diyos sa sangkatauhan? Bagamat itinatago ng Diyos ang Kanyang persona sa mga tao, tinutustusan Niya sila ng kung anong mayroon at kung ano Siya, at kahit ang buhay Niya; ang kaalaman ng sangkatauhan tungkol sa Diyos ay hindi lamang dapat kung ano ito ngayon. Kaya sa palagay Ko ay kailangang mas pagsamahan sa inyo ang tungkol sa paksang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Ang layunin ay upang hindi mauwi sa wala ang ilang libong taon na pag-aalaga at paglingap na ibinuhos ng Diyos sa tao, at upang tunay na maunawaan ng sangkatauhan at mapahalagahan ang kalooban ng Diyos para sa kanila. Ito ay upang makausad ang mga tao sa isang bagong hakbang sa kanilang pagkakilala sa Diyos. Maibabalik rin nito ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng mga tao, upang mabigyan Siya ng katarungan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin