Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain" | Sipi 6

Mayo 24, 2020

Hindi Mapapalitan ng mga Paniniwala ng mga Tao ang Katotohanan

May ilang mga tao ang may kakayahang tiisin ang mga paghihirap; kaya nilang magdusa; napakabuti ng kanilang panlabas na pag-uugali; iginagalang sila; at taglay nila ang paghanga ng iba. Ano sa tingin ninyo: Maaari bang ibilang itong uri ng panlabas na pag-uugali na pagsasagawa sa katotohanan? Masasabi niyo ba na ang taong ito ay nagbibigay-kasiyahan sa mga layunin ng Diyos? Bakit paulit-ulit tinitingnan at iniisip ng mga tao na ang ganitong uri ng mga indibidwal ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa Diyos, iniisip na lumalakad sila sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, na lumalakad sila sa landas ng Diyos? Bakit ganito ang pag-iisip ng ilang mga tao? Mayroon lamang isang paliwanag para dito. At ano ang paliwanag na iyan? Para sa napakaraming mga tao, ang mga katanungan na katulad ng ano ang ibig sabihin ng isagawa ang katotohanan, ano ang ibig sabihin ng bigyang—kasiyahan ang Diyos, ano ang ibig sabihin ng tunay na pagkakaroon ng reyalidad ng katotohanan—ang mga tanong na ito ay hindi masyadong malinaw. Kaya may ilang mga tao na madalas ay nalilinlang ng mga taong sa panlabas ay mukhang espirituwal, mukhang kagalang-galang, mukhang may matayog na mga imahe. Para sa mga tao na may kakayahang magpaliwanag ng mga liham at mga doktrina, at ang pananalita at pagkilos ay lumalabas na karapat-dapat para sa paghanga, hindi kailanman tumingin ang mga tagahanga nila sa diwa ng kanilang mga pagkilos, sa mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, ano ang kanilang mga layunin. At hindi sila kailanman tumingin sa kung tunay ba na sumusunod sa Diyos ang mga taong ito, at kung tunay ba silang may takot sa Diyos at iniiwasan ang kasamaan o hindi. Hindi nila kailanman naunawaan ang substansya ng pagkatao ng mga taong ito. Sa halip, mula sa unang antas ng pagkakilala, unti-unti, sila’y humanga sa mga taong ito, iginalang ang mga taong ito, at sa katapusan naging mga diyos-diyosan nila ang mga taong ito. Dagdag pa rito, sa isip ng ilang mga tao, ang mga diyos-diyosan na kanilang sinasamba, na pinaniniwalaan nila na kayang iwanan ang kanilang mga pamilya at mga trabaho, at kunwari’y nakahandang magdusa—ang mga diyos-diyosan na ito ang tunay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos, ang mga talagang makatatanggap ng isang magandang kalalabasan at isang mahusay na hantungan. Sa kanilang mga isip, ang mga diyos-diyosan na mga ito ay ang mga taong pinupuri ng Diyos. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng mga tao ng ganitong uri ng paniniwala? Ano ang diwa ng suliranin na ito? Ano ang mga kahihinatnan na maaari nitong kahantungan? Ang unang bagay na ating tatalakayin ay ang diwa nito.

Ang mga usapin tungkol sa mga pananaw ng mga tao, mga pagsasagawa ng mga tao, kung anong mga prinsipyo ang pipiliin ng mga tao na isagawa, at kung ano ang karaniwang binibigyang-diin ng lahat, sa totoo lang walang kinalaman ang lahat ng mga ito sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi alintana kung nakatutok ang mga tao sa mga mabababaw o malalalim na mga bagay, sa mga liham at mga doktrina o reyalidad, hindi sumusunod ang mga tao sa mga bagay na dapat sana nilang sinusunod, at hindi nila alam ang bagay na dapat sana nilang alam. Ang dahilan nito ay talagang ayaw lang ng mga tao sa katotohanan. Samakatuwid, ayaw lamang ng mga tao na maglaan ng panahon at pagsisikap para sa paghahanap at pagsasagawa sa mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Sa halip, mas gugustuhin nilang gumamit ng mga mabilisang paraan, at ibubuod ang naiintindihan nila, kung ano ang alam nila, upang maging mahusay na pagsasagawa at mabuting pag-uugali. Ang buod na ito ang magiging pansarili nilang tunguhin na itataguyod, magiging katotohanang isasagawa. Ang direktang resulta nito ay ang paggamit ng mga tao sa mabuting pag-uugali bilang isang kapalit ng pagsasagawa sa katotohanan, na tumutupad rin sa hangarin ng tao na manuyo ng pabor sa Diyos. Ito ang nagbibigay ng puhunan sa mga tao upang makipaglaban sa katotohanan, at makipagkatuwiran at makipagtalo sa Diyos. Kasabay nito, walang-prinsipiyong isinasantabi rin ng mga tao ang Diyos, at sa kanilang mga puso, ilalagay nila ang kanilang diyos-diyosan sa lugar ng Diyos. Mayroon lamang isang pinakasanhi na nagdudulot sa mga tao para gawin ang mga ignoranteng pagkilos, mga ignoranteng pananaw, o mga isahang-panig lamang na pananaw at mga gawi, at ibabahagi Ko sa inyo ngayon ang tungkol dito. Ang dahilan nito ay bagaman maaaring sundin ng mga tao ang Diyos, manalangin sa Kanya araw-araw, at basahin ang salita ng Diyos araw-araw, hindi nila talaga nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang ugat ng problema. Kung may nakauunawa sa puso ng Diyos, nakauunawa sa mga gusto ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos, kung ano ang tinatanggihan ng Diyos, anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng tao ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng pamantayan ang sumasaklaw sa mga hinihingi Niya sa tao, kung anong uri ng pamamaraan ang ginagamit Niya sa pagperpekto sa tao, maaari pa rin bang magkaroon ang taong iyan ng pansariling mga ideya? Maaari ba silang basta na lang pumunta at sambahin ang ibang tao? Puwede ba na ang isang ordinaryong tao ay maging diyos-diyosan nila? Kung nauunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos, ang kanilang pananaw ay mas makatwiran kaysa diyan. Hindi nila sasambahin nang basta na lang ang isang tiwaling tao, at habang naglalakad sila sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, hindi rin sila maniniwala na kapantay ng pagsasagawa sa katotohanan ang basta na lang sumusunod sa ilang simpleng alituntunin o prinsipyo.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger