Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan" | Sipi 3

Mayo 19, 2020

Maraming tao ang hawak ang salita ng Diyos para basahin araw-araw, hanggang sa puntong maingat na sinasaulo ang lahat ng mga klasikong talata roon na kanilang pinakaiingatang yaman, at higit pa rito ipinangangaral ang mga salita ng Diyos sa lahat ng lugar, tinutustusan at tinutulungan ang iba sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Iniisip nila na ang paggawa nito ay pagpapatotoo sa Diyos, pagpapatotoo sa mga salita Niya, na ang paggawa nito ay pagsunod sa daan ng Diyos; iniisip nila na ang paggawa nito ay pamumuhay ayon sa mga salita ng Diyos, na ang paggawa nito ay pagdadala ng mga salita Niya sa kanilang mga tunay na buhay, na ang paggawa nito ay magbibigay-daan para matanggap nila ang parangal ng Diyos, at maligtas at maging perpekto. Pero, kahit na nangangaral sila ng mga salita ng Diyos, hindi sila kailanman umaayon sa mga salita ng Diyos sa pagsasagawa, o sinusubukang iayon ang sarili nila sa kung ano ang ipinahayag sa mga salita ng Diyos. Sa halip, ginagamit nila ang mga salita ng Diyos para makamit ang paghanga at pagtitiwala ng iba sa pamamagitan ng pandaraya, para makapasok sa pamamahala nang sarili nila, at lustayin at nakawin ang kaluwalhatian ng Diyos. Umaasa sila, nang walang saysay, na gamitin ang pagkakataong ibinibigay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos, para magawaran ng paggawa ng Diyos at Kanyang parangal. Ilang mga taon na ang lumipas, nguni’t ang mga taong ito’y hindi lamang nabigong umani ng parangal ng Diyos habang ipinangangaral ang mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila walang kakayahang tuklasin ang daang dapat nilang sundan sa pagpapatotoo sa mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila hindi tumulong o nagtustos sa kanilang mga sarili habang tinutustusan at tinutulungan ang iba sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila walang kakayahang kumilala sa Diyos, o gisingin sa kanilang mga sarili ang tunay na paggalang sa Diyos, habang ginagawa ang lahat ng mga ito; pero sa kabaligtaran ang maling pagkaintindi nila tungkol sa Diyos ay lalong lumalalim, ang hindi nila pagtitiwala sa Kanya ay lalong lumalala, at ang mga naiisip nila tungkol sa Kanya ay lalong nagiging labis. Dahil mayroon silang tustos at patnubay na mga teorya tungkol sa mga salita ng Diyos, mukha silang masiglang-masigla, na para bang gumagawa gamit ang kanilang mga angking galֵíng nang walang kahirap-hirap, na para bang natagpuan na nila ang layunin nila sa buhay, ang misyon nila, at para bang nagkaroon sila ng bagong buhay at naligtas, habang ang mga salita ng Diyos ay malutong na namumutawi sa bibig kapag binibigkas, para bang nakamit nila ang daan sa katotohanan, natarok ang mga intensyon ng Diyos, at nadiskubre ang daan sa pagkilala sa Diyos, na para bang, habang ipinangangaral ang mga salita ng Diyos, madalas nilang makaharap ang Diyos. Isa pa, madalas silang “nauudyukan” na manaka-nakang tumangis, at, madalas na inaakay ng “Diyos” sa mga salita ng Diyos, mukha silang walang-tigil sa paghawak nang mahigpit sa Kanyang maalab na pagmamalasakit at mabuting intensyon, at kasabay noon natarok ang pagliligtas ng Diyos sa tao at ang Kanyang pamamahala, nakaalam sa Kanyang kakanyahan, at nakaintindi sa Kanyang matuwid na disposisyon. Batay sa ganitong pundasyon, tila mas lalo pa silang naniniwala na mayroong Diyos, na mas nakikilala nila ang Kanyang matayog na kalagayan, at mas nararamdaman nila nang malalim ang Kanyang kadakilaan at pagiging-higit-sa-lahat. Dahil babad sila sa mababaw na kaalaman sa mga salita ng Diyos, tila mukhang ang pananampalataya nila ay lumago, ang determinasyon nilang tiisin ang pagdurusa ay lumakas, at ang pagkakilala nila sa Diyos ay lumalim. Hindi nila alam, hangga’t hindi nila talagang nararanasan ang mga salita ng Diyos, ang lahat ng kaalaman nila sa Diyos at ang kanilang mga palagay tungkol sa Kanya ay galing sa kanilang sariling kathang-isip at haka-haka. Hindi tatagal ang pananampalataya nila sa anumang uri ng pagsusulit mula sa Diyos, ang kanilang di-umano’y espirituwalidad at tayog ay hindi talaga tatagal sa pagsubok o pagsusuri ng Diyos, ang kanilang paninindigan ay walang iba kundi isang kastilyong buhangin, at ang di-umano’y pagkakilala rin sa Diyos ay mga guni-guni lamang. Sa katunayan, ang mga taong ito, na wari ay, nagsisikap para sa mga salita ng Diyos, ay hindi pa kahit kailanman nakatanto kung ano talaga ang pananampalataya, ano ang tunay na pagpapasakop, ano ang tunay na pagkalinga, o ano ang tunay na pagkakakilala sa Diyos. Kinukuha nila ang teorya, imahinasyon, kaalaman, kaloob, tradisyon, pamahiin, at maging kagandahang-asal ng sangkatauhan, at ginagawa itong “kapital na pampuhunan” at “mga sandatang militar” para sa paniniwala sa Diyos at paghahabol sa Kanya, ginagawa pa ang mga ito na pundasyon ng kanilang paniniwala sa Diyos at paghahabol sa Kanya. Kasabay nito, kinukuha rin nila ang kapital na ito at mga sandata at ginagawa ang mga itong mahikang anting-anting para kilalanin ang Diyos, para katagpuin at labanan ang pagsusuri ng Diyos, pagsubok, pagkastigo, at paghatol. Sa katapusan, ang kanilang naipon ay walang iba kundi mga palagay tungkol sa Diyos na puno ng relihiyosong pakahulugan, mga sinaunang pamahiin, at lahat ng romantiko, katawa-tawa, at misteryoso, at ang kanilang paraan ng pagkilala at pagpapakahulugan sa Diyos ay gaya pa rin ng dati, tulad ng sa mga taong naniniwala lamang sa Langit sa Itaas o sa Matandang Tao sa Himpapawid, samantalang ang katotohanan tungkol sa Diyos, ang Kanyang kakanyahan, Kanyang disposisyon, Kanyang mga pag-aari at pagka-Diyos, at iba pa—lahat ng may kinalaman sa totoong Diyos Mismo—ay mga bagay na hindi nagawang matarok ng kanilang pag-alam, ay ganap na hindi-angkop at malayong magkaiba. Sa ganitong paraan, kahit na sila ay nasa ilalim ng pagtutustos at pangangalaga ng mga salita ng Diyos, sila magkagayunman ay hindi tunay na nakatahak sa daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama. Ang tunay na dahilan para dito ay hindi talaga sila nakakilala sa Diyos, at ni hindi rin sila kahit minsan nagkaroon ng tunay na pakikipag-ugnayan o pakikipag-isa sa Kanya, kung kaya imposible para sa kanila na makarating sa pakikipag-unawaan sa Diyos, o magising sa kanila ang isang tunay na paniniwala, paghahabol, o pagsamba para sa Diyos. Na dapat nilang isaalang-alang ang mga salita ng Diyos nang gayon, na dapat nilang isaalang-alang ang Diyos nang gayon—ang pananaw at saloobin nilang ito ang naging dahilan kaya walang bunga ang mga pagsisikap nila, kaya kailanman sa walang-hanggan hindi nila malalakaran ang daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama. Ang layunin na kanilang tinutudla, at ang direksyon na kanilang tinutungo, ay nagpapahiwatig na mga kaaway sila ng Diyos sa buong kawalang-hanggan, at na sa buong kawalang-hanggan hindi sila kailanman makakatanggap ng kaligtasan.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin