Tagalog Christian Music Video | "Ang Gawain ng Paghatol ay ang Linisin ang Katiwalian ng Tao"
Nobyembre 7, 2023
I
Bago ang tao'y natubos,
lason ni Satanas sa kanya'y natanim na.
Matapos ang libu-libong taon,
tao'y nadungisang lubos; likas na'ng
lumaban sa Diyos.
Kaya, nang siya'y tinubos, ito'y pagtubos lang
kung sa'n siya'y nabili sa mataas na halaga,
ngunit lason sa kanyang kalikasan
ay 'di pa naaalis.
Tao'y kay dungis at siya'y dapat magbago
bago maging karapat-dapat maglingkod sa Diyos.
Sa gawain ng pagkastigo't paghatol,
tao'y malalamang lubos
na maruming diwa't katiwalian
ay umiiral sa kanya,
kaya niyang ganap na magbago,
at maging malinis.
Sa gayon, magiging karapat-dapat
siyang humarap sa trono ng Diyos, sa trono ng Diyos.
II
Sa gawain ngayon
ng pagkastigo't paghatol at pati pagpipino,
tao'y mababago,
malilinis niya'ng katiwalian niya't
magagawang dalisay.
Yugto ng gawain ngayo'y
'di lang pagliligtas kundi paglilinis.
Ito'y panlulupig din,
ikalawang yugto ng pagliligtas,
na tao'y nakakamit sa paghatol.
Gamit ang salita para maghatol, magpino't maghayag,
ang karumihan, kuru-kuro, motibo, at ambisyon
sa puso ng tao ay naibunyag lahat.
Sa gawain ng pagkastigo't paghatol,
tao'y malalamang lubos
na maruming diwa't katiwalian
ay umiiral sa kanya,
kaya niyang ganap na magbago,
at maging malinis.
Sa gayon, magiging karapat-dapat
siyang humarap sa trono ng Diyos, sa trono ng Diyos.
III
Kahit tao'y natubos na't
kasalana'y napatawad,
'pagkat 'di lang 'to pinapansin ng Diyos,
ngunit tao'y nabubuhay sa laman,
'di matigil ang pagkakasala.
Paulit-ulit,
ihahayag niya ang tiwali't
satanikong disposisyon.
Karamihan ng tao sa araw ay nagkakasala,
para lang sa gabi'y mangumpisal.
Mabisa man sa tao ang
handog para sa kasalanan,
'di siya nito maliligtas sa kasalanan.
Kalahati lang ng pagliligtas ang natatapos,
'pagkat tao'y tiwali pa rin.
Sa gawain ng pagkastigo't paghatol,
tao'y malalamang lubos
na maruming diwa't katiwalian
ay umiiral sa kanya,
kaya niyang ganap na magbago,
at maging malinis.
Sa gayon, magiging karapat-dapat
siyang humarap sa trono ng Diyos, sa trono ng Diyos.
Tao'y hirap mabatid kasalanan niya;
'di niya makita'ng ugat ng kalikasan niya.
Umasa dapat siya sa paghatol ng salita
nang resultang ito'y makamit niya.
Sa gayon lang tao'y mababago
mula sa puntong ito.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video