Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Ang Pananalig ba sa Makapangyarihang Diyos ay Isang Pagtataksil sa Panginoong Jesus?
Pebrero 4, 2022
Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay nagpakita na at gumawa, nagpapahayag ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatuhan. Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na may milyon-milyong salita ay online na, nagniningning mula Silangan hanggang Kanluran tulad ng isang malaking liwanag, at niyayanig ang buong mundo. Parami nang paraming tao mula sa lahat ng bansa, rehiyon, at denominasyon na nagmamahal sa katotohanan ang nabasa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, narinig ang tinig ng Diyos, at sabik na tinanggap Siya. Lumalaganap at lumalawak ang ebanghelyo ng kaharian nang may ‘di mapigilang pwersa at lakas, ganap na tinutupad ang mga biblikal na propesiya na: "At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon" (Isaias 2:2). "Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27). Gayunpaman, marami pa ring mananampalataya ang hindi tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos dahil mukha Siyang pangkaraniwang tao at hindi Siya pumarito sakay ng isang ulap at nang may wangis ng Panginoong Jesus, o dahil hindi tinatawag na Jesus ang Makapangyarihang Diyos at hindi kailanman binanggit sa Biblia ang pangalang "Makapangyarihang Diyos." At kinokondena pa nga nila na ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay pagtataksil sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, hindi pa nila nasasalubong ang Diyos kundi ay bumagsak na sila sa mga sakuna. Kaya, ang pagtanggap ba sa Makapangyarihang Diyos ay talagang pagtataksil sa Panginoong Jesus o hindi? Sa episode na ito ng Paghahanap sa Tunay na Pananampalataya, mas marami tayong matututuhan tungkol sa pagpapakita at paggawa ng Diyos, at masusubukan nating hanapin ang kasagutan.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video