Tagalog Christian Song | "Ang Diyos Ba ay Kasingsimple ng Sinasabi Mo?"
Setyembre 10, 2026
I
Hindi lang ang Espiritu ang nakita ng mga tao sa loob ng maraming taon at hindi lamang isang tao, isang lalaki, kundi maraming bagay rin na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao; sa gayon, hindi Ako kailanman lubos na naaarok ng mga tao, at patuloy silang nag-aalinlangan sa Akin—na para bang umiiral nga Ako, subalit isa ring ilusyong panaginip—kaya nga, hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng mga tao kung ano ang Diyos. Talaga bang maibubuod mo Ako sa isang simpleng pangungusap?
II
Talaga bang nangangahas kang sabihing, “Si Jesus ay walang iba kundi ang Diyos, at ang Diyos ay walang iba kundi si Jesus”? Napakatapang mo ba talaga para sabihing, “Ang Diyos ay walang iba kundi ang Espiritu, at ang Espiritu ay walang iba kundi ang Diyos”? Nangangahas ka bang sabihing, “Ang Diyos ay isang tao lamang na dinamitan ng laman”? May tapang ka ba talagang igiit na, “Ang wangis ni Jesus ay ang dakilang wangis ng Diyos”? Nagagawa mo bang gamitin ang iyong kahusayan sa panitikan para ipaliwanag nang lubusan ang disposisyon at wangis ng Diyos?
III
Ngayon talaga bang alam mo kung ano ang Diyos? Tao ba ang Diyos? Espiritu ba ang Diyos? Lalaki ba talaga ang Diyos? Si Jesus lamang ba ang maaaring kumompleto sa gawaing gagawin Ko? Kung isa lamang sa mga nabanggit ang pipiliin mo para ibuod ang Aking diwa, isa kang debotong mananampalataya na labis na mangmang.
IV
Kung minsan Ko lang ginawa ang gawain ng pagkakatawang-tao, lilimitahan ba ninyo Ako? Mauunawaan mo ba talaga Ako nang lubusan sa isang sulyap lamang? Maibubuod mo ba talaga Ako nang ganap batay sa kung ano ang naranasan mo sa buong buhay mo? Kung pareho ang gawaing ginawa Ko sa Aking dalawang pagkakatawang-tao, ano ang magiging tingin ninyo sa Akin? Hahayaan ba ninyong manatili Akong nakapako sa krus magpakailanman? Maaari bang ang Diyos ay maging kasingsimple ng sinasabi mo?
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkakilala Mo sa Diyos?
Iba pang mga Uri ng Video