Tagalog Testimony Video | "Sa Pagbitiw sa Katayuan, Ako ay Napalaya"

Enero 15, 2022

Ang pangunahing karakter ay may tungkuling mamuno sa iglesia. Nang mapansin niya na mahusay ang pagbabahagi ni Sister Han, at mas magaling pa kaysa sa kanya, natakot siyang maging banta ito sa kanyang posisyon, kung kaya't nagsimula siyang kumilos laban kay Sister Han. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtanto niya na madalas siyang nagpapasikat sa kanyang tungkulin upang tingalain siya ng iba, at ang hindi pagsasali at ang paniniil sa iba para sa kapakanan ng kanyang sariling katayuan at kapangyarihan ay isang pagpapahayag ng anticristong disposisyon. Ito ay isang bagay na kasuklam-suklam at kinamumuhian ng Diyos. Napuno siya ng panghihinayang at nanalangin at nagsisi siya sa Diyos. Sa kanyang mga sumunod na pakikitungo sa mga kapatid, nagawa niyang tanggapin at magpasakop sa kanilang mga kapaki-pakinabang na mungkahi, at hindi na siya nakikipaglaban para sa sarili niyang pangalan at benepisyo. Napagtanto niya na ang pagganap sa kanyang tungkulin nang hindi napipigilan ng katayuan ay lubos na nakapagpapalaya at nakapagpapakalma.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger