Tagalog Testimony Video | "Hindi Ko Kailangan ang Iyong Pangangasiwa"

Setyembre 16, 2022

Ang bida ay isang debotong Kristiyano at masigasig na naglingkod sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Kalaunan, matapos niyang mabasa ang marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natiyak niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos, nakilalang Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus, at malugod na tinanggap ang Kanyang ebanghelyo ng mga huling araw. Inisip ng bida na bihasa sa Bibliya ang pastor at madalas nitong sinasabi sa mga mananampalataya na abangan ang pagbabalik ng Panginoon, kaya pagkatapos marinig ang balita ng pagbabalik ng Panginoon, tiyak na sisiyasatin nito iyon. Gayunpaman, hindi ito inimbestigahan ng pastor, bagkus nagpakalat ng mga maling paniniwala upang guluhin ang mga tao sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Binantaan pa siya nito na patitigilin ang kanyang paglilingkod at ititiwalag siya para bitiwan niya ang kanyang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos, malinaw niyang nakita ang tunay na mukha ng pagiging mapagpaimbabaw at pagsalungat sa Diyos ng mga pastor at elder. Sinabi niya sa pastor, “Personal kong kalayaan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi ko kailangan ang iyong pangangasiwa!" Pagkatapos niyon, mas naging matatag siya sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger