Tagalog Testimony Video | "Paano Naging Transaksyonal ang Aking Tungkulin"

Oktubre 16, 2021

Masigasig na iginugol ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili sa kanyang tungkulin mula nang magsimula siyang maniwala sa Diyos. Pagkatapos noong 2017, sinabi sa kanya ng lider na magpagaling sa bahay dahil sa isang malalang problema sa mataas na presyon ng dugo. Natakot siya na kung walang tungkulin na gagampanan, hindi siya magkakaroon ng magandang hantungan. Namuhay siyang puno ng mga reklamo at maling pagkaunawa. Sa pagpapayo at pagwawasto ng isang sister, at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya na nanalig siya sa Diyos para magkamit ng mga biyaya, na nakikipagtransaksyon siya sa Diyos. Naging handa siyang pakawalan ang pagnanais na pagpalain at magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Ngunit kalaunan, matapos mahalal bilang isang lider ng iglesia, nang lumitaw ang mga pagkakamali sa gawain niya, nag-alala siya na ang mga karagdagan pang problema ay makakaapekto sa kanyang kinabukasan at hantungan, at ninais niyang bitawan ang kanyang tungkulin. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nalaman niya na ginagawa niya lang ang kanyang tungkulin para maghanap ng mga biyaya, hindi para hanapin ang katotohanan, at isa itong landas na salungat sa Diyos. Naging handa siyang magsisi sa Diyos at gawin nang maayos ang kanyang tungkulin upang suklian ang pagmamahal ng Diyos, pagpalain man siya o sumpain sa huli.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger